Chapter 15
King's Crown
Ilang araw na ang nakalipas simula noong naospital ako at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap si papa. Hindi nga niya alam na na-ospital ako. Sinabi ko sa mga kaibigan ko na huwag na nilang sabihin lalo na si Kell. Alam kong sasabihin niya yun kahit na malayo siya dito.
Patuloy lang ako sa pag-scroll ng phone ko habang nakaupo sa bakanteng upuan malapit sa building namin. May naamoy akong mabangong aroma ng kape kanina nang may umupong babae sa tabi ko. May hawak siyang Starbucks na kape. Sana pala sa library nalang ako tumambay.
"Lunch mo?" Brianna suddenly appeared from behind me. Her eyes fell on the apple on my table as she sat next to me on the bench.
"Bri, tapos na class mo?"
"Yes, finally. By the way, punta tayo mamaya sa penthouse ha?"
Nilunok ko muna yung sinusubo kong mansanas bago ako nagsalita. "Pero mag-rereview pa ako."
"Girl, it's Saturday tomorrow," she pointed out.
"Uh... oo?"
"K, let loose! Besides, hindi ba kailangan mo ring mag-practice ng swimming para sa PE class mo?" she pressed on, trying to convince me.
I let out a sigh. Pinaalala pa niya na may swimming subject pala akong kailangan kong maipasa dahil kung hindi, babagsak ako at baka hindi umabot ang grade ko para maging cumlaude. Bakit ba naman kasi may swimming class kami sa Nursing? Hindi naman ako magta-trabaho bilang lifeguard.
"What do you say?" Brianna wiggled her brows at me, waiting for my response.
"Fine." Ano pa nga ba? Sa penthouse lang naman may libreng swimming pool na pwede kong pag-practisan.
#
Kanina ko pa tinatawagan si papa sa Messenger pero hindi siya online. Pati sa Facetime hindi rin siya sumasagot. Ayaw kong mag-isip ng masama pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala.
"Koko, buhay ka pa ba diyan?" Panay ang katok ng isang lalaki sa likod ng pintuan.
Nandito nga pala ako sa guest room ng penthouse ngayon. Sabi ko magbibihis lang ako saglit pero umabot na yata ako ng kalahating oras dito kakahintay sa sagot ni Kell.
Binalot ko ang sarili ko gamit ang tuwalya na pinahiram sa akin ni André kanina at lumapit na rin sa pintuan para buksan ito.
"Finally! What took you so long? Akala ko nakatulog ka na," bulalas ni André habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng swimming trunks niya.
"Sinusubukan ko lang tawagan si papa."
"Baka busy lang siya. Alam mo naman si tito dok, masyadong overworked," André stated.
I sighed. "Paano kung may nangyari sa kanya?"
"Koko, relax." Kinuha ni André ang kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto. "Stop worrying about your dad. You're here to have fun."
"Actually, kailangan ko talagang mag-practice mag-swimming," sagot ko habang patungo na kami sa may infinity pool nila sa labas.
"Tuturuan kita for free," offer ni André.
"Huwag na. Baka lunurin mo lang ako," biro kong sagot.
André stopped walking, dropping my hand. "Is that what you think of me?"
I nodded, bending down to feel the water. The cold crawled up my skin in an instant. Kasabay pa nito ang malamig na ihip ng hangin dito sa taas ng penthouse.
"Fine." Tinaas ni André ang mga kamay niya at humakbang paatras papunta sa likuran ko.
Nang maramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin, agad akong napasigaw. "André, ibaba mo ako!"
André burst out into laughter. "This is how babies learn how to swim."
Patuloy pa rin ako sa pagsigaw nang biglang hinagis niya ako sa tubig. Agad na lumubog ang katawan ko hanggang sa wala na akong marinig. Sa sobrang lamig ng tubig ay nanigas na rin ang katawan ko.
Maya't maya pa ay nakaramdam ako ng mainit na hawak sa magkabilang braso ko. Napabukas ako ng aking mga mata at nang makaahon ako sa tubig ay nakita ko ang pamilyar na pares ng kulay abong mga mata.
"Konstant, you all right?"
I coughed out the water in my mouth. Hindi pa ako nakaka-recover pero sa sobrang lapit ng mukha ni Jalen sa akin ngayon, parang malulunod ulit ako.
"Hey, it's okay. You're safe now," the guy hushed, his arms still wrapped around my waist.
Hindi pa rin ako makaimik. Hindi ko alam kung dahil sa tubig ba na nakabara sa lalamunan ko o dahil sa lalaking kaharap ko ngayon. Buti nalang at naka-rash guard ako. Ang awkward sana pag naka-two-piece ako.
"Koko, I'm so sorry. Okay ka lang?" Boses naman yun ni André.
Binubuhat pa rin ako ni Jalen hanggang sa makarating kami sa mababaw na parte ng pool. Nahanap na rin ng mga paa ko ang sahig kaya kumalma na ako kahit papaano. "Okay na ako," I mumbled.
"Oh my God! K, what happened?" Dumating si Brianna na naka-two piece na kulay nude. Namalikmata pa ako para kumpirmahin kung may suot ba talaga siya o wala.
Hinila ko ang sarili ko papunta sa gilid hanggang sa nakita ko rin yung hagdan. Umahon ako ng pool at inabot naman sa akin ni Brianna ang tuwalya.
"Koko, do you need anything else?" Pasigaw na tanong ni André.
Umiling lang ako sa kanya. "Pasok lang ako sa loob."
Sana pala hindi nalang ako pumunta dito. Hindi ko in-expect na makikita ko dito si Jalen. Bigla kong naalala 'yong huling araw ko siyang nakita sa ospital. Simula noon ay hindi ko na rin siya nakita pa. Ngayon nalang ulit. Hindi ko tuloy alam kung itong panginginig ng katawan ko ngayon ay dahil sa lamig o dahil sa kaba.
Nang makarating ako sa loob, nagtungo ako sa banyo para magpatuyo at magpalit ng damit. Basang-basa ang buhok ko. Wala pa naman silang blower dito.
Matapos nito ay nagtungo ako sa kusina. Pagkarating ko doon ay nakita ko si Jalen na nakatalikod at naghuhugas ng kamay sa lababo. Wala siyang suot na tshirt kaya kita ang muscles sa likod niya.
Tatalikod na dapat ako para hindi niya ako mapansin pero bigla siyang nagsalita.
"Have some tea. I'm making peppermint." Jalen turned around, facing me. May hawak siyang mug at nilagay ito sa counter.
I took a breath, clenching my fists. Ayaw kong ipahalata sa kanya na kinakabahan ako ngayon.
Nagtungo na rin ako sa upuan sa harap ng counter at kinuha ang tasa na inaabot niya. "Thanks."
As soon as he handed out the mug to me, he turned around, preparing to leave. For some reason, I didn't want him to yet.
"Ah, Jalen..." I blurted out, making him stop on his tracks.
Nakatingin siya sa akin pero hindi ko maiwasang hindi tignan ang mga tinta sa katawan niya. His body was literally a work of art with the black ink embedded in his skin.
"What is it?" He asked, folding his arms over his bare chest.
"Gusto ko lang tanungin yung ano..." I paused, shaking the jitters creeping up on me. "Yung film project. Wala na bang scenes na kailangang i-shoot?"
"We just need few more days and that's it. You don't have to come. I know you're busy," seryosong sagot nito.
"Ah, sige. I just thought na baka may kailangan kang ipa-edit sa script."
"No, it's perfect. I'll let you rest here for now," he finished, turning his back at me.
I swallowed the disappointment I was feeling. Bakit parang iniiwasan niya ako?
Inangat ko ang tasa sa bibig ko at uminom ng tsaang ginawa niya. "Ack!" I immediately splat out the tea that just burned my tongue. Ang init!
"Konstant, you all right?" Rinig ko ang papalapit na boses ni Jalen. "What happened?"
Umiling ako habang nasa harap ko na ulit ang lalaki. "Okay lang ako. Napaso lang sa tsaa."
Ngayong mas malapit na siya at kita ko na naman ang exposed na katawan niya, napansin ko ang isang tattoo sa may kaliwang dibdib niya. A small crown was crafted on top of a letter K. I suddenly wondered why he had that tattoo.
"Just be careful," Jalen reminded me, his brows meeting in the middle as he looked at me in the eye.
But, my eyes kept on going back to the crown and the letter K on his chest, tempting me to touch it. It was pulling me in, wanting me to feel his skin.
The silence of the room made our breaths sound louder than ever. His was as heavy as mine, but mine was definitely close to hyperventilating.
"Konstant..." he finally spoke, drawing my attention back to his eyes. He was bending down a bit, so his face was only a few inches away from me now.
I found myself leaning towards his pulling gaze. Were we thinking the same thing? Or was it just me?
When he parted his lips, showing a bit of his tongue, I knew we wanted the same thing. But, still, I wasn't one to act on impulse.
"Jale!" Boses ni Brianna ang nakapagpabalik sa aking katinuan.
Agad ring lumayo sa akin si Jalen habang pilit kong binabalik ang aking pulso. My heart was racing so fast right now. It felt like I just drowned all over again.
"K, okay ka na ba?" Tanong ni Brianna sa aking nang marating niya kami sa kitchen counter. She stood next to Jalen, hooking her arm on his.
I just nodded at her, ignoring the weird feeling inside me.
"Oh, gusto ko rin ng tea," sabi pa ni Brianna nang makita niya ang tasa ko.
"I'll make you one," offer naman ni Jalen sabay alis sa tabi ni Brianna.
Umupo naman si Brianna sa tabi ko habang pinapanood si Jalen na gumawa ng tea niya sa harap namin. "Jale, what does your tattoo mean? That letter K with a crown?"
The guy paused, looking at our direction. "My mom designed it. She said Enrico means King, so crown and King."
I nodded in silence. Naalala kong nabanggit niyang wala na ang mom niya noon sa akin. Hindi ko alam na ganito pala kalaki ang impluwensiya nito sa kanya. Close talaga siya sa mom niya. Ibang-iba sa akin.
"Creative pala ang mom mo?" Tanong ulit ni Brianna.
His face turned serious at the mention of his mom. "She was."
"Oh, I'm sorry. I didn't know that," Brianna mumbled.
He shrugged. "That's just life. I had great memories with her, so it's all good."
"Magpa-tattoo kaya ako ng B with a crown?" Brianna blurted out.
"Hindi ba takot ka sa needles?" I asked her.
"Hindi na pala. Okay na ako," Brianna instantly replied.
"Are you not?" Jalen suddenly questioned, his gaze directed at me. "Scared of needles?"
"I'm more scared of intangible things like loosing a loved one," I answered him.
He nodded, looking away and finishing the cup of tea for Brianna. Then, once done, he handed the mug to my friend and turned to me again. "So, you're scared to be alone and yet you refuse to receive attention and care?"
His words shot me straight to the heart. I couldn't believe this guy could see right through me despite only knowing me for weeks.
Nang mag-ilaw ang phone screen ko, nabaling ang atensiyon ko sa message na lumitaw. Si Markell! Hindi ko pa nabubuksan ang message niya pero nabasa ko na agad ang laman nito.
Mar Kell:
Flo and I broke up.
🍭
A/N: Pasok mga Marites! Bakit kaya biglang nagbreak sina Kell at Flo? Ang makakahula may lollipop ulit! 😝
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top