CHAPTER 2: Ashiko

L.A's POINT OF VIEW

Pagpasok na pagpasok pa lang namin ng school, agad nagsi-labasan yung mga fan girls namin. Sikat kasi kaming tatlo sa school na toh! Ang tawag nga sa amin ay The Three Kings.

"WAHHH! Ang pogi talaga nila!"

"Lalo na si L.A!"

"Akin lang si Baby Primo ko!"

"Sakin naman si Kraige!"

Ilan lang yan sa mga naririnig namin.

"Padaanin niyo kami!" Sigaw ni Bella na kambal ni Becca, isa sa Triple A. Tinawag nila ang sarili nilang The Triple A dahil puro nagii-start sa letter A yung surname nilang tatlo.

Pinadaan naman sila agad nung mga babae, mga takot kasi sila sa mga yan.
Mayayaman din kasi ang tatlo na yan, kaya ang kakapal ng mukha.
Nagsilapitan naman silang tatlo sa amin at pinuluputan agad kami. Parang mga ahas tsk!

"Baby L.A sabay na tayong pumasok." Pinilit ko namang kumawala sa pagkakakapit niya.

"Masasaktan ka kapag hindi mo binitawan ang braso ko." May diin sa boses na sabi ko. Napa-urong naman ito agad at bumitaw na sa pagkaka hawak.

"Tara na girls! Mukhang hindi maganda ang gising ni Baby L.A!" Nasabi niya na lamang at umalis na silang tatlo sa harapan namin.

"Napaka mean mo kay Caitlyn." Napalingon kami sa nagsalita, si Reeshenn pala. Kaibigan namin nila Kraige. May gusto yan kay Kraige matagal na, hindi ko nga lang alam kay Kraige kung bakit ayaw niya pang ligawan si Shenn Shenn. Maganda naman ito, mabait at matalino. Kung ako si Kraige liligawan ko na si Shenn.

"Goodmorning Shenn!" Bati namin sa kaniya.

"Goodmorning." Bati niya naman pabalik sa amin. Lumapit naman agad ito kay Kraige at kiniss niya ito sa pisngi.

Nagsi-tilian naman ang mga estudyante, boto kasi sila sa tambalang KraiShenn. Maging kami ay kinikilig sa kanilang dalawa, bagay naman kasi talaga sila. Maganda si Shenn at guwapo si Kraige, pero syempre mas gwapo ako nuh! Walang makakatalo sa akin sa kagwapuhan!

"Anong nginingisi ngisi mo diyan Lewis?" Tanong sa akin ni Primo.

"Naalala ko ang gwapo ko kasi!" Sabay pa-pogi HAHAHA!

"Tara na nga baka ma-late pa tayo!" Sabi ni Kraige at sumunod naman sila agad.

"Oy! Sandali lang huwag niyo kong iwanan." Habol ko.

Sa corridor pa lang grabe na ang tilian lalo nung pumasok na kami sa room, hindi na bago sa amin yun na nagkakandarapa sa amin ang mga babae. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa room napukaw agad ang atensiyon ko sa babaeng naka-yuko na nasa may bandang bintana.

"Rica!" Tawag ko sa vice president namin, lagi kasi siya ang nabo-boto na maging vice ko. Ako lagi kasi ang binoboto nila maging president mula noong grade 7 pa lang kami.

"Yes my L.A? What can I do for you?" Maarteng sabi niya, pero hindi ko na ito pinuna pa.

"Sino yung babaeng naka yuko?" Tinignan naman niya yung tinuturo ko. Napa kunot naman ang kaniyang noo. Malamang walang alam ang mga ito, wala silang pake sa paligid nila lalo na at hindi naman kapansin pansin ang isang toh! Pero may kung ano sa kaniya na siyang dahilan kung bakit ko siya napansin. Kasi hindi man lang naki tsismis kung ano ang pinagkakaguluhan at isa pa sa sobrang ingay ng mga kaklse namin imposibleng hindi niya ito narinig.

"Ewan? Baka transfer, ngayon ko lang nakita ang isa na yan dito. Gusto mo gisingin ko?" Tanong niya.

"Hindi huwag na, ako na lang!" Pagpigil ko sa kaniya.

Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ng babae, naka yuko pa rin ito. Sa tantiya ko natutulog ang isang toh! Naka jacket ito na may hood. Sinundot sundot ko ang likod niya. Aba wala man lang nararamdaman.

"Hey miss! Upuan ko yan." pagkalabit ko sa kaniya ngunit wala pa ring epekto. Nagbibingi-bingihan ba toh? O sadyang bingi na talaga siya? Kanina pa ko salita ng salita di man lang iangat yung ulo.

"Hey!" This time yinugyog ko na siya, pag ito hindi pa nagising tatadyakan ko na toh!

"Kapag ikaw hindi pa tumayo diyan makakatikim ka talaga sakin!" Inis na sambit ko. Aba! Wala pa ding effect?

"Isa!" Pagbibilang ko.

"Dalawa!" Aba! Talagang ayaw niya ah! Alam kong nakatingin na sa amin ngayon yung mga kaklase namin.

"Tat---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang iangat niya ang ulo niya at tumitig sa akin. Bigla akong tinaasan ng balahibo sa buong katawan ko. Ang creepy niya, hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil sa mask na nakatakip sa kaniya at sa bangs niya na nagsilbing harang sa kaniyang mata. Napa-atras ako ng kaunti ng tumayo siya at kinuha ang bag niya. Lumipat siya ng upuan na hindi man lang nagsasalita. Nabalot ng katahimikan ang buong klase namin. Grabe! Yung presensiya niya nakakatakot. Ang creepy ng babaeng yun. Naupo na lamang ako sa aking upuan. Hindi ko pa rin mai-alis ang tingin ko sa kaniya, naka yuko lang ulit siya sa kaniyang arm chair.

"Oh baka matunaw! Hindi mo naman sinabi sa amin na ganiyan na pala ang mga type mo sa babae Lewis." Pang bubuska sa akin ni Primo.

"Upakan kita eh! Bumalik ka na nga doon sa upuan mo." Nasabi ko na lang, hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa babaeng yun hanggang sa dumating si Sir Seth.

"Goodmorning class, I would like to introduce your new classmate Ashiya. Come in front Ashiya magpakilala ka sa kanila." Nakatingin si Sir sa babaeng nasa likod, so Ashiya pala name niya.

Sinundan ko siya ng tingin habang lumalakad papuntang harap. She's not the typical girl na lagi kong nakikita sa eskuwelahang toh! She's strange, the way she dressed it's totally different from other girls. Yung palda niya mahaba and she's wearing a jacket, hindi ba siya naiinitan? Long sleeve na nga yung uniform ng girls naka jacket pa siya.

"I'm Ashiya Sachiko Venafuerte, nice meeting you all." Pagkasabi niya noon, ay nag bow siya.

"Sir!" Tawag ni Rica.

"Yes Rica?"

"Bakit po naka jacket siya at mask? May sakit po ba siyang nakakahawa?" Natatawa niyang sabi.

"Baka naman may galis yan kaya nga mahaba yung palda niya eh!" Gatong ng isa pa naming kaklase.

"O di kaya pangit mukha kaya nakatakip." Doon na sila nagtawanan.

"Stop that, don't bully Ashiya. May reason siya kung bakit ganyan siya manamit. Sige na Ashiya, you can go back to your seat." Sabi ni sir.

"Parang sadako yung buhok! Wooooooo!" Pananakot pa ng isa sa mga kaklase kong lalaki.

"Sinabi kong tumigil na kayo, hindi nakakatuwa ang pagbibiro niyo kay Ashiya ng ganiyan!" Napatigil naman agad sila.

Habang nagdi-discuss si sir, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapasulyap sa kaniya. Na curious tuloy bigla ako sa itsura niya. Ano kaya ang itsura niya sa likod ng mask niya?

**

Thank you for reading The Lone Wolf❤
Don't forget to hit the orange star below and leave a comment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top