Chapter 1
Serial Killer
There are two parallels to every story.
One could be right. The other could be a lie.
One might lead to a happy ending. The other could be a tragedy.
Now, mine was on the verge of both. And the only way for me to reverse it was to face the truth...
Therefore, here I was, sitting on a rather uncomfortable chair inside a crowd-less movie theater, lungs suffocated with the cold and dead air.
"I don't care if you slept with hundreds of men. You're my mom and I love you so much," the main character's words struck me in that moment.
Never ko pang napanood ang movie na Mamma Mia before. Kung alam ko lang na may mother-daughter storyline dito, sana hindi nalang ako pumayag na makipagkita sa babaeng katabi ko ngayon.
"Koleen, anak, umiiyak ka ba?" Malumanay na tanong ng babae sa akin. Hindi ko siya tinignan. Nanatili lang akong nakatingin sa malaking screen sa harap namin.
Nakakainis. Ang sakit na rin ng puwet ko kakaupo dito sa silya at sa sobrang tigas nito, naging paralisado na yata ang buong katawan ko. Kaya siguro wala nang masyadong nanonood sa mga sinehan dahil sa upuan nila dito.
"Bored ka na ba, anak?" Tanong ulit ng katabi ko. Kung makatanong siya sa akin ngayon, parang concern na concern siya eh siya nga yung nang-iwan.
Composing myself, I let the darkness of the theater consume my vision. Huminga ako nang malalim sabay tingin sa mga taong nakaupo sa may harap namin. Maliban sa mga medyo may edad nang mga babae sa harap, wala nang ibang tao sa sinehan.
"Kung gusto mo anak, pwede namang hindi na natin tapusin 'tong palabas," my so-called mother spoke yet again.
Hindi ako sumagot. Ayaw kong makipag-argue sa kanya ngayon dahil gusto kong maging mabuting anak kahit ngayon lang. Just the mere fact na nandito ako ngayon at kasama siya ay isa nang malaking sakripisyo sa akin para at least man lang ma-preserve kung ano mang natitira pa sa relasyon ko sa kanya.
Kung hindi lang talaga niya kaarawan ngayon, hindi naman talaga ako dapat makikipag-kita sa kanya. Sa totoo lang, pwede ko naman siyang bigyan nalang ng regalo. Pero, pinakiusapan ako ni papa na i-meet siya dahil gusto raw niya akong makita. Kung naisip niya sana ito bago niya ako iniwan, eh di sana hindi na niya kailangang makiusap para lang makita ako.
I hated myself for acting this way, but I couldn't help it. Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko lang ulit yung araw na iniwan niya ako kasama ni papa.
Nasa grade school palang ako noon. Tanda ko pa ang pag-aaway nila ni papa at ang pagsigaw niya sa akin nang, "Sana ikaw nalang ang nawala!"
Akala ko dati guni-guni ko lang na marinig ang mga salitang ito galing sa nanay ko.
Oo.
Sarili kong nanay ang nagsabi sa akin niyan. Hindi ko noon maintindihan kung bakit niya ito nasabi. Actually, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang rason.
Hindi ako makapaniwala na kaya ng isang ina na iwan ang anak. Napaka-selfish!
Okay naman na ako ngayon, or at least I was trying to be. Buti nalang at meron akong tatay na naging personal hero ko. Siya na ang nagpalaki sa akin simula noon. Kahit na sobrang busy ni papa bilang doktor siya, maswerte ako dahil hindi niya ako pinabayaan. Hindi man siya gaanong magaling magluto, na-appreciate ko naman ang pag-Google niya para lang makakain ako ng mga lutong bahay.
Dahil sa kanya, lumaki akong responsable at mature na nineteen-year-old. Kaya mahal na mahal ko si papa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala siya.
"Koleen, anak, alam kong galit ka sa akin, pero salamat at pumayag kang magkita tayo ngayon." Rinig na rinig ko ang mga sinabi ni mama sa kabila ng mga boses ng mga taong nagsidatingan sa loob ng sinehan.
"Pumayag lang po ako dahil naki-usap si papa," madiin kong sagot.
Nakita ko ang paninigas ng mukha niya bago ako tumayo sa kinauupuan ko. Sinabi ko lang naman ang totoo. Ayaw kong ma-misinterpret niya ang pagpunta ko dito dahil hindi ko pa rin siya mapapatawad.
My memories of her were as bad as the wounds that could never seem to heal on their own.
"Anak, I'm sorry." Napatigil ako sa pagtayo sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay. Malamig at nanginginig ito kagaya ng nararamdaman ko ngayon. "Gusto ko lang na maging close ulit sa'yo. Gaya nung dati."
"Kinalimutan ko na ang lahat ng alaala ko sa'yo simula nung iniwan mo ako."
'Yan ang gusto kong sabihin but instead, I just stayed silent. Siguro mali ako para magalit nang ganito pero hindi ko mapigilan ang aking sarili.
As soon as the movie ended, lumabas na rin kami at nagtungo sa may parking lot ng mall. "Koleen." Tinawag niya ang aking pangalan kaya nilingon ko ulit siya.
Nilapitan niya ako saka binalot ng mga kamay niya. Gusto ko siyang itulak palayo pero napatigil ako nang magsalita siyang muli. "Mahal na mahal kita anak."
Wala nang kwenta ang mga salita niya ngayon pero hinayaan ko lang siya. It was the least I could do dahil hindi ko na masasabi ang mga ito sa kanya.
Nang bitawan na niya ako mula sa mahigpit niyang yakap, humakbang ako patalikod para hindi na niya ako mahawakan ulit.
"Ingat po kayo." 'Yan nalang ang kaya kong sabihin sa kanya.
I saw how her eyes sparkled when I turned around and left her standing in the corner. Alam kong alam niya na baka ito na ang huling pagkakataon na magkasama kami. At kung papayag man ako, baka abutin ulit ng sampung taon bago mangyari ito.
Taking a breath, I felt my phone vibrating inside my jeans pocket. Kinuha ko ito agad at nakita ang caller ID ng isa sa mga paborito kong tao sa buong mundo.
"Kell," mahina kong sagot, hoping na hindi niya mapansin ang hindi magandang mood ko ngayon.
"Bad timing?" Kumalma ako saglit nang marinig ko ang malalim na boses ng isang lalaki.
"Hindi, okay lang. Ano, malapit ka na ba?" Tanong ko bilang paalala na susunduin niya ako. Minsan kasi nakakalimutan niya kahit na ilang beses ko pa siyang i-text.
"Medyo male-late lang ako kaunti. Hatid ko lang si Flora."
Ouch. I should've known. "Ah ganun ba..." my voice trailed off, hiding my disappointment.
"Yeah. Sorry, K."
"Okay lang. Mag-tataxi nalang ako." Ang totoo niyan, sanay na ako sa ganito. Sino ba naman ako para sunduin niya? Hindi naman niya ako girlfriend, so natural lang na hindi niya ako unahin. Best friend lang naman ako.
"No. Wait for me there. Huwag kang aalis."
"Huwag na, nakakahiya kay Flora."
"Tulong!"
My ears perked up, hearing a shout of panic from somewhere. I looked over my shoulder, scanning the area I just walked out of. May isang babaeng kumakaway at tila naghahanap ng saklolo sa gilid.
"K, what's happening? Okay ka lang?" Narinig ko ang pag-alala sa boses ni Kell pero hindi ko na ito inintindi nang mapagtanto ko kung sino yung nakahiga nang walang malay sa sahig.
Binaba ko ang tawag at naglakad patungo sa aleng sumasaklolo. May mga taong nakapansin rito at pinalibutan na rin nila yung nahimatay na babae.
When I finally reached the small crowd of onlookers, I saw a glimpse of a red blouse worn by the lady being rescued lying on the ground. Habang papalapit ako sa kanila, doon ko lang nakita ang mukha ng babaeng nahimatay.
Nangisay ang mga tuhod ko nang ma-realize kong ito'y walang iba kung hindi ang aking ina.
"Miss, tulong!" Tawag ng ale sa direksiyon ko.
Gustuhin ko mang gumalaw, naramdaman ko ang mahigpit na kapit ng lupa sa mga paa ko. My ability to move suddenly ceased. Ano ang nangyari? Ano ang gagawin ko?
Ano ba ang natutunan ko sa first year ng pag-aaral ko ng nursing? Ni pagkuha ng blood pressure hindi ko ma-perfect.
"Tumawag kayo ng ambulansya!"
"Buhatin niyo siya. Dali!"
Biglang may sumagi sa tabi ko at dahil sa patpatin kong katawan ay muntik pa akong madapa sa kinatatayuan ko. Nahulog pa tuloy ang salamin sa mga mata ko.
Panay pa rin ang sigaw at usisa ng mga estranghero sa paligid. Sa sobrang labo na ng paningin ko ngayon, parang akong naglalakad sa isang mausok na lugar.
Yumuko ako para kunin ang salamin kong nasa sahig nang biglang may sapatos na umapak dito. Isang mahinang crack ang narinig ko sa kabila ng mga boses na umaalingawngaw sa paligid.
"Naku miss, sorry sa'yo ba to?" sabi ng isang lalaki na nakaapak nito sabay abot sa akin nung natitirang frame ng salamin.
Bumuntong-hininga ako habang pinipigilan ang sarili kong huwag sumigaw sa galit at inis ko. Kung minamalas nga naman. Ano ba ang mayroon sa araw na ito?
"I'm with her. It's okay."
Napatingin ako sa lalaking Englisero na kumakapa ng pulso ng aking ina sa kamay nito. Nilapit rin niya ang tainga niya para pakinggan siguro ang paghinga nito.
Maya't maya pa ay tumayo ang naka-itim na lalaki at binuhat ang dalawang paa ng nanay ko. Sino ba ang lalaking ito?
"Call an ambulance!" Nagising ako sa tono ng lalaki.
Hindi ko masyadong makita ang ekspresiyon ng mukha niya pero sa tono ng boses niya, mukhang galit na rin siya.
Hinablot ko ulit ang cellphone ko sa aking bulsa at agad na tumawag ng tulong. Si papa ang una kong naisipang tawagan. Hindi siya sumasagot. Baka nasa duty pa siya.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang biglang gumalaw na rin ang aking ina. Unti-unting ibinaba ng lalaki ang pagkakahawak niya sa mga paa nito.
"Are you okay now po?" Tanong ng lalaki habang tinutulungan si mama na umupo sa sahig.
Tumango nang mahinahon ang aking ina sabay hawak sa ulo nito.
"It's better po if you go to the hospital," sabi ng lalaki na medyo may slang ang accent.
"Okay na ako, hijo. Nahilo lang ako bigla."
"It's just to make sure that nothing serious is going on."
Napatingin ang aking ina sa lalaki at tumango ito na parang na-hypnotized siya bigla.
Nagsi-alisan na rin yung mga tao na pumalibot sa kanya habang tinutulungan pa rin siya ng lalaki para tumayo.
Nang biglang tumingin ang lalaki sa direksiyon ko, napalunok ako sa hindi malamang rason. "Are you coming or what?" he probed.
Tumango ako at lumapit sa kanila. Hinawakan ko ang kamay ni mama. "Okay na po ba kayo?"
"Sorry, anak. Hindi mo naman kailangang sumama. Alam kong busy ka," sagot pa niya.
"Sasamahan ko po kayo," saad ko.
"Okay na, anak. Sasamahan na ako ni Enrico," my mother replied.
I raised a brow, glancing at the guy namely "Enrico." Sino ba ang lalaking ito at bakit mukhang tiwalang-tiwala ang aking ina sa kanya? Anak ba niya sa ibang lalaki? Or worse, siya ba ang pinalit niya kay papa?
"Sasama po ako," I repeated with conviction. Wala akong tiwala sa Enrico na ito.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaki. "Hey, don't worry. I'm not a serial killer."
"Paano ako makakasigurado?" Usisa ko bago pa kami makapasok sa kotse niya.
"I can show you my ID, so you can report me any time." Kinuha niya ang wallet niya at may kinuha mula rito.
Hindi na ako nakapalag nang ipakita niya ang ID niya. Hindi ko naman mabasa yung buong pangalan niya, pero ayaw kong ipahalata na partially blind ako ngayon.
"Everything good now, Konstantia?" The guy ended with a smirk playing across his lips.
Nanlaki ang mga mata ko at nanginig ang kalamnan ko nang tawagin niya ako sa aking tunay na pangalan na siyang kinaiinisan ko dahil magkapangalan kami ni mama.
And that's when I knew, the worst part is yet to come...
🍭
A/N: Welcome sa first chapter ng TLP! Sana ay nagustuhan niyo. Kung hindi, ok lang. 🥲
Comment down your thoughts! Bibigyan ko kayo ng free 🍭
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top