CHAPTER 3: Venafuerte Mansion

L.A's POINT OF VIEW

"Class dismissed." at umalis na ang aming teacher. Kinuha ko na ang bag ko at sinukbit sa aking balikat.

"Tara na Lewis!" Aya sa akin nila Kraige.

Liningon ko muna ang upuan ni Ashiya ngunit wala na siya roon. Ang bilis naman nun? Ni hindi ko man lang nakitang lumabas siya ng room. Kaya sumunod na lamang ako kila Kraige.

"So, totoo bang mag-aapartment kayong tatlo?" Tanong ni Reeshenn.

"Hindi nuh! Hindi ata kami pababayaan ni Tita Thalia." Sambit ni Primo, kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya.

"Oh? Bakit? May nasabi ba kong masama?" Patay malisiya niyang tanong.

"First time mo lang atang hindi tinawag si Tita Thalia na “Babe”" Pang-aasar na sabi ni Kraige.

"Bakit masama bang magbago?" Nakangiti nitong sabi.

"Naku! Hindi mo pa nga nakikita yung sinasabing pamangkin ni Ms. Thalia, patay na patay ka na agad." Natatawang sabi ko.

"May kutob ako na isa siyang magandang dilag, dahil maganda din si Tita Thalia malamang namana niya ang ganda ng angkan nila." Nakangiting saad nito.

"Playboy talaga as always." Pa-iling iling na wika ni Reeshenn.

"Gusto niyo samahan ko kayo sa lilipatan niyo?" Nakangiting wika ni Reeshenn.

"Huwag na, kaya na namin. Tsaka baka gabihin ka pa, sa sabado ka na lang pumunta doon. Susunduin pa kita sa inyo." Saad ni Kraige. Bigla namang naging excited si Reeshenn.

"Talaga! Yiieehh! Excited na ko, gusto ko ng mag sabado." Nakangiting wika nito at may pa talon talon pa.

"Sige na, ingat ayan na ang sundo mo." Sabay turo ni Kraige sa kotse nila Reeshenn.

"Ingat Shenn." Sabay naming wika ni Primo, at nag wave na siya bago pumasok sa loob. Sumakay na din kami sa sasakyan noong maka-alis na si Reeshenn. Ang kasabay ko ay si Kraige, dahil gamit ni primo ang sasakyan niya.

"Paano nga pala yung mga gamit natin?" Tanong sa akin ni Kraige.

"Oo nga nuh! Teka tatawagan ko si Tita Thalia." Sambit ko.

Ida-dial ko pa lang ang number niya ng tumawag ito.

"Don't worry boys, lahat ng gamit niyo ay nasa bahay na at naka-ayos na sa kaniya-kaniyang kuwarto ninyo." Lumawak ang ngiti ko sa narinig.

"You're the best Tita Thalia, we love you." Nakangiting saad ko kahit na hindi naman niya nakikita na nakangiti ako.

"No problem, basta yung deal natin don't forget. Au revior."

"Ano sabi?" Tanong ni Kraige.

"Nandoon na daw lahat ng gamit natin." Nakangiting saad ko.

"Ayos!"

Makalipas lang ang kinse minutos ay narating na namin ang sinasabing bahay ni Tita Thalia.

"Ayos pala dito eh! Tahimik, walang kapitbahay na tsismosa." Saad ni Kraige.

Bumaba kami parehas at maging si Primo ay bumaba na rin.

"May tao ba dito? Parang wala namang nakatira?" Saad ni Primo.

Wala kasing sumalubong sa amin na guard or maid man lang. Humakbang na kami ng hagdan papasok ng bahay. Parang haunted kung titignan dahil napaka tahimik. Binuksan ko ang pinto at napamangha kami sa aming nakita. Puro antigo ang mga kagamitan sa loob.

"Wow! Para tayong nasa sinaunang panahon." Manghang sabi ni Primo habang hawak ang isang paso.

Lumakad ako ng lumakad hanggang sa narating ko ang napaka gandang hardin. Punong puno ito ng rosas at may mga butterflies na naka dapo.

"Oy mga tubol halika kayo dito." Tawag ko sa dalawa, lumapit naman agad sila dito.

"Ang ganda naman ng bahay nila Tita Thalia." Nakangiting saad ni Kraige.

"Teka ano yun? Tao ba yun?" Sinundan namin ng tingin ang tinuturo ni Primo. Sa bandang gilid ng bahay may naka upo, nakatalikod ito kaya hindi namin makita ang itsura.

"Hello po!" Tawag ni Kraige dito ngunit hindi ito lumingon. Kaya naman napag pasiyahan naming lumapit na dito. Baka isa itong hardinero.

Nang makalapit kami sa lalaki ay hinawakan ko ang balikat niya.

Biglang may sumulpot na tao na balot na balot ng kumot na itim.

"Wahhhhhhh!" Sabay sabay naming sigaw.

"Huwag niyong gambalin si Freddy, nagpapahinga siya." Sabi ng taong nakabalot sa kumot, sa tono ng kaniyang pananalita sigurado akong  isa siyang babae.

"Pasensiya na ho! Pero dito kasi kami pinatuloy ni Tita Thalia. Anong pangalan mo miss? Ikaw ba yung pamangkin ni Tita Thalia?" Sunod sunod na tanong ni Kraige.

Ngunit hindi siya pinansin ng babae at kinausap muli ang lalaking naka upo.

"Sorry Freddy, hindi kita nabantayan. May naka gambala tuloy ng pahinga mo." Saad nito habang hinihimas himas ang kamay ng MANIKIN?!

Nagsi-taas ang balahibo ko sa katawan. Nababaliw na ba ang isang toh? Bakit niya kinakausap ang walang buhay na manikin?

"Doon tayo sa sala mag-usap." Pagbaling niya sa amin ng atensiyon niya at nauna ng tumungo sa may sala. Ang lamig ng boses niya, nakakatakot. Nasaan na ba kasi yung pamangkin ni Tita Thalia.

"Ang creepy nung babae." Saad nilang dalawa. Wala kaming nagawa kung hindi sumunod sa may sala.

"Maupo kayo." Sabi nito, kaya naupo kami.

"Ahm.. Nasaan si Ashiko?" Tanong ko, napatingin siya sa akin, alam ko yun kahit na hindi namin makita ang mukha niya dahil sa kumot na nakatalukbong sa buong katawan niya.

"Ako si Ashiko." Tipid na sagot nito, nagulat naman kami sa aming narinig.

"Ikaw?" Sabay sabay naming tanong.

"Oo." Tipid ulit na sagot nito. Natameme kami walang makapag salita sa aming tatlo dahil inaasahan naming isang magandang dilag si Ashiko tulad ni Tita Thalia.

"Inform ko lang kayo, walang maids at guards dito. Magluluto ako ng kakainin ko, magluluto kayo ng kakainin niyo. Walang pakialamanan, nagkakaintindihan?" May batas na tono nito.

"Yes, Ma'am!" Sabay salute naming tatlo.

"Aakyat na ko, nga pala walang puwedeng humawak kay Freddy at walang puwedeng pumasok ng kuwarto ko." May diing sabi nito, kaya napalunok ako. Nakakatakot siya.

Nang makaakyat siya tsaka lang kami nakapagsalita.

"Ayoko na dito Lewis." Sabi ni Kraige.

"Ako din ayoko na, sa apartment na lang tayo." Saad naman ni Primo.

"Gusto niyo ba yung walang aircon? Mahina internet? Maalikabok?" Tanong ko sa kanila.

"Ayaw!" Sabay nilang sabi.

"Kaya magtiis na lang tayo dito atsaka sabi naman niya hindi niya tayo pakikialaman basta lang huwag nating hahawakan yung manikin at huwag papasok sa kuwarto niya." Pagkumbinsi ko sa dalawa, mabuti na lang at nakinig sa akin ang dalawang tubol na toh!

Pumunta na ko sa magiging kuwarto ko. Buti na lang may mga pangalan. Napatingin ako sa katapat ng kuwarto ko. Yung kuwarto pala ni Ashiko toh!

Beautiful creatures is not allowed inside my room.”

What the heck is that for? Hindi ko siya maintindihan ang weird niya. Kaya pala wala siyang nagiging kaibigan eh! Pumasok na lang ako sa room ko at nahiga.

******
Thank you for reading The Lone Wolf❤
Don't forget to hit the orange star below and leave a comment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top