Chapter 30

Diagnosis

Kumikinang ang buong paligid. Iba-ibang kulay ng ilaw ang kumiskislap sa bawat sulok. Kahit saan ako mapalingon, ramdam ko ang simoy ng pasko. Pero ang totoo niyan, malungkot ang pasko ko ngayong taon.

"Ate K!" Tawag sa akin ni Liatris sabay kalabit sa balikat ko para kunin ang atensiyon ko.

"H-Huh?" Nilingon ko ang babaeng nasa tabi ko na busy sa paghahanap ng regalo para sa mga magulang niya.

Nasa mall kami ngayon dahil inaya kami ni Liatris na mag-shopping ng regalo. Wala rin naman daw akong gagawin kung mag-isa lang ako sa mansion.

"What do you think of this?" Ipinakita sa akin ni Liatris ang isang bestida na kulay puti na may mga linyang itim. "Do you think magugustuhan ni mom?"

"She has that exact same one," sagot ng isang lalaki na biglang dumating sa may section namin.

Tinignan ko si Markell na nakaporma na parang pupunta sa isang board meeting. Nakataas pa ang buhok nito as usual kaya nagmukha siyang CEO ng isang kumpanya.

"What? Iba kaya 'to," Liatris defended, pouting at her older brother. "Look at these details!"

The guy just shook his head in disbelief, turning to me. "Gutom ka na ba, K? Alam kong gutom ka na. Alas-tres na."

"Kayo," sagot ko. Hindi pa naman talaga ako gutom kahit na kanina pa kami naglilibot dito sa mall. Halos napasok na namin lahat ng designer shops at hanggang ngayon ay wala pa ring napipili si Liatris.

"I have to find them gifts first," Liatris stated, putting back the dress in the aisle.

"Balikan ka nalang namin dito. Okay, Tris?" Sabi ni Markell at nang tumango ang kapatid niya, hinila niya ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng Chanel store.

"Bakit mo ko hinila? Walang kasama si Tris dun," reklamo ko kay Markell habang hawak pa rin niya ang kamay ko.

"Hindi ka pa kumakain simula kanina. Hindi ka nag-breakfast at lunch," he pointed out.

I pressed my lips, exhaling a breath. "Hindi naman kasi ako gutom."

Markell sighed. "K, alam kong nag-aalala ka kay Enrico, but please, huwag mo namang pabayaan ang sarili mo."

Napatigil ako sa sermon ng best friend ko.

"Let's go." Hinayaan ko na ring hilain ako ni Markell sa kung saan niya gustong kumain.

Napadaan kami sa isang candy store at nakita ko ang naka-display na jar na may lamang lollipops sa loob. Napatigil ako para tignan ito.

"K, ano'ng tinitignan mo dyan?" Tanong ni Kell.

"Yung mga lollipop."

He squinted at me. "Lollipop? Kanino mo ibibigay?"

"Kay Jalen," I said too quickly.

Hindi sumagot si Kell agad. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita ulit. "Ano'ng ibibigay mo sa akin?"

Napatingin ako sa kanya. His face looked expectant with his raised brows. "Wala. Nasa iyo naman na lahat."

Kell looked away. "Not really."

"Ano bang gusto mo?" Tanong ko.

He stared at me. "You know what I want, K."

"Kell, akala ko ba okay na tayo?" I told him.

"Alam ko namang hindi mo maibibigay, so I'll take whatever you can give," agad naman niya itong binawi kaya nakahinga ako ng maluwag.

Maya't maya pa ay nakarating kami sa Mang Inasal. Siya na rin ang nag-order para sa akin. Nagulat nalang ako ng ihain ng waiter ang order namin. Isang malaking chicken pecho ang bumungad sa plato ko. Parehas ang kinuha niyang order para sa aming dalawa.

Sinuot niya ang disposable gloves at sinimulan nang kumain. Nakatingin lang ako sa kanya habang nilalagyan niya ng chicken oil ang kanin niya. Kung hindi ko kilala si Kell, hindi ko maiisip na anak siya ng isang senador. Wala siyang bahid ng kapreskuhan at kaartehan.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Bigla niyang tanong habang hawak ang pecho sa kamay.

Umiling ako sa kanya. "Naisip ko lang na ang swerte ko na naging best friend kita."

Napapikit siya saglit. "Ganito pala ang feeling na ma-friendzoned."

"Sira," sambit ko sabay tawa.

Ngumiti siya ng malaki kaya kita ko ulit ang dimples niya. "I missed seeing you like this, K."

I kept the smile on my face. "Salamat, Kell."

"That's what friends are for, right?" Kell shrugged as he poured the chicken oil on my rice. "Kain ka na. Sayang unli rice."

"Opo, Mr. Senator," pabiro kong sagot habang sinuot ko na rin ang disposable gloves.

#

Dumating ang bisperas ng pasko. Ready na ang mansion para sa Christmas salubong mamayang hating-gabi. Pero bago pa mangyari ito, inaya ako ni Markell na pumunta kami sa rehab center para bisitahin ang dalawang taong mahalaga sa akin.

Nang makarating kami sa The Sanctuary, nakita ko na agad si mama na naghihintay sa akin sa lobby. Mukhang hinihintay niya ako. Bihis na bihis rin siya. Naka-bestida ito ng yellow na bumagay naman sa maputing kutis nito.

"Ma!" Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Koleen, anak," sambit nito habang hinahaplos ang ulo ko. "Kumusta ka na anak?"

"Okay lang po ako," sagot ko at binitiwan ko na rin siya para makita ang mukha niya. "Kayo po?"

Ngumiti siya. "Okay naman, anak. Masaya ako at nandito ka ngayon. Sino'ng kasama mo?"

"Si Kell po." Lumingon ako at nakita na rin ang kasama kong papalapit sa amin.

"Merry Christmas, Tita," bati ni Kell sa nanay ko sabay yakap dito.

"Merry Christmas rin, hijo. Salamat sa pagbisita niyo," sagot ni mama.

Ngumiti si Kell. "No worries po. Alam kong kayo lang ang makakapagpangiti kay K."

Tinignan ako ni mama. "Bakit? May problema ba, anak? Iniisip mo pa rin ang papa mo?"

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Mahabang kwento, ma."

"Marami akong oras. Ikaw ba, anak? Baka gusto mong i-kwento sa akin."

Nang makahanap kami ng uupuan sa balcony area, sinimulan ko na ring ikwento kay mama ang nangyari tungkol kay Jalen. It turned out na alam pala ni mama ang tungkol sa depression ni Jalen dahil minsan niya itong nakita sa rehab center.

"Kaya pala nandito ulit siya," ani mama habang nakahawak sa mga kamay ko. "Gusto mo na ba siya, anak? Kaya ba labis ang pag-aalala mo?"

Tumango ako. Hindi na ako makapagsinungaling pa sa nanay ko. "Pero hindi ko po alam kung paano siya matutulungan."

"Nung unang beses akong sinabihan ng papa mo na dadalhin niya ako para magpa-check up, nagalit ako ng sobra. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko ng tulong. Ilang taon akong kinumbinsi ng papa mo hanggang sa lumala ang kondisyon ko... hanggang sa sarili kong anak ay itinatakwil at nasasaktan ko na."

Tumagaktak ang mga luha sa mata ni mama kaya hinaplos ko ang mukha niya.

"Hindi naging mahirap ang pananatili ko dito sa rehab, pero marami rin akong natutunan. Kahit na minsan ay parang wala akong pag-asang gumaling, iniisip ko na kailangan kitang balikan... dahil mahal kita, anak."

Hindi ko namalayan na dumadaloy na rin ang luha galing sa mga mata ko hanggang sa pinunasan ito ni mama gamit ang kamay niya. "Mahal na mahal ko rin kayo, ma."

"Kaya hayaan mong kusa siyang bumalik sa iyo, anak. Dahil babalik at babalik siya... dahil sa pagmamahal niya sa'yo at pagmamahal mo sa kanya."

Niyakap ako ni mama at hinayaan kong malunod ako sa sarili kong luha habang nasa bisig ng nanay ko.

#

"K, hindi pa raw stable si Enrico kaya hindi pa natin siya pwedeng makausap," sabi ni Markell sa akin matapos kong makasama si mama maghapon.

Umasa akong makikita at makakausap ko si Jalen nang pumunta kami dito. Pero kahit ni anino man lang niya ay wala akong nakita.

"Pero gusto tayong makausap ng psychiatrist niya. Gusto mo bang sumama o ako nalang?" Tanong ni Markell.

Hindi ko alam kung makakaya ko bang alamin ang totoong kondisyon ni Jalen. Pero naisip ko na kung gusto kong maintindihan ang nararamdaman niya, kailangan kong malaman ang kondisyon niya.

"Sasama ako," I answered.

Tumango si Markell at sinamahan ako papunta sa office ng psychiatrist. Isang babaeng naka-coat ng puti ang bumati sa amin pagpasok namin sa kwarto. Si Dr. Stephanie Jaffer ang attending psychiatrist ni Jalen. Apparently, ilang buwan na niyang nakakausap si Jalen tungkol sa mga sintomas nito.

"Una ko siyang na-meet noong dumating siya dito galing sa States dahil ni-refer siya ni Senator Atkinson bilang anak niya," pagsisimula ng doktor.

"Ayon mismo kay Jale, nagkaroon siya ng depression nung namatay ang nanay niya at nalulong siya sa bisyo. Pumasok rin siya sa rehab nung nasa States siya at naging consistent naman raw ang pag-inom niya ng gamot kaya naging stable siya for a certain period of time."

"So, ano ang nag-trigger sa kanya, doc?" Tanong ni Markell. Isang tanong na gusto ko ring malaman ang kasagutan. Ako ba ang trigger?

Bumuntong-hininga ang doktor bago siya nagsalita ulit. "Actually, iyan rin ang gusto kong malaman dahil okay naman siya before. Pero nung huli niyang pagbisita dito, napansin ko ang bilis ng pag-iba ng mood niya. May nabanggit siya tungkol sa adoption?"

Napalunok ako. Adoption? Dahil ba ayaw niya akong ma-adopt ng pamilya nila? So, ako nga ang dahilan?

"Our family wants to adopt someone, doc," Markell answered.

"Ah ganun ba. Sabi niya hindi raw siya papayag sa adoption. Nagwala pa nga siya dito sa office nung araw na iyon," patuloy ng doktor.

"I think we finally know the reason, doc." Tinignan ako ni Markell pero hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang rason. Ako ang dahilan kung bakit bumalik ang kondisyon niya.

"Sorry for meddling..." The doctor paused, looking at me. "Hija, ikaw ba si Konstant?"

Tumango ako. "Opo."

"Malaki kang parte sa buhay ni Jale. Ikaw ang laging bukambibig niya sa tuwing binibisita niya ako."

Napatingin ako sa baba at naramdaman ko ang kamay ni Kell sa akin.

"Honestly, hindi magiging madali ang makasalamuha siya sa araw-araw kung hindi siya magiging consistent sa therapy at gamot niya. Pero kung may maganda siyang support system katulad ninyo, it will be less difficult. And after doing further tests, I can finally confirm his diagnosis."

"Ano po yun, doc?" Tanong ni Markell at ramdam ko na ang pagdagundong ng puso ko.

"He has bipolar disorder."

🍭

A/N: The truth about Jalen is out.

If you or someone you know is experiencing problems, hear them out. Maybe they just need someone to talk to. Be understanding instead of judging them. 

Mental health matters.

#diagnosis

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top