Chapter 07
Being a wife was a dream come true for me at this moment. I thought I'm just going to dream this scenario until someone is willing to appreciate me; however, I only want to be tied to someone I look up to even before I see him. He's the dream that gave me too much courage to confess and fight my feelings for him, even though I knew how selfish my actions were before.
Isn't it normal?
Love can make all of us selfish at any stage. We can do all we can to have that love. We fear nothing; I fear nothing when I was truly and deeply in love with him before and even to this day.
Kaya kong hamakin ang lahat, maging akin lang siya.
Possessive?
I don't know. All I know is that, I am truly into him.
"Naku, matutuwa si Ethan sa niluto mo, hija. Aba'y paborito 'yan ng alaga ko."
Napangiti ako kay Manang at muling binalikan ang niluluto kong menudo.
Maaga akong nagising para mapaghandaan ang unang araw namin bilang mag-asawa sa bahay na ito. Ilang araw na akong nandito pero ito ang unang araw para sa akin, dahil ngayon ko sisimulan na gampanan ang pagiging may bahay sa kaniya.
Thankful na lang din ako kay Manang dahil nakasuporta siya sa akin, lalo na't hindi ko naman itinuloy ang cooking class ko dati dahil naisip kong walang patutunguhan 'yon dahil hindi naman kami nagsasama ni Ethan. But so far, I'm doing good. Kahit papaano ay may alam naman ako sa kusina.
"Manang, tikman mo naman 'to, tapos feedback po please." abot ko sa ng isang kutsara sa kaniya galing sa niluluto ko.
Kaagad namang kinuha 'yon ni Manang at tinikman.
"Naku, hija. Ang sarap. Kuhang kuha mo ang lasa na gustong timpla ni Ethan. Talagang gaganahan ang asawa mo sa pagkain mamaya."
Malawak akong ngumiti kay Manang at bumaling na sa ginagawa ko. Pinahinaan ko ang kalan at gumayat na naman ng mga kasangkapan para sa isang putaheng iluluto ko.
"Hindi nasabi sa akin ni Ethan na magaling ka sa pangungusina. Aba'y iilan na lang ata ang katulad mong galing sa mayamang pamilya na magaling sa kusina."
"Naku, Manang. May alam lang po ako, isa pa po, balak ko po talaga kasing mapagsilbihan ang mapapangasawa ko noon, kaya bago umattend din po ako ng cooking class."
"At bilib ako sa 'yo, hija. Panatag akong kahit mawala ako sa mundong ibabaw, ay may magpapakain ng lutong bahay sa alaga ko. Pihikan pa naman 'yan. Ma-swerte siya sa 'yo, buti ikaw ang napangasawa niya at hindi iyong isa—" parehas kaming natahimik ni Manang. Natigilan ako at nagawi ang paningin sa kaniya.
"—ay, naku, Margaret, anak, pasensya ka na." takip nito sa bibig niya.
Napalabi naman ako. "Ayos lang po, Manang. Nakilala niyo nga po pala ang kapatid ko. Maaari niyo po ba akong kwentuhan?"
"Sure ka ba, hija? Hindi ba't—"
"—Wala na ho sa akin ang nakaraan nila Ethan, Manang. Parte na lang naman po ang relasyon nila ng kaganapan noon kaya wala na po akong kinakabahala. Isa pa po, ako po ang pinakasalan."
Napakamot ng batok si Manang. "Oh sige, hija. Pero hindi ko naman nakakausap 'yon dahil hindi naman sila tumatambay sa puder ni Ethan noon. Kaya hindi ko masyadong kilala ang kapatid mo. Ang alam ko lang ay maayos naman ang relasyon nila. Hanggang sa bigla ka ring napunta sa larawan ng alaga ko. At ako ang unang nakaalam sa side ni Ethan na kasal na kayo."
"Noong magkarelasyon pa sila ni Ethan ay hindi ko man lang nakita na nag-e-effort ang kapatid mo, laging si Ethan. Alam mo naman siguro na sobrang dikit namin niyan ng alaga ko, hindi ba?"
Marahan akong tumango. Napabuntong hininga naman si Manang at nag-umpisa akong tulungan sa pagluluto.
"Nang minsan kong kumustahin ang relasyon nila ay naikwento niya sa aking iba si Margot sa mga karelasyon ng mga kaibigan niya. Kapag nagkwe-kwentuhan sila ay wala siyang maipagmalaking nagagawa sa kaniya ni Margot dahil wala naman siyang maikwento. Kaya tuwang tuwa ako ngayong ikaw mismo ay may pag-aalaga para sa asawa mo."
Hindi na ako nagtataka. Kahit magkapatid kami ni Ate Margot ay magkaibang magkaiba kami. Magkalapit kaming dalawa, kaya kabisadong kabisado ko siya. Kung ako ay mahilig sa mga ganitong bagay, siya naman ay gustong siya ang pinagsisilbihan.
Spoiled din kasi ni Mama kaya hindi na nakapagtataka.
"Tama lang talaga na napili ka ni Ethan. Kaya laking tuwa ko rin nang dalhin ka niya dito at talagang ito, nagsasama na kayo." ani niya'y tila kinikilig pa.
"Maaasahan niyo ako, Manang Belen. Ako man po ay walang ibang gusto kung hindi ang pagsilbihan ang asawa ko sa abot ng makakaya ko po. Wala po kayong dapat pang ikabahala dahil mahal na mahal ko po si Ethan."
Para sa akin ay isa itong malaking pagkakataon na ibinigay ni Ethan sa akin. Isang pagkakataon na hindi ko sasayanging iparamdam sa kaniya na nandito ako, at gagawin ko ang part ko bilang asawa niya, hindi dahil asawa niya ako at may responsibilidad ako sa kaniya kung hindi dahil sa mahal ko siya at masaya ako sa ginagawa ko.
Nang matapos akong magluto ay nagpaalam na muna ako kay Manang na aakyat na muna para gisingin ang asawa ko. Pagkadating ko sa master's bedroom ay napangiti ako nang makitang nakadapa si Ethan at humihilik pa.
My happiness right now can't even be measured, and words can't explain it. Para akong nasa alapaap at sana lang ay manatili lamang kaming ganito. May kalmadong relasyon at kapwa kontento sa isa't isa. Ano pa bang mahihiling ko?
Lumapit ako sa kama at umupo sa gilid, malapit kay Ethan. Iniangat ko ang kamay ko at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi. Ang gwapo niya matulog, asaan ang hustisya?
Hulmang hulma ang mukha ni Ethan. Maging ang ilong niyang may tamang tangos na binigay talaga para sa kaniya, maging ang panga niyang tama lang rin. May maipagmamalaki talaga, kaya hindi ko na kinukwestiyon ang sarili ko kung bakit ako ganito ka-baliw sa kaniya. Idagdag pa ang makinis niyang balat na namumula mula pa na bagay na bagay sa kaniya.
"Done staring?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang bumukas ang mata ni Ethan at sumaktong tingin sa akin! Mabuti na lang ay mabilis niya akong nahawakan sa kamay.
"Kanina ka pa gising?!" nguso kong tanong.
Bumalikwas ito ng higa at bigla akong hinila sa tabi niya. Wala akong nagawa kung hindi ang mapahiga sa kaniyang mga bisig. Pakiramdam ko ay namumula na ang magkabilang pisngi ko dahil ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya! Wala siyang suot na damit pang-itaas, kung kagabi ay ilang na ilang ako, ngayon ay mas matindi dahil tirik na tirik ang umaga at kitang kita ko ang maganda niyang katawan!
"Ang bango ah," aniya nang isubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.
Napalabi naman ako dahil may kiliti ako sa leeg.
"Anong oras ka nagising, babe? Bakit parang gising na gising ka naman?" takang tanong niya.
"Maaga, around seven ata." sagot ko.
"That early? Why?"
Yumakap ako pabalik sa kaniya. "Nagluto ako, babe." mahina kong sambit.
Nagtama ang paningin namin.
"Talaga?" hindi makapaniwala niyang tanong.
Marahan akong tumango. "Oo, pinagluto kita, kaya bumangon na tayo para matikman mo na." kindat ko't tatayo na sana nang mas nagsumiksik pa siya sa akin.
Umungot ito kaya natawa ako. "Babe, five minutes please. Let's stay like this. I want your warm,"
"Pero baka lumamig—"
"—I appreciate it, babe. Thank you so much, but, I really need this for now. Pa-charge lang po." pa-baby nitong wika.
"Okay fine, I also want this naman. So, let's stay like this for a while." pagpayag ko at pinaglandas ang daliri ko sa buhok niya.
Can we be like this forever?
Can I stay by his side like this one everyday?
Sa edad kong ito ay parang napunan ko ang kabataan kong kakiligan.
"Anyway, babe. Paano na nga pala 'yong kasal na sinasabi ni Mama? Alam na'tin both na isa sa mga araw na ito ay possible na mangulit si Mama. Alam mo naman ang ugali no'n"
"I already think about that, babe. At may plano na rin ako, pero I want to know your opinion, . . . " sandali siyang natigilan. Nang tumango ako ay naging hudyat 'yon para dumiretso siya.
"Gusto kong pormal na sabihin kay Tita Mariella na kasal ka na sa akin. Alam kong mahaba ang magiging usapan, pero handa akong itama lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa 'yo. At gusto ko ring iparamdam sa 'yo na proud akong ikaw ang naging misis ko."
Mas lalo akong napanguso. Tumaas ang kilay ko.
"Binobola mo ata ako, e."
Napakunot siya ng noo.
"The last time, pinagkompara mo kami ni Margot, ayaw mo ring binabastos ko siya. Tapos ngayon, proud ka na ako naging misis mo? Hmm, parang ang hirap maniwala." nagtatampo kong wika.
"Babe, I'm sorry!" aniya at umibabaw na sa akin.
Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtampo o fuck!
"I didn't mean everything, babe. I'm trying to be a cold person in front of you, but fuck it, sapat na parusa na siguro para sa akin ang halos isang taong hindi ko pagpansin sa 'yo. I can't stand it anymore, Margaret. At lahat 'yon naramdaman ko when that man tried to be with you."
"Ha? That man? Sino naman?" takang tanong ko.
Bakit may nadadawit na iba dito? At talagang tama ba ang naririnig ko mula mismo sa bibig niya? Ang dating sa akin ay para bang nagseselos siya.
"The one who's with you when you're at that casino. I don't know him, but I already saw his face around big time magazines." aniya at marahang ipinatong ang sarili niya sa ibabaw ko.
Kaagad na pumasok sa isip ko si Lance Vergara.
"Ah, I remembered. Lance Vergara." I said.
"Tsk, that's his name? Doesn't ring a bell." mataray nitong wika.
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Halatang nagseselos siya.
"So ang labas pala, kung hindi pa dahil sa kaniya, wala tayo sa ganitong position ngayon? I should be thankful to him then."
Mabilis siyang umiling. "Hindi, babe. But that's also one of the reasons. H'wag lang siyang magpapakita ulit sa akin dahil baka tumabingi ang panga niya."
Natawa ako. "Jealous?"
Napanguso siya. "Don't try me, babe. Masama akong magselos."
Napailing na lang ako at yinakap siya.
"I'm all yours, Ethan. Right from the start."
Lumalim ang paghinga niya sa aking leeg. "I may late for reciprocating your feelings towards me, but I'm willing to fulfill everything to be deserving for your love and affection, Margaret." aniya at sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Tears started to flow down to my eyes.
I can't believe this is happening!
Mas humigpit ang kapit ko kay Ethan nang simulan niyang igalaw ang labi niya sa akin. Thirsty for his lips, I move with him too.
Our lips collided. It was pationate and I can feel that real intentions.
Para akong nasa cloud nine. Parang hindi totoo. Ang paggalaw ng labi niya sa akin ay punong puno nang pag-iingat. Punong puno nang galang na hindi ako mababastos.
Nang magkahiwalay ang mga labi namin ay idinikit ni Ethan ang noo niya sa noo ko.
"I love this. Us . . . You, Margaret."
Mas lalo akong napaluha.
"I'm such a jerk for giving you the pain's, but I know deep down inside me, I know I'm falling for you too. Harder than I thought it could be."
"E-Ethan," luha kong tawag sa kaniyang pangalan.
"I love you, Margaret. I love you, wife."
𓍢ִ໋🌷͙֒
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top