CHAPTER 13
First Power
Ayanah POV
Gabi na and still I'm here at the clinic. Hindi ako pinayagang makalabas ng Doctor nila dahil mahina pa din daw ang katawan ko.
Hindi ko naman kasi alam na napasubra pala ang paglabas ng ability ko kanina at na drain nang husto ang power ko.
Mag isa lang ako ngayon at iniwan na muna ako nila Lily. Paalam nila sa akin na kukuha lang sila ng mga pamalit nila dahil gusto nila akong samahan dito ngayon, about kay Hance naman. Simula nang pumunta siya office ni Headmistress hindi pa din siya pumunta dito sa akin.
Ano namang pake ko kung hindi niya ako puntahan, baka nga nandon pa din yun sa Jessica na yun at kung ano anong ginagawa nila. I don't care...Hindi siya importante para pag tuunan ko ng pansin.
"Lie" tawag ko kay Lie at bigla naman siyang lumabas. Napansin ko pa ang paghikab niya mukhang naistorbo ko ang pahinga niya
"Why did you call me?" She ask at umupo sa kandungan ko.
"Gusto ko lang magtanong if may iba pa ba akong ability?" Nagtataka lang kasi ako akala ko Mind Reading lang ang Ability ko pero ngayon may Telekinesis na din.
"I don't know... Dapat ikaw ang makaalam niyan" Napatahimik naman ako dahil mas wala palang alam kaysa sa akin itong alaga ko.
"Nauuhaw ako" saad ko sa kaniya at akmang tatayo na ng maramdaman kong nababasa ang kamay ko.
"Eh? Umihi kaba Lie?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Hindi ah!" Mabilis na sigaw niya sa akin. Tinignan ko naman ang kamay ko at halos manlaki ang mata ko dahil bigla nalang parang gripong lumabas ang tubig don.
"Wahhhhhh!!" Sigaw ko at nilayo ang kamay ko sa mukha ko. Shit!
"Ayanah nababasa ako!!" Mabilis ko namang iniwas kay Lie ang kamay ko dahil di ko napansin na sa kaniya ko pala naitapat Ito.
"Pasensya na lie" hingi ko ng sorry. Ngayon tahimik kaming nakatingin sa dalawang kamay ko na umaagos pa din ang tubig.
Basang basa na din Kaming dalawa. At halos lahat ng gamit dito sa loob nang Clinic basa na din. Kulang nalang magkaroon ng baha kapag hindi pa to tumigil.
"How can we stop this?" Naiinis na tanong ko kay Lie. She shrugged her shoulder at umupo sa balikat ko.
"Why don't you think na tumigil yan" utos niya sa akin. Napaisip naman ako. Wala namang mawawala kung susubukan ko.
Pumikit ako at inisip na parang nasarang gripo ang kamay ko. Kalaunan napansin ko namang parang wala nang may lumalabas sa kamay ko kaya napamulat ako at tinignan ito.
"Wahhh nagawa ko!" Sigaw ko at pinakita kay Lie. Nag thumbs up naman siya sa akin at ngumiti.
"Wow! Anong nangyari dito?" Napatingin kami sa kakapasok lang. Napakamot ako sa batok ng mapansin kong nakatingin na silang lahat sa akin.
"Anong nangyari dito? Bakit basang basa kayo?" Takang tanong ni Lily. Nakita ko pang dinampot niya ang isang kutson na basa na at tinabi sa gilid.
"Hindi ko din alam. Bigla nalang may lumabas na tubig sa kamay ko tapos hindi ko napatigil kaagad" pagkukwento ko sa kanila. Napansin ko naman ang pagtigil nila at napatingin sa akin na gulat na gulat.
"Tubig?" Takang tanong ni Bryle, tumango naman ako sa kaniya.
"Tama ba yung dinig ko Ayanah? May lumabas na tubig sa kamay mo?" Ulit na tanong ni Sheena. Sa pangalawang pagkakataon tumango ako bilang sagot.
"H-ow?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Lily. Nalilito na ako sa kanila.
"Anong problema don?" Takang tanong ko.
"What kind of water that you feel Ayanah? Mainit ba? Cold? Warm? Acid? What?" Sunod sunod na tanong ni Sheena.
"W-arm?" Di siguradong sagot ko. Hindi ko naman kasi pinakiramdaman yun kanina nabigla din kasi ako.
Napansin ko naman ang pagkahinga nilang tatlo.
"Teka ano ba talagang problema?" Tanong ko. Nalilito na din kasi ako.
"Kasi Kung tubig ang lumabas na Power mo that's mean your elemental user. May kaniya kaniyang Klase ng Water User. Pwedeng ang Power nila ay Cold water.. that can also turn to ice..then Hot water na kayang makapaso kagaya ng apoy. The warm water which is the friendly of all and the last is the acid water..which is the dangerous class" pag-eexplain ni Sheena. Napatango naman ako.
"Kinabahan lang Kami kanina baka kasi Acid Class ang lumabas sayo"
"Ganon pala hindi naman siya acid wala din naman kaming naramdamang kakaiba ni Lie " sagot ko.
"Ang mabuti pa magpalit kanalang ng damit at aayusin na muna namin tong clinic. Baka pagalitan tayo nila Doc kapag pumasok sila dito" napatawa naman ako dahil sa sinabi ni Bryle.
"Mabuti pa nga" bulong ko at gumayak na papuntang banyo para magpalit.
I'm here at the Garden in Academy. Nakalabas na ako kaninang umaga at ngayon gusto ko lang mag-ensayo about my power.
Naninibago pa din kasi ako, minsan hindi ko na napapansin na lumalabas lang ng kusa ang kapangyarihan ko tapos meron ding oras na hindi na.
"Lie... Can I call Aqua?" Tanong ko Kay Lie na kanina pa kumakain.
"Sure" napangiti naman ako. Bigla nalang umilaw ang katawan niya at ngayon nasa harapan ko na si Aqua.
"Hi Ayanah!" Bati niya sa akin.
"Hi Aqua... Can you help me about my Power?" Paghihingi ko ng pabor, napansin ko naman ang pagsigla nang mukha niya at mabilis na lumipad sa tapat ko.
"Sure!!..sure!!.." ang sigla talaga nang alaga kong to.
Nagsimula na siyang turuan ako. Tinuro niya sa akin kung paano ko kokontrolin ang power ko. She said to me that I need to feel the energy of the water. And feel the energy from the nature.
"Concentrate Ayanah" dinig kong sabi ni Aqua, ngayon pilit kong kinokontrol ang water ball na nasa harapan ko.
Sabi niya sa akin kailangan hindi pumutok Ito at bumagsak.
Pakiramdam ko ang bigat bigat ng pinapasan ko sa subrang hirap. Halos tagaktak na din ang pawis ko.
"Nice!!" Dinig kong palakpak niya ng tuluyan ko nang mapalaki ang water ball at mapanatili sa ere.
"This time...try to control the water on that lake at ipaikot mo sa water ball mo" sinunod ko naman ang utos niya at tinuon ang paningin sa tubig na nasa lawa.
Napansin ko ang unti unting pag angat ng tubig at umikot Ito sa water ball. Napangiti ako ng magtagumpay ako.
"I think makakaya mo nang magensayo na magisa, you already learned the basic "
"Thank you Aqua" after I said that bigla nalang siyang naglaho at pabagsak akong nahiga sa damuhan.
"Wahhhhba ang sakit ng katawan ko!!" Sigaw ko dahil parang binugbog ang katawan ko.
"Let me rest.. yah I want to rest" bulong ko sa kawalan at pinikit ang mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top