Chapter 09

"Napakawalang kwenta mo talagang anak! Hindi ka na nahiya sa kapatid mo! Sagaran ang pagpapahiya mo sa memorya ni Margot! You're such a slut!"

Isang malakas na pagkakasampal ng palad ang walang habas na dumampi sa aking pisngi. Mahapdi iyon kumpara sa mga naranasan kong sampal mula sa kaniya. Punong puno ng gigil at galit. Damang dama ko ang dalawang iyon sa aking pisngi.

"Sa lahat ng lalaking nagkalat dyan, talagang ang pinatos mo pa ay ang sa sarili mong kapatid. Talaga ba, Margaret? Talagang sagaran ang kawalang hiyaan sa balat mo? Hindi ka na ba nahiya?!"

Nanatili akong blangko sa kabila nang pisikal kong natatamo mula sa aking ina. I stand on my ground. Kung hindi niya matanggap ang rebelasyong sinabi ko, then wala na akong magagawa pa.

"How dare you married, Ethan Martinez! She's your sister's boyfriend! You killed your own sister, just to have him!" she shouted and make her way to snatched my hair.

Nawalan ako ng balanse dahil sa biglaang pagsabunot niya sa akin, but however I didn't fight back.

"You slut! You're really like, Feliz! Walang wala kayong pinag-kaiba! Mang-aagaw!"

Naagaw ng atensyon ko ang pangalang binanggit ng aking ina. Ngunit hindi ko magawang magsalita dahil masakit na ang labi kong pakiramdam ko ay napuruhan sa kakasampal niya sa akin kanina pa.

Masakit na rin ang anit ko dahil hindi biro ang galit na inilalabas ng nanay ko ngayon. O nanay pa bang maituturing ang isang ito dahil sa grabeng physical and emotional injury na pinapalasap niya sa akin.

Yes, I maybe deserve this punishment, but the hell with her?

"Mariella! What the hell are you doing to my daughter!"

Kaagad akong nabuhayan ng loob nang marinig ang isang pamilyar na boses na hindi ko narinig nang halos isang taon.  Ramdam ko ang paglapit ng presensya nito at walang ano ano'y inilayo ako kay Mama.

"M-Marcelo," tila nauutal na tawag ni Mama sa pangalan ng aking ama.

Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang paningin namin ni Papa. Mabilis na nanubig ang mga mata ko at gano'n din ang aking ama.

"P-Papa." marahang pagtawag ko sa kaniya.

"Ano'ng ginawa mo sa anak na'tin, Mariella! Ito ang isasalubong mo sa akin? Ang pananakit sa anak ko?!" galit na baling ni Papa sa aking ina.

Tila natauhan si Mama. Napatingin ito sa akin at bakas ang kaba sa kaniyang tingin, ngunit mabilis na napawi iyon at matalim na tinitigan ang ama ko.

"Ingrata 'yang babaeng 'yan, Marcelo! Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit namatay si Margot, ang anak na'tin Marcelo! Dahil sa kasakiman ng anak mo! Iyang babaeng 'yan! She can do everything just to get what she wants, even killing her own flesh! She killed my daughter! She killed my Margot!" namumulang sigaw ng aking ina.

"Suicide ang nangyari, Mariella! Gumising ka naman! Anak din na'tin si Margaret, we shouldn't be unfair to her! We shouldn't blame her for what Margot had done to herself!"

Sunod sunod na napailing ang nanay ko.

"N-No. That woman killed my daughter. She pushed her to do that! She was there, Marcelo. She killed her to get Ethan from Margot. That's how slut that woman can be! Ang ahasin ang sariling karelasyon ng kapatid niya. No wonder why, manang mana ang anak mong 'yan kay Feliz!"

"MARIELLA!"

Napakunot ang noo ko. The second time she mentioned that name. What's with that?

Masakit man ang buong katawan ko sa natamo ko sa aking ina ay sinabukan kong umalis sa likod ng aking ama. Kaagad naman siyang naalarma at inalalayan ako.

"Ano po bang sinasabi niyo? You mentioned her name two times in the row, Mama—"

"—I said stop calling me, Mama! You're not even my real daughter to begin with!"

Nagulat ako sa kaniyang sinabi.

"Mariella, ano ba?!" galit na sigaw ni Papa, "Halika na anak, I'll bring you to our doctor, don't mind your mother—"

"Bakit hindi mo na lang sabihin ang totoo sa anak mo, Marcelo? Tutal naman ay nandito na tayo, bakit ba hindi mo sabihin sa kaniyang hindi naman ako ang tunay niyang ina. Let's be real here, tutal ay sinaktan niyo naman ako nang paulit ulit at kinuha niyo pa ang anak ko sa akin, ngayon ay damdamin naman ng malandi mong anak ang saktan na'tin."

Para akong tinarakan ng kutsilyo na diretso sa aking puso. Ang bawat salita ni Mama ay tumatarak ng tagos na tagos sa akin hanggang kaluluwa.

She's saying things like she really mean it at all.

"Kapag hindi ka pa tumigil, Mariella ay ako na mismo ang makakalaban mo. You don't want me to get mad at you." pagbabanta ni Papa.

Napipilan si Mama, at nang makabawi ay napangisi.

"I regret everything." aniya habang salitang nakatingin sa amin ni Papa. Kasabay din no'n ay ang pagluha ng aking ina na halatang nasasaktan. May kumirot sa aking puso habang nakatingin sa kaniya. "Pinagsisisihan kong tinanggap ko ang anak mo sa pamamahay ko, Marcelo. I may not have treated her like my own, but I accepted her and gave her the life Feliz couldn't give, even though you know how hard it was for me to see her here every day. She reminds me of your sin!"

"P-Papa," umiiyak kong tawag sa aking ama na pilit na tinatakpan ang aking tainga para hindi marinig ang sinasabi ng aking ina ngunit malinaw na malinaw kong narinig ang lahat.

Hindi ako tanga. I get everything, but I want it to be clear enough.

"Let's leave, Margaret. You bruises needs to be treated." aniya ni Papa at inalalayan akong maglakad na. Ngunit bago kami makalabas ay bumaling pa ito kay Mama.

"We'll talk later." matigas nitong wika at tuluyan na kaming lumabas.

Sa tingin ko ay naubusan ako ng lakas sa loob. Maging ang utak ko ay ayaw na atang mag-function dahil sa pinaghalong pananabunot sa akin at sa mga salitang binitawan ni Mama na siyang naghahalo halo sa aking isipan.

Dumating ang family doctor na tinawagan ni Papa. Kaagad akong inasikaso at chineck nito habang nasa tabi lamang si Papa at tahimik na nagmamasid.

Marami akong gustong itanong sa aking ama. May mga bagay na naglalaro sa aking isipan lalo na sa pangalang Feliz. Pakiramdam ko ay malaki ang papel niya sa pamilya namin, at bakit gano'n na lang ang galit ni Mama kanina habang binibigkas ang pangalan niya.

May hindi sinasabi sa akin si Papa.

Ngunit hindi ko rin lubos maisip na mararamdaman ko ulit ang presensya niya sa aking tabi. Hindi ko akalaing magiging ama pa rin siya sa akin sa kabila nang paninisi niya sa akin noon sa pagpapakamatay ni Margot.

Galit silang lahat sa akin. Ang kaisa isa kong kakampi na si Papa ay bumaliktad din noon, kaya't hindi ko akalaing sa pagbabalik niya ay magpapaka-ama pa rin pala siya sa akin.

"Mabuti naman at dumating ka na, kanina pa kita hinihintay."

Mula sa aking pagkakaidlip ay unti unti akong bumalik sa huwisyo dahil na rin sa mahihinang boses na nasa loob ng aking kwarto. Ngunit dala ng pagod at pananakit ng buong katawan, ni maging ang talukap ng aking mga mata ay hindi ko na magawa pang imulat.

"Pasensya na po Tito, hindi ko po nadala ang phone ko sa site. Huli ko na pong nalaman na tumawag po pala kayo pagkabalik ko."

"Sa susunod ay siguraduhin mong nasa sa 'yo ang telepono mo, paano na lang kung may mangyaring malala kay Margaret?"

"Tito—"

"—resposibilidad mo ang anak ko, Ethan. Nag-iisa na lang ang anak ko. H'wag mong hayaang may mananakit sa kaniya.

"I failed—"

"—hindi mo alam na nagpunta si Margaret dito. Mahilig tumakas ang batang iyan kahit kanino, you should monitor her everytime dahil tingnan mo ngayon, hindi na nakapagpigil si Mariella."

"What should we do, Tito?"

Mahabang katahimikan ang namutawi bago muling nagsalita si Papa.

"I'll talk to Mariella first, ikaw na muna ang bahala sa anak ko. We'll talk after."

Sunod kong narinig ay ang pagbukas at pagsara ng pinto. Ramdam ko rin ang presensya ni Ethan na unti unting lumalapit sa akin. Gusto kong dumilat ngunit wala na akong lakas.

"B-babe," that's it. Sa boses niya pa lang ay nagkaroon na agad ako ng kaginhawaan. Feel ko ay safe na ako.

Dumampi ang kamay niya sa aking pisngi at marahang hinimas ang balat ko. Hindi man siya nagsasalita ay maririnig naman ang mabigat niyang paghinga, animo'y galit at hindi makapaniwala sa itsura ko ngayon.

Dahil sa napakalma niya ang aking kalooban, ramdam ko na naman ang unti unting pagbalik ko sa karimlam. Payapa akong namahinga at hindi na inisip ang mga kirot na nagmumula sa iilang parteng napasadahan kanina.

Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog. Nang magmulat ako ay wala na akong kasama sa kwarto. Iba na rin ang kwartong kinaroroonan ko. Pamilyar maging ang amoy.

Nakauwi na ako.

Saktong pagbaling ko sa pinto ay siyang pagbukas nito at iniluwa no'n si Ethan na may dala dalang tray ng pagkain. Nanlaki pa ang mata nito dahil nakita niyang gising na ako.

"You're finally awake!" halata ang saya sa boses niya.

Babangon na sana ako nang mabilis niyang ilapag ang tray sa table at alalayan akong maisandal sa headboard. Napaiktad pa ako dahil masakit pa rin ang katawan ko.

"Anong oras na?" tanong ko.

"Eight in the evening, babe."

"Ilang oras akong tulog?"

Napalabi si Ethan. "Dalawang araw kang walang malay, Margaret. Pagod na pagod ang katawan mo."

Hindi ako nakasagot. Bakit feeling ko kanina lamang ang lahat? Two days? That's hell.

"Nagugutom ka ba, babe? Gumawa ka ng soup, incase na bigla kang magising. And maybe, naging tama ang kutob ko kanina. You eat hmm, susubuan kita." aniya at aligagang kinuha ang mangkok sa lamesa at lumapit muli sa akin.

"Pinapalitan mo ba ako ng damit?" tanong ko muna. It's important for me, ayaw na ayaw kong hindi napapalitan ang damit ko at sana man lang ay naisipan niya rin akong punasan.

Biglang namula ang tainga niya. Napataas ang kilay ko at nagtaka.

"O-Of course, babe. I also cleaned you, three time a day. But I promise, I didn't do anything to you." pag-iiwas nito ng tingin.

Gusto kong matawa dahil para siyang teenager boy na nahihiya. Hindi rin naman ako nag-iisip kung ano man ang nasa isip niya ngayon na sa palagay ko ay hindi maganda. And what's wrong if he touched me? Mag-asawa naman kami.

Imbes na tuksuhin ay pinigilan ko na lang ang sarili ko.

"Isubo mo na sa akin 'yan." ani ko.

Bigla niya akong nilingon, gulat na gulat pa. "A-ang alin?"

Napakunot ang noo ko at wala sa huwisyong bumaba ang paningin ko sa shorts niya. Maging siya ay sinundan ang tingin ko at mas lalong namula.

Napailing ako. Wala sa huwisyo ang isang ito!

"Your soup, Mr. Martinez. Nothing else." pigil ang pagtawa ko na siyang tila ikinabalik niya sa huwisyo.

"A-Ah, of course the soup, babe." pekeng tawa niya at inumpisahang pakainin ako.

The joy that replaced my sadness was overwhelming. Being in the presence of my husband and witnessing his unwavering care for me felt like an immense blessing. In this phase of my life, I feel incredibly fortunate to have him by my side. Despite having the choice to depart, he continues to stay, affirming his commitment to our relationship.

"Please, don't you ever go there, Margaret. I'm thankful enough that your father was there, but please. Kung gusto mong puntahan si Tita Mariella, call me. Sabihan mo ako para masamahan kita."

"Kinausap ko lang si Mama about that wedding with George Ledezma. Hindi ko babastusin ang kasal na'tin, Ethan at hindi ko hahayaang mabastos iyon nino man. But I didn't expect na aabot hanggang dito. Galit na galit si Mama, and I understand—"

"—that don't justify your bruises, Margaret. Hindi kailangan umabot sa ganito."

"But you already know about this, Ethan. Alam mong umaabot kami sa ganito, mas malala lang ang ngayon dahil visible na visible ang mga pasa ko."

Hindi nakapagsalita si Ethan.

"But one thing is clear to me right now." I signed deeply. "She mentioned the name Feliz two time in a row. Kailangan kong makausap si Papa."

"Feliz?" takang tanong niya.

"I don't know about her, this is the first time I heard about her name. And It's getting into me. Para bang malaki ang papel niya sa pamilya namin, although I already have in mind some sort of things that's not impossible."

"Sort of things like what?"

Tiningnan ko ng mata sa mata si Ethan. He doesn't know anything, I know that. Pero malapit sila ni Mama, may alam kaya siya about kay Feliz?

His eyes says nothing.

"Sort things like . . . Mariella Bernardino was not my real mother."

𓍢ִ໋🌷͙֒

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #romance