Chapter 2

Proposal

Ito na yata ang karma ko.

Nahihilo na rin ako dahil sa gutom at labo ng mga mata ko.

Sinandal ko ang aking ulo sa pader habang hinihintay ang doktor na kumakausap ngayon kay mama. Labas pasok ang mga tao dito sa emergency room kaya nadagdagan pa ang pagkahilo ko. Hindi rin nakatulong ang kakalinis lang na sahig na amoy eucalyptus.

Bago pa ako mahimatay, naglakad ako patungo sa kama kung saan nakahiga si mama.

"Stable na ang vitals niya. We're just going to do further tests to make sure na hindi naapektuhan ang ulo niya sa pagkakabagsak," advise ng doktor nang makarating ako sa kanila.

Tumango ako. "Sige po, dok. Ipapacheck namin lahat ng kailangan."

Napatingin sa akin si mama. "Hindi na, anak. Okay na ako."

"Please po. Gusto niyo bang tawagan ko pa si papa?"

Nang hindi siya nagsalita ulit, tumingin ako sa doktor na naghihintay ng desisyon namin. "Ano po ang kailangan naming gawin?"

"May ibibigay lang akong referral papers tapos dadalhin namin siya sa ibang kwarto. Usually, the test lasts for 30-60 minutes," pag-e-explain ng doktor.

Tumango lang ako hanggang sa umalis na saglit yung doktor. Tahimik lang si mama sa kinahihigaan niya.

"Kumusta na ang mama mo, anak?"

"Papasok na sana ako sa shift ko pero dadaan muna ako diyan."

Huminga ako nang malalim habang binabasa ang mga texts ni papa. Ramdam ko ang kaba niya sa nangyari. Kahit na ilang taon na silang hiwalay, alam kong mahal pa rin niya si mama.

"Kung gusto mong umalis, anak, okay lang. Kaya ko na ito," mahinang sambit ng nanay ko.

"Okay na po. Nandito na tayo. Tsaka parating na rin si papa."

"Sana hindi mo nalang sinabi sa kanya. Ayaw kong mag-alala pa siya."

Bago pa ako makasagot ulit, dumating na rin yung doktor kasama ang dalawang lalaking nurse para tulungang ihatid si mama sa examination room.

"Labas lang po ako saglit. Babalikan ko kayo pagkatapos."

Napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Salamat anak."

Tumango ako at binigyan siya ng maliit na ngiti bago siya dalhin sa ibang kwarto.

Lumabas ako ng emergency room para lumanghap ng sariwang hangin. Yung galit na nararamdaman ko nung una ay biglang napalitan ng kaba at lungkot. Sana naman ay wala siyang malalang sakit o anuman.

"Your mom's going to be fine," isang boses ng lalaki ang nakabasag ng agam-agam ko.

Napatingin ako sa tabi at nakita ang lalaking nakasandal sa pader sa may gilid. Saktong pinapatay niya ang sindi ng yosi niya gamit ang itim niyang sapatos.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Teka, sino ka ba? At bakit nandito ka pa?"

"Miss, can you chill?" sambit nito habang may kinukuha sa bulsa niya. Inabot niya ang isang pulang lollipop sa akin.

"Ano 'to?" Nalilitong tanong ko habang nakatitig sa bigay niya sa akin.

"Haven't seen a lollipop before?" Tumatawang sagot niya habang kumukuha ng isa pa mula sa kanyang bulsa at isinubo ito sa bibig niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ako kumakain ng sweets. Thanks, anyway." Binalik ko ang lollipop sa kanya.

Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin habang nakataas na ang mga kamay niya sa ere. "What's with the cold shoulder? I just helped you and your mom, didn't I?"

Humalukipkip ako. "Hindi ba nag-thank you na ako kanina sa kotse?"

The guy snickered, shaking his head. "Really? I must have missed it."

Sigurado naman akong nagpasalamat na ako kanina sa kanya. Ano ba ang gusto niyang gawin ko?

"Sino ka ba talaga at ano ang relasyon mo kay mama?" Diretsong tanong ko dahil hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nalalaman kung bakit.

Inangat niya ang mukha niya at tumingin sa direksiyon ko. Pansin ko ang maputi niyang kutis at kulay tsokolate niyang buhok na sa sobrang gulo ay parang hindi siya naligo ng ilang araw. Gayunpaman, mukha pa rin siyang model dahil sa tangkad nito.

"If I don't answer your question, what will you do?" I sensed a hint of tease in his tone, but at the same time, he sounded so serious that it sent a shiver up my spine.

"I will sue you," simpleng sagot ko kahit na sa loob-loob ko ay nakaramdam ako ng takot.

Bigla siyang lumapit sa akin kaya napatingala ako para hindi mabuwag ang titig ko sa kanya. Hindi ko dapat ipahalata sa kanya na natatakot ako.

Sa sobrang lapit niya sa akin ngayon, amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya. Hindi ako pwedeng magkamali dahil Tom Ford rin ang pabango ng best friend ko. Strangely enough, hindi naman siya amoy sigarilyo. I wondered kung yosi ba talaga yung pinatay niya kanina o baka naman lollipop yun.

"Start finding a good lawyer, then," he suddenly hushed, a smirk forming on his lips. "Cause you'll be seeing me quite often from now on."

Napaawang ang labi ko habang tumatalikod na ang lalaking kaharap ko. Nakaramdam ulit ako ng nginig. Nakakainis. Sino ba talaga ang lalaking 'yon?

I hope this would be the last time I'd be seeing him.

#

"Naihatid ko na ang mama mo, anak. Tsaka papasok na rin ako sa duty ko. Ingat ka at huwag masyadong magpapagabi. Nasabihan ko na rin si Kell."

Iyan ang huling text ni papa nang makaalis ako ng ospital. Naging maayos naman yung ginawa nilang tests pero after a few days pa raw malalaman yung resulta. Hindi lang talaga maalis sa isip ko 'yong lalaking stalker na tumulong sa amin.

"Ate, kuya, bili po kayo ng chicharon?" Tanong ng isang batang may dalang malalaking plastik sa kanyang harap at likod gamit ang isang stick na nakapatong sa kanyang balikat.

Napatigil ako sa paglakad at naghanap ng barya sa pitaka ko. May dalawang piso ako at isang limang piso. Tumingin ulit ako sa bata. "Magkano isa?"

"Bente po."

Kulang pa 'tong barya ko. Wala pa naman akong dalang ibang cash ngayon. Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko. Chini-check na rin niya ang wallet niya at naglabas ng kulay asul na papel.

"Here." Inabot ni Kell ang isang libo sa bata sabay tapik sa balikat nito.

"Ilang chicharon po?" Tanong ng bata na medyo naguluhan siguro sa sinabi ng best friend ko.

"Ah hindi, ibenta mo nalang yan," sabi ko sa bata.

Napakamot sa ulo ang bata habang nakatayo pa rin at nakatingin sa amin.

"Regalo ko na 'yan sayo," sagot ulit ni Kell.

"Thank you po." Patakbong umalis yung bata na may malaking ngiti sa labi.

Napatingin ulit ako sa lalaking katabi ko. Nakatingin pa rin siya sa batang unti-unti nang nakalayo sa amin. Sobrang perfect nang pagkakaayos ng buhok niya, kahit na may konting strands na nakabitin sa may noo niya. Nagmumukha tuloy siyang prinsepe.

"Namiss ko 'to." He suddenly turned to me with a smile, his eyes shaping in crescent.

I smiled back at him. "Ako rin."

Sobrang dilim na kaya kita namin ngayon ang mga maliliit na ilaw galing sa mga buildings sa may di kalayuan. Ngayon nalang ulit ako naglakad sa Manila Bay nang ganitong oras kaya naaliw ako.

"Kumusta na ang mama mo?" Tanong niya habang naglalakad kami sa may sidewalk.

Hindi hamak na mas matangkad siya kaysa sa akin pero napansin ko ang pagbagal ng lakad niya para sabayan ako. Hindi na ito bago sa akin pero sa tuwing ginagawa niya ito, hindi ko mapigilang hindi kiligin.

"Naihatid na raw ni papa," sagot ko sabay tago ng mga kamay ko sa bulsa ng pantalon ko. Bakit ba kasi hindi ako nagdala ng jacket? "Kumusta naman ang date niyo ni Flora?" Binalik ko ang topic sa kanya.

Kell puffed a breath, hinting frustration. "Okay lang. Minsan hindi kami nagkakasundo, but what can I do?"

I squinted at him. "Reklamo ka na naman diyan. Swerte ka nga kay Flora eh."

"Siya ang maswerte sa akin," sagot naman nito habang nakatingin sa malayo na parang may bumabagabag sa kanya.

Nilabas ko ang phone ko at tinaas ito sa mukha niya para kunan siya ng picture. "Smile! I'm sure matutuwa ang mga followers mo kapag nagpost ka ulit."

"Wala akong followers," sagot niya sabay tingin sa kabilang direksiyon para hindi ko makunan ang mukha niya.

"Anong wala? May one hundred thousand followers ka kaya sa IG," sagot ko habang pilit pa rin siyang kinukuhanan ng matinong picture. "Ayan! Pwede nang gawing wallpaper."

Sumimangot siya sabay labas ng phone niya at inangat rin ito sa mukha ko. "Ito ang ipopost ko."

"Kell! Ano yan? Idelete mo!" Kinuha ko ang kamay niya para makita ang picture ko sa hawak niyang phone. Kitang-kita yung lapad ng noo ko pati na yung mamantika kong mukha.

"Bakit? Okay naman ah," sagot pa niya habang patuloy pa rin sa panunukso.

"Anong okay diyan? Ang pangit ng angle!" I complained, fixing the new glasses over my eyes. Buti nalang at mayaman ang kaibigan ko. Binilhan pa ako ng bago.

"It's cute," the guy commented, looking at me with his dimple showing.

Napatigil ako saglit at pinilit na huwag maapektuhan sa sinabi niya. Maliit na bagay lang pero yung mga ganung salita niya eh tagos sa puso ko.

"K, okay ka lang?" he suddenly asked, breaking me from my trance.

Tumingin ako sa kanya. Nakatitig ang mga mata niya sa akin habang hinahawi ng hangin ang buhok niya. Para akong nanonood ng pelikula ngayon at naka-slow motion ang pinapanood kong scene... ang masaklap lang ay hindi ako ang prinsesa niya.

"K?" Tawag niya ulit ni Kell sa akin.

"B-Bakit mo ba ako sinundo? Di ba sabi ko magta-taxi nalang ako," I stammered, diverting my nerves away.

"Di ba sabi ko rin na hintayin mo ako? Tsaka, bakit binabaan mo ako ng tawag? Kung hindi ko pa tinawagan si tito dok, hindi ko malalaman kung ano ang nangyari sa mama mo." Lumapit siya sa akin. Napatigil ako nang ihawi niya ang buhok na kanina pa tumataklob sa mukha ko dahil sa hangin. Nanatili ang kamay niya sa may tainga ko kaya bigla akong natulala.

Bago pa ako tuluyang mag-init sa hawak niya, kinuha ko ang kamay niya at binaba ito. "Tara na nga. Baka mamaya hanapin ka pa ng mga guards mo."

Tumawa lang siya. Meanwhile, sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko, parang wala na akong ibang marinig kung hindi iyon.

Matagal na kaming magkakilala ni Kell. Family doctor nila si papa. Tandang-tanda ko pa 'yong unang beses naming pagkikita. Grade six ako noon. Dinala ako ni papa sa bahay nila kahit na sobra ang iyak ko dahil namimiss ko si mama. Nakita ako ng isang batang lalaki na may lollipop sa aking bibig habang lumulobo ang ilong ko kakaiyak. Simula noon, hindi na niya ako tinantanan.

Si Mark Ellis Atkinson ay anak ni Mr. Jorge Atkinson na matagal nang nagsisilbi bilang senador. Ang nanay naman niya na si Mindy Atkinson ay half-Japanese, half-Pinoy na isang former beauty queen.

Sa iisang high school lang kami pumasok. Saksi ako sa kung paano siya pagkaguluhan ng mga babae sa school dati. Pero gayunpaman, wala siyang naging girlfriend. Kung hindi pa siya pinilit ng mga magulang niyang i-date si Flora, baka single pa rin siya tulad ko.

"Koleen, wait!"

Lumingon ako para tignan ulit si Kell na tumigil pala sa paglakad. "Oh, bakit?"

He took a few steps forward towards my direction. Nang marating niya ako, hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. "I know it's bad timing, but... I'm proposing to Flora soon."

Napasinghap ako. Alam ko naman ang estado ng buhay ni Kell. Galing siya sa mayamang angkan kaya natural lang na ang gusto ng pamilya niya ay makapangasawa siya ng galing rin sa marangyang pamilya.

"P-Propose?" Tanong ko habang kumirot ng kaunti ang puso ko.

Nakatitig lang siya sa akin. Most of the time seryoso ang mukha niya and worse, hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya kahit na matagal na kaming magkakilala. "Yes and I want you to know first 'cause you're my bestfriend."

Napalunok ako at muntik nang matumba sa kinatatayuan ko.

Ano ba ang inasahan ko? Na magugustuhan ako ng best friend ko?

Sino ba naman ako?

Ako lang naman si Konstantia Analeen Fernandez.

And yes, I was in love with my bestfriend for the longest time, pero kailangan kong tanggapin na hanggang dun nalang ako...

🍭

A/N: Akala niyo ba magugustuhan ni Markell si Koleen? Tsk tsk. Best friends lang sila oy. May pag-asa pa kaya si Koleen ngayong magpro-propose na si Kell sa girlfriend niya?

Abangan sa mga susunod na kabanata!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top