CHAPTER 12
Training
Ayanah POV
"Before I forget tomorrow will be the start of our monthly ranking. This ranking will not be the same like the last time. Lahat ng mga estudyante ba-baba ang ranggo ay ililipat sa ibang section" matapos sabihin ni Master Kelly yun narinig ko naman ang bulong bulungan ng mga kaklase ko.
Ako naman nagtaka tungkol sa Monthly Ranking na yan. Hindi ko kasi alam kong anong gagawin bukas.
"So after this class you should need to train hard and don't let me disappoint as your Teacher" na pressure naman ako. Kibago bago ko palang dito pakiramdam ko ako ang magiging kawawa.
"If you don't have any more questions...then class dismissed" napansin kong tumayo silang lahat kaya gumaya din ako.
"Good bye Master Kelly" halos mataranta naman ako ng bigla silang nag bow lahat. Tangina daming epal ng mundo nila, sa mundo nang mga tao naguunahan na seguro ngayon sa pag labas nang room ang mga kaklase ko.
Nang makapagpaalam na kami kay Master Kelly napaupo naman ako sa upuan ko.
"What should we do?" Napatingin ako kay Lily dahil bigla siyang nagsalita. Nagtaka ako dahil nakikita kong nag-aalala siya.
"Bakit? Ano bang meron sa Monthly Ranking na yan?" Tanong ko sa kanila.
"In this school. Every student here under go a monthly ranking at kagaya ng sinabi ni Master Kelly kanina. This Ranking na-iiba sa lahat dahil may posibilidad na malipat ka ng section" napatango naman ako kay Sheena dahil naiintindihan ko na.
"Ibig sabihin kapag hindi nakapasa. Maaaring lumipat?" Sabay silang napatango sa akin.
"How about me?" I ask. Kasi naman bago lang ako dito. Baka naman may exception diba?
"Kasali ka Ayanah" malungkot na saad ni Lily. Halos manlumo ako dahil sa narinig.
"A-no bang ginagawa sa Monthly Ranking?"kabado kong tanong.
"It's a Battlefield" Napabaling ang paningin ko kay Hance dahil sa sinabi niya.
"Ba-ttle-field?" tangina hindi man lang sinabi sa akin na mapapasabak ako sa labanan sa mundong ito? parang dito na yata ako paglalamayan.
"And there's a possibility na mamatay ka sa laban kapag hindi ka nanalo" Naramdaman kong hinawakan ni Lily ang braso ko
"Don't worry Ayanah.. were here, tutulungan ka namin" ngumiti naman ako ng bahagya sa kaniya, kahit kabado kailangan kong maging matapang.
"Salamat" after I said that I just let out a heavy sigh, iniisip ko palang kung tama ba tong pinasok ko? Para yatang maganda pang magpa-alipin sa pinsan ko kaysa tumira dito.
Nandito kami ngayon sa training field, may ilan ilan din akong nakikitang students at kasama ang mga FaeFairy nila na nagsasanay.
"You should first know your true power Ayanah" nakuha ng atensyon ko ang sinabi ni Sheena.
"True power?"
"Meron ba ako non?" Mukhang napalakas ang sabi ko dahil takang napatingin sa akin si Sheena.
"Anong sinasabi mo? Of course you have" napakamot naman ako sa ulo ko dahil mukhang sila pa yata ang nakakaalam sa akin.
"First you need to feel it. Feel the energy from your body. Doon mo malalaman at mapapalabas ang kapangyarihan mo" para naman akong tangang nakatingin at nakikinig sa kanila.
Hindi ko kasi alam paano sisimulan, napansin ko naman ang pagbuntong hininga ng dalawa sa harapan ko.
Bigla namang may narinig kaming pagsabog, napatingin kami sa bandang kanan namin at doon natanaw ko ang dalawang taong naglalaban.
"Nagsisimula na naman sila" dinig kong bulong ni Lily.
"Prrftt. Wala nang bago" sagot ni Sheena sa kaniya. Halos sabay silang dalawa na napailing dahil sa nasaksihan.
Tinignan ko ulit si Bryle at Hance na parang naglalaro lang at nagpapalitan ng atake. Halos mamangha ako dahil sa mga kapangyarihan na lumalabas sa kamay nila.
"Ayanah.. kailangan mo nang magsimula..just close your eyes and concentrate" sinunod ko naman ang utos ni Sheena at pumikit na
After I close my eyes. Parang nabalot ako ng katahimikan. Wala akong marinig at halos purong itim Lang ang nakikita ko.
"Ayanah" nilibot ko ang paningin ko ngunit wala akong makita.
"Ayanah" tawag nang kung sino. Naramdaman kong may kakaiba sa katawan ko. Bigla nalamang akong napaluhod at kumikirot ang dibdib ko.
Nahihirapan na din akong makahinga dahil sa hindi ko alam na pangyayari.
"Ayanah"
"S-ino Ka?" Hirap man pinilit kong magsalita. Habol ang hininga pilit ko siyang hinanap.
"Ayanah" tangina! Mas lalo pang tumindi ang sakit sa dibdib ko at pakiramdam ko may gustong lumabas doon
"S-hit ..Ahhhhhhhh" sigaw ko dahil sa matinding sakit.
Gusto ko nang umiyak dahil hindi ko na kaya.
"A-hhhh! Ma-ke it s-top!! Ahhhhhhh" sigaw ko halos nakahiga na ako.
"Ayanah..." Huling dinig ko bago ako lamunin ng kadaliman.
Nagising ako na nandito na ako sa isang silid. Hindi ko alam kung nasan ako, dahan dahan akong bumangon at parang nanunuyo ang lalamunan ko.
Napatingin ako sa tubig na nasa tabi ko. Inabot ko iyon but to my surprise kusang lumapit sa akin ang baso.
Halos mabitawan ko na ito dahil sa pagkabigla.
"Shit!" Mahinang mura ko. Tinignan ko ang kamay ko dahil baka may sa alien ding pumasok sa akin. Katulad sa napanood, ko yung parasite.
Tinaas ko ulit ang kamay ko at pilit na inabot ang malapit na Flower Vase and to my surprise kagaya din kanina, kusang lumutang ito at lumapit sa akin.
Hindi ako nanaginip? totoo talagang nakakapagpalutang ako ng gamit.
"Ayanah!!" Bigla nalang may dumamba sa akin at si Lily lang pala
Napansin ko ding kasama niya sila Sheena at Bryle. Napatingin ako sa likuran nila at nagtaka ako dahil wala si Hance.
"He's not with us. Nasa Headmistress office siya ngayon" parang sumama pa yata lalo ang pakiramdam ko dahil sa nalaman.
Napatingin ako Kay Lily dahil napansin ko ang pag-ngisi niya sa akin.
"Wag Kang mag-alala sayo uuwi yun" halos mapanganga ako sa sinabi niya
"Anong pinagsasabi mo?" Bigla niya namang sinundot ang tagiliran ko.
"Don't deny it. Gusto mo namang marinig yun" napangiwi nalang ako dahil inaasar niya na naman ako.
"Prrftt...don't worry Ayanah... he's there to let headmistress know about what happened to you" natatawang sabi ni Bryle, isa pa to pag untugin ko kaya silang dalawa ni Lily.
"Hindi naman kailangan ipaalam pa kay Headmistress ah" nakanguso kong saad. Hindi ko talaga alam sa sarili ko pero kapag naririnig ko ang tungkol sa kanilang dalawa naiinis ako.
Pakiramdam ko kumikirot ang dibdib ko. "Lalim ah" napalayo naman ako dahil ang lapit ng mukha ni Lily sa akin. Tinulak ko naman siya at napatawa pa.
"So how's your feeling?" Pagtatanong ni Sheena. Buti pa to matino sa kanilang tatlo.
"Medyo kakaiba Lang... Bigla nalang kasing maykakaibang nangyari after I woke up" I said to them. Napansin ko naman ang pag-kataka sa kanila.
Napabuntong hininga ako at kinuwento ang nangyari. Nabalot kami ng katahimikan after I tell them.
"Hmm..I think that's your ability" seryosong saad ni Bryle.
"Sabi mo nakakapagpalutang ka ng mga bagay bagay?" Tanong ni Sheena. I nodded my head.
"Then your ability is telekinesis"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top