Chapter 04
"Get in."
Napakunot ang noo ko nang pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng casino ay may pamilyar na sasakyan na ang bumalandra sa harapan ko. Nang maibaba ng driver ang bintana ay naaninag ko doon si Lance Vergara.
Kaagad akong umiling.
"May sasakyan akong dala. Hinihintay ko lang iyong nag-assist sa akin kanina." nakangiti kong wika.
Lumabas naman ito sa sasakyan niya at gumawi sa aking tabi.
"Gusto sana kitang ayaing lumabas to have some iced coffee, akala ko pa naman wala kang dalang sasakyan nang lumabas ka." kamot batok niyang pag-amin.
"You're inviting a totally stranger, Mr. Vergara. Kakakilala lang na'tin kanina para ayain mo ako." pa-irap kong sabi.
Sumipol naman siya. "You're not that totally type of stranger to me, Ms. Bernardino. Kilala ka sa industry. Sapat na dahilan na ata 'yan para tanggapin na'ting hindi ka na stranger sa'kin—"
"—kaya mo rin kayang tanggapin kapag dumapo ang kamao ko dyan sa pagmumukha mo?"
Sabay kaming napabaling ni Lance sa aming likuran nang biglang may sumingit sa aming dalawa.
Nanlaki ang aking mga mata ng makitang si Ethan iyon na halos hindi na ma-itsura ang mukha. Ni hindi ko matukoy kung galit ba siya o wala lang siya sa mood.
"Excuse me?" maangas na baling sa kaniya ni Lance. Halata ang pagkalito sa kaniyang reaksyon.
Imbes na pansinin ni Ethan si Lance ay bumaling ito sa akin. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa at muling ibinalik ang mga paningin sa aking mga mata.
Napalunok ako sa talim ng pagkakatitig niya sa akin. There's something behinds his stares and I can't name it.
What the fuck is wrong with this man?
"Where's your car?"
"Hinihintay ko pa 'yong valet na nag-assist sa akin kanina. Nasa kaniya ang susi ng sasakyan ko—ito na pala," aniya ko ng maagaw ako aking tingin nang kadadating lang na lalaki. Kakababa lang din niya sa sasakyan ko at kaagad na lumapit sa gawin para maiabot ang susi ng sasakyan ko.
"Here's your key, Ma'am." wika ng lalaki.
"Thank you—"
Bago ko pa makuha ang susi ko ay nakuha na iyon ng mabilis na kamay ni Ethan.
"Let's go." walang ano'y lakad nito patungo sa aking sasakyan.
Naguguluhan ko siyang pinanood na pagbuksan ako ng pinto, nang maramdaman na hindi ako nakasunod ay bumaling muli siya sa akin.
"Bubuhatin pa ba kita?" malditong tanong niya.
Napatikhim ako at binalingan si Lance na halatang gustong magtanong.
"I'll gotta go, Mr. Vergara. I'm sorry for what he said. He's just joking around." pagpapalusot ko.
Napailing naman siya at bahagyang ngumisi.
"He seemed so jealous," aniya at lumapit ng husto sa akin, para besohan ako. "Goodnight, Ms. Bernardino, it's a pleasure to finally meet you. Keep safe." aniya at muling bumalik sa kaniyang sasakyan.
Napabuga na lang ako ng hangin ng sunod sunod na bumusina si Ethan. Nakapasok na pala ito sa sasakyan habang iniwan niya namang naka-bukas ang pinto sa front seat.
"What's with the two of you?" malamig nitong tanong nang makasakay ako at pausadin niya na ang sasakyan.
"Kapatid ng client ko." tipid ko sagot.
"That didn't answer my question, Margaret."
Napairap ako. "I don't like to answer your question and questions if you still have in the back of your mind, Ethan. I'm tired, stop starting."
I leaned wearily against the window, my eyelids heavy with fatigue. Though I hadn't quite slipped into a trance, I sensed the car slowing to a halt. Suddenly, he gently drew me closer and reclined me back, my body sinking into the seat as if I were settling into a bed, enveloped by a sense of tranquil surrender.
Exhaustion weighed heavily on me, rendering my eyelids impossible to lift. I surrendered to his gesture as he draped a comforting cloth over me, cocooning me in warmth. Shortly after, we resumed our journey once more.
I find myself in a whirlwind of emotions, unsure of what to truly feel. Yet, deep within my heart, his small gestures are like gentle notes, causing my heart to dance to its own rhythm.
"Pakikuha naman po ng damit si Margaret, Manang. Pakihanda na rin po ng maligamgam na tubig para mapunasan ko po bago ko i-akyat sa kwarto."
"Ngayon ko lang ata nakita na ganyan ka kay Margaret, hijo—"
"Don't start, Manang. C'mon, inaantok na rin po ako."
Wala ako sa huwisyo ngunit unti unting bumabalik ang diwa ko sa aking katawan. Rinig ko ang ilan pa sa mga pinagsasabi ni Ethan ngunit hindi iyon malinaw sa pandinig ko.
Sinubukan kong idilat ang mga mata ko, at nang magawa ko ay nanlalabo naman ang aking mga mata, kaya muli akong pumikit.
"Pakilapag na lang po dyan, Manang. Ako na pong bahala." rinig kong turan ni Ethan bago ko marinig ang mahinang paglagaslas ng tubig at maya'y may dumapi na sa balat kong bimpo.
"Manang, should I remove her makeup like this? Or may ginagamit po ba 'to cleanse it?" napahinto si Ethan sa ginagawa.
"Naku, hijo. Wala naman akong alam sa ganyan."
"Hindi kaya mag-break out siya after this? Should I wake her up?" litong tanong niya pa.
Gustuhin ko mang magmulat at sabihin sa kaniyang ituloy na lang ang pagpunas sa akin ay wala akong kalakas lakas. Sa huli ay ipinagpatuloy niya na lang din.
"Manang, ikaw na po ang magbihis sa kaniya. Aakyat lang ako para ayusin ang kwarto." aniya ng matapos.
Ako naman ay pinilit na gisingin ang sarili ko para hindi ko na sila maabala pa. Nakakahiya naman kung magpapabihis pa ako.
Kung si Ethan sana ang magbibihis, baka hindi pa ako mahiya.
Napailing ako sa aking isipan. Talagang naisingit ko pa ang isang 'yon, na alam ko namang hindi mangyayari kahit pa nga kasal kami.
"Oh, hija. Gising ka na pala, sandali. Bibihisan sana kita e." aniya ni Manang.
"Ako na po. Sa may guest room na lang po ako magbibihis." wika ko. Hindi ko na hinintay pa si Manang na makapagsalita. Kaagad akong tumungo sa guest room kung saan dito naman talaga ang dapat kong kalagyan.
Nandito pa nga ang iba sa gamit ko bago ako bumalik muli sa bahay nila Mama. Kaunti na lang naman siya pero wala pa ako sa sarili eempake lang ng ito.
Isa pa, hindi pa naman kami naghihiwalay ni Ethan. Magandang may gamit ako dito kahit papaano.
"Speaking of that man, akala ko ba aayusin niya ang kwarto? Bakit wala siya dito at wala namang nag-aayos?" takang tanong ko.
Kaya nga ako nagmamadaling iwanan si Manang sa sala ay nagbabakasali ako na maabutan ko siyang nag-aayos. Ano, trippings?
Nanlulumo akong pumasok ng banyo at nagpalit ng damit ko. Hindi na ako naghalf bath o kung ano pa man dahil tinatamad na ako. Ang bigat bigat ng katawan ko ngayon. Nang makalabas ako ng banyo ay kaagad akong sumalampak sa higaan at akmang pipikit na sana nang marinig ko ang pagpihit ng siradura ng pinto ko. Nagbaling ako doon at nakita ko ang bulto ni Ethan.
"Gising ka na nga, are you hungry?" malumanay na tanong nito.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko bago bumangon at umupo. Medyo kumakalam ang sikmura ko kaya marahan akong tumango.
"Nag-order ako ng Jollibee meal, if it's okay with you? Kung hindi mo gusto, I'll order something else." aniya na kinuha pa ang phone niya.
Napakunot noo naman ako sa kinikilos niya ngunit hindi ko na lang iyon pinansin.
"No need, that's okay for me. Ako lang ba ang kakain?"
Itinago niya ang phone niya at lumakad papalapit sa akin. Nakapamulsa pa siya sa sweat pants niya.
He's now wearing a casual outfit for bedtime. He has a plain white t-shirt and gray sweat pants, and he smells fucking nice and seductive. Where's the fucking justice?!
Para akong nauuhaw.
"Sasaluhan kita. I ordered a lot."
Napatango naman ako at napataas ang kilay nang mas lumalapit pa siya.
"Oh, bakit ka nalapit?!" hysterical kong tanong. Out of nowhere parang ayaw ko siyang dumikit o lumapit man lang sa akin!
Umangat naman ang sulok ng labi nito at walang pasabing humiga sa bakanteng pwesto sa may paahan ko pero malapit pa rin sa akin! Napaurong tuloy ako sa may head board dahil sa ginawa niya.
"Lumabas ka na nga, ano bang ginagawa mo dito?" may pagtataray kong tanong.
Nakatingin lang siya sa akin habang prenteng nakahiga.
"Bakit parang takot na takot ka naman sa'kin?" balik niyang tanong kinalaunan.
Natawa ako at dahil may hawak hawak akong unan, binato ko iyon sa kaniya kaya naman bahagya siyang natawa.
"Ikaw, katatakutan ko? Swerte mo naman." pabalang kong sabi at walang ano ano'y humiga at ipinatong ang binti ko sa may puson niya.
"A-Ah, fuck!"
Parehas kaming natigilan ng bigla siyang umungol. Namumula niya akong tiningnan at ako naman ay pigil na pigil na matawa sa kaniya.
"Libog ah." komento ko at iginalaw ang binti ko na siyang mabilis niyang pinigilan. Sinamaan pa niya ako ng tingin nang magpumilit akong gumalaw ulit.
"Stop it, Margaret, it's not funny."
Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. "I'm not doing anything, Ethan!" patay malisya kong sabi.
Sinalubong kong muli ang tingin niya. Bahagya siyang nakangiti sa akin kaya naman natigilan ako.
Kaagad ko ring napagtanto ang ayos at asta naming dalawa towards each other.
Oh my!
Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong napabangon.
"Is this for real?!" nanlalaki ang matang tanong ko sa kaniya.
"What are you talking about?"
"This!" salitang duro ko sa aming dalawa. "Are we really this close right now? I mean, you're not mad at me. Pinapansin mo talaga ako. What's happening?" nalilito kong tanong.
Lumabi lang si Ethan. Naghihintay ako ng sagot mula sa kaniya ngunit pagkatok sa pinto ang sumagot sa akin. Iniluwa no'n si Manang at sinabing dumating na daw ang in-order ni Ethan.
"Tara na—"
"—sagutin mo muna ako!" habol ko sa kaniya dahil nagmamadali siyang lumabas ng guest room.
Ang ending tuloy ay hinabol ko pa siya hanggang kusina, at ilang beses na kinukulit habang inihahanda niya sa harapan ko ang pagkain namin.
"Sit, wait for your food." utos iyon, sinenyasan niya pa ako sa hinila niyang upuan na malapit sa kaniya at inilapag ang pagkain ko sa aking harapan.
"Sagutin mo na ako! Ayaw ko ng pasikot sikot, Ethan, baka makalimutan kong—hmmm!" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang salpakan ako ni Ethan ng manok sa bibig. Natatawa pa siya habang sinesenyasan akong kumagat kaya masama ang tingin ko sa kaniya
Fuck this man!
Hindi na ako kumibo. Nginuya ko ang manok sa bibig ko habang masamang nakatingin lang sa kaniya.
"Mawawalan tayo ng grasya kakadaldal mo, and can you please stop staring me like that, you're like killing me." naiiling niyang wika.
Hindi ako sumagot. Tahimik akong kumain at hindi na siya binalingan pa. Bahala siya dyan. Basta kakain ako and after this, matutulog na ako.
Panay lang ako kuha ng manok sa bucket. Lahat ng chicken skin ay pinagkukuha ko at mula sa gilid ng paningin ko ay nakita ko na nakamasid lang sa akin si Ethan na may ngiti pa sa labi!
Bigla pa siyang nagbigay ng chicken skin sa plato ko galing sa manok niya kaya napatingin na ako sa kaniya ng tuluyan.
"What are you doing?" tanong ko.
"Giving you my chicken's skin as a sign of giving our marriage a try." simple niyang pagkakasabi. "Do you mind, Mrs. Martinez?"
𓍢ִ໋🌷͙֒
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top