Chapter 06

"I'll handle the rest, Margaret. All you need to do is to recover. Pina-cancel ko na rin 'yong stay cation na'tin bukas, pero hindi naman masasayang 'yon dahil pwede na'tin ilipat sa birthday mo, birthday gift ko na."

Napanguso ako.

"I'm sorry talaga, Ashanti. Bigla na lang din kasi." tukoy ko sa nangyari sa akin.

Ilang araw na akong nandito sa hospital. Fully recovered na talaga ako pero ayaw pa akong pauwiin ni Ethan. Nag-upgrade pa nga kami ng kwarto para lang daw maging comfortable ako habang nandito ako sa hospital.

"You don't need to apologize, Marga. Mas maganda talagang matingnan at ma-monitor ka nila dito dahil baka sa susunod ay hindi lang sudden cardiac arrest ang mapala mo."

A sudden cardiac arrest was declared by the doctor who checked me when Ethan dropped me here. My pulse was nowhere to be found, and that triggers Ethan.

"Pinag-alala mo ako ng sobra, Margaret. Akala ko kung may sakit ka na, dahil bigla kang inatake, but I'm glad enough dahil wala namang makitang kakaiba sa 'yo ang doctor mo."

Napatango ako.

"I really need to calm my mind, baka nga sa susunod ay hindi na ako umabot pa dito."

"Kung ano ano naman pinag-iisip mo. By the way, kinausap ko na ang director ng hospital. Minake-sure ko na walang makakalabas na balita about sa nangyari sa 'yo. Ampangit ng headline mo kapag nagkataon."

Napalabi ako. Sang-ayon din sa sinabi niya.

"Siya nga pala, nagka-ayos na ba kayo? While you were asleep earlier, I saw him sleeping by your side." naniningkit ang matang tanong ni Ashanti.

"It's a long story, Ash. Tsaka ko na lang—"

"—It's a long story but you can make it short, Marga. So what's the thrill?" taas baba ang kilay niya sa pagtatanong. "Todo ang asikaso niya sa 'yo habang tulog ka. Ni hindi rin umaalis sa tabi mo kung hindi ko pa siya papalitan sa pagbabantay sa 'yo. Ang fishy ah."

Tipid akong napangiti. Akmang sasagot na sana ako nang bumukas naman ang pinto ng kwarto at iniluwa no'n si Ethan na may dala dalang medyo may kaliitan na bag.

"Saan ka galing?" pukaw ko sa kaniya.

Malawak na ngumiti si Ethan sa akin at lumapit. Napansin niya rin si Ashanti at binati ito, at mabilis ding binalik sa akin ang tingin niya.

"Umuwi ako para kumuha ng damit mo tsaka dumaan na rin ako convenience store and bought you this." abot niya sa isang paper bag.

Binuksan ko naman iyon at mas lalong napangiti. There's a lot of chocolate drink inside of the paper bag. Iba iba pa ang brand pero local lang din.

"Thank you," masuyong pasasalamat ko. Bumaling naman ako kay Ashanti na napapalabi sa tabi at salitan kaming binibigyan ng makahulugang tingin ni Ethan.

At si Ethan, umupo lang sa dulo ng kama ko at marahang pinipisil ang aking talampalakan.

Kunwaring napa-ubo si Ashanti. "Mauna na pala ako, Marga. Medyo nakaka-inggit ang hangin dito, baka hindi ko makayanan bumalik ako sa ex ko." biro niya.

Napa-iling na lang ako at binesohan si Ashanti.

"Mag-ingat ka pauwi. I-send mo na lang sa email ko kapag need mo ng help sa boutique. I'll bank transfer you na lang 'yong isang nagpaunang bayad na, ikaw naman ang gagawa."

"Kalahati na lang ang ibigay mo sa'kin. Naumpisahan mo naman na 'yon so, mag-fifty fifty na lang tayo." aniya.

Nang makaalis si Ashanti ay naging tahimik ng ilang segundo ang kwarto. Nagbaba rin ako ng tingin nang magtama ang paningin namin ni Ethan na siyang naka-upo sa dulo ng kama ko.

"Are you okay na? May nararamdaman ka pa bang kakaiba?" puno ang boses niya ng pag-aalala. Maging ang mga mata niya ay lumamlam sa aking pag-angat ng tingin para salubungin siya.

"Maayos na ako, Ethan. Sabi nga ng doctor ay pwede na raw akong umuwi, ikaw lang itong may ayaw at gusto pang magtagal ako dito." ngusong turan ko.

Napalabi naman siya. "Gusto ko lang maka-sigurado that you're really that fine enough, Margaret. Masyado mo akong tinakot nang hindi ka makahinga. And this is not your first time ang sabi mo."

Napatango ako.

Matunog naman siyang bumuntong hininga.

"I'll pay attention to you starting now—"

"—hindi naman kailangan, Ethan. Katulad ng narinig mo sa usapan namin ni Doc., kapag na-trigger ako doon lang nangyayari ulit ang eksenang nasaksihan mo. Hindi naman 'yon nangyayari araw araw o kahit ilang beses sa isang buwan. May times lang talaga na kapag na-trigger ako about something, doon ako hindi makahinga."

"But the last thing na pinag-usapan na'tin ay tungkol sa pagbawi ko sa 'yo about our wedding anniversary. That means . . . " hindi niya na naituloy pa.

Kapwa kami nagkatinginan mata sa mata at para bang dahil doon ay nagkaintindihan kaming dalawa.

"I'm sorry, hindi ko alam na gano'n pala ang epekto no'n sa 'yo. If I could go back, hindi kita sasaktan."

Hindi ako sumagot.

Kung babalik kami sa nakaraan. Kung maibabalik ang nakaraan, I don't think that we will work out. Hindi kami aabot sa ganito kung babalik kami. Mas gusto ko pa atang naging ganito ang sitwasyon namin dahil maayos na kami ngayon.

"I'll try to do my best for you, Margaret. I'll be a better husband for you, hmm. We're starting."

Marahan akong napatango.

"And I'll do my best to be a better wife to you. You know, I already planned everything when we got married. I want to stay in the kitchen and cook something for you. Housewife duties." nguso ko.

Napangiti naman si Ethan.

"You can do it all right now, babe. But as far as you know, hindi mo ako kailangang pagsilbihan dahil ako ang gagawa no'n sa 'yo, okay?"

Sandali akong nag-isip.

"This is my way of love language, Ethan. Serving you as my husband will make my heart happy."

"Then I'll be a lucky husband living?"

Parehas kaming natawa at nagtaas ako ng kilay.

"Well, ako na 'to, Ethan. Margaret Bernardino. You're lucky." kindat ko sabay subo sa oranges na binalatan ni Ashanti kanina.

Kumuha rin si Ethan at napailing. "Margaret Bernardino-Martinez, babe. That's it."

Hindi na rin ako nagtagal pa sa hospital. Within the same day ay nagpalabas na ako kay Ethan dahil bagot na bagot na akong humiga at umupo sa higaan ng hospital. Hindi ko na rin gusto ang amoy doon at gusto ko nang umuwi. Hindi naman mahirap pakiusapan si Ethan, pero nagpagawa pa siya ng final test to really make sure that I'm okay nor stable.

Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa Mall. Hindi ko alam kung talaga bang sinuswerte ako ngayon o talagang dapat ko nang tanggapin na inaayos na talaga ni Ethan ang relasyon namin.

"Do you want that pendant or the other one?" tanong ni Ethan habang itinuturo ang ilang klase ng everyday necklace na ibinandera sa lamesa sa harapan namin.

Akala ko ay kakain kami dito, but little did I know, may balak pala siyang bilhan ako ng jewelry.

I don't know what to feel. Kahit kailan ay wala pang nagbibigay ng alahas sa'kin without occasions. Mostly din sa mga alahas ko ay sa'kin mismo galing. A little gift for myself.

"That's too much, Ethan. Pang-ilang necklace na 'yan." kalabit ko sa kaniya.

"It's okay, babe. Napansin kong you like jewelries, and I like it if I'll see you wearing more of it." puno ng admiration niyang wika. "Can we see the latest collection?" baling niya sa nag-a-assist sa amin.

Napanguso ako. "Tama na 'yan, nagugutom na ako e."

Mabilis na lumingon sa akin si Ethan. "Okay, let's see the other next time. Where do you wanna eat ba?"

Kaagad akong nag-isip. "I want fast foods, mag drive thru na lang tayo para sa bahay ko kainin, gusto ko na rin kasi magpahinga."

Nginitian lang ako ni Ethan bago muling nilingon ang ilan sa mga tauhan ng store.

"I'll just pay your jewelries, babe. Can you still wait?"

"Oo naman, go. Dito lang ako."

Pinanood ko lang kung papaano umalis si Ethan sa pagkaka-upo. Dumiretso agad sila ng counter at napanguso ako dahil mukhang may nakita pa siyang alahas na pinasabay niya pa sa huli.

He's spoiling me!

Nasa gano'n akong senaryo nang bumaling naman ang mata ko sa labas ng store. Hawak hawak ang kapeng ibinigay sa amin kanina, nagmasid ako sa mga dumadaaan sa labas.

Ngunit gano'n na lang ang pagkakatuliro at pagkabigla ko nang may mahagip ang aking mga mata.

"M-Margot?"

Mabilis akong tumayo para maabutan sa labas ang hindi kalayuan na pwesto ng babaeng pamilyar na pamilyar sa akin. Lumabas ako ng store at akmang lalakad patungo sa pwesto ng babae nang mabilis na may humatak sa braso ko. Pagkabalik ko ng tingin ay si Ethan pala.

"Where are you going?" nakakunot ang noong tanong niya.

Ngunit imbes na sagutin ay napabaling muli ako ng tingin sa  pwesto ng babae kanina, ngunit wala na ito doon. Inikot ko pa ang paningin ko sa paligid ngunit wala na siya.

"Margaret, I'm asking you." muling napukaw ni Ethan ang atensyon ko.

Humarap ako sa kaniya at umiling. "I thought I saw . . . A-Ashanti." pagsisinungaling ko. Hindi ko kayang isali sa usapan si Margot, parang ako na mismo ang papatay sa sarili ko kapag nagkataon. "Tapos ka na ba?"

Binitiwan niya naman ako at itinaas ang paper bag na dala niya mula sa store. Napangiti ako at kaagad na yumakap sa kaniya, ramdam ko pa ang pagkabigla niya ngunit mabilis ding nakabawi at yumakap sa akin. Ramdam ko rin ang marahan niyang pagdantay ng halik sa aking sintido.

"Thank you, Ethan. Hindi mo naman kailangang gawin 'yan, but I'm still thankful for your gifts." senserong wika ko.

"You're deserving of everything, Margaret. You're my wife, I'll spoil you even more not because I want to make even to you, but because I love giving you anything."

Napangiti ako. Nang maghiwalay kami ay magkahawak kami ng kamay na naglakad. Ngunit kahit anong saya ang nararamdaman ko ngayon dahil kay Ethan, ay hindi naman mawala wala sa isip ko ang nakita ko kanina.

But that's too impossible.

Imposibleng mabuhay ang matagal nang patay.

I saw it. I saw how she jumped off the cliff and was announced by the doctor that she's dead on arrival. She's dead. Already dead.

𓍢ִ໋🌷͙֒

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #romance