CHAPTER 14
Second Power
Her Pov
Nakaramdam ako ng gutom ng magising ako kanina sa garden, hindi ko namalayan na napatagal pala ang idlip ko.
Napahikab pa ako habang naglalakapad papunta sa Cafeteria nang makapasok ako sa pinto ng cafeteria napataas ang kilay ko sa nadatnan ko.
Kahit pala dito may ganito ding nangyayari.
"Bulag Kaba at hindi mo ako napansin!" Naipasok ko ang kamay ko sa bulsa ng palda ko habang nakatayo pa din, taimtim lang akong nakikinig sa palabas.
Napansin ko din na halos lahat ng estudyante nakatingin na sa kanila at hindi man lang tinutulungan yung babae.
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko naman sila Lily. Kinawayan niya ako at sinabing pumunta ako don.
Naglakad ako papalapit sa kanila at nang malapit na ako bigla nalang naramdaman kong may basang tumama sa akin.
"Omy god! Ayanah!" Dinig kong sigaw ni Lily. Naipikit ko ang mata ko dahil sa pagtitimpi.
Tinignan ko ang tumapon sa akin ng juice at nakangisi na siya ngayon siya din yung bumubully sa babae kanina.
"Paharang harang ka kasi" parang mas lalong sumama ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.
"The last time I check hindi ako nakaharang and for your information malapad ang daanan!!" Diin at malakas na sabi ko sa kaniya.
Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga estudyante. Bakit ngayon lang ba sila nakakita ng isang tao na kayang makipagsagutan sa babaeng to?
I saw an amusement in her face. Mas lalong kumunot ang noo ko nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang para.
"You're just.... ordinary" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Just like her...patapon" parang isang plaka sa utak ko at paulit ulit na naririnig ko ang sinabi niya.
"Anong sabi mo?" Inis na tanong ko. Nginisihan niya naman ako at mas linapit ang sarili sa akin.
"Na ano...patapon? Patapon kanaman talaga. Hindi ko nga alam kung paano ka naging pinsan nila prinsipe Hance" parang nangangati naman ang kamay kong sampalin siya.
"Kung hindi ako pwedeng maging pinsan nila...sino ba dapat ang pwede?...ikaw?" Paghahamon ko sa kaniya. Akala niya uurungan ko siya. Kahit hindi ko siya kilala pasalamat siya at nakakausap niya ako.
Mahal ang bayad sa akin girl! Napansin ko naman ang pagkainis sa mukha niya. Oh! Patas na kami ngayon.
"Clouie!! Tumigil kana!" Rinig kong awat ni Lily. Pero mukhang walang pake ang isang to dahil naramdaman ko nalang na tumilapon ako.
"Fuck!" mura ko dahil sa sakit ng likod ko. Halos hindi ako makatayo dahil sa impact ng pagkakatapon sa akin. Pag ako nabalian ng buto, babalian ko siya ng kamay para patas.
"AYANAH!!" Sigaw ni Lily sa pangalan ko at naramdman ko nalang na dinaluhan niya ako.
"Ayos kalang?" Alalang tanong niya sa akin.
"S-a tingin mo?" Pamimilosopo ko. Kita na ngang hirap na hirap na ako tapos tatangungin pa ako non.
Napanguso naman siya at tinulungan akong makatayo.
"Ouch!" Napatingin kami sa pwesto nila Clouie at nakita ko nalang nahawak hawak na ni Hance ang kamay niya ng mahigpit.
Halos hindi ako makapagsalita dahil kaagaw agaw pansin ang madilim na mukha ni Hance.
"He's mad" bulong ni Lily.
"Why?"tanong ko sa isipan dahil hindi ko alam kung anong reason kong bakit galit na galit siya ngayon.
"You don't have the rights to hurt her" Diin at seryosong saad ni Hance. Halos lahat kami hindi makapaniwala. Napansin ko ang pamumutla sa mukha ni Clouie habang namimilipit sa sakit.
"Prince Hance. Na-sasak-tan ako"
"Talagang masasaktan ka kapag inulit mo pa to...nagkakaintindihan ba tayo?" Mabilis na tumango si Clouie at nakahinga ako ng maluwag ng pakawalan na siya ni Hance.
Mabilis na umalis si Clouie kasama ang mga alipores niya. Napansin ko namang nakatingin sa gawi ko si Hance. Pero ganon nalang ang pagtataka ko ng tahimik siyang umalis at hindi man lang nagsalita.
"What was that?" Takang tanong ni Lily. Nagkibit balikat naman ako sa kaniya.
Napansin ko namang lumapit sa amin si Sheena. "Ayos Lang kayo?" Tanong niya. Tumango naman ako sa kaniya.
"Mabuti nalang..kinabahan kami kanina.." napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi niya.
"Dapat talaga parusahan na yung si Clouie. Ang daming estudyante na ang binully niya" inis na Sabi ni Lily.
"Wala naman tayong magagawa...mataas ang ranggo niya dito sa Academy kaya hindi siya pwedeng parusahan" napailing nalang ako dahil maling mali ang patakaran ng paaralang to.
"Tara na...gusto ko nalang matulog muna." Nawalan na ako ng ganang kumain. Amoy na Amoy ko pa din ang Juice na tinapon sa akin ng lintik na babaeng yun.
"Hatid ka na namin" hinayaan ko nalang sila sa gusto nilang gawin. Akmang hahakbang na ako ng biglang may naramdaman ako sa paa ko.
Takang tinignan naman ako ng dalawa dahil hindi ako gumagalaw.
"May problema ba?" Tanong ni Lily. Mabilis ko namang tinuro ang paa ko at taka nilang tinignan Yun..
Kapansin pansin doon ang mga baging ng halaman na nakapulupot sa dalawa kong paa.
"Saan nanggaling yan?" Takang tanong ni Sheena at yumuko upang tignan ito ng mabuti.
Mabilis akong umiling sa kanila. "Hindi ko alam..bigla nalang hindi ako makagalaw dahil diyan"
"Alisin nalang natin" sabay nilang inalis ang baging sa paa ko at hindi naman sila nabigo.
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko dito sa dorm ng academy. Nakatingin lang ako sa kesame at inisip pa din ang nangyari sa cafeteria kanina.
Nagtataka pa din ako kung saan nanggaling ang baging na yun. Wala naman akong napansin na malapit na halaman sa pwesto namin kanina.
Sirang Mesa at upuaan lang naman ang nandoon dahil sa pagtilapon ko.
Bumangon ako sa pagkakahiga at sinilip ang paa ko. Tinignan ko ito ng mabuti at halos lumaki ang mata ko dahil may napansin ako.
"Ano to?" Kinuha ko ang isang halaman na nakadikit sa paa ko.
"What the hell!!" Mura ko dahil totoong halaman siya. Tinignan ko ulit ang paa ko at ngayon my tumutubong dahon na naman.
"Tangina..anong nangyayari sa akin?"
"Ayanah" tinignan ko si Lie. Mukhang naramdaman niya din ang nangyayari sa akin kaya siya lumabas sa kwentas.
"Lie!!! Ang paa ko" turo ko sa kaniya. Tinignan niya ito.
"Ayanah!! Magiging Puno kana ba?" Napatigil naman ako sa pagpapanik dahil sa sinabi niya.
"Anong Puno?"
"Ayan! Tinutubuan kana ng mga dahon! Sabihan mo Lang ako kapag anong klaseng puno kana...inaantok pa ako..bye" halos mapanganga ako sa sinabi niya at huli ko nang mapansin ng maglaho na siya.
"Tangina!" Malutong na mura ko. Halos hindi ko na alam ang gagawin ko habang nakatingin pa din sa paa ko.
"Paano na to?" Inis na inis na ako dahil may napapansin na din akong mga ugat na lumalabas sa paa ko.
"Think Ayanah!" Pagpapakalma ko sa sarili. Pumikit ako at inisip na mawawala na tong mga dahon na to.
"Please..be gone" I murmured. Ilang sandali lang nagmulat ako at tinignan ulit ang paa ko
"Oh god! " Pagpapasalamat ko dahil nawala ang mga dahon sa paa ko.
"Shit!! Antok Lang seguro to" Kung ano ano na ang nakikita ko dahil sa pagod. Humiga nalang ako ulit at pinilit na makatulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top