CHAPTER EIGHT | Fate
If someone disappoints you again and again, thank them for being consistent and walk away, smiling.
RUTHLESS SINS SERIES 5 | THE LOST KING
CHAPTER EIGHT | FATE
PAVEL
Inilayo ko ang telepono sa tainga ko dahil naririndi na ako sa lakas ng boses ni Mommy habang dere-deretsong nagsasalita. It had been two weeks after her event and still she wanted me to find those who gate crashed her precious party.
"It's been two weeks, Pavel. And until now you still haven't found those whores who gate crashed my parties? I am losing clients here. Two of my millionaire clients didn't renew their contracts to my girls."
Ramdam na ramdam ko ang panggigil ni Mommy sa bawat salitang binibitawan niya. Napahinga na lang ako ng malalim at isinandal ang ulo sa headrest ng kotse ko.
"I was in Italy for two weeks, Mom. Remember? Dad asked me to accompany the Rossi's and make sure that the supplies are correct. How can I find those gate crashers if I was away?" Katwiran ko sa kanya. Pero ang mga mata ko ay nakatutok sa gate ng eskuwelahan ni Audrey.
"And I don't care! Wala akong pakialam kahit saang lupalop ka pa ng mundo galing. Importante ang inuutos ko sa iyo. I'll be having another party the next week and I need those names!" Ang lakas ng boses ni Mommy.
Napakamot ako ng ulo at marahang inihilot ang kamay sa batok ko.
"I am doing everything to find them, Mom." Iyon na lang ang nasabi ko. Hindi ko sinasabi sa kanya na matagal ko nang natagpuan si Audrey.
"Apparently, you are not doing enough. Kahit kailan hindi ka talaga maaasahan. No wonder, your father always favored Dmitri over you. Because Dmitri is dependable. He never lets us down. Kayo ni Katarina, kahit kailan puro pagiging pabigat ang alam n'yong ibigay sa pamilya. I need those names! Now! Para magkasilbi ka naman."
Bago pa ako makasagot ay busy tone na ang narinig ko. Napahinga na lang ako ng malalim at tiningnan ang telepono ko at inis na ibinato iyon sa dashboard ng kotse. Ilang beses akong bumuga ng hangin at pilit na kinakalma ang sarili ko.
I didn't want to get mad. I kept on putting in my head that it was normal. I grew up my parents to be like that to me. Wala na akong dahilan para maapektuhan pa. Pero minsan talaga, dumarating ang pagkakataon na napipikon ako. Tulad ngayon. Nanginginig ako sa galit na unti-unting lumulukob sa akin.
Am I not fucking enough?
They didn't see what I did with those Italians? I just doubled the fifty million deal with them. And we got the bigger cut plus other perks that only the Red Odessa could have. Dmitri was happy. He was proud of me. He even picked me up from the airport earlier and told me to spend the whole day with him. But I declined. I needed to report to dad.
And when I told our father the good news, he was not eager to hear it. It was like he just needed to hear it but never proud of what I did. Mas concern pa nga niya na maliit pa daw na na-doble ang deal na iyon. Dapat ipinilit ko pa daw ang mas malaki.
I didn't argue. Nag-uumpisang makipagtalo si Dmitri sa tatay namin at pilit na ipinapaliwanag ang magandang deal na nagawa ko. But sadly, our father was deaf with all the explanations. At the end of the day, what I did for the Red Odessa wasn't enough at all.
Kaya kahit anong pilit ni Dmitri sa akin na umalis kami, lumabas at mag-unwind, tumanggi ako. Sabi ko gusto ko munang magpahinga. Pero ang totoo, gusto ko lang mapuntahan si Audrey.
Two weeks ko din siyang hindi nakita. Hindi ko rin tinatawagan dahil ayaw ko ng distraction sa trabaho ko. Nag-focus ako sa Italy para maging maayos ang deal na iyon na nagawa ko naman. Even if my father didn't appreciate what I did, okay lang. As long as I did what I had to do and deliver what they wanted to get.
Pero itong si Mommy. Paglapag pa lang ng eroplanong sinasakyan ko sa airport, sunod-sunod na ang messages niya. Hindi ko lang sinasagot. Ngayon lang at iyon, daig pa ang armalite sa bilis ng bibig niya.
I could never tell my mother that I already found who gate crashed her party. She would definitely skin Audrey alive until Audrey tells everything to her. My mother was a cruel human being. I knew what she does to those women that double crossed her. She would make sure that they won't use their beauty to get clients ever again.
Napakamot ako ng ulo nang marinig kong tumutunog ang telepono ko. Dinukwang ko iyon at nakita kong si Dmitri ang tumatawag sa akin. Ayaw ko na sanang sagutin pero alam kong hindi rin naman titigil 'tong kapatid ko.
"Still pissed?" Bungad niya nang sagutin ang tawag ko.
Mapakla akong tumawa. "I am good."
"Fuck you. I know you're pissed. I could hear mom's voice all the way to the lanai. I am sure ikaw ang kausap." Dama ko ang simpatya sa boses niya.
"Sanay na ako." Tanging sagot ko.
"She is losing clients that's why she's pissed. Her clients now understands that there are other women out there who could give the same satisfaction for a lower price." Natatawa na ngayon si Dmitri.
"Pinagtatawanan mo pa si Mommy."
"Hayaan mo siya. Hindi ko maintindihan kung bakit laging mainit ang dugo sa iyo. Samantalang ikaw naman ang pinapatrabaho niya sa lahat ng kailangan niya. Did you find the gate crasher that she's asking you to find?"
Hindi agad ako nakasagot at nakita kong lumalabas sa gate ng eskuwelahan si Audrey at patingin-tingin sa paligid tapos ay naglakad. Napakunot ang noo ko dahil mayamaya ay may lalaking lumapit dito. Napaangat ako sa kinauupuan nang makita kong humawak pa sa braso ni Audrey ang lalaking iyon.
"No." Wala sa loob na sagot ko habang nanatiling nakatingin sa gawi ni Audrey at sa lalaking kausap nito. Who the fuck was this guy? The face looked familiar. Then I remembered that I saw this boy from the picture in her Facebook account.
"Bro, forget what Mom said. Forget what dad told you. Come on. Let's go out and party hard today. We need to celebrate what you did with the Rossi's." pangungulit pa ni Dmitri. "We need to fuck hot women."
"I am going to call you back," wala sa loob na sagot ko sa kanya at pinutol ko na ang call niya kahit nagsasalita pa siya. Ang mga mata ko ay nanatiling nakatutok sa lugar nila Audrey na ngayon ay hitsurang pinipilit na ng lalaki.
I had the urge to get out from this car and sprint towards them then I am going to beat that boy. I won't stop until he was lying to the ground begging for mercy. But I stayed still inside my car. No. I won't do that. I only beat bad people or those people that double crosses us. I don't hurt little boys.
Naipagpasalamat kong umalis na rin ang lalaki at hitsurang iritable nang iwan si Audrey. Doon ko na pinaandar ang sasakyan ko at tumapat sa naglalakad na si Audrey. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya nang ihinto ko sa tabi niya ang sasakyan at ibaba ko ang bintana.
"Get in," seryosong sabi ko.
Halatang ayaw ni Audrey na gawin ang sinasabi ko pero alam kong wala siyang magagawa. Walang imik, binuksan niya ang pinto ng kotse at sumakay doon. Deretso kong pinaandar ang sasakyan palayo sa lugar na iyon para wala nang makakita pa sa amin.
"Who's the boy?" Walang emosyon kong tanong.
Alam kong gulat na tumingin sa gawi ko si Audrey. "Boy? Sinong boy?"
"The one who was talking to you. What's the name?"
Hindi siya agad nakasagot. Halatang kinakabahan. "Classmate ko lang 'yon."
"Name." Tanong ko pa kahit nakatutok ang tingin ko sa kalsada.
"Bakit? Classmate ko nga lang 'yon." Ngayon ay ramdam kong naiirita na siya. "Puwede bang pababain mo na lang ako?"
Lalo ko lang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Baka maisipan ng babaeng ito na tumalon palabas dito.
"You want me to stop this car and let you go, tell me who is your handler that made you gate crash my mom's party." Iyon na lang ang nasabi ko. I wanted to know who was it but definitely I won't tell my mom about it.
Pero wala akong sagot na narinig sa kanya. Mayamaya ay narinig ko na lang siyang humihikbi hanggang sa tuluyang umiiyak na. At alam kong hindi pag-arteng iyak ito. Totoong umiiyak siya at halatang may mabigat na dinadala.
Iginilid ko ang minamaneho kong sasakyan at tumingin kay Audrey. Nakayuko lang siya at sige sa pag-iyak. Pakiramdam ko ay pinipiga ang dibdib ko sa tuwing maririnig ko siyang humihikbi. Fuck, crying girls was really my weakness. I didn't want any girls to see them cry. They didn't deserve to cry.
Napahinga ako ng malalim at hinawakan ko si Audrey sa braso. Marahan ko siyang hinihila at pilit na pinalapit sa akin. Sige pa rin sa pag-iyak si Audrey kaya niyakap ko na siya. Idinikit ko ang ulo niya sa dibdib ko.
Hindi naman kumontra si Audrey sa ginawa ko. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ko at sige pa rin sa pag-iyak. Naramdaman kong nabasa pa ang suot kong damit ng luha mula sa kanya.
"It's okay. Cry. It's okay." Mahina kong sabi habang nakayakap sa kanya at marahang hinahaplos ang ulo niya.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganoon lang. Walang nagsasalita. Napakatahimik sa loob ng kotse at tanging ang mahinang pag-iyak lang niya ang naririnig ko. Kung ano man ang problema niya, sigurado akong mabigat para mag-breakdown siya ng ganito. Baka nga dahil pa sa panghaharass ko sa kanya ang dahilan nito kaya nakaramdam naman ako ng konsiyensiya.
Mayamaya ay naramdaman kong humihinto na sa paghikbi si Audrey. Tumigil na rin sa pag-iyak. Unti-unti nang humiwalay sa akin at nahihiyang tumingin bago tuluyang lumayo. Mabilis na pinapahid ang mga luha na nagkalat sa pisngi. Napakunot ang noo ko at automatic na nahawakan ang mukha niya dahil sa nakita kong namumulang parte ng pisngi niya. Bahagya pa ngang namamaga iyon.
"What happened to your face?" Titig na titig ako sa mukha niya. Sigurado ako, hindi pangkarinawang pamumula lang ito. Her face slammed into something and definitely, it would become a bruise in the next days.
Agad niyang nahawakan ang pisngi at pilit na itinago sa akin.
"W-wala ito." Sunod-sunod ang iling niya.
"Who did that? Was it the guy who talked to you earlier?"
Nanlalaki ang matang tumingin siya sa akin. "Si Seth? Hindi!" bulalas niya.
"So, his name is Seth." Seryosong sabi ko.
Naitakip ni Audrey ang kamay sa bibig na parang nakapagsabi ng isang malaking kasalanan.
"Boyfriend mo ba 'yon?"
Sunod-sunod ang iling niya.
"Nanliligaw?"
Muli ay umiling siya. "Kaklase ko lang."
"Why was he talking to you? What was the reason he was talking to you? Make it believable because if it sounds like a crap, I am going to beat him up."
Napatitig sa akin si Audrey nang marinig ang sinabi ko. Napalunok pa at halatang natakot. Sigurado akong nakita niya sa mukha ko na kaya kong gawin iyon.
"I will do that if you don't tell me who hurt your face." Itinuro ko pa ang mukha niya.
Naiiyak na tumingin siya sa akin. "Hindi naman si Seth. K-kinausap lang niya ako kasi niyayaya niya ako na maging ka-partner niya sa JS prom namin. Hindi naman ako makakapunta kasi hindi naman papayag ang mommy ko. Hindi rin ako bibigyan ng pambayad."
"JS prom? You want to go?"
Muli ay umiling si Audrey. "Hindi naman ako belong doon. Gastos lang pati. Ayaw ko din mag-attend."
Napa-hmm lang ako at umayos na ng upo sa kinauupuan ko. Bahagya na akong kumalma nang malaman kong wala naman palang relasyon ang lalaking iyon kay Audrey.
"Saka alam ko naman ang style na ginagawa ni Seth. Sigurado ako nagpustahan ang mga iyon saka barkada niya na magiging ka-date niya ako sa JS. Ayaw ko. Mga siraulo ang magbabarkadang iyon." Sabi pa niya.
Natawa ako ng mahina. "I know. Do you want me to beat them up? Give them a lesson?"
Nanlalaki ang mata niyang tumingin sa akin tapos ay ang tigas ng iling.
"Hindi. Bakit ka mananakit? Masama iyon."
"Who did that to you?" Hinawakan ko ang mukha ni Audrey at inilapit ko pa ang mukha ko doon para makitang maigi ang namumulang parte ng mukha niya.
Hindi agad nakasagot si Audrey at nakatitig lang sa mga mata ko. And I felt something in my chest. I didn't understand why my heart was beating fast while she was looking at me. Her gaze was something. It was starting to build a fire inside me. Her eyes were speaking to me. There was the deep emotion, the intensity and suddenly, I felt my life has a meaning while looking at her.
Ako ang agad na pumutol noon at binitiwan ko siya. Tingin ko ay ganoon din si Audrey at napapapikit-pikit pa at tila naguguluhan sa nangyari. What the fuck was that? Tiningnan ko si Audrey at hindi siya nagsasalita na nakatingin lang sa kawalan. Wala sa loob na nahawakan ko ang dibdib ko. Fuck, what the fuck was this? It was beating than the usual. I never felt this kind of excitement before.
No. I am sure walang ibig sabihin ito. Naaawa lang ako kay Audrey kaya ko nararamdaman 'to. Because I could see myself in her. Aloof. Alone. Mistreated.
Whatever my heart was telling me right now, was nothing. Fucking nothing.
I am never going to get attracted to a fucking minor. Fucking sixteen. She was basically a child. And definitely she was way out of my league.
She was just a kid that I needed to protect against my mother.
-----------
Advance chapters available to read on PATREON and FB Paid VIP. You can message Helene Mendoza's Stories to know how to subscribe at read the exclusive stories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top