Chapter 27

Confession

Sa halos isang oras na biyahe papunta sa Gypsy bar galing sa mansion, walang ibang laman ang isip ko kung hindi si Jalen. Taimtim akong nagdarasal sa isip ko na sana okay lang siya pati na rin si Brianna.

Nang tumigil ang Jeep ni Markell sa harap ng bar, agad akong lumabas ng kotse at nakita ko rin agad si Brianna na nakaupo sa may gilid. Nakahalukipkip siya sa lamig ng gabi. Naka-mini skirt pa naman siya at halter na top.

"Bri!" Tumakbo ako palapit sa kanya habang tinatanggal ko yung jacket na pinahiram sa akin ni Markell kanina para ibigay kay Bri. Dahil sa pagmamadali ko, hindi na rin ako nakapagpalit ng damit. Naka-pambahay at tsinelas lang ako.

"K!" Niyakap ako ng mahigpit ni Brianna at doon ko naramdaman ang kaba at lungkot niya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sabay lagay ng jacket sa balikat nito.

Umiling siya. "I don't know what's happening with him."

"Nasan siya?" Markell suddenly appeared behind me.

"Sa loob," Bri answered.

"Stay here. I'll deal with him," Markell ordered me. Gusto kong sumama sa kanya sa loob pero ayaw ko rin namang iwan si Brianna dito mag-isa kaya hinayaan ko na si Markell.

Dinala ko si Brianna papunta sa loob ng kotse para mainitan at mahimasmasan siya. Ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin lumalabas sina Markell kaya naisipan kong pumasok na rin sa loob ng bar.

Agad akong binati ng usok at dilim pagpasok ko. Kahit na sobrang lakas ng music sa loob, narinig ko ang kaguluhan na nangyayari sa may gitna ng dance floor. Lumapit ako at nakita ang hinahanap ko.

Nakaupo sa sahig si Markell habang nakataas ang kamao ni Jalen na nakatayo sa harapan nito. Napapalibutan sila ng mga tao na parang walang pakialam sa nangyayari.

"Jalen, huwag!" Tumakbo ako palapit sa lalaking nakaitim para pigilan siya. Pero nang hawakan ko ang kamay niya, bigla itong tumama sa may gilid ng ulo ko kaya napaupo ako sa sahig ng wala sa oras.

"K!" Markell shouted, running to my aid. "K, okay ka lang?"

Nandilim kaunti ang paningin ko at pakiramdam ko ay parang lumulutang ako. Parang naging paralisado rin ang katawan ko. Inangat ko ang mukha ko at nakita si Jalen na nakatayo pa rin habang tinitignan ang mga kamao nito.

Markell suddenly stood up, facing his brother. "What the hell, Enrico!" sigaw nito.

Hindi na nakasagot pa si Jalen nang suntukin siya ni Markell. Nakaupo lang ako doon habang tinitignan sila. Gusto kong tumayo pero naging lantang gulay ako sa sakit ng katawan ko.

Bago pa tuluyang mabasag ang mga mukha ng dalawang lalaki sa harap ko, may dumating na rin na mga bouncer at pinaghiwalay na sila.

Lumapit ulit si Markell sa akin para tulungan ako. "K, kaya mo bang tumayo?"

Tumango lang ako habang pinilit ang mga paa kong gumalaw. Nakatayo naman ako sa tulong niya. Hinanap ko ulit si Jalen pero wala na siya sa harap namin.

"Let's go," aya ni Kell.

"Nasaan si Jalen?" I mumbled.

"K, siya pa ba ang uunahin mo?" Galit na tanong ni Kell.

"Pero kailangan niya tayo," I pointed out.

Markell scoffed, shaking his head. "We can't help someone who doesn't want help."

I swallowed hard. Ayaw kong makipag-argue sa best friend ko pero kailangan kong hanapin si Jalen. "Sige. Kung ayaw mo siyang tulungan, ako nalang."

Naglakad ako patungo sa entrance at nang makarating ako sa labas, nakita ko si Jalen na nakahilata sa sahig. May mga taong nakatingin sa kanya pero parang wala siyang pakialam. Nakahiga lang siya na parang kama niya ang malamig na konkreto.

Nilapitan ko siya kahit na nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin pero isa lang ang alam ko. Kailangan ko siyang tulungan.

"Jalen..." I mumbled, bending my knees to face him.

Nakapikit ang mga mata nito at dahan-dahang inangat ang katawan para umupo. Minulat niya ang mga mata niya at napansin ko ang pamumuo ng tubig sa gilid ng mga mata nito. "Konstant, what are you doing here?"

"Kailangan na nating umuwi," I reminded him.

"Are you worried about me?" He asked in a low voice.

"Oo, worried ako, Jalen," bulalas ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla nalang lumabas ito sa bibig ko.

"Why?" He asked again.

Napasinghap ako. Why? "Kasi mahalaga ka sa akin," I answered.

"Why?" He repeated.

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko kahit na inis na ako sa kakatanong niya. "Jalen, pwede bang makinig ka nalang at pumasok sa loob ng kotse ni Kell?"

"No. I'm not coming with you," he muttered under his breath, looking away.

"Jalen, please..." I begged. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Malapit na akong sumuko. Siguro nga tama si Kell. Matanda na si Jalen at alam na niya ang tama at mali.

Kung ayaw niyang tumanggap ng tulong, nasa kanya na iyon. At least, I tried.

"Konstant, you know that I love you, right?" Jalen suddenly spoke again.

My breathing stopped for a good few seconds before realizing what he just said. Maingay sa paligid namin. Sigurado akong pinagtitinginan kami ng mga tao ngayon sa labas ng bar. Pero unti-unting nag-fade out yung mga boses at tunog galing sa bar hanggang sa sariling pitik ng puso ko nalang ang naririnig ko.

Tama ba ang narinig ko? O guni-guni ko lang ito?

Napatingin ako sa lalaking nakaupo pa rin sa sahig. Nakatingin lang siya sa baba na parang wala sa sarili. Siguro mali ang mga narinig ko.

"I love you, Konstant..." Jalen continued, forming his hands into fists. He slowly turned to face me, his gray eyes glimmering and confirming his words.

Wala akong magawa kung hindi ang titigan siya sa mata. Rinig na rinig ko ang mga sinabi niya pero for some reason, parang hindi totoo.

Jalen placed his fists over his forehead. "I would fucking kill just to be with you. But I can't, because my brother also loves you. And now my family wants to adopt you. It's fucking crazy, don't you think so?"

I inhaled the dry air, making me choke. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Pero isa lang ang alam ko, gusto ko siyang yakapin ngayon.

Huminga ako ng malalim at lumapit ako sa kanya. "Jalen..." I mumbled, enveloping him with my arms.

Nanatili lang siya sa posisyon niya habang nakaluhod pa rin ako sa sahig. Kahit na sobrang sakit na ng mga tuhod ko, hindi ko siya binitawan.

Ilang minuto pa ang lumipas at wala nang imik ang lalaking kayakap ko.

Nakatulog na ba siya sa kalasingan?

"Jalen? Okay ka lang?" mahina kong sambit habang unti-unti ko nang inalis ang kamay ko sa kanya.

The guy suddenly snapped his head at me as he let out a soft chuckle. "You know that movie where the guy dies saving the girl? What's it called again? I don't remember..."

I squinted at him. Parang biglang nag-iba ulit ang mood niya. Kanina lang grabe ang panlulumo niya. Tapos ngayon ang laki na ulit ng ngiti niya.

Ano ba ang nangyayari?

Seryoso ba siya sa mga sinabi niya kanina o epekto lang ito ng alcohol?

"Let's go? Where's the car?" Jalen suddenly stood up, taking my hand and helping me to get up as well.

"K!" Narinig ko ang boses ni Markell at nakita ko na rin siyang papalapit sa amin.

"Ellis, bro! You're here!" Excited na bati ni Jalen na parang walang nangyari kanina sa loob ng bar.

"Enrico, let go of her," Markell ordered.

Jalen chuckled, dropping my hand. "Relax. I'm not doing anything. So, where's your ride?"

Napatingin si Markell sa akin. "K, okay ka lang?"

Tahimik lang akong tumango sa kanya. Hindi ko pa rin alam ang nangyayari.

The next thing I knew, nasa loob na kami ng kotse ni Markell. Nakatulog na rin si Bri habang katabi niya si Jalen sa likod.

Nakaupo ako sa may harap kasama ni Markell. Ang bigat na ng mga mata ko pero hindi ako makatulog dahil panay ang pananalita ni Jalen.

"Do you know that episode from Gotham where Jerome and Jeremiah faces each other? That was brilliant!"

"I haven't seen the new Justice League movie. I heard it was trash."

Kanina pa siya nagkukuwento ng kung anu-ano. Mostly tungkol sa mga paborito niyang pelikula at tv shows.

Hindi pa ako kumikibo simula nung pumasok ako sa loob ng kotse. Ramdam ko na rin ang inis sa mukha ni Markell.

Inintindi ko nalang ang sitwasyon ni Jalen. Sigurado akong epekto lang ito ng alcohol sa kanya.

Nang makarating kami sa mansion, hinatid ni Markell si Brianna sa isang guest room nila. Nagtungo na rin ako sa kwarto ko. Kahit na kumukulo ang tiyan ko, agad akong bumagsak sa malambot na kama at nakatulog na rin sa wakas.

#

"Good morning!"

Umalingawngaw ang isang boses ng lalaki mula sa baba habang naglalakad ako sa hagdan. Gusto ko pa sanang matulog dahil anong oras na kami nakauwi kaninang madaling araw. Nahihiya lang akong matulog pa dahil bisita lang naman ako dito sa mansion.

Alas siyete pa lang pero mukhang busy na ang lahat sa kanilang mga gawain. Binisita ko si Bri sa guest room kanina pero tulog pa siya. Pagdating ko sa malawak nilang living room, nakita ko na doon si Lolo A na nakaupo sa sofa at may hawak na tasa.

"Konstant, you're awake! How's your sleep?" Binati ako ni Jalen nang makita niya ako sa sala.

Mukhang hindi naman niya naaalala yung mga nangyari kagabi pati na rin yung mga sinabi niya. At least, hindi ko kailangang maging awkward sa kanya.

"A-ah... okay lang. Good morning po." Binigyan ko ng maliit na ngiti si Lolo A na kumaway naman sa akin.

"What do you like for breakfast? You eat breakfast, right?" Tanong ni Jalen habang papalapit sa akin.

Tumango lang ako habang pinagmamasdan ang kakaibang enerhiya niya. Parang wala siyang hangover sa nangyari sa kanya kagabi. Ako nga na hindi uminom pakiramdam ko mabibiyak ang utak ko sa bigat ng ulo ko.

"I made pancakes, omelette, bacon, ham. Oh, and there's rice as well. I know you love rice." Jalen placed his hands over my shoulders casually.

Napatingin ako kay Lolo A para ibaling ang kaba sa dibdib ko. "Kumain na po ba kayo?"

The old man nodded. "Oo, hija. Enjoy the breakfast."

Sinundan ko nalang si Jalen as he led the way towards their dining hall. Walang ibang tao doon maliban sa aming dalawa.

Jalen pulled a chair for me in the middle of their long table. "Take a seat," he offered.

"Salamat." Umupo ako at pinanood siyang buksan isa-isa yung mga pagkain sa mesa. Tama nga siya. May pancakes, omelette, bacon at ham. May plain white rice at fried rice din. Nalula ako bigla sa dami ng hinanda niyang pagkain.

"Bon appétit," he gestured with his hand.

"Hindi ka kakain?" Tanong ko.

Jalen shook his head. "Hindi ako gutom."

Kumunot ang ulo ko. "Ha? Eh, bakit ang dami mong niluto?"

He shrugged. "I didn't know what you want."

"Jalen, hindi ko mauubos lahat ng ito," I stated matter-of-factly.

"That's fine. There's plenty of people in this house. You can share it with them," he pointed out.

"O-kay." Sinimulan ko na lang kumuha ng fried rice at omelette. Susubo na dapat ako nang mapansin kong nakatayo pa rin si Jalen habang pinapanood ko. "Hindi ka man lang ba uupo?"

He nodded, finally taking a seat across me. "As you wish."

Pinilit kong hindi pansinin siya habang kumakain ako pero ang hirap lang kasi nasa harap ko siya at ramdam ko ang mga mata niyang nakadikit sa akin.

Lifting my head, I faced him. Jalen was smiling, his chin resting on his intertwined hands. Napansin ko rin ang eye bags niya na parang ngayon ko lang nakita. "Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ko.

Jalen shook his head. "I didn't sleep."

I dropped the spoon and fork I was holding along with my jaw. "Bakit hindi ka natulog?"

"I just couldn't sleep." He removed his clasped hands, leaning his back against the chair. "Konstant, can you just finish your breakfast?"

I took breath, gaining the courage to ask him the most important question. "Wala ka bang naaalala sa mga nangyari kagabi?"

Napatigil siya. "Did I do something I shouldn't have done?"

Wala nga talaga siyang naaalala.

"I'm sorry if I did. I really am," he suddenly apologized.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.

"Hey, Konstant..." Jalen spoke again, catching my attention.

Bago pa ako makapagsalita ulit, biglang may dumating sa dining hall. Papalapit si Markell sa akin na mukhang may pinuntahan ng maaga dahil sa ayos ng damit nito.

"K, pwede ba kitang makausap?" Ang seryoso ng tono ni Kell. Pakiramdam ko tuloy tungkol na naman ito sa adoption.

Kahit na confused ako, I just nodded at him. Tinignan ko ulit si Jalen bago ako tumayo.

"Go ahead. I'll be waiting here," Jalen gestured me to go.

Sinundan ko na si Markell hanggang sa makarating kami sa may balcony nila sa likod ng mansion. "Ano'ng pag-uusapan natin, Kell?"

"You're right. My brother needs help," Markell blurted out. Hindi ko mabasa ang mukha niya pero sigurado akong may mali.

I blinked. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Alam kong napansin mo na kakaiba ang mga kinikilos niya ngayon. Apparently, he's been like this for days. He hasn't been sleeping and going to his work. He started drinking and smoking again."

Tahimik lang ako habang pinapakinggan si Markell. Naalala ko bigla yung kwento ni Jalen sa akin na dati siyang nalulong sa masamang bisyo nung nasa America siya. Bakit bigla siyang bumalik sa bisyo niya?

"I already told mom and dad about this and they agreed to send him to rehab again."

"I love you, Konstant... And I would fucking kill just to be with you. But I can't, because my brother also loves you. And now my family wants to adopt you."

Nag-flashback ulit ang mga salita ni Jalen sa akin kagabi. Kung totoo man ito, ako ba ang dahilan kung bakit siya bumalik sa bisyo niya?

"No!"

Napatingin ako sa lalaking sumigaw na nakatayo ilang metro lang ang layo sa amin. Nanlilisik ang mga mata ni Jalen habang nakatingin kay Markell.

"I am not going to fucking rehab again!" Jalen shouted even louder this time.

"Enrico, this is for the best," kalmadong sagot ni Markell.

Jalen scoffed, glaring towards our direction. "Don't test me."

🍭

A/N: Awww... 🥺

#why

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top