Chapter 7

Baby Girl

Monday na naman. Hindi pa ako nakaka-move on sa mga nangyari sa party. Hindi ko pa rin alam kung bakit biglang nagalit si Kell. At lalong inis pa rin ako sa Jalen na 'yon.

"Ba't ka nakasimangot diyan? May problema ba?"

Napatingala ako at nakita ko ang concerned na mukha ng bestfriend ko. "Huh? Wala."

Naningkit ang mga mata ni Kell sabay tapik sa noo ko gamit ang hinlalaki niya. "Eh bakit nakakunot 'yang noo mo? Is it your mom?"

Umiling ako. "Pwede ba akong makikain sa penthouse mamaya?"

"May duty si tito dok? O tinatamad ka na namang magluto?"

"Eh di huwag. Hindi nalang ako kakain," kunwaring pagtatampo ko sabay tulak sa kanya para makadaan ako sa hallway. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya pero patuloy lang ako sa paglakad.

"Ano ba'ng gusto mong kainin?" tanong nito habang nakita ko siyang nakahabol na sa tabi ko.

Tinignan ko siya nang nakangiti. "Dinakdakan."

Hinawi niya ang buhok niya sabay iling sa akin. "Hindi ka pa ba sawa dun?"

"Hindi. Ang sarap kaya ng luto ni Manang Isang," sagot ko. Dinakdakan ang specialty ng yaya nina Kell dahil galing pa siya sa Ilocos. Nung first time kong matikman ito, muntik ko nang makalimutan ang pangalan ko sa sarap.

"Fine. Ang lakas mo sa'kin eh." Pinisil niya ang pisngi ko kaya napatigil ako sa paglakad.

"Markell!" Tinapik ko ang kamay niya sabay simangot.

Tawa lang siya kahit na inis na ako. "Oh, nakasimangot ka pa rin."

"Kasi naman, alam mo na ngang ang laki ng pisngi ko, papalakihin mo pa," inis na sagot ko.

"Kaya nga ang sarap pisilin," sumbat pa nito na halos hindi ko na makita ang mga mata dahil sa kakatawa.

"Kung hindi lang talaga kita-" napatigil ako bago ko pa mabuking ang sarili ko.

"Oh, by the way, it's Lolo A's birthday on Sunday. Invited kayo ni tito dok," Kell suddenly blurted out.

Napatigil ako saglit. Kahit na matagal na kaming magkakilala ni Kell, hindi ko pa rin maiwasang hindi ma-intimidate tuwing kasama ko ang pamilya nila.

"Sige, sabihan ko si papa," sagot ko, pero ngayon pa lang, nag-iisip na ako ng excuse para hindi ako makapunta sa birthday ng dating Presidente ng Pilipinas.

#

I made up all the excuses in my head para lang makaiwas ako sa family gathering slash birthday party ng lolo ni Kell. Si papa hindi pa makakasama dahil sa duty niya.

Sunday morning came and here I was, standing in front of the mirror. Hindi ko alam kung bakit gusto kong maging perfect ang suot ko. Siguro dahil alam kong puro sosyal ang mga bisita nila doon.

"K! Pwede bang relax ka lang?" Tinapik ako ni Hailey sa balikat at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Long-sleeve na floral dress ang suot ko ngayon.

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. The cream dress stopped just above my knees. Sa sobrang sikip ng damit, parang hindi na ako makahinga. Paano pa ako makakakain niyan?

"That's it!" Tinuro ni Brianna ang suot ko na para bang nakita na niya ang "the one."

I sighed. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri ko sabay tingin ulit sa salamin. Medium length ang buhok ko. Pwede ko namang itaas at itali nalang gamit ang scrunchie ko. Pero baka magmukha pa akong waitress doon. "Ano'ng gagawin ko sa buhok ko?"

Kinuha ni Brianna yung curler sa drawer ko at lumapit ulit sa akin. Sinimulan na niyang kulutin ang buhok ko. Straight talaga ang buhok ko kaya medyo natagalan pa siyang kulutin ito para magmukhang natural. Tinanggal niya ang pin sa kanyang buhok sabay lagay sa may side ng buhok ko.

"There you go!" Brianna exclaimed. Tiwala ako sa kanya bilang siya naman ang Fashion Design student sa amin.

"Thanks, girls." Nagpasalamat ako sa dalawang babaeng tumulong sa akin bago ko basahin ang text ng bestfriend ko.

"K, I'll propose to Flora in front of everyone later. Wish me luck."

Huminga ako nang malalim. "Good luck, Koleen."

#

Ang mansion ng mga Atkinson ay nasa loob ng gated community na tinatawag nilang Fotheringham Parks. Puro mayayaman lang ang mga nakatira dito at ang may-ari nito ay siya ring founder ng university namin. Palakihan ng gate at bahay ang mga nandito kaya parang nasa ibang bansa ako sa tuwing bumibisita kami dito.

Pagdating namin sa mansion ng mga Atkinson, marami nang mga kotse ang nakahilera sa labas ng bahay. Buti nalang at malawak ang lupain nila kaya kasya naman ang mga ito. May malaki ring fountain sa labas ng mansion na siyang gustong-gusto kong pinupuntahan.

Nang makarating kami sa loob ng mansion, gusto ko na agad umalis. Nasa dining hall kami at may mga nakaset-up na tables para sa mga bisita. Wala akong ibang kilala doon maliban sa pamilya nina Kell. Bakit ba kasi ako nandito? Sana hindi nalang ako sumama.

"What are you studying again, dear?" Mrs. Mindy Atkinson smiled as she turned to face me. Parehas sila ni Kell na medyo smiley ang mga mata.

Binalikan ko siya ng ngiti, my hands trying to relax on my lap. "Nursing po."

"Oh, right. I think you'll be a great nurse." Her remark lifted my spirits as I glanced at the man beside her. The senator's face remained stoic, mouth shut and eyes fixed on the wineglass he was holding.

"She will be, mom."

Napatingin ako sa isa pang babaeng nagsalita sa tabi ni Kell. Her round eyes sparkled as she turned to me. Seeing the two side by side emphasized their resemblance with each other. Kung mahaba lang ang buhok ni Kell, pwede na siyang pumasa bilang kambal ni Liatris. Kell was three years older though.

"Are you not planning to be a doctor, hija? Just like your father?"

The voice of the senator broke my serenity, his question lingering in my mind. Actually, naisip ko rin namang sundan ang yapak ni papa. But at the same time, hindi naman ako gaanong ka-passionate sa medical field. Sobrang busy ko rin sa org kaya mahihirapan akong mag-aral ng medicine.

Lumunok ako at muntik nang mabilaukan sa sobrang tuyo ng hangin na nalalanghap ko. Gusto ko ng fresh air. Letting out a breath, I answered, "Not sure yet po. But I'm not closing my doors to it."

"Good. Sayang naman kung titigil ka lang as a nurse," Senator Jorge Atkinson commented.

"She's also an executive officer of Gen L Society," someone raised her hand, diverting the conversation.

Napatingin ako sa babaeng katabi ni Kell. Kanina pa kami nandito pero ngayon lang nagsalita ang girlfriend niya. Si Flora Villacristo ay anak ng may-ari ng isang telecommunications company sa Pilipinas. Tahimik lang si Flora pero pagdating sa mga bagay na gusto niya ay passionate at active siya.

"I imagine it's very difficult being a student nurse and being a part of Gen L," dagdag ni Flora sabay ngiti sa akin.

I nodded. "Kinakaya ko pa naman. Mas busy ka nga kaysa sa akin."

"Oo nga pala, hija. You're the President of both Gen L Society and Student Council, right?" Biglang napunta ang usapan kay Flora, which I didn't mind. Mas mabuti nang siya ang pag-usapan nila kaysa ako.

"Yes po, tita," sagot ni Flora. "I'm planning a lot of projects this year. Fingers crossed na matupad ang mga ito."

"I know you can do it. You always do," pag-chi-cheer ni Kell sa tabi ng girlfriend niya sabay ngiti.

Binalik naman ni Flora ang ngiti sa boyfriend niya.

Just then, may dumating na naka-itim na lalaki at biglang umupo sa tabi ni senator. Naka-long-sleeves siya pero hindi nakabutones yung mga nasa taas na parte nito kaya na-expose nang kaunti ang dibdib niya.

His black ripped jeans and high-cut Converse completed his look. Isama mo pa ang magulong buhok nito pati na ang nangungusap niyang mga mata. Nagmukha siyang rakista na umiinom ng dugo ng tao.

Edward Cullen yan?

"Kuya Enrico!" Masayang bati ni Liatris kaya napatingin ang lalaki sa parte namin.

Napabilis ang pagkurap ng mga mata ko. Gusto ko mang umiwas ng tingin, may kung anong magnet siyang taglay na pilit akong hinihila patungo sa direksiyon niya.

"Tris!" sagot ng lalaki na nakangisi sa kanyang kapatid. Ibinaling niya kaunti ang tingin hanggang sa nagtama ang mga mata namin. "Hey, baby girl."

I choked in the air.

What the actual freak?

🍭

A/N: Ayan na pala si Edward Cullen... ahy este, Jale Enrico pala. 🧛🏻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top