Chapter 16
I never thought I would use embarrassing and liberating in the same sentence but that was what happened.
Pagkaalis ni Kevin ay pinalabas rin ni Tita si Tracy.
Sinabihan niya ang anak na huwag umalis dahil kakausapin niya ito.
Lulugo-lugo na lumabas si Tracy sa kuwarto.
Kahit hindi ko alam ang buong kuwento ay nakonsensiya ako sa nangyari.
May ibang tao na nadawit dahil sa ginawa namin ni Sid.
***
Pinagitnaan namin ni Sid si Tita Marga.
Hindi niya alam kung saan siya masashock.
Sa sex video na nirecord ni Tracy o sa nalaman na babae rin pala ang gusto ng anak niya.
Mahinahon siya habang nagsasalita kaya kahit kinakabahan ay medyo nabawasan ang nerbiyos ko.
Mahigpit si Tita dahil sa kanya ako pinagkatiwala ni Mommy nang mag-abroad ito.
Bawal maglakwatsa noong nag-aaral pa ako.
Bahay at eskuwela ang ruta ko.
Kapag may lakad ang barkada ay sila pa ang pumupunta sa bahay para ipagpaalam ako.
Hinahatid din nila ako pagkatapos ng lakad namin
Hindi kami lumalampas sa curfew dahil baka hindi na ako payagan sumama ulit.
Lagi rin sinisiguro ni Tita na ginagawa ko ang mga assignments bago manood ng TV.
Ang kaibahan lang ay hindi niya ako pinipressure na magkahonor.
Basta wala akong bagsak ay masaya na siya.
Trabaho ni Mommy na i-pressure ako kung gusto niya na mapasama ako sa honor roll.
Ako na mismo ang nagtulak sa sarili ko na magkaroon ng mga medals at awards.
Gusto ko maging proud sa akin hindi lang si Mommy kundi pati na rin si Tita.
Hindi madali na bukod sa sarili niyang mga anak ay inaalagaan niya rin ako.
Bukod kay Tracy ay may dalawa pa akong pinsan.
Itong bunso nila ay isang malaking milagro dahil early forties na noong pinanganak ang bunso nila.
***
"Lee, Sidney," Tiningnan niya kami.
"Hindi naman ako bulag o tanga."
"Noong una mong sinama dito si Sid ay alam ko na may namamagitan sa inyo. Pero nasa tamang edad na kayong dalawa. Umaasa ako na alam ninyo kung ano ang ginagawa ninyo. Isa pa, nakikita ko naman na masaya kayo."
"Tsaka mabait ka naman at magalang," Tiningnan niya si Sid na tulad ko ay tahimik din.
"Inaalagaan mo ang pamangkin ko at nasasakyan mo ang mga topak niya. Pinagpapasalamat ko nga na nakahanap siya ng tao na nakakaintindi sa kanya dahil kilala mo naman si Lee. Mahirap siya pakisamahan dahil bukod sa perfectionist ay may pagkasuplada talaga iyan."
Natawa ako kasi totoo naman ang sinabi ni Tita.
"Nagulat nga ako noong magbreak kayo. Ang akala ko talaga eh kayo na ang forever. Hindi pala." Malungkot ang boses niya.
"Lee," Ako naman ang hinarap niya.
"Hindi ko alam kung bakit mula ng tumira ka sa Maynila ay bihira ka na magsabi sa akin. Bihira ka na rin dumalaw dito. Kaya nagulat ako nang sabihin ni Kevin na may boyfriend ka kasi ang buong akala ko ay babae ang gusto mo."
"Bisexual po ako, Tita."
"Okay. Kung saan ka masaya ay walang problema sa akin. Ang hindi ko gusto ay niloloko mo si Brad. Kahit naman hindi ko siya type dahil mahangin ay umaasa ako na gagawin mo ang tama. Kung hindi mo siya talaga mahal ay hindi mo siya kailangan lokohin."
"I'm sorry, Tita."
"Ikaw naman," Tinapik niya si Sid sa tuhod.
"Alam mo na may boyfriend na si Lee pero hindi mo makontrol ang sarili mo."
"Sorry po."
Tiningnan ako ni Sidney.
Kahit hindi siya magsalita ay kita sa mga mata niya ang mga bagay na alam ko na.
"Mahal ko pa rin po kasi si Lee."
"What?" Nagulat ako.
Hindi ko akalain na aaminin niya ito sa harap mismo ni Tita.
"It's true. I still love you. I thought I was doing the right thing when I broke up with you but I made a mistake, Lee. I think it's too late now but I have to let you know."
Hindi ako nakapagsalita.
Nahalata naman ni Tita na kailangan niya umexit.
"Ang mabuti pa ay mag-usap kayong dalawa. Meron pa akong dapat ayusin sa labas."
Tumayo siya at iniwan kami.
Paglabas niya ay tahimik lang kami ni Sid.
Nobody made a move to come closer and fill the space.
Mula sa labas ng kuwarto ay dinig ang pagkanta ni Brad.
It's My Life ng Bon Jovi ang binabanatan niya sa videoke.
In fairness ay maganda ang boses niya at magaling siya kumanta.
Unlike Sid who avoided singing dahil sintonado siya.
Kumakanta lang siya kapag marami na siyang nainom.
I listened to the song and thought of my mother.
For a long time, I thought the dream she wanted for me was what I wanted for myself.
Ayokong madisappoint siya sa mga choices ko.
Pero habang lumalaki at nakikila ang sarili ko ay gumawa ako ng mga bagay na nagpasaya o nagpalungkot sa akin.
Nagkamali ako pero natuto ako at lalong naging mature at malawak ang pang-unawa.
May isang bagay lang talaga na nagpapahirap sa akin dahil wala akong lakas ng loob na aminin sa sarili ko ang totoo.
When I met Sid, I knew she was the one for me.
I've been with other people but no one else made me so happy and alive.
Kahit natatakot ako sa posibleng mangyari kung seseryosohin ko siya ay tinuloy ko.
Binigyan ko ang sarili ko ng karapatan na kilalanin siya at mahalin ng lubusan.
Pero kahit masaya ako sa piling niya ay lalo rin lumalaki ang takot lalo na kapag may nakaalam sa relasyon namin.
The more I love her, the more my fear grew because I felt like I have to leave everything behind including my mother.
Hindi ko kayang gawin iyon.
Kahit nasaktan ako nang siya na mismo ang nakipagbreak sa akin ay narelieve rin ako dahil sa kanya na mismo nanggaling.
It was a selfless act on her part.
I don't think I would be brave enough to let her go.
But when she said goodbye, I knew I was letting go of a once in a lifetime love because I was aiming for something acceptable.
"What are we going to do?" Sid finally spoke.
I looked up to see her staring at me.
Her eyes were dark and filled with worry.
"Don't ever let me go," I took her hand and squeeze it tight.
"What about Brad?"
"Let me take care of it."
"Are you sure?"
"I've never been sure my whole life," I smiled.
My heart skipped a beat when she did the same.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top