CHAPTER 5: Chef Ashiko

L.A's POINT OF VIEW

Sabi na nga ba eh! Kaya parang pamilyar sa akin si Ashiya, siya yung pamangkin ni Tita Thalia.

"Lewis, bakit ang lawak ng ngiti mo dyan?" Asar sa akin ni Kraige.

"May magluluto na kasi ng dinner natin mamaya." Natatawang sabi ko.

"Sino naman?" Sabay nilang tanong.

"Malalaman niyo mamaya." Nakangiting saad ko, subukan niyang huwag sundin utos ko, manganganib ang I.D niya HAHAHA!

Napatingin ako sa may gawi niya at as usual naka yuko siya sa arm chair niya. I have an incredible idea, bakit kaya di kami lumipat sa tabi niya para naman madalian kaming makipagkaibigan sa kaniya. Ang galing mo talaga Lewis.

"Anong ngiti yan Lewis?" Asar sa akin ni Primo.

"Wala naman."

**

"Hey! Miss Venafuerte!" Tawag ko sa kaniya, ngunit hindi niya ko pinansin nagdire-diretso lang siyang lumakad.

"Miss Venafuerte? So, you mean siya si Ashiko?" Tanong sa akin Kraige.

"Yes, at kanina ko lang din nalaman noong nalaglag niya yung I.D niya." Sambit ko.

"Kaya ba talaga nating gawing dalaga yun? Eh ilag nga sa tao yun?" Tanong sa akin Kraige.

"Kakayanin para din sa atin toh, para hindi tayo mapunta sa apartment." Sambit ko.

"Tama, tatlo tayo! Isa lang siya." Dugtong pa ni Kraige.

Pinatakbo ko na ulit ang sasakyan. Pagka dating namin sa bahay ay hinanap ko agad si Ashiko. Nalibot ko na ang buong bahay ngunit wala siya. Isa na lang ang hindi ko napupuntahan ang kuwarto niya.

Kakatok ba ko? Paano pag nagalit siya, hindi aantayin ko na lang siya lumabas. Pero paano pag hindi siya lumabas? Arrrggghhh! Mababaliw ako sa kakaisip, kakatukin ko na sana ang kaniyang pinto ng may magsalita sa gilid ko.

"Anong ginagawa mo sa tapat ng kwarto ko? Hindi ba may usapan tayong walang pwedeng pumasok dyan?" Malamig ang tonong sabi niya. Nakakatakot talaga siya mag salita, lalo na kanina noong kinuha ko yung I.D niya. Pero hindi ko maaaring ipahatala na natatakot ako sa kaniya.

"May usapan tayo remember? You're my maid." Nang aasar na sabi ko sa kaniya.

"So? Nasa bahay tayo kaya hindi mo ako maid." Madiin niyang sabi.

"Hoy! Babae pumayag ka na maging maid ko." Inis na sabi ko.

"Sa school lang to be clear." Hinawi niya ko at pumasok sa loob ng kwarto niya.

Ginigigil talaga ko ng babae na yun. Bumaba ako ng hagdan na nakakunot ang noo.

"Anong problema Lewis?" Tanong sa akin ni Primo.

"Wala, kumain na lang tayo sa labas ng makakain naman tayo ng totoong pagkain." Sambit ko at umakyat sa kuwarto para kuhanin ang susi ng sasakyan ko.

"Let's go." Sambit ni Kraige.

What the hell?! Where's my car???

"Nasan si Indigo??" Naiinis na tanong ko.

"Pati yung akin wala." Sambit ni Primo.

"Mga sasakyan niyo ba hinahanap niyo?" Napatingin kami sa nagsalita, si Ashiko pala.

"Oo nakita mo ba?" Tanong ni Primo.

"Noong pauwi ako dito may nakita kong dalawang tow truck, hila hila yung sasakyan niyo." Sabi nito.

"What the f*ck! Anong gagamitin namin?" Inis na sambit ko.

"Edi mag commute kayo o di kaya lakarin niyo para tipid." Sambit ni Ashiko at pumasok na sa loob.

Arrrggghhh! Nakakasura, tinawagan ko ang number ni Tita Thalia.

"Oh! I think, alam ko kung bakit mo ko tinawagan. It's about your car, right?" Tanong nito sa akin.

"Yes, tita." Sagot ko.

"I'm sorry for saying this but kagagawan ito ng dad mo. Para naman daw matuto kayong mag commute, and besides kaya naman lakarin ang school niyo dahil malapit lang naman ito sa bahay. Yung deal natin don't forget, Au revoir!" Sabi na si dad ang may pakana nito eh!

"Ano sabi ni Tita Thalia?" Tanong ng dalawa.

"Pinakuha daw ni dad." Sambit ko.

"Teka ano yung amoy na yun?" Usal ni Primo at pumasok sa loob ng bahay, sinundan naman namin siya ni Kraige.

Nakarating kami sa kusina at nadatnan naming nagluluto si Ashiko.

"Wow! Ang bango ng amoy." Sambit ni Primo, sa totoo lang sobrang bango nga ng amoy. Nakakatakam, gusto ko tuloy kumain na.

Nang matapos magluto ni Ashiko ay inihanda na niya ito sa lamesa.

"Wow! Salamat sa pagluto ng masarap na pagkain Ashiko." Sambit ni Kraige at dadakmain na sana ang pagkain.

"Hindi! Hindi para sa inyo toh! Para sa amin ni Freddy ito, magluto kayo ng sa inyo." Yung manikin yung pinaglutuan niya?!

"Hoy! Mukha bang may buhay yun? Hindi naman niya makakain yan eh! Kami na lang ang kakain." Sambit ko dahil sa inis.

"Ang sabi ko walang pakialamanan. Kaya kung anong gusto kong gawin wala kayong pakialam pa doon! Nagkakaintindihan!" May batas na sambit niya at inilagay ang mga pagkain inihanda niya sa isang tray at umakyat sa itaas.

"Akala ko pa naman may pagkain na tayo." Sambit ni Primo.

"Wala tayong magagawa magluluto tayo ng atin." Sambit ko at kumuha ng airpron.

Kumuha na din ng airpron ang dalawa.

"So, paano na?" Tanong ni Kraige.

"Mag search tayo sa google ng masarap lutuin ngayong dinner." Suggest ko.

"Adobo na lang para madali." Suggest ni Primo.

"Okay." Sagot naming dalawa.

**

Sachiko's POINT OF VIEW

"Masarap ba ang dinner natin today, Freddy?" Tanong ko sa kaibigan ko.

Nanonood kami ng horror ni Freddy habang kumakain ng may naamoy akong kakaiba sa baba. Parang may nasusunog.

"Sandali lang Freddy, may titignan lang ako sa baba." Sambit ko at mabilis na tumakbo pababa ng hagdan.

"Anong nangyayari dito bakit puro usok?" Tanong ko sa kanilang tatlo na ngayon ay nasa kusina.

"Eh kasi nagluluto kami eh!" Sambit ni Epal, Lewis ata pangalan neto.

"Tumabi nga kayo dyan, susunugin niyo ba yung bahay?" Inis na sambit ko at pinatay yung stove. Nakita ko yung linuluto nila sunog na sunog. Itinapon ko ito sa may basurahan.

"Gusto lang naman kasi namin magluto, gutom na gutom na kami." Paawa effect na sabi nung Primo.

"Pumunta kayo sa may sala, ipagluluto ko na lang kayo kaysa naman sunugin niyo bahay ng lola ko." Cold na sabi ko at nagsimula ng magluto.

L.A's POINT OF VIEW

"Sabi ko sa inyo may magluluto na para sa atin." Mayabang na sabi ko.

"Malamang muntik mo na sunugin yung bahay eh!" Nang aasar na sabi ni Kraige.

"Chef Lewis pa nga." Dugtong pa ni Primo, at nag-up here sila.

"Magtigil nga kayong dalawa, pag uuntugin ko kayo eh!" Saway ko sa kanila.

Matapos magluto ni Ashiko ay linapag niya sa lamesa ang mga niluto niya may dumpling, chicken, at fettuccine. Ang sasarap.

"Salamat sa masarap na pagkain." Sambit ng dalawa. Napatingin naman sila sa akin.

"What?!" Tinignan naman nila akong dalawa na parang sinasabi na magpasalamat din ako.

"Okay fine, ang pangit ng luto mo." Sabi ko, eh sa ayoko magpasalamat eh! Wala sa bokabularyo ko yun. Napatapik na lang sa noo yung dalawa.

"Okay fine. Edi huwag kang kumain kung pangit luto ko." Sambit ni Ashiko at akmang kukuhanin ang pagkain ko ng hawakan ko ang kamay niya.

"Okay, thank you sa food." Tipid na sambit ko, inalis naman niya ang kamay niya agad.

"A-akyat na ko sa taas." Paalis na siya ng pigilan ko ang kamay niya.

"Saluhan mo kami." Sabi ko.

"Ayoko." Madiin niyang saad at tinabig ang kamay ko. Ano bang problema niya? Bakit ba ayaw niya kaming makasama? Bakit ba sobrang ilag niya sa amin? Pero infairness ang sarap niya magluto, madaming babae ang linulutuan ako sa school pero iba yung luto niya.

"Ang sarap nuh?" Tanong sa akin ni Primo.

"Oo." Pag sang-ayon ko sa tinuran niya.

**

Thank you for reading The Lone Wolf❤
Don't forget to hit the orange star below and leave a comment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top