Chapter 10
Drive
Ngayon ang flight ni Kell. Hindi man lang ako nakapunta sa airport para ihatid siya dahil sa duty namin. Kahit na ayaw kong isipin ang pag-alis niya, hindi ko naman maiwasan. Lalo na kung panay ang texts ng mga kaibigan niya sa akin.
"Miss Fernandez, nakuha mo na ba ang vital signs ng pasyente mo?"
Agad kong tinago ang cellphone sa aking bulsa ng puti kong uniform at hinarap ang clinical instructor namin na nakataas ang kilay sa akin.
"Hindi ba maliwanag ang instruction ko na bawal mag-cellphone habang naka-duty?"
Napalunok ako sa kinatatayuan ko. Si Mrs. Del Mundo ang clinical instructor namin dito sa Pediatric Ward ngayon. Siya rin ang class adviser namin. Mabait naman siya, kaya lang nakaka-intimidate ang mukha niya. Parang kakainin niya ako ng buhay sa mga titig niya.
"Sorry, ma'am. Ah, tapos ko na po yung vital signs," sagot ko sabay kuha ng maliit kong notebook para ipakita ito sa kanya.
"I-plot mo na iyan sa chart ng pasyente."
Tumango ako at agad na tumungo sa nurses' station para kunin yung chart ng pasyente ko. Sinundan rin ako ni Mrs. Del Mundo at pinanood akong magsulat sa chart ng pasyente.
Nilabas ko ang bolpen ko na tri-color para mag-plot ng vital signs sa graph. Ramdam ko ang mga mata ng instructor namin habang unti-unti kong ginuguhit yung mga linya sa graph gamit ang asul na tinta. Ramdam ko na rin ang pawis sa may leeg ko kahit na naka-aircon ang buong ospital.
"Miss Fernandez, ano'ng oras na? Hinihintay ka na ng mga kasama mo. Sigurado akong gusto na nilang umuwi," paalala ng CI namin.
Alam ko naman yun. Tapos ko na sana ito kung hindi kayo nakatingin sa akin.
"Ang lakas ng ulan sa labas," sambit ng isang nurse na kararating lang sa nurses' station. "Muntik na akong hindi makarating dito dahil sa baha sa amin."
Ganun kalakas ang ulan? Hindi naman masyadong umuulan kaninang umaga ah.
"Miss Fernandez?"
Napatingin ulit ako sa CI namin at nakita siyang nakakunot ang noo sa akin. "Sorry, ma'am."
"Bilisan mo na para makauwi na kayo," she demanded.
Tumango ako at sinimulan nang gamitin ang pulang tinta ng bolpen ko. Ilang segundo pa ang nakalipas at natapos na rin ako. Nagpaalam na kami sa mga nurse sa ward at nilabas ko na rin ang payong sa shoulder bag ko.
"Beh, makikipayong ako ha?" ani Darren sa akin sabay kapit sa kamay ko na may hawak na payong. Malapit lang sa bahay namin ang apartment niya kaya minsan siya ang kasama ko pauwi tuwing may duty kami.
"Bakit hindi ka nagdala?" Tanong ko habang naglalakad kami sa may hallway ng university hospital kung saan kami naka-duty.
"Alam ko bang uulan ng malakas?" Darren clapped back.
"Umuulan na kaya kaninang umaga," I pointed out.
"Eh kung hindi ka sana natagalan sa pag-plot ng vital signs baka hindi pa lumakas ang ulan," Darren muttered.
Pinanliitan ko siya ng mata. "Gusto mo ba ng payong o hindi?"
Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Gusto. Ano ka ba? Sabi ko nga next time mas tagalan mo pa ulit ang pag-plot sa chart ha? Mahirap na baka magkamali ka pa."
Umiling ako sa kanya at nang papalapit na kami sa may entrance, rinig ko na ang malakas na dagundong ng kulog kasabay ng malakas na tagaktak ng ulan.
"Ano ba 'yan? Magiging basang sisiw tayo niyan pagkarating natin sa sakayan ng dyip," reklamo ni Darren sa tabi ko.
I shrugged at my duty mate. "No choice tayo. Parehas tayong walang kotse eh."
"Uy, ang pogi nung doktor oh." Biglang pinisil ni Darren ang kamay ko kaya napangiwi ako. "Beh, nakatingin dito. Wait lang!"
Sumimangot ako sa kanya. "Akala ko ba uwing-uwi ka na?"
"Teka lang naman. Pwede pa naman tayong mag-stay dito hanggang sa tumila yung ulan."
"Bahala ka diyan. Mauuna na ako. Magre-review pa ako ng Microbio." Nauna na akong maglakad at naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Darren habang pilit na kinukuha ulit ang kamay ko.
Pagkalabas ko ng ospital, sumalubong agad sa mukha ko ang mahinang talsik ng ulan. Napatingin ako sa taas at nakita ang madilim na kalangitan. Buti nalang at hindi pa naman bumabaha dito sa labas. Mga ilang metro pa ang lalakarin ko para makarating sa sakayan ng dyip.
"Beh!" Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Darren kaya napatingin ako sa aking likuran. Nakita ko siyang paparating habang kumakaway sa akin.
"Akala ko ba hihintayin mong tumila ang ulan?"
Napahawak siya sa balikat ko habang humihingal. Pinakita niya sa akin ang hawak niyang pulang lollipop sa kamay niya. "May nagpapabigay," sabi nito.
"Lollipop?" Kinuha ko ito sa kanya at nakita ang maliit na papel na nakadikit dito.
"Can I drive you and your friend home?"
Nanlaki ang mata ko sa nakita kong nakasulat sa papel sabay tingin sa aking paligid. Nandito ba si Jalen?
Siniko ako ni Darren kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi mo naman sinabi na kilala mo pala si Dok Pogi."
"Dok Pogi?"
"Oo, yung nagbigay niyan. Manliligaw mo?"
Muntik na akong mabilaukan sa tanong ng kasama ko. "Manliligaw? Hindi 'no. Kapatid siya ng best friend ko."
"Best friend? You mean anak rin siya ni senator?"
Sasagot na ulit dapat ako nang biglang may bumusina sa harap namin. Isang itim na kotse ang bumungad at nang bumaba ang bintana nito, nakita ko ang mukha ng isang pamilyar na lalaki sa driver's seat. Tinaas niya ang kamay niya para bumati habang nakaismid.
"Beh, ayan na siya," pigil na kilig ni Darren. "Ano? Grasya na iyan. Tatanggihan mo pa ba?"
"Huy Darren, huwag na," pabulong kong sabi.
"Ano? Siya naman ang nag-offer. Tara na! Naghihintay na si bebe dok." Kinuha ni Darren ang kamay ko at hinila ako palapit sa kotse.
Huminga ako nang malalim bago ako tumingin sa lalaki na naghihintay sa amin sa loob ng kotse.
"Ready to go?" Tanong ni Jalen sa amin. Nakaputing coat pa siya pero sa loob nito ay isang itim na shirt. Teka, doktor ba talaga siya? Bakit ngayon ko lang nalaman?
"Yes, we're ready." Binuksan na ni Darren ang pintuan ng kotse sa harap at tinulak ako papasok.
"Nandiyan na ba si Koleen?"
Nagulat ako nang bigla kong marinig ang boses ni papa sa speaker ng kotse.
"Yes, tito," casual na sagot ni Jalen na parang close na sila ni papa.
"P-Pa?" Utal ko pang sagot. Ang awkward kayang makipag-usap sa kotse.
"Anak, nagpaalam si Enrico na ihahatid ka na raw niya. Pumayag ako para hindi ka na mahirapan sa pagsakay."
Salamat naman, pa. "Sige po."
"Drive safely, hijo," huling salita ni papa bago niya ibinaba ang tawag.
Tumikhim si Jalen bago nagsalita ulit. "Sorry. I just thought maybe you would agree if I tell tito first."
Tumango nalang ako at humalukipkip sa kinauupuan ko sa tabi niya.
"So, doktor ka pala?" Biglang tanong ni Darren sa likod namin.
Umiling si Jalen. "Still an intern."
"Parehas na rin yun. Doktor ka pa rin. Bakit ngayon ka lang namin nakita?" Darren asked again. Hindi naman halatang curious siya sa lalaki.
"Oh, I was studying in the States and then I came here," Jalen explained.
"Ah kaya pala Englishero..." Pabulong na sabi ni Darren pero rinig pa rin naman. "So, hindi ka marunong mag-Tagalog?"
"Marunong pero konti lang," may accent na sagot ni Jalen.
Napatawa ako nang mahina dahil ang cute lang na marinig siyang magsalita ng Tagalog. Pero agad ko ring tinikom ang bibig ko.
"Did I say something funny?" Tanong ni Jalen kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya ngayon.
Umiling ako sabay lunok. "Wala. Ang weird lang kasi."
Jalen arched a brow, his lip following a curve. "Weird? Talaga?"
I squinted at him. "Mag-English ka nalang, please."
Darren suddenly cleared his throat. "Anyway, I assume you're well-versed with pathophysiology."
"Yes, I am," confident na sagot ni Jalen.
"Baka pwede namang magpatulong sa paggawa ng care plans namin. Di ba, Koleen?"
"Kaya kong gawin mag-isa," I firmly said.
"Ano'ng kaya mo? Eh di ba kailangan mong ma-perfect yun para sa grades mo? Di ba vying for magna cum laude ka?"
"Kaya ko nga," pagpupumilit ko.
Jalen turned to me with a smile. "I'm sure you can do it. But, if you need help, just call me."
Darren clapped his hands. "May number na ba ako sa'yo? Wala pa, di ba? Ano'ng numero mo?"
"Darren, umayos ka nga," I told my friend off.
"Sabi ko nga, huwag ko nang kunin ang number mo. Alam mo naman na ang number ni Koleen, ano?"
"Yeah, I asked Tris."
Anak ng...
"Ayun naman pala. Buti nalang at meron si Tris." Lumapit ng kaunti si Darren sa akin sabay pabulong na tanong, "Sino'ng Tris?"
Tinignan ko siya sa aking likuran. "Yung kapatid nilang babae."
"Ah, may kapatid pala silang babae?" Amused na sagot ni Darren. "Anyway, buti nalang talaga at nakita mo kami. Malamang ay naglalakad pa sana kami ngayon."
"No, thank you for accepting the offer." Nilingon ako ni Jalen at agad naman akong tumingin sa kabilang direksiyon.
Mga isang oras rin ang lumipas at nakarating na rin kami sa bahay namin. Nagpasalamat kami sa naghatid sa amin at akmang bubuksan ko na ang pinto nang biglang nagsalita si Jalen.
"Can I talk to you for a sec?"
Napatigil ako saglit at parang nawala ako sa tamang kaisipan ko. Ayaw kong makipag-usap sa kanya kasi baka kung anu-ano na naman ang sasabihin niya.
"Oh sige, mauuna na ako, ha? Tutal malapit na rin naman ang bahay namin dito. Tatakbuhin ko nalang. Thank you ulit, dok!" Lalabas na dapat si Darren pero pinigilan ko siya.
"Wait lang. Di ba wala kang payong? Hintayin mo na ako," sabi ko sa kanya.
"I have one here. You can take it." Binigay ni Jalen ang foldable na payong nito kay Darren.
"Ay, salamat talaga, dok. Pinagpala ka talaga. I mean, pagpalain ka pa nawa ng Panginoon. Bye, beh!" Agad na ring lumabas si Darren sa kotse bago pa ako makapalag ulit.
"Ano'ng pag-uusapan natin?" Diretso kong tanong kay Jalen.
Inayos niya ang upo niya para tignan ako. "I'm sorry if i'm making you uncomfortable with this. I just want to help."
Hindi naman sa hindi ako kumportable. Ang weird lang na parang lagi siyang nandiyan. Kahit nga si Kell hindi laging available sa tuwing kailangan ko siya. Pero ito, kahit na hindi ko naman kailangan, bigla nalang sumusulpot na parang kabute.
"Okay lang. Pero kaya ko naman kasi," wika ko.
Jalen nodded. "If you feel like I'm scaring you, please don't hesitate to push me away."
Hindi na ako nakaimik pa. Ngayon pa lang ay takot na ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta... natatakot ako.
🍭
A/N: Kaloka si beh Darren. Shipper ba naman ng #JaLeen 😂 kayo rin ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top