Chapter 25

Not Good For You

"Koko, where you at?"

Hindi ko pa nirereplyan si André simula kanina. Busy ako sa pag-rereview para sa finals. Kailangan kong makabawi sa grades ko. Simula nung nawala si papa, parang nawalan rin ako ng lakas para mag-aral ulit. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi. Basta ang alam ko lang ay hindi ko kailangan ng distractions ngayon.

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. Alas dos na ng hapon. Maaga akong nagising kanina kahit na Sabado ngayon para mas marami akong mareview. Isang subject pa lang yung nasisimulan ko at hindi pa ako tapos.

Bumuntong-hininga ako at tumayo sa silya ko para lumabas ng kwarto. Kanina pa tumutunog yung tiyan ko. Pagdating ko sa kusina para tignan ang laman ng ref, isang bote ng gatas lang ang bumungad sa akin.

Hindi pa ako pumupunta sa grocery ulit simula noong sinamahan ako ni Jalen. At bigla ko na namang naalala ang lalaking iyon.

Ano ba'ng problema nun at biglang kung anu-ano ang sinasabi niya? Gusto raw niyang layuan ko siya? Eh hindi naman ako lumalapit sa kanya. Siya nga itong sumusulpot sa buhay ko.

Shaking my thoughts away, sinara ko na ang ref at nakita ang nakasupot na tinapay sa may counter. Buti nalang at may natira pang dalawang piraso. Pwede ko na itong pagtiisan.

Habang kinakain ko yung tinapay, biglang may kumatok sa pintuan ko. Sigurado akong si André na naman ito. Nagtungo ako sa pintuan at nakita ang nakasimangot na mukha ng isang lalaki.

"Bakit hindi mo sinasagot ang text at tawag ko?" Pambungad na bati sa akin ni André.

"André, pwede ba? Finals ngayon," sagot ko sabay kagat sa hawak kong tinapay.

"Exactly. Finals ngayon kaya tara na." André grabbed my hand, but I shoved him.

"Anong tara?"

"Sa game nina Logan. Semi-finals ngayon."

I made a face at him. "Ibang finals naman yang sinasabi mo."

"Ano ba'ng finals ang nasa isip mo?" He asked back.

"Final exams!" I pointed out.

André paused, realizing it. "Right. But, hindi mo naman kailangang mag-review. You're Koleen Fernandez, the Dean's lister."

"Kaya nga kailangan kong mag-review para hindi ako matanggal sa Dean's list."

"Koko, lighten up. Don't stress yourself too much. Tsaka, I already asked tito for permission." André made a sign of the cross and mumbled, "May he rest in peace."

"Huy André, huwag mong dinadamay ang nananahimik na tatay ko. Baka gusto mong bisitahin ka niya?"

"All right. I'm sorry. But, still you have to come. I promise I won't bother you again after this."

"Parang hindi naman kapani-paniwala yan."

"Okay, I'll grant you a wish if you come."

Na-engganyo ako bigla sa offer niya. "Isa lang?"

André huffed a breath. "Three wishes, then."

"Fine."

Pagdating namin sa open field, puno na ang mga bleachers. Ang lakas rin ng cheering squad ng magkabilang teams. Kalaban pala nila ngayon ang rival team ng university namin, ang Princedale University kaya full-packed ang field.

Nang makarating kami sa upuan namin, nandoon na rin si Markell na naghihintay. Kaya naman pala halos ibuwis ni André ang buhay niya para lang sumama ako dito. Sigurado akong kinausap siya ni Markell para pumunta ako.

"K!" Bati ni Kell sabay tanggal ng cap sa ulo niya.

"Kell," tipid kong sagot at umupo na rin sa tabi niya. Nakakapaso ang sikat ng araw pero no choice kami dahil sa outdoor field ang labanan ng baseball.

Biglang nilagay ni Kell ang cap sa ulo ko kaya napatingin ako sa kanya. "Gamitin mo muna. Alam kong ayaw mong mainitan."

Itong mga ganitong simpleng gestures ni Kell ang dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya. Pero iba na ngayon. Alam kong may nag-iba.

"Pwede bang bumalik nalang tayo sa dati?" Kell spoke again. "K, please ayaw kong maging awkward tayo."

Kahit na sobrang lakas ng mga tao sa paligid namin, rinig ko pa rin ang mga salita niya. Tumango lang ako.

Nilapit ni Kell ang mukha niya sa akin. "I still love you, though," he whispered.

Tinulak ko siya palayo at napatawa lang siya. Okay na ako sa ganito. Best friends pa rin naman kami. Ang kaibahan lang ay alam ko nang may gusto siya sa akin. Pero imbes na matuwa ako ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

"Congrats, Captain L," bati ko sa baseball captain at MVP sa game. Pasok na sa Final Four ang team namin. Simula nung naging captain si Logan, lagi nang nakakapasok sa finals ang school namin. Siya raw ang "lucky charm" nila. Mismong salita ni Logan.

Tinapik ni Logan ang balikat ko. "Thanks, K. Buti naman at nakapanood ka."

I shrugged. "Wala akong choice. Kinaladkad ako ni André."

Logan chuckled. "Buti nalang pala."

"Logan, bro! What a win!" Biglang may dumating na grupo ng mga kalalakihan para batiin si Logan at dinala siya sa kung saan kaya naiwan na ako sa may balcony area.

Nasa penthouse kami ngayon para mag-celebrate. Maliban sa mga miyembro ng baseball team, halos mga miyembro ng fraternity ang nandito ngayon. Pati si Tyler nakita ko kanina na may kasamang ibang babae. Buti nalang talaga at mukhang naka-move on na rin naman si Brianna. Mas maigi pang si Jalen nalang ang kabaliwan niya imbes na si Tyler.

Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras. Alas-nuwebe na ng gabi. Kailangan ko nang umuwi at mag-review. Wala na akong energy pagdating ko sa bahay nito. Naubos na lahat kanina kaka-cheer namin sa game.

"Mango juice?"

Napatingin ako sa lalaking nasa likuran ko na may hawak na baso. Inabot ito ni Markell sa akin at sinamahan ako sa balcony.

"Gusto mo ng umuwi?" Tanong nito na parang nabasa niya yung isip ko.

"Oo sana. Magrereview pa ako," sagot ko sabay inom sa juice na bigay niya.

"Ubusin mo muna yan tapos ihahatid na kita," Markell offered, his eyes focused on the minute lights flashing before us. Nagmumukhang tutubi yung mga kotse ngayon sa baba namin.

Tinagay ko yung baso ng mango juice at bumuga ng hangin na parang kumain ako ng sili ng labuyo. "Kell, pwede bang magtanong?" Bigla itong lumabas sa bibig ko.

Napatingin si Markell sa akin. "Ano yun?"

"Bakit galit ka kay Jalen?" Matagal ko na itong gustong malaman pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para itanong.

Hindi nakasagot agad si Markell. He shifted his attention away from me and looked at the busy streets below us again. "Galit ba ako?" Tanong niya... hindi sa akin, kung hindi sa sarili niya.

"Oo, galit ka sa kanya," sinagot ko ito.

Markell let out a breath. "I guess... galit ako sa fact na hindi sinabi ni dad sa amin ang totoo... All along, I thought na kami lang ni Tris ang magkapatid. Tapos may iba palang pamilya si dad bago kami. It's just really hard to accept it, especially after seeing mom cry after finding out about it."

Tumango ako. "Mahirap rin naman yung pinagdaanan ni Jalen at ng nanay niya."

Markell snapped his head at me. "Bakit parang kilalang-kilala mo na siya? Close na ba kayo? Gusto mo na ba siya?"

Napalunok ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko. "H-Ha? Hindi ah."

"You know how he used to be in rehab, right? He might not be good for you, K," sagot ni Markell at bigla kong naalala ang sinabi ni Jalen.

"You're not good for me..."

🍭

A/N: Kell, bat naman ganyan? 😌

#notgoodforyou

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top