CHAPTER FIVE | Gate Crasher
Never to suffer would never to have been blessed – Edgar Allan Poe
RUTHLESS SINS SERIES 5 | THE LOST KING
CHAPTER FIVE | GATE CRASHER
AUDREY
Nakatitig lang ako sa audio-visual presentation ng teacher namin sa Health. Reproductive system na naman ang dini-discuss sa amin. Naroon ang litrato ng babae at lalaki, mga private parts at mga functions sa katawan. Hanggang mapunta ang discussion sa sexual intercourse. Naririnig ko ang bulungan at bungisngisan ng mga kaklase ko. Pagdating talaga sa mga ganitong bagay, buhay na buhay sila sa discussion. Sinasabi ng teacher namin na during intercourse dapat maiging malaman ang pag-iingat at pagkakaroon ng protective sex. Maaari daw gumamit ng condoms para maiwasan ang sexually transmitted diseases. Para maiwasan naman ang pagbubuntis, puwede daw ang pills, calendar method, IUD ba 'yon? Napangiwi nga ako nang ipakita ang picture noon na parang bakal na korteng letter T. Ipapasok iyon sa loob ng babae? Meron pa daw mga injectable na hindi ko rin naman maintindihan.
Sige ang pagtatawanan ng mga kaklase ko pero hindi ko sila pinapansin. Naglabas ang teacher namin ng condom at ipinakita iyon sa amin. Lalo nang naglakasan ang tawanan. Seryoso lang akong nakatingin. Nakakita na ako noon. Binigyan nga ako ng Mommy ko. Ang mommy ko na dapat na iniingatan ako pero ang ginawa ay ipinain ako sa lalaking hindi ko naman kilala.
Namuo ang luha sa mata ko pero pinigil ko talagang umiyak. Ilang araw na akong ganito. Tulala. Laging lito. Hindi ko makalimutan ang nangyari sa akin. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko. Hindi ko naman puwedeng sisihin ang lalaking nakasama ko dahil ako naman talaga ang nag-aya sa kanya dahil sa utos ni Mommy. Pero pagkatapos ano na?
Ano na ang mangyayari sa akin? Mabilis kong pinahid ang luha ko sa mga mata at muling itinutok ang pansin ko sa teacher namin na nagdi-discuss. Ngayon ay pills naman ang dini-discuss nito. Sabi ng teacher namin na mahalagang matutunan ng mga kabataan ang tungkol sa mga ganitong bagay para maiwasan ang teenage pregnancy. Pero sa tingin ko, tuwang-tuwa pa ang mga kaklase ko sa naririnig nila.
Hanggang sa sabihin ng teacher namin na kailangan naming mag-grupo at magkakaroon kami ng reporting sa susunod na meeting. Binanggit kung sino-sino ang magiging magkakagrupo at nakita ko na papalapit sa akin si Brie at ang ganda na ng ngiti.
"Magka-group tayo. Yehey!" Masayang sabi nito at tumabi agad sa akin. Napangiti ako at pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. Wala naman kasi akong ibang kaibigan dito sa school kundi si Brie lang. Halos pareho kasi kami ng kapalaran. Parehong iginagapang na makapag-aral sa mamahaling eskuwelahan na ito para magkaroon ng magandang kinabukasan. Kahit na nga ang mga magulang namin ay hindi naniniwala sa ganoon. Kay Brie naman, wala na nga pala siyang magulang. Ang Tita Rubilyn na lang niya ang nagpapaaral sa kanya kapalit ng pagtatrabaho dito.
"Nagpalit ka ba ng salamin? Ang kapal na ng salamin mo," puna ko. Alam kong may problema sa mata si Brie kahit noon pa. Mabilis ang panlalabo ng mga mata niya kaya every six months ay nagpapalit siya ng grado ng salamin.
Hinubad ni Brie ang suot na salamin at napapikit-pikit pa. "Oo. Kailangan. 'Yong huling salamin ko sobrang labo na."
"'Buti pumayag ang tita mo na palitan ang salamin mo? 'Di ba nagagalit 'yon na palit ka nang palit ng salamin?"
Napaikot ang mata ni Brie. "Binayaran ko naman 'yan. Nakaipon ako. Mabuti nga at may mga tip akong nakukuha sa paggu-groom ng mga aso sa pet shop niya." Napahinto sa pagsasalita si Brie nang mapatingin sa paparating na grupo sa amin.
"Kagrupo pala namin ang dalawang Maria Clara ng section B."
Tiningnan lang namin ang nagsalita noon at si Kino iyon. Ang numero unong bully ng section namin. Kung mamalasin naman talaga. Bakit naging ka-group pa namin ito? Wala naman itong mai-aambag panigurado. Ilang beses na namin itong naka-group at lagi na lang hindi nakakatulong.
"Class, doon na lang kayo sa patio mag-meeting. May gagamit nitong AV room." narinig namin na sabi ng teacher namin.
Kanya-kanya kami ng bitbit ng mga gamit at nagmamadaling lumabas. Nakasunod pa rin sa amin ang grupo nila Kino at kung ano-ano ang sinasabi. Hindi na lang namin pinapansin ni Brie. Panigurado naman kasing kaming dalawa na naman ang gagawa ng lahat at itong mga bully na 'to, wala talagang iaambag.
"Dito na lang tayo para mapag-usapan ang topic natin. Interesting nga ang topic na napunta sa atin. Sexual intercourse. Kung paano ang mangyayari kapag nilabasan na ang mga lalaki tapos ipinutok sa loob," natatawa pang sabi ni Kino at huminto kami sa patio.
Tawanan ang mga kasama nitong lalaki. Nakita kong may papalapit din sa grupo namin at napaayos ako ng upon ang makilala kong si Seth iyon. Kinabahan ako. Crush ko 'tong si Seth kaya lang sobrang yabang. Alam kasi na guwapo at maraming nagkakagusto kaya feeling heartthrob dito sa school.
"Seth boy, suwerte natin 'tong dalawang Maria Clara ang ka-group natin. Tapos dalawang babae lang sila. Gangbang na 'to," tumatawa pang sabi ni Kino.
"Hoy, Kino. Itigil mo 'yang bibig mo. Kapag hindi ka tumigil ng kabastusan, paduduguin ko 'yan." Inis na sabi ni Brie dito.
Lalong natawanan ang mga lalaki. "Umarya na naman si Gabriella Silang. May pa-Brie-Brie ka pa kasi na pangalan samantalang Gabriella lang naman ang pangalan mo. Saka huwag ka ngang maarte. If I know, talagang kinikilig ka na kami ang naging ka-group n'yo. Kami na mga heartthrob dito."
Napailing na lang ako at binitbit ang mga gamit ko. Wala akong panahon ubusin ang oras dito sa mga ito. Kakausapin na lang namin ni Brie ang teacher namin na kung puwedeng kami na lang ni Brie ang gagawa ng group reporting dahil wala namang maitutulong ang mga ito.
"O? Saan ka naman pupunta Audrey baby?"
Naramdaman kong hinila ni Kino ang dala kong bag at lalo lang nagtawanan ang mga lalaking naroon.
"Ibalik mo ang bag ko, Kino." Pilit kong inaagaw ang bag ko sa kanya na pinagpapasa-pasahan nilang magbabarkada.
"Bakit? Ano ang itinatago mo dito?" Muling kinuha ni Kino iyon at binuksan. Pilit kong kinukuha pero pinipigilan ako ng mga kabarkada niya. Pati ang crush kong si Seth ay nakikitawa din at walang ginagawa. "Mga pangpalandi lang naman ang laman ng bag mo, Audrey. Landi mo kasi." Natatawang sabi ni Kino na sige ang pagkalkal sa bag ko. Hanggang sa makuha nito ang purse doon at binuksan. "Anong meron dito. Sigurado akong sanitary-" hindi naituloy ni Kino ang sasabihin at napatingin sa akin tapos ay sa purse. Mayamaya ay ngumisi ng parang demonyo tapos ay kinuha doon ang condom na ibinigay ng mommy ko dati. Shit. Hindi ko pala naialis iyon doon. "Bakit ka may condom?"
Umugong ang tuksuhan mula sa mga kabarkada ni Kino. Damang-dama ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Pati na si Brie ay takang-taka kung bakit ako mayroon noon.
"Audrey, mukhang may itinatago kang sikreto. Mukhang bihasang-bihasa ka na sa sex at hindi mo na kailangan ang sex education," sabi pa ni Kino.
"Ibigay mo sa akin 'yan!" Pilit kong inaagaw ang bag ko pero tawanan pa rin sila nang tawawan. Iniangat pa iyon ng mataas ni Kino para hindi ko maabot pero maya-maya lang ay narinig namin siyang umaaray.
"Aray! Aray!" napapangiwi ang mukha ni Kino at nanlaki ang mata ko nang mula sa likuran ni Kino ay may isang lalaki na pinipilipit ang kamay nito.
Seryosong nakatingin lang sa akin ang lalaki habang sige ang pilipit sa kamay ni Kino. Ang mga kasama ni Kino ay walang magawa. Mga hitsurang natakot sa lalaki.
"Give her the bag."
Napalunok ako. Gusto ko na lang kainin ng lupa ngayon. Paanong napunta dito ang lalaking ito?
"S-sino ka ba?" naiiyak na ang hitsura ni Kino habang nakapilipit pa rin ang kamay nito. Lalong ipinilipit ng lalaki ang kamay nito kaya napasigaw na si Kino sa sakit.
"Give her the fucking bag or I am going to rip your arm and I am going to shove it up your ass." Mariing sabi ng lalaki.
Nanginginig ang kamay ni Kino na ibinabalik sa akin ang bag ko kaya mabilis kong kinuha iyon. Saka lang binitiwan ng lalaki ang kamay ni Kino at tuluyan nang napaiyak. Takbuhan palayo sa amin ang grupo ni Kino at pakiramdam ko ay nanginginig ang buong katawan ko habang hindi makatingin ng deretso sa lalaking tinakasan ko.
"Are you guys okay?" tanong ng lalaki.
Hindi ako sumagot. Si Brie ang sumagot dito.
"Thank you. Sino ka? Mukhang hindi ka naman estudyante dito?" puna ng kaibigan ko.
"My name is Pavel Botkov. Your friend knows me." seryosong sabi nito.
Lalo na akong gusto na lang lumubog sa kinatatayuan ko. Siguradong mag-uusisa sa akin si Brie kung paano ako nakilala ng lalaki.
"I'll see you after class, Audrey." Sabi pa rin ng lalaki at tinalikuran na kami.
Gusto ko ng maiyak sa kaba habang tinitingnan na lumalakad na palayo ang lalaki. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Paano niya nalaman na dito ako nag-aaral?
"Audrey, sino iyon? Kilala mo?" Gulat na gulat si Brie.
Sunod-sunod ang iling ko. "H-hindi."
"Sigurado ka? Bakit parang kilalang-kilala ka at alam ang pangalan mo? Saka paano siya nakapasok dito sa loob ng school? Hindi naman siya mukhang estudyante."
"Hindi ko alam." Pati boses ko ay nanginginig na. "S-sige. Mauna na ako."
"Ano ka ba? May klase pa tayo."
"Uuwi na muna ako. B-baka hinahanap ako ni Mommy."
Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi ni Brie at nagmamadali akong lumakad paalis doon. Umiwas ako sa lugar na dinaanan ng lalaki at doon ako sa likod ng school lumabas. Palinga-linga pa ako dahil naroon lang sa paligid ang lalaki at nagmamadali ang mga hakbang ko para makarating sa sakayan ng jeep.
Pero hindi pa ako nakakalayo sa school ay may humarang na bulto sa lalakaran ko.
"Very predictable." Natatawang sabi ng lalaki at napapailing pa.
"S-Sir..." naiiyak na ako sa takot.
Umangat ang kilay ng lalaki. "Now it's Sir? I remember that you know my name last time. When you crashed my mom's party."
Sinasabi ko na nga ba. Iyon talaga ang dahilan bakit ako hina-hunting nito. Kagagawan na naman iyon ni Mommy.
"H-hindi ko alam na h-hindi kami invited sa party na iyon. Isinama lang ako tapos-"
"You gate crashed because you are hoping to get rich clients?" putol niya sa sinasabi ko.
Ang tigas ng iling ko. "Ano kasi..."
Naramdaman kong hinawakan ng lalaki ang siko ko. "You need to go with me."
Wala akong magawa nang halos hilahin niya ako paalis doon at dinala sa isang kotseng nakaparada. Pagbukas ng pinto ay isinakay ako doon tapos ay sumakay naman ito sa driver's side.
Pinaandar ng lalaki paalis doon ang sasakyan kaya nag-simula ng akong umiyak sa kaba.
"Maniwala ka. Hindi ko talaga alam na hindi kami invited doon. Isinama lang ako." Umiiyak na sabi ko.
"And you targeted me?" tinapunan pa ako ng tingin ng lalaki.
Umiling ako. "Hindi. Maniwala ka," sumisinok-sinok na ako sa sobrang pag-iyak.
Napahinga ng malalim ang lalaki tapos ay huminto kami sa tapat ng isang restaurant. Napahinto ako sa pag-iyak nang patayin niya ang makina ng sasakyan tapos ay tumingin ako sa labas. Lalo akong nagtaka ng bumaba siya tapos ay pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.
"Get out." Lalo pa niyang nilakihan ang bukas ng kotse.
"B-bakit?"
"I am starving and I want to eat. Out." Utos pa niya.
Kahit kinakabahan ay sinunod ko ang sinabi niya. Yakap-yakap ko ang bag ko at sumunod sa kanya nang pumasok sa loob ng restaurant. Tingin ko ay kilala na dito ang lalaki dahil agad na bumabati ang mga staff na naroon. Tinungo niya ang isang sulok na bahagi ng restaurant.
"The usual for you, Mr. Botkov?" nakangiting tanong ng staff sa lalaki.
"Yes, please." Tumingin siya sa akin. "How about you? What do you want? You can choose from the menu." Iniabot niya sa akin ang menu.
Umiling lang ako kaya napahinga siya ng malalim.
"It's the same for her too. Put some additional fries." Sabi niya at sinundan ng tingin ang papalayong staff bago muling tumingin sa akin.
"Tell me the truth. How old are you?" Ngayon ay seryosong-seryoso na ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"N-nineteen."
"Don't fucking lie. How old are you?" Mariin ang pagkakasabi noon ng lalaki.
Nangilid ang luha ko. "Sixteen." Napapiyok pa ako nang sabihin iyon.
"Putangina," narinig kong mahina niyang mura at naihilamos ang kamay sa mukha tapos ay napapailing na napasandal sa kinauupuan. "You're a fucking minor." Sinabi niya iyon na talagang disappointed siya at hitsurang nakagawa ng isang malaking kasalanan. "I fucked a fucking minor." Naitakip pa ang kamay sa bibig habang nakatingin sa akin.
"Sorry na. Kailangan ko lang kasing gawin dahil-"
"Who asked you to gate crash the party?"
Puwede ko bang sabihin na mommy ko? Baka kung ano ang gawin niya kapag nalaman niyang mommy ko ang may kagagawan noon.
"W-wala. Ako lang. G-gusto ko lang maranasan kung paano mag-party ang mga mayayayaman." Pagsisinungaling ko.
"Lies." Akusa niya.
"Hindi!" mabilis kong sagot at napatingin ako sa paligid dahil lumakas yata ang boses ko. "Maniwala ka. Walang nagsama sa akin doon. Ako lang talaga."
"That party is by invitation only. Where did you find out about it?"
Ano pa ang sasabihin ko? Alam ko naman na kahit anong kasinungalingan ang sabihin ko malalaman at malalaman niya ang totoo.
"Sir, here are your orders. Spaghetti with meatballs, double patty classic burger, sundae, root beer float and fries." Nakangiting sabi ng staff nang makalapit sa amin.
Napatahimik kami pareho habang inilalapag ng staff ang mga order. Pakiramdam ko ay kumulo ang tiyan ko nang makita ang masarap na pagkain na nakahain. Dinampot niya ang burger at nagsimulang kumagat doon. Tingin ko ay gutom na gutom talaga siya.
Nang mapansin niyang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko ay inilapag niya ang hawak na burger.
"If you don't eat, I am going to send you to jail and I will tell the police that you gate crash our exclusive party. Like you said, you want to experience how rich people do parties. If you don't eat that, I am going to let you experience how we punish gate crashers." Seryosong sabi niya.
Napalunok ako kasi nasa hitsura naman niyang gagawin niya ang sinabi. Dinampot ko ang tinidor at nagsimulang haluin ang spaghetti sa harap ko. Sumubo ako at napahinto pa nang malasahan iyon. Napatingin ako sa lalaki at nakatingin lang siya sa akin. Pinagmamasdan kung paano ako kumain.
Hindi ko na siya pinansin. Ang sarap ng spaghetti. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na spaghetti. Ang lagi ko lang nakakain noon 'yong spaghetti na tinda sa karinderya malapit sa amin. Kulay pula tapos lasang ketchup. Itong spaghetti na ito napakasarap. Napakalasa.
Wala na akong pakialam kung mukha akong patay-gutom sa harap ng lalaki. Sige lang ako kain nang kain. Naubos ko ang pagkain na naroon at napadighay pa ako nang matapos.
"You liked it?"
Gusto kong mahiya. Mukhang nawalan ng gana kumain ang lalaki dahil hindi naman halos nagalaw ang pagkain na nasa harap niya. Ang burger ay nangalahati lang. Ang spaghetti halatang tinikman lang.
Hindi ako nakasagot at muling napadighay kaya napangiti siya
"Good that you liked it. Those bullies in your school. They bully you a lot?"
"Ganoon lang naman talaga sila Kino. Kasi sila ang sikat sa school." Katwiran ko.
"They are bullies," paniniguro pa niya.
Tumango ako. "Pero hindi ko na lang sila pinapansin." Muli akong tumingin sa lalaki. "Sorry kung nag-gate crash ako sa party n'yo. Wala naman akong ninakaw."
Tumitig siya sa akin tapos ay nagkibit-balikat.
"I know you are still lying. You are covering for someone. From now on, I will pick you up after class until you tell me who made you gate crash my mom's party."
Napaawang ang bibig ko.
"And if you skip, or run away from me, I am telling you I can find you." Seryosong-seryosong sabi pa niya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero wala akong magagawa kaya tumango na lang ako.
Kahit ganoon ang ginawa sa akin ni mommy, hindi ko naman siya magagawang ilaglag. Mommy ko pa rin siya. Nag-iisang pamilya ko.
Hindi bale nang ako na lang ang parusahan ng lalaking 'to huwag lang ang mommy ko.
---------
Advance chapters is available to read on PATREON and FB PAID VIP. You can slide a message to HELENE MENDOZA'S STORIES to know how to join and read the exclusive stories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top