Chapter 4
Sugar Baby
"Ayokong makipag-break kay Tyler," mangiyak-ngiyak na sabi ni Brianna sa tabi ko. Kanina ko pa sinasabi sa kanya na mukha na siyang raccoon dahil sa smudge ng mascara na kumalat sa pisngi niya.
Simula nang makilala ko siya, wala na akong narinig sa kanya kung hindi ang pagrereklamo niya tungkol kay Tyler. On and off ang relationship nila at tumagal ito ng isang taon.
Kinuha ko ang tissue box sa mesa niya at inabot ito sa kanya. "Akala ko ba naka-move on ka na? Ang dami namang iba diyan na mas deserve ang pagmamahal mo."
"Pero siya lang talaga ang mahal ko." Bumuhos ulit ang luha ni Brianna kaya nilapitan ko siya at niyakap.
"Bri, tahan na." I tried to console her even though I hadn't really experienced being heartbroken before.
"Puntahan ko kaya siya?" Napakunot ako ng noo sa tanong niya.
"Ha? Bakit mo siya pupuntahan? Nababaliw ka na ba?" Pasigaw kong sagot sa kanya. "Bri, huwag mo na siyang bigyan ng chance para saktan ka ulit. Tanga ka na nun pag ginawa mo yun."
"Tanga na kung tanga pero mahal ko pa rin siya."
Aba at nakuha pa niya akong batuhin ng linya galing sa isang pelikula. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa babaeng ito.
Biglang tumunog ang phone ko pero hindi ko ito pinansin. Tumigil ito saglit pero maya't maya pa ay tumunog ulit. Napatigil si Bri at tinignan niya ako. I just shrugged at her.
Tumigil na rin ang pagtunog ng phone ko. This time, yung phone naman ni Bri ang nag-ring. Wala pang tatlong segundo ay sinagot na niya ito. "Ty?"
Iuuntog ko talaga ang babaeng ito pag binalikan ulit niya yung gagong Tyler na yun.
"Si Koleen? Yeah, nandito siya."
Ako? Bakit naman niya ako hahanapin? Makakatikim talaga yung lalaking na yun sa akin.
"Someone wants to speak to you." Inabot ni Bri ang phone niya sa akin.
I sighed, taking the phone from her. "Hello?"
"Koko."
I let out a sigh, hearing the guy's voice. Hindi pala si Tyler. "Oh, ano na naman ang gusto mo?"
"Ikaw," pabirong sagot naman ng lalaki.
Napasinghap ako. "André, huwag mo akong ina-ano ha. May kasalanan pa kayo sa'kin. Akala mo abswelto ka na sa ginawa mo sa coffee shop nung nakaraan?"
The guy chuckled. "Sorry, it was just a friendly dare. Anyway, come hang out with us here in the penthouse. You can take Bri if she wants to. See you, Koko."
Binalik ko kay Bri ang phone niya na medyo lutang pa rin. "Inaaya tayo sa penthouse nila. Sama ka?"
Umiling si Bri. "Ikaw nalang. I'm not in the mood to party anyway."
"Hindi naman yun party. Usual hangout lang nila. Tsaka ayaw kitang iwan. Baka kung ano pa ang gawin mo sa sarili mo. Tara na!"
#
Not long after, nakarating na rin kami sa penthouse. Actually, pag-aari ito nina Kell at ng mga kaibigan niya. Alas-siyete na nang makarating kami dahil sa traffic. Pagkapasok namin sa loob, agad na bumungad ang malakas na tunog galing sa speakers.
"They're here!" Someone exclaimed the minute we reached the lounge area.
"Koko! Bri!" Pasigaw na bati ng lalaking nakaupo sa may sahig habang tutok na tutok ang mga mata nito sa malaking plasma tv sa harap. Inangat niya nang bahagya ang isang kamay nito para batiin kami at agad rin niya itong ibinalik sa game console na hawak niya.
"André," pagbati ko sa video gamer na bumati sa amin.
Si Alexandré Deux Laurent ay full French na kaibigan nila. Pinanganak siya sa Paris pero lumaki siya dito sa Pinas.
"Akala ko ba no girls allowed tonight?" Out of nowhere, a guy in red baseball uniform came in, his bronze skin glistening in sweat. Kilala ng lahat si Lorenzo Reigan Maxwell sa Fotheringham University. Siya lang naman ang captain ng defending champion na baseball team namin.
"Hello rin sa'yo, cap." I lifted my head towards his direction and he did the same. Alam kong biro lang niya yun at sanay na ako.
"Any drinks, ladies? Beer? Wine? Champagne?" Biglang nagsalita si Kell at paglingon ko ay papalapit na siya sa amin.
Binati ko siya ng suntok sa balikat.
"Aww!" Napangiwi si Kell sabay hawak ng braso niya.
"Hindi kami pumunta dito para maglasing," sagot ko.
"Tsaka may game kami bukas, bro. Pass sa alcohol," Logan told Kell off.
"Eh di juice nalang," Kell corrected himself as he gestured us to sit on the couch.
"Beer nalang tayo sa weekend, bro." André chuckled, his turquoise eyes fixed on the game he was playing on the screen.
Umiling ako sa kanila sabay tingin kay Kell. "Tulungan na kita."
"Guest ka namin kaya umupo ka nalang doon, okay?" Kell ordered as he marched his way to the kitchen.
"Dré, bakit hindi mo ayain si Alexis?" Logan suddenly suggested.
"Alexis?" Na-curious ako kaya hindi ko napigilang hindi magtanong. Lumapit ako sa kanila at umupo sa couch malapit kay Logan.
"Sino si Alexis?" tanong ko.
"Di ba since grade school pa may gusto yun sa'yo, bro?" panunukso ni Kell mula sa kusina na kita pa rin namin dahil sa open plan na design ng penthouse nila.
"No way, man!" André blurted out, shaking his head.
Lumapit si Kell sa akin na may hawak na dalawang baso ng mango juice at inabot ito sa amin ni Bri. Alam na alam talaga nito ang mga pangangailangan ko. Siya nalang ang kulang eh. Kainis.
"Thanks," I mouthed at him as he went back to the kitchen.
"Kell, where's my juice, bro?" André complained. Napansin pala niya kahit na halos lumuwa na ang mata niya kakatutok sa screen.
"Hindi ka bisita dito," Kell chuckled habang busy sa pagprepare ng kung ano sa kusina.
"Shit!" Sigaw ni André sabay tapon ng game console na hawak niya sa carpeted na sahig. "Talo na naman!"
"Ayan kasi hindi naka-focus sa game," pabirong sabi ni Bri sa nagdadabog na bata sa sahig.
"Bad trip! Kasalanan niyo 'to." Tumayo si André sa kinauupuan niya at tinuro ang inosenteng si Kell.
"Bakit ako?" Nakataas ang mga kamay ni Kell na nakatingin sa amin.
"Ano ba ang problema mo kay Alexis, dude?" pangugulit pa ulit ni Logan.
"Ayaw talaga niyan sa mga girls na humahabol sa kanya," biglang sabat ni Kell.
"Oh right, ang gusto niya siya yung naghahabol. Di ba, K?" Brianna butted in, a smile playing on her lips.
"Aba ewan ko diyan. Tsaka ba't ba napunta sa akin yung usapan. Di ba si Alexis pinag-uusapan dito?" Binalik ko ang tanong kay André na nakakunot pa rin ang noo. Halatang ayaw niyang pag-usapan kung sino man ang Alexis na 'yan.
"I heard nag-transfer na rin siya sa FU para sundan ka," saad ulit ni Logan na mukhang hindi titigilan si André. "Ano, bro? Are you accepting the challenge?"
"Ano na namang challenge yan, ha?" usisa ko.
"Why does it have to be Alexis?" André complained.
Kell snickered. "Sino ba'ng gusto mo? Si Audrey?"
Logan clucked his tongue, shaking his head. "Audrey James? 'Yong model? Nah. André is out of her league."
André shot his friend a glare. "Bro, what are you saying? That she won't like me?"
Chuckling, Logan's face only looked more pleased than he ever was. "I'm saying she won't even look at you, bro."
"I heard celebrity yung huli niyang naging boyfriend," usal ni Kell.
André poked the insides of his cheeks. "Celebrity my ass. Watch me make her fall for me in a week, mon frère (my brother)."
Ayan, lumabas na naman ang pagka-French ni André. Ramdam kong na-triggered siya sa sinabi ni Logan. At alam kong mas lalo pa siya ngayong gaganahan para i-accept yung challenge.
"Make her then. Date her for a month. If you succeed, sagot ko na lahat ng out of town trips natin for a year," Logan proposed.
My mouth partly gaped, turning to Bri. "Are you hearing this?" I mouthed to her, but she just shrugged.
Lumapit na si André at kinamayan si Logan para i-seal ang deal. "Challenge accepted."
"Guys, please huwag niyo nang ituloy yan. Makakasakit pa kayo eh." Tinignan ko sila isa-isa at nang mapatingin ako kay Kell, he just shook his head in retreat.
Ito talaga ang mga ilang pagkakataon na hindi ako agree sa mga katarantaduhang ginagawa nilang magbabarkada. Mas grabe pa kapag kasama nila yung ibang miyembro ng fraternity nila, ang Omega Phi Society, kung saan si Kell ang current president. Si Logan naman ang vice president at si André ang social chair.
Sabi naman ni Kell na harmless dares lang yung mga ginagawa nila at hindi naman sila gumagawa ng grabeng hazing katulad ng ibang frats diyan.
Still, I didn't approve any of this.
Tinapik ako ni André sa kamay. "Relax, Koko. It's just a dare. Why? Gusto mo ba ikaw nalang?" He then wiggled his brows at me.
"Ma-karma ka sana!" Kinuha ko yung throw pillow sa couch at binato ito sa kanya. Nag-landing naman ito sa mukha niya kaya napakunot ulit si André sa akin.
"Aray! Ang sakit mo namang magsalita, Mama Koko," nag-drama pa talaga ang lalaki habang hawak ang dibdib niya.
Inirapan ko si André. "Ang OA mo talaga!"
Matapos naming kumain ng dinner, pinilit pa akong manatili ni Bri sa penthouse ng mga boys para daw hindi na muna niya maisip ang ex niya. Hinayaan ko nalang siyang samahan ni André na naglalaro ng video game sa sala habang busy naman si Logan sa panonood ng baseball game sa kanyang iPad.
Napadaan ako sa kusina para kumuha ng tubig nang marinig ko si Kell na may kausap sa kanyang cellphone.
"Yes, babe."
I inhaled a breath as I walked past my best friend standing by the entrance of the kitchen. Alam kong girlfriend niya ang kausap niya kaya ayaw ko na sanang umeksena pa.
Habang kumukuha ako ng tubig mula sa water dispenser, narinig ko ang pagtawag ni Kell sa akin.
"K, gusto mo ba ng dessert? Ice cream?"
Napalingon ako sa lalaki at nakitang nakatakip ang kamay niya sa hawak niyang cellphone. Sigurado akong narinig ito ng girlfriend niya kahit pa nakatakip ang mic nito.
"Ano? Bili tayo sa baba?" Pag-aya ulit niya habang nakapandilat ang mga mata niyang natural na singkit.
Umiling naman ako agad para hindi isipin ng girlfriend niya na sinisira ko ang moment nila. "Ha? Hindi na! Okay na ako. Nauhaw lang ako."
"Sure?"
Tumango ako habang umiinom na ng tubig. Napansin kong nakatingin pa rin sa akin si Kell habang kausap na ulit ang kanyang girlfriend sa cellphone. Tinaas ko ang aking kamay at winagayway ito para senyasan siyang aalis na muna ako.
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya kaya umiling ulit ako sabay sabi, "Wala."
"Ano?" Tanong naman niya habang nakadikit pa rin ang cellphone sa kanyang tainga.
"Sabi ko okay lang ako. Bye!" Inulit ko pa ng mas malakas para mas marinig niya kahit na isang parihabang kitchen countertop lang naman ang pagitan namin.
"Babe, si K lang 'yon. Nandito sila ni Bri sa penthouse," narinig ko pa ang pag-explain ni Kell sa kanyang girlfriend bago ako tuluyang naglakad palayo sa kusina.
Kinuha ko ang aking cellphone para ibaling ang aking atensiyon at sakto namang may text message pala si papa.
"Anak, sunduin ko na kayo diyan sa penthouse. Tapos na ang duty ko."
Agad naman akong napangiti sa nabasa ko. Buti naman at makakauwi si papa ngayon sa bahay.
Habang nagtitipa ako ng aking reply, biglang may tumapik ng aking balikat. Paglingon ko, nasa tabi ko na si Kell na binabasa ang text sa aking cellphone.
"Sunduin kayo ni tito dok?" Tanong ng aking best friend.
Tumango ako habang nakatingin sa lalaki at naalala ko naman 'yong nangyari kanina. "Bakit mo naman sinabi kay Flora na nandito kami?"
"You want me to lie to her? Besides, alam naman niyang lagi kayong nandito, lalo na ikaw."
I exhaled a breath. "Ayun na nga. Ayaw ko lang na isipin niyang nakiki-ano ako sa'yo."
Kell let out a soft cackle. "Ano? K, best friend kita and she knows that."
I pressed my lips, swallowing the lump stuck in my throat. Best friend nga naman ako. Pero bakit kailangan pa niyang i-emphasize ito?
Nang mag-ring ang aking cellphone, doon lang ulit ako bumalik sa aking katinuan. "Si papa..." Napatingin ako sa screen at siya nga. "Baka nasa baba na siya."
Tumango naman si Kell sabay patong ng kanyang kamay sa aking ulo. "Ingat kayo. Goodnight."
Inaya ko na rin si Bri mula sa sala at lumabas na kami sa kanilang penthouse. Habang naglalakad kami sa hallway, may napansin akong isang lalaking nakatayo sa harap ng isang pintuan. Nakasandal ang likuran niya sa pader habang nakahalukipkip at nakatingin sa baba.
The guy in all-black outfit seemed awfully familiar that I had to stop on my tracks before I could even get near him. Sa dinami-dami ng penthouse, dito pa talaga sa parehong building rin siya nakatira?
"Oh, K, may problema ba? May naiwan ka sa loob?" Tanong ni Bri sa tabi ko.
"H-Ha? Ah...oo, parang may naiwan ako." Hinila ko ang kamay ni Bri para makatalikod na kami nang biglang may lumitaw na isa pang pamilyar na babae at niyakap ang lalaking naka-itim sa hallway.
Inayos ko ang salamin sa aking mata at kitang-kita ko ngayon ang balingkinitan na babaeng kasama ng lalaki. Maya't maya pa ay tuluyan ko na ring nakita ang mukha ng babaeng kasama nito at lumuwa ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ito. Walang iba kung hindi ang aking ina.
No freaking way! Don't tell me may relasyon talaga sila ni mama? Sugar baby ba siya? I can't believe this is actually happening!
🍭
A/N: You've met the gang.
Comment down kung ano ang first impressions niyo sa ating Omega Phi execs...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top