Chapter 16

The Sanctuary

Simula kagabi, iniisip ko pa rin yung text ni Kell sa akin. Wala na rin siyang reply nung nag-text ako sa kanya ng "Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako." Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit hindi siya nagpaparamdan recently.

"You've been staring at your phone since we got here."

Napatingin ako sa may-ari ng boses at nakita si Jalen na nakatingin sa akin habang nakatutok yung camcorder na hawak niya sa mukha ko.

"I already told you, you didn't have to come." Nilayo na rin niya yung camcorder at ibinaling ang atensiyon sa babae at lalaking busy sa paglalaro sa playground.

"Sorry," I mumbled, slipping my phone into my jeans pocket. I wondered kung alam rin ba ito ni Jalen. Kung hindi sila close ni Markell, marahil ay wala rin itong alam.

"That's fine. Just try to focus now." Tumungo na rin si Jalen palapit sa mga actors ng film project namin.

Nandito kami ngayon sa isang parke na may playground malapit sa university para mag-shoot ng scenes. Ito yung sinulat ko recently kung saan nagsisimula nang maging close si hopeless romantic girl at lonely boy.

Act two, scene one: bonding of two strangers.

Hopeless romantic girl calms lonely boy while playing in the seesaw.

I watched him as he directed Tris and André sitting on opposite sides of the seesaw. Masaya silang nakasakay na parang mga batang walang problema.

"Hindi ka pa nakakasakay sa seesaw?" sabi ni Liatris na linya niya sa scene.

"Hindi pa. Takot ako sa heights," ani André aka lonely boy.

"Heights? Eh hindi naman ito mataas."

"Hindi na, kasi nandyan ka."

"Oh di ba? Sabi ko sa'yo hindi naman nakakatakot basta may kasama ka."

"Wala ka bang kinakatakutan?"

(Long pause...)

"Takot akong maiwan mag-isa," I mumbled under my breath, staring into space. Nung sinulat ko ito, inimagine kong ako si hopeless romantic girl kaya lahat ng mga salita niya ay galing sa isip at puso ko.

I'm scared to be alone.

"You don't have to be. I'm here," Jalen suddenly spoke beside me, breaking my thoughts.

Nakatutok ang mga mata niya sa akin kahit na hawak niya yung camcorder na nakatutok naman kina Tris at André.

Kumurap ako nang makita ko ang ngiti ni Jalen sa aking direksiyon. "Uh, dun lang muna ako saglit."

Agad akong tumalikod at nagtungo sa isang bakanteng bench sa parke. Kailangan kong lumayo para mahimasmasan ako.

"Hija..." Nagulat ako nang biglang may kumalabit sa gilid ko. Isang matandang babae ang nakatingin sa akin habang nakataas ang palad niya. Sa sobrang liit ng katawan niya, bumakat na rin ang mga buto niya sa ilalim ng manipis niyang balat.

"Ano po yun?" Mahina kong tanong.

"Pwe...de ba...ng... maka...limos?" Hirap niyang bigkasin ang mga salita. Baka dahil na rin sa gutom at kulang sa sustansiya.

"Ah, sige po." Agad kong tinignan ang wallet ko sa shoulder bag ko pero limang piso lang ang laman nito. Alam kong walang mabibiling matinong pagkain ang limang piso. Napatingin ulit ako sa matandang babae. "Sorry po kulang 'tong dala kong pera. Pero pwede ko po kayong bilhan. Ano po ba ang gusto niyo?"

"Kahit... ano.... nalang..."

Napasulyap ako sa mga kasamahan ko na busy pa rin sa shooting. Hindi naman nila ako kailangan ngayon kaya okay lang na umalis ako saglit.

"Sige po. Samahan ko na kayo bumili," sabi ko sa matandang babae at sinabayan ko siya sa paglakad.

Tahimik lang siya habang naglalakad nang mabagal. Kinailangan ko ring bagalan ang paglakad ko para hindi siya maiwan. Buti nalang at may malapit na convenience store dito sa parke.

"Mag-isa lang po ba kayo?" Tanong ko.

"Oo..."

"Saan po kayo nakatira?"

"Kung... saan... saan... lang..."

"Wala po ba kayong pamilya?"

"Ini...wan...nila...ako..."

Bumagsak ang puso ko sa sagot niya. Alam ko ang pakiramdam ng maiwanan. Pero mas mahirap sa kanya dahil mag-isa nalang siya. Hindi ko lubos maisip kung saan siya natutulog. Ang hirap lang isipin na maraming ganito sa mundo. Kung kaya ko lang tulungan lahat ay gagawin ko.

Nang makarating kami sa store, pinapili ko na yung ale kung ano ang gusto niya. Hirap siya sa pagpili kaya tinulungan ko na rin siya. Kaunti lang ang kinuha niya pero dinagdagan ko pa ito para may makain siya mamaya at bukas. Bumili na rin ako ng ice cream para sa mga kasama ko para lumamig ang ulo nila.

"Sa...la...mat.... hija..." pinilit ng matandang ngumiti sa akin kaya binalikan ko ito ng ngiti.

"Wala pong anuman. Ingat po kayo."

"Pagpalain...ka...pa...sana..."

Hinatid ko siya patungo sa labas ng store at iniwan na rin siya sa gilid. Pagbalik ko sa parke ay nakaupo na sila sa bakanteng bench. Mukhang natapos na nila yung scenes ngayon.

"K, san ka galing?" André asked, almost yelling as soon as he saw me.

Inabot ko sa kanila yung plastic na may lamang ice cream. "Binilhan ko kayo ng ice cream."

"Ice cream lang?" Reklamo pa ni André sabay tanggal ng snapback sa ulo niya.

"Buti nga binilhan pa kita," sagot ko naman.

"Thanks, ate K." Masayang kinuha ni Tris ang Drumstick mula sa plastic.

"Bro, tapos na ba tayo?" André asked, standing up from his seat.

"Yeah, you can take Tris home," Jalen ordered.

"Pero kuya, ayaw kong sumakay sa motorbike niya," Tris whined.

Jalen sighed. "Sorry, baby sis. We need to film a footage elsewhere."

André stepped forward, tapping Liatris on the shoulder. "Let's go, princess! Unless you want to get a Grab ride."

The girl beside me finally left her seat. "Fine. Sasama na po!"

"Hey André, get my sister home safe," Jalen reminded.

André looked over his shoulder, saying goodbye to us with a salute. "Aye aye!"

"Let's go then?" Tinignan ako ni Jalen at wala akong nagawa kung hindi tumango nalang.

#

Hindi ko alam na aabutin ng dalawang oras ang gustong puntahan ng kasama ko. Nakatulog rin ako buong biyahe at pagkagising ko ay nasa tapat na kami ng isang malaking gate na napapalibutan ng mataas na pader sa magkabilang gilid.

I sighed. "Kung sinabi mo sa akin na sa Tagaytay tayo pupunta, hindi sana ako pumayag na sumama."

"I didn't know the drive would take this long," Jalen explained as he advanced the car towards the entrance of the gated building.

Napatingin ako sa labas at nakita ang malalaking puno na nakahilera sa daan. Maya't maya pa ay nakita ko na rin ang isang malaking building na mukhang resort sa di kalayuan. Dumaan ang kotse sa gilid hanggang sa tumigil na rin ito sa isang open na parking spot.

"Nasaan tayo?" Tanong ko sa katabi ko na papalabas na ng kotse. Hindi man lang ako pinansin.

Lumabas na ako at napatingin ulit sa gusali sa harap namin. May malaking signage na nakapwesto sa gilid ng building, "The Sanctuary."

Kita mula sa labas ang lobby area ng building dahil sa glass na pader nito. Nakasindi na rin ang mga ilaw sa labas ng building dahil palubog na ang araw. Naka-landscape pa ang buong paligid kaya nakakahiya tuloy na umapak dito.

"Let's go?" Jalen's voice broke me from my trance.

"Bahay niyo rin ba 'to?" Tanong ko ulit habang sinusundan ang mga hakbang ni Jalen sa maliit na hagdan patungo sa entrance ng building.

"We're in a rehab center," he finally answered, not looking at me.

Tumigil saglit ang utak ko. May ganito palang rehab center dito sa Pilipinas? Eh mas mukha nga itong resort kaysa rehab center.

"Welcome, Mr. Atkinson!" May isang lalaking bumati sa amin mula sa lobby nang makapasok kami sa loob. "Saan niyo po gustong gawin yung interview?"

"Anywhere is fine, thank you," Jalen answered.

"Would you like anything to drink or eat, sir?" Tanong ng isang staff.

Teka, rehab center ba ito o restaurant? Bakit mukhang kilalang-kilala rin nila ang kasama ko dito? VIP treatment?

Napatingin ako sa paligid. Parang hotel lobby ang ayos sa loob. May mangilan-ngilang tao na naglalakad at nakatambay sa mga couch sa lobby. Hindi ko alam kung bisita ba sila o sila mismo yung mga pasyente.

Sa gilid ng lobby ay may isang pamilyar na babae na nakaupo habang umiinom mula sa hawak niyang tasa. Nang ibaba niya ang tasa, nakita ko ang mukha niya habang nakangiti sa lalaking nasa harap nito.

Ano ang ginagawa niya dito? May binibisita ba siya?

Hindi ko alam kung dapat ba akong pumunta sa kinaroroonan niya at tanungin siya. Pinag-iisipan ko pa lang kung ano ang gagawin ko nang biglang nasilayan ko ang lalaking kaharap niya.

Papa?

"Konstant, you okay?"

Narinig ko ang boses ni Jalen kaya napatingin ako sa kanya. His brows met in the middle as he looked at me in worry. Walang lumabas mula sa bibig ko hanggang sa makaramdam ako ng panghihina sa katawan ko.

Lumapit si Jalen sa akin at hinawakan ang kamay ko. "What's wrong?"

"Bakit nandito ang mga magulang ko?"

🍭

A/N: Bakit nga ba sila nandun? May idea ba kayo guys? 🤔

#thesanctuary

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top