CHAPTER THREE | Woman in Chains


How closely women clutch the very chains that bind them.

RUTHLESS SINS SERIES 5 | THE LOST KING

CHAPTER THREE | WOMAN IN CHAINS

AUDREY

Ang sakit ng buong katawan ko.

Lalong-lalo na ang pagitan ng hita ko. Hindi ako makaalis dito sa kama kahit gustong-gusto ko nang kumaripas ng takb. Hindi ako makagalaw dahil tulog na tulog ang lalaking nasa tabi ko. Naka-dantay pa nga ang kamay at hita sa akin. Malalim ang paghinga na mahinang humihilik pa.

Pinigil ko ang ang pagtulo ng luha ko. Ginawa ko lang ang gusto ni Mommy. Kasi kung hindi ko naman gagawin, siguradong ibibigay din niya ako sa iba. Naalala ko ang sinabi niya. Ang lola ko daw, pokpok. Siya, pokpok. Kaya ako, ganoon din. Magiging katulad din nila. Pero ayaw ko. Gusto ko ng ibang buhay. May pangarap ako. Magiging abogado ako.

Pero napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko. Ngayong gabi, lahat ng pangarap kong iyon ay naglahong parang bula. Ngayong gabi, naging katulad din ako ng lola ko. Naging katulad din ako ni Mommy. Ginamit ang katawan para masunod ang gusto ni Mommy. Hindi ko na napigil ang luha ko at mabilis kong pinahid iyon tapos ay dahang-dahan inialis ang kamay na nakadantay sa katawan ko. Unti-unti akong umusog para maalis din ang hita niyang nakadantay sa mga hita ko.

Hindi muna ako gumalaw agad sa kama. Pinakiramdaman ko kung magigising ang lalaki pero mukhang malalim ang pagtulog niya. Hubad siya sa tabi ko. Kita ko pa ang nasa pagitan ng hita niya na bahagyang malambot. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. First time kong makakita ng ganito. Itinuturo lang ito sa amin sa school. Part of human body. Male and female reproductive system. Pati ang tungkol sa sex kung ano ang puwedeng mangyari once na nag-sex ang lalaki at babae. Puwedeng mabuntis. Magkaroon ng anak. Ano ang alam ko doon?

Napatingin ako sa purse kong dala. Nakakarinig ako na parang may nagba-vibrate. Sigurado akong galing iyon sa purse ko. Muli kong tiningnan ang lalaki na ngayon ay bahagya pang nakaaawang bibig habang tulog na tulog bago ako tuluyang umalis sa kama. Talagang siniguro kong hindi iyon makakalikha ng kahit anong galaw na magpapagising sa kanya.

Kinuha ko ang purse ko at binuksan iyon. Nagba-vibrate nga ang telepono ko. Nang tingnan ko ay si Mommy ang tumatawag. Hindi ko na muna sinagot dahil ayaw kong makalikha ng ingay dito. Dinampot ko ang damit kong nasa lapag at mabilis na isinuot iyon. Pati ang sandals ko ay nagmamadali kong isinuot. Huminto ang pagtawag ni Mommy. Mayamaya ay text message naman ang na-receive ko.

Nasaan ka na? Kaninang-kanina pa ako tumatawag sa iyo. Nag-sex na ba kayo?

Dumungaw ang luha sa mga mata ko. Iyon pa rin ang concern ni Mommy? Hindi man lang niya tinanong kung okay ba ako? Kung nasa maayos akong kalagayan? Bakit ganoon? Iyon lang ba ang mahalaga sa kanya? Ang malaman na naka-sex ko ang lalaking pinupuntirya niya?

Nang maayos ko ang sarili ko ay agad kong tinungo ang pinto. Hindi ko na nilingon ang lalaki at patakbo akong lumabas ng silid tapos ay dere-deretsong lumabas ng bahay. Hindi ako lumilingon. Lakad-takbo ang ginawa ko kahit nananakit ang pagitan ng hita ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Iyak ako nang iyak hanggang sa makalayo ako sa lugar na iyon at napahinto ako sa gilid ng kalsada. Doon ako humagulgol at napaupo habang umaalog ang mga balikat ko sa pag-iyak. Ngayon ako nakaramdam ng takot sa nagawa ko. Natatakot, naaawa ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko.

Muli ay nag-vibrate ang telepono ko at sigurado akong si mommy ang tumatawag. Agad kong pinahid ang mga luha ko at sinagot ang tawag niya.

"Mom," bahagya pang pumiyok ang boses ko habang patuloy na pinapahid ang luha ko.

"Ano? Hindi ka sumasagot sa tawag ko? Sobrang nasarapan ka ba at nakalimutan mong mag-report?" Dama ko ang inis sa boses ni Mommy.

Napalunok ako at impit na napaiyak. "P-pauwi na po ako."

"Nagawa mo nga? Nag-sex kayo ng Botkov na iyon?"

Kahit hindi niya nakikita ay tumango ako. "Opo."

Narinig kong mahinang napa-yes si Mommy. "Gumamit kayo ng condom?"

"Hindi po, Mommy. Hindi po siya gumamit."

Ngayon ay malakas na yes na ang narinig kong sinabi niya. "Mabuti 'yan. Umuwi ka na. Bilisan mo. Baka kung saan-saan ka pa magsuot. Bumili ka ng pagkain mo at wala pa ako sa bahay. May trabaho pa ako."

Bago pa ako makasagot ay busy tone na ang narinig ko. Napabuga na lang ako ng hangin at pilit na inayos ang sarili ko. Tumingin ako sa paligid. Madilim dito at baka kung ano ang mangyari sa akin kung magtatagal pa ako. Mabuti na nga lang at may dumaang taxi kaya pinara ko iyon at nagpahatid ako sa bahay namin.

Pagdating sa kanto ng street namin ay doon na ako nagpababa sa taxi. Naglakad na lang ako pauwi sa bahay namin. Pagdaan ko sa tindahan ay nakita ko na naman na naroon ang mga babaeng laging naroon na alam ko naman na laging si Mommy ang topic nila.

"Hoy, 'andiyan 'yong anak ni Suzanne. Bihis na bihis." Narinig kong komento ng isa.

"Bihis na bihis ba 'yan? Tingnan mo nga ang hitsura mukhang kakagising lang galing sa kama. Baka tumulad na sa ina. Tumatanggap na rin ng kliyente."

Hindi ko sila pinansin. Taas-noo pa rin akong naglakad at nilampasan sila. Pinipigil ko ang mga luha ko. Ayaw kong makita nila na umiiyak ako.

"Ganyan talaga ang buhay 'no? Kung ano ang puno, siyang bunga. Pokpok ang ina, pokpok din ang anak. Sayang at maganda pa naman iyang anak ni Suzanne. Maganda at matalino din. Ang kaso, sa pagpo-pokpok din pala babagsak."

Doon ko na hindi napigil ang pagtulo ng luha ko. Ang lalaki ng mga hakbang ko para lang makarating ako sa bahay namin. Nagmamadali kong binuksan iyon patakbo akong pumasok sa kuwarto ko at nagsiksik sa kama ko. Doon ako umiyak nang umiyak. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Pakiramdam ko napakawalang-kuwenta kong babae.

"Kung ano ang puno, siyang bunga. Pokpok ang ina, pokpok din ang anak."

Ang lakas ng hagulgol ko habang yakap-yakap ko ang isang unan. Ayokong maging pokpok. Ayokong maging katulad ako ni Mommy. May pangarap ako. Marami. Magiging abogado pa ako. Magkakaroon ako ng maayos na pamilya at makakatagpo ako ng lalaking magmamahal sa akin.

Pero sa nangyaring ito, sa nagawa ko, tingin ko malabo na ang lahat nang iyon.

Ang sarili kong nanay ang sumira ng lahat ng pangarap ko at buhay ko.

--------

Malalakas na tawa.

Iyon ang nagpagising sa akin. Nang magmulat ako ng mata ay nasilaw pa ako sa liwanag na pumapasok sa bintana ng kuwarto ko. Tumatawa na naman. Ang ingay. Kanino bang boses iyon?

"Aba, siyempre naman 'no? Magaling kaya ako. Nasilo ko na ang panganay na Botkov. Si Audrey lang ang makakaahon sa akin sa hirap. Tutal, buwisit naman siya at sinira niya ang buhay ko nang ipagbuntis ko siya. Maiging ngayon, mapakinabangan ko naman ang pagpapalaki sa kanya."

Napaubo ako dahil sa naamoy kong usok ng sigarilyo sa paligid. Nandito sa loob ng kuwarto ko si Mommy.

"Ayaw mo bang maniwala? Siyempre 'yong panganay nga ni Aleksander. Siyempre iyon dapat. Anong mapapala sa pangalawang anak? Walang magiging kapangyarihan iyon. Magiging tau-tauhan lang iyon ng kapatid at ng tatay. Utusan. Bakit iyon ang pipiliin ko para kay Audrey? Doon tayo sa mas makapangyarihan at iyon ang panganay na anak."

Nakita ko si Mommy na nakatayo sa may bintana at doon naninigarilyo habang may kausap sa telepono.

"Sino ba ang nadagit mo kagabi? Ako? Si, Boris Yelchin. Demonyo ang walanghiya sa kama. Nakakadiri. Ang taba-taba. Hindi ko na nga makita ang etits sa sobrang laki ng tiyan. Tsinupa ko na lang hanggang labasan. Hindi na kayang makipag-sex sa sobrang kabusugan." Hitsurang nandidiri pa si Mommy sa pagkakasabi noon tapos ay saglit siyang natigilan. "Sino?"

Halatang nairita si Mommy sa kung anong narinig na sinabi ng kausap at inis na pinatay sa dingding ang sigarilyo tapos ay itinapon iyon sa labas.

"Wala na akong pakialam sa lalaking iyon. Hindi kami puwedeng magkita. Hindi ako puwedeng maghabol. Papatayin ako n'on. Hindi rin niya tatanggapin si Audrey dahil ang gusto ng lalaking iyon noon ipalaglag ko ang anak niya. Ayaw niyang panagutan dahil alam niyang sinadya kong mabuntis para lang makakuha ako ng parte sa kayamanan niya. Demonyo ang tatay ni Audrey pero darating ang panahon, makukuha ko lahat ang pera ng gagong iyon." Ramdam ko ang galit sa boses ni Mommy.

Napapikit ako. Bakit kailangang marinigko ang mga ito? Lalo lang naninikip ang dibdib ko.

"Hindi ko nagawa noon pero ngayon, sisiguraduhin kong magiging Botkov si Audrey. Mapapangasawa niya ang panganay na anak ni Aleksander at magbubuhay reyna kami ng anak ko. Si Audrey ang magbibigay ng maraming pera sa akin para hindi ko na kailangang makipag-sex kung kani-kanino." Nilingon ako ni Mommy at halatang nagulat siya nang makitang gising na ako. "Sige na. Magkita na lang tayo mamaya." Agad niyang ini-end ang usapan at ibinulsa ang telepono tapos ay ngiting-ngiti na lumapit sa akin. "Good morning."

For the first time ay naging magiliw sa akin si Mommy. Kahit kailan hindi siya ganito sa akin.

"'Morning, Mommy." Tanging sabi ko at umalis ako sa kama para tumungo sa banyo.

"That's it? Hindi ka man lang ba magkukuwento sa akin kung ano ang nangyari kagabi? Sa inyo ng anak ni Aleksander? Saan ka niya dinala? Malaki ba ang kargada?"

Nagtagis ang mga ngipin ko sa mga tanong ni Mommy? Hindi man lang niya ako tanungin kung okay lang ba ako?

Hindi ako sumagot at dumeretso ako sa banyo. Pagpasok ko doon ay ini-lock ko ang pinto. Narinig ko siyang kinakatok iyon.

"Hoy, Audrey. Buksan mo ito. Nag-uusap pa tayo." Ang lakas ng katok ni Mommy. "Buksan mo 'to. Sabihin mo sa akin kung ano ang mga ginawa n'yo ng lalaking iyon. Malaki ba siya? Magaling sa kama?"

Hindi ko inintindi ang pagkatok niya. Hinubad ko ang suot kong damit at tumapat ako sa shower at pinabayaan kong tumulo ang tubig sa katawan ko. Pinabayaan kong agusin ng tubig ang mga luha ko.

"Punyeta kang bata ka. Buksan mo ito!" Ngayon ay malakas nang hinahampas ni mommy ang pinto ng kuwarto. "Malilintikan ka sa akin."

Hindi ko ginawa ang gusto ni Mommy. Bahala na kung gulpihin niya ako paglabas ko dito. Pero ngayon, ang gusto ko ay mapag-isa. Ayaw kong makakausap ng kahit na sino. Umiiyak lang akong sumandal sa dingding ng banyo at dahan-dahang napaupo tapos ay niyakap ko ang mga tuhod ko. Kung puwedeng hindi na ako lumabas dito. Kung puwede lang matapos na ang lahat ng ito.

Wala akong naramdaman na kahit na ano kagabi. Pakiramdam ko ay wala ako sa sarili ko. Ibinigay ko ang sarili ko sa lalaking hindi ko kilala dahil lang sa kagustuhan ng nanay ko. Tapos ngayon gusto pa ni Mommy na i-detalye ko ang mga ginawa namin? Gusto ba niyang marinig mula sa akin kung paano ako nasaktan? Kung paanong nagdugo ang parteng iyon ng katawan ko? Kung paano ako natakot dahil baka hindi na huminto ang pagdurugo niyon?

"Audrey!" Malakas pa ring kinakalampag ni Mommy ang pinto ng banyo pero hindi ako gumalaw sa kung ano ang posisyon ko dito.

Kahit sandali lang. Gusto kong maramdaman na kahit ako ay may natitira pang pagmamahal sa sarili ko. Ayokong kahit ako ay mandiri sa sarili ko dahil iyon ang alam kong sasabihin ng mga tao kapag nalaman kung ano ang nagawa ko. Naging mabuti lang naman akong anak. Masunurin kay Mommy na kahit na ano ay gagawin ko para ma-please siya.

Kahit ngayon lang.

Gusto ko lang mapag-isa at mahalin ang sarili ko. 

-------

Advance chapters for this story is available to read on PATREON and FB VIP. You can message Helene Mendoza's Stories FB page to know how to join and become a patron. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #mafia