CHAPTER 1
Meeting her
Her Pov.
I woke up because of this damn alarm clock. Sino na naman ba ang naglagay nito dito? Hindi ba sila nakakaintindi na ayaw ko nang ginigising ako at nauudlot ang tulog ko.
"Milady gising na po!" Dinig Kong sigaw ni manang sa labas ng kwarto ko. Nagtaklob ako ng kumot dahil gusto ko pang matulog. Bakit Kasi kailangan pang pumasok nang napakaaga. Pwede Naman sa afternoon class nalang diba.
"5 minutes manang!! Give me 5 minutes at iidlip Lang ako!" Balik na sigaw ko Kasi hindi ako non maririnig kapag mahina lang ang boses ko. Bingi kasi si manang kaya ayan kapag naguusap kami kailangan nagsisigawan.
"Milady gising na po. May pasok pa po kayo ng 8:30!" Mabilis kong inalis ang kumot na nakatabon sa mukha ko at dahang dahang bumangon. Ang sakit nang leeg ko parang Hindi yata maganda pwesto ko sa pagkakatulog.
Kinuha ko ang phone ko at tama nga si manang 8:30 na nga, pero wala akong pake ok Lang naman seguro kapag na late ako.
Tumayo na ako at pinagbuksan si manang nang pinto. Bumungad ang nakangiting mukha niya habang may bitbit na uniform. Napangiwi ako nang makita ko na naman ang napakaikling palda ng school.
"Wala na bang ika-iikli pa yan?" I whispered to myself.
"Huh? May sinasabi Ka Milady?" I let out a heavy sigh. " Wala po manang, maliligo na po ako" paalam ko sa kaniya sabay kuha ng uniform ko. Mabilis Kong sinara ang pinto ko at tinapon ang uniform sa kama. I stared for it for a last time halos pumasok sa isip ko na sunugin na ito, but before I do it pumasok na ako sa banyo.
After I took a bath, now I looked at mirror at napasimangot ako dahil nakikita ko na naman ang nakapa ikling palda. Sasabihan ko na talaga ang administration ng school na papalitan na tong uniform na to kaya ang daming nababastos sa school eh.
Bumaba na ako at nakita ko si manang na naghahain na nang breakfast sa mesa. Nakita ko naman si Mom at Dad na tahimik na kumakain. Ano pa bang bago, ganito naman daily routine ko sa buhay.
"Morning" bati ko pero wala akong makuhang bati sa kanilang dalawa. Nakita ko naman ang malungkot na tingin sa akin ni manang. Hinayaan ko nalang yun at sinimulan nang kumain.
Nang matapos na ako. Hindi na din ako nagpaalam pa dahil mukhang hindi nga nila ako napansin na kasabay nilang kumain. Everyday busy nalang silang dalawa na kahit sa bahay busy pa din sila.
Pagkalabas ko sa bahay sumakay na ako sa scooter ko. I don't need to use car para lang makapunta sa school ang lapit lapit lang naman at gastos lang sa gasolina. Mahal na Kaya gasolina ngayon.
Hindi naman ako kagaya ng ibang students na kailangang ipaglandakan ang mamahalin nilang sasakyan para masabing may pera sila. Ano naman kung may pera kung wala namang utak. San ka pupulitin kong maubos mo na ang pera mo? Diba sa kangkungan.
Meron naman akong mga sasakyan. Halos nga hindi ko nagagamit. Mas gusto ko pa din ang scooter kasi natatanaw ko yung tanawin at ang ganda ng sikat ng araw sa umaga.
I haven't introduce my self yet. I'm Ayanah Lie Montes. 17 years old and currently taking up Bachelor Of Science in Business Administration. If you want to know about my bio no need. The first word that you should describe me is ampon. Yes I'm an orphan at Hindi ko tunay na magulang ang nagpalaki sa akin ngayon.
Nang makarating ako sa school. Ayan na Naman pinagtitinginan na naman nila ako. Ako Lang yata ang nagiisang student na gumagamit pa din ng scooter ngayon. Dagdagan mo po ang malaking salamin ko na suot ko araw araw. Diba totally Nerd ang get up ko.
Hindi ko na pinansin ang nagbubulungan estudyante dahil dinig na dinig ko ang mga pinagsasabi nila. Naglakad Lang ako sa school ground nang tahimik habang nakatingin sa paligid ko.
Agaw pansin ang lahat ng basketball player na nakatambay sa isang mamahaling sports car. I admit na gwapo silang lahat pero red flag. Kaya wag nalang.
Kaharap nila ang mga babaeng nakasuot Ng maiikling palda. The cheer leading sqaud. Ang iba nagpapaganda while the others are currently flirting to the basketball players. Players nga namang totoo.
Nilagpasan ko nalang sila at dumeretso na sa building Ng BSBA.
"Cool" dinig kong Sabi ng isang basketball player, Oh.. well Hindi ko pa pala nasasabi. Kapansin pansin pala talaga ang kulay nang buhok ko. Kahit nerd ako nakatatak na sa kanilang lahat ang natural na kulay nang buhok ko. My hair had a green highlight, I didn't dye it sadyang nagulat nalang ako isang araw may kulay green na akong buhok na tumutubo.
Ang totoong kulay nang buhok ko ay blond and when I turn to 15 doon ko na napansin ang pagiiba nito. Akala ko nga may sakit ako, but the doctor said na wala Naman daw at hindi din nila alam ang totoong dahilan kung bakit naging kulay green ang buhok ko.
I already ask Mom and Dad about this but unfortunately hindi din nila alam. Nang makarating na ako sa room ko I heard the noise of my annoying teacher. Kahit sa labas ng room dinig na dinig ang mala microphone niyang boses.
Walang pagaalinlangan Kong binuksan ang pinto at halos silang lahat napatigil at napatingin sa akin. Tinignan ako ni Prof. Mapakumbaba at tinaasan ng kilay.
"Bakit Ka late?" Bungad na tanong niya. Tinignan ko naman ang orasan at hindi naman ah. Tamang tama Lang dating ko.
"As far as I know 9:30 ang class hour mo samin. Bakit 8:30?....Kaya Hindi ako late" Kita ko Naman ang pagpula Ng mukha niya dahil sa inis. Napangisi naman ako sa isipan ko. 1 point for me.
"tumayo ka sa likod at hanggang hindi natatapos ang klase ko hindi ka makakaupo!!" Napangiwi nalang ako sa utos niya. Siraulo tong matandang to.
Wala naman akong nagawa at tumayo nalang sa likuran para matapos na siya. Antok na antok pa ako.
Dapat talaga Hindi mapakumbaba ang surname niya eh. Hindi bagay sa ugali niya. Dapat Prof.Mainisin ang tawag sa kaniya.
Sumandal nalang ako sa pader at nag cross arm. Iidlip nalang muna ako dito sa likod dahil wala naman akong ginagawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top