CHAPTER 4: Maid
Sachiko's POINT OF VIEW
Mas maaga akong gumising kaysa sa karaniwan kong gising, dahil ayokong makita ang mga yun. Gusto kong mapag-isa, naligo at nagbihis agad ako pagka tapos ay bumaba na para mag handa ng almusal ko. Hotdog at itlog as usual ang linuto ko, para madali lang. Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako ng bahay, sobrang lamig ng simoy ng hangin sa labas. 5:30 am pa lang kasi ng umaga. Sinadya ko yun para hindi ko makita ang magagandang nilalang na yun.
"Goodmorning po." Bati ko sa guard sa school namin.
"Goodmorning, ang aga mo iha ah!" Nakangiting bati rin sa akin ni Manong guard.
"Opo, para po makatulog ako. Mauna na po ako." Sambit ko, at lumakad na papasok.
Pumunta muna akong gym dahil sobrang aga ko pa, 6:00 am binubuksan ni Kuyang guard yung mga classroom. Aakyat na lamang ako kapag malapit ng mag 6:00 am. Nakinig ako ng music sa aking cellphone at umupo sa may damuhan.
L.A's POINT OF VIEW
~Kringgg... Kringggg... Kringgggg...
Tunog ng alarm ko kaya napa balikwas agad ako ng bangon, tinignan ko ang oras at magsi-6:00 am na. Malapit lang naman ang school kaya kahit mga 6:30 na kami umalis ng bahay ay ayos lang. Pagbukas ko ng pinto nakita ko ang kuwarto ni Ashiya. Napatingin na naman ako sa naka ukit sa kaniyang pintuan. Bakit ba masyado siyang ilag sa tao? Introvert ba siya?
"Beautiful creatures is not allowed inside my room."
Pinuntahan ko na yung dalawang tubol sa kuwarto nila, anong oras na kasi hindi pa rin gising.
"Woyyy! Magsi gising na kayo! Anong oras na!" Sambit ko at kinatok ang mga kuwarto nila.
"Give me 15 minutes, yaya." Sabi ni Kraige, aba'y ginawa pa kong yaya.
Pumasok ako sa kuwarto niya at binalibag siya ng unan.
"Yahhh! Bakit ka nambabalibag? Ang aga aga eh!" Kamot ulong pahayag nito.
"Anong oras na senyorito Kraige, yaya pa nga! Tumayo ka na dyan iiwan kita." Pananakot ko sa kaniya.
"Eto na bababa na." Kamot ulo niyang sabi.
Pinuntahan ko naman ang kuwarto ni Primo, at good thing bumangon na siya kaya hindi ko na kailangan pang aksayahin ang boses kong maganda.
Bumalik ako ng kuwarto para maligo at magbihis.
Pagtapos kong maligo at magbihis ay bumaba na agad ako.
"Napansin mo bang umalis ng bahay si Ashiya?" Tanong sa akin ni Primo.
Oo nga nuh parang di ko pa siya nakitang bumaba mula kanina, baka ma-late yun. Ay ano bang pakialam ko doon. Huwag nga daw siya papakialaman eh! Tsk!
"Hindi, hayaan niyo na yun malaki na yun. Alam niya ginagawa niya." Nasambit ko na lang.
"So, anong kakainin natin? Wala namang marunong magluto sa atin?" Tanong ni Kraige.
"Tawagin ko si Ashiya para magluto." Sambit ni Primo.
"Noooo! Hindi mo ba naalala yung sinabi niya? Magluluto siya ng kakainin niya, tayo naman ang magluluto ng kakainin natin. Walang pakialamanan." Paliwanag ko.
"Ay oo nga pala, paano yan? Instant noodles na lang kakainin natin?" Tanong ni Primo.
"Ano pa nga ba? Yun lang ang alam nating lutuin." Sambit ko.
Pagkatapos naming kumain ng almusal ay nag punta na kaming school.
"Goodmorning guys." Bati sa amin ni Shenn.
"Goodmorning Shenn." Bati naman namin sa kaniya.
"So, kamusta yung tinutuluyan niyo?" Tanong niya sa amin.
"Ayos lang naman, pwede na. Kaso ayoko lang doon sa pamangkin ni Ms. Thalia." Sambit ni Primo, agree din naman ako. Ang creepy niya kasi sobra.
"Ha? May kasama kayong iba sa bahay? Lalaki o babae?" Sunod sunod na tanong ni Shenn.
"Babae." Tipid na sagot ni Kraige.
"Bakit babae? Maganda ba? Ilan taon? San nag-aaral?" Sunod sunod niyang tanong, nangangamoy may nagseselos.
"Mas maganda pa din ang Shenn Shenn namin." Sambit ni Primo.
"Talaga? Maganda ba ko Koko Kraige?" Pagpapa cute nito kay Kraige. Sana ganiyan na lang kaganda at ka charming yung pamangkin ni Tita Thalia para naman hindi kami mahirapan na kaibiganin siya. Pero dahil sa pinakita niya sa amin kahapon feeling ko mahihirapan kaming gawing dalaga yun. Lalo na at alam ko siya yung tipo ng babae na sobrang rare, hindi talaga siya pangkaraniwan.
"Oo maganda ka." Sagot ni Koko at nauna na itong lumakad.
"Narinig niyo yun? Maganda daw ako." Tuwang tuwang sambit ni Reeshen at hinabol si Kraige. Bakit ba kasi ayaw pang ligawan ni tukmol si Shenn eh halata namang may gusto rin siya dito.
Pagpasok ko pa lang ng classroom nakita ko ulit yung babaeng weird na naka yuko sa arm chair niya. Parang nakikita ko sa kaniya si Ashiko. Hindi kaya iisa lang sila?
**
~Kringggggggg
Tunog ng bell, hudyat na lunch na.
"Class, dismissed." Sambit ng instructor namin at lumabas na ng room.
"Arat, punta na tayong canteen L.A" Sabi ni Kraige.
"Sige, sunod na lang ako doon." Sambit ko at lumabas na ng classroom. Wala ko sa mood kumain, dahil busog pa naman ako sa kinain namin ng recess. Dinala ako ng mga paa ko papunta sa likod ng gym, parang masarap magpahangin ngayon dito. Sakto namang walang masyadong mga estudyateng nagpupunta rito. Kaya ito ang favorite spot ko, dahil nakakaramdam ako ng katahimikan at nalalayo ako sa realidad kapag nandito ako.
Nagulat ako ng may makita akong babae, hindi ko makita ang mukha niya dahil sa bangs nitong nagsisilbing takip sa kaniyang mukha. Naka itim itong jacket at mag-isang kumakain. Hindi niya ata naramdaman na nandito ako.
"Hello." Sambit ko, muntik na siyang mabulunan. Nagulat ko ata siya.
"Ayos ka lang?" Tanong ko at lumapit sa kaniya, umupo ako sa harap niya para makita ko ang kaniyang mukha pero malabo ko talagang makita dahil sa bangs na nagsisilbing takip sa kaniyang mukha. Bigla niya akong tinulak, kaya napatumba ko.
"Ano bang problema mong babae ka?!" Inis na sigaw ko, bigla siyang tumakbo paalis.
"Nakaka asar yun ah!" Inis na sambit ko. Napansin ko ang I.D na nasa damuhan, feeling ko sa kaniya ito. Pinulot ko ito at tinignan, nagulat ako sa aking nakita.
"Ashiya Sachiko Venafuerte? Siya si Ashiko?"
Sachiko's POINT IF VIEW
Ang sarap sarap ng kain ko doon bigla na lang may susulpot. Nakaka asar, akala ko naman walang taong nagpupunta doon. Pumunta na lamang ako classroom para matulog, ang aga pa para sa 1:00 pm naming class.
Iniyukod ko na lang ang aking ulo sa aking arm chair. Teka, parang pamilyar sa akin ang mukha na yun? Saan ko nga ba siya nakita? Ay bahala na makatulog na nga lang.
Naalimpungatan ako ng may tumutusok sa likod ko. What the heck? Sino ba yung istorbo na toh? Hindi ko na lamang ito pinansin at ipinikit ulit ang aking mata.
"Alam kong gising ka, tumingin ka nga sa akin." Sambit niya, bahala siya magsalita ng magsalita dyan wala akong pakialam.
"Ashiko." Napabalikwas ako sa narinig ko, paano niya nalaman ang nickname ko?
"I'm right, you're Ashiko. Bakit di ko agad nalaman?" Natatawang sambit niya.
Tinignan ko lamang siya, kaya pala pamilyar yung mukha niya isa pala siya sa mga tukmol na pinatira ni Tita Thalia sa bahay. Tsk!
"So, what do you need?" Tanong ko.
"Baka ikaw ang may kailangan sa akin." Natatawa niyang sabi. What the heck? Pinagsasasabi nito? Hindi ko na lang siya pinansin at akmang yuyuko na ng magsalita siya.
"Where's your I.D Miss Venafuerte?" Tanong nito.
Napatingin naman ako sa I.D ko, WTH! Where's my I.D.
"I told you, ikaw ang may kailangan sa akin." Natatawa niyang saad, iniinis ako nitong magandang nilalang na ito.
"So, where is it? Give back my identification card." Batas kong sambit.
"No! No! No! Hindi mo agad makukuha ito ng ganon ganon lang." Natatawa niyang saad. Ano bang problema nito?
"So, spill it? Ano ang kailangan mo sa akin?" Inis na tanong ko.
"Be my maid." Madiin niyang sambit. Wow! As in W-O-W ang kapal ng mukha ng nilalang na toh!
"Hindi mo ko yaya." Tipid na sagot ko.
"Okay, edi walang I.D." Potek naman oh! Hindi ako makakapasok kapag wala kong I.D na napakita.
"Kukuha na lang ako ng bago." Sabi ko
"Matagal dadating, mahigpit pa naman si Mr. Principal pagdating sa proper attire lalo na sa I.D." Nang-aasar na sabi nito. Nakaka bwisit ang isa na toh, sa totoo lang umay sa kaniya.
"Okay fine, pumapayag na ko. Just give back my I.D." Inilahad ko ang kamay ko, para ibigay niya. Nagulat ako sa binigay niya, yung I.D niya what the hell? Ano bang problema ng lalaki na toh?
"Para sure na papayag kang maging maid ko, palit muna tayo ng I.D for now." Sambit nito at lumayas na sa harap ko. Arrrggghhh! Sarap niyang gilitan ng buhay! Wala na kong nagawa kung hindi ilagay na lang yung I.D niya sa lace ko. Nakaka asar akala ko pa naman matatahimik na buhay ko dito.
**
Thank you for reading The Lone Wolf❤
Don't forget to hit the orange star below and leave a comment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top