XXI - The Vaccine
Marvin's Pov
"Pagkakataon ko na." bulong ko sa sarili ko at dahan dahan kong itinutok ang baril dito. Agad naman itong lumingon at nakita ako kasabay ng pagkalabit ko ng gatilyo ng baril ko, nakaiwas ito at nadaplisan sa gilid ng ulo.
Tumakbo ito sa kabilang kwarto at agad ko itong sinundan. Kailangan ko nang matapos itong laban na ito, umabot na tayo sa chapter 21 eh dapat hanggang chapter 10 lang 'to.
Nagpaputok din ito mula sa kinaroroonan nito habang ako ay maingat na nakatago sa likod ng pader, 'di kalayuan sa kaniya.
"Vincent, sumuko ka na! Napapaligiran na kita!" sigaw ko rito na alam kong maririnig niya.
"Hindi ako susuko, malaki na ang naimbag ko sa Sanctuary at makikipaglaban ako ng patayan makuha lang ito!" sigaw din nito.
"Malayo layo na ang inabot ng chapter na ito, magpatalo ka na! Nagaabang na yung next story ni Author!" sigaw ko ulit at narinig ko na tumawa ito ng malakas bago nagsalita.
"Wala akong pakeilam sa next story! Wala ka na din dapat pang pakeilam doon dahil 'di ka na magiging cast 'dun!" sabi nito na ikinakunot ng noo ko at ikinapagisip. Hala, di na ako kasali sa next story?
"Tapusin na natin ito! Magsuntukan nalang tayo tulad ng mga napapanood ko sa pelikula! Wala nang kwenta yung mga baril natin, gamit na gamit na sila nung last chapters!" sigaw niya ulit na dumagdag pa sa iniisip ko. Pero di na talaga ako kasama sa next story, Author?
"Sige lalabas na ako, lumabas na din!" sigaw ko at sabay kaming lumabas sa pinagtataguan namin.
"Walangya ka! Nasa kabilang pader ka lang pala, pinahirapan mo pa ako." sabi nito na ikinakamot ko ng batok.
"Hayaan mo na, minsan na nga lang naging bida. Kakapagod na maging kontrabida sa story na ito noh, ang daming problema." sabi ko na ikinatawa namin pareho.
"So paano na natin tatapusin ito?" tanong nito habang nakatingin sa mga hawak naming baril.
"Siguro, gumawa tayo ng unexpected scene na bagong bago sa mga mata nga mga readers. G ka?" tanong ko at nakangisi siyang tumango.
--
"Wala ka nang tatakbuhan pa, dito ka na magtatapos." sabi ko at itinaas nito ang kamay niya.
"Paano yung suntukan na sinasabi mo, naduduwag ka?" sabi nito na sinangayunan ko.
"Sige ibababa ko na yung baril ko, basta ganoon din sayo." sabi ko tumango naman ito. At agad naman naming itinapon sa sahig yung mga hawak naming baril.
Ngumisi ito sakin ng nakakatakot at ngumisi din ako at pagkatapos ay nagpaputok ito ng baril sa direktang tumama sa binti ko ang bala mula rito.
Agad akong napalingon sa kaniya na may halong gulat at pagkadismaya. "T..teka, a..anong nangyari? Akala ko ba wala--"
Agad naman ako napaluhod sa sahig habang tangan ang duguan kong binti at agad naman itong tumawa ng malakas.
"Hangal ka kung inaakala mo talagang lalaban ako ng patas, laruang baril-barilan lang yung hawak ko kanina at itong baril talaga na ito ang ginamit ko kanina at isinuksok lang sa likuran ko." sabi nito na ikinangisi ko. Sinabi ko na at galawang kontrabida parin ang gagawin niya, una palang inaasahan ko na.
"Ngayon ang tanging gagawin ko nalang, ay itutok ito sa bunbunan mo, kalabitin ang gatilyo at pagkatapos ay malaya na akong makakatakas." sabi nito at dahan dahang itinutok ang baril na hawak nito habang ako naman ay patuloy na nakaluhod parin na nakatingin sa kaniya at tanging inaantay na lamang ang katapusan ko.
Dahan dahan na niya ikinasa.
Inilagay na nito ang daliri sa gatilyo.
At.
Kinalabit.
Paalam.
--
*Tik
Walang bala.
Kapwa parehas kaming nagulat at agad naman nitong tiningnan ang baril ko mula kinaroroonan nito. Agad ako nitong tinabig at akmang kukunin na iyon nang bigla namang dumating sila Janna at Doc Torsia dahilan para tumakbo ito papalayo.
"Hayaan niyo na siya, kung gusto niya pang mabuhay alam kong aalis na siya rito at magpapakalayo para hindi na natin siya mahanap." sabi ko at kasabay ng malakas na pagpapaandar ng sasakyan paalis sa Sanctuary. Malamang ay tuluyan na siyang umalis dito.
"Pwes ano na ang balak mo ngayon, Marvin. Kailangan namin ng pinuno na mamumuno sa amin ngayong wala na si General at Athena." sabi ni Doc Torsia habang tinitingnan ang sugat ko.
"May kilala ako na magiging mabuting pinuno para sa Sanctuary." sabi ko at tinitigan ko ang maamong muka ni Janna.
--
"A..anong nangyari? Nanalo ba tayo?" tanong ni Blake pagkagising nito. Agad ko itong inalalayan sa pag upo.
"Nanalo tayo, Blake. At hulaan mo kung sino ang bagong pinuno ng Sanctuary na ito?" tanong ko na ikinapagtaka niya.
"Ikaw?" sagot nito na ikinatawa ko ng bahagya bago umiling.
"Ikaw." maikli kong tugon na matagal niya bago nakuha.
"Mukang kailangan ng bagong paraiso na ito ng bagong pinuno, at ikaw lang ang naiisip namin na nararapat para sa posisiyon na iyon." sabi ko at tumango ito.
"Pero si Doc Torsia? Bakit hindi nalang siya-"
"Hay nako, Bata. Madami na akong inaasikaso na pasyente sa gamutan ko at hindi na kaya ng lakas ko ang magpamahala pa ng ganito kalaking lugar. Matanda na ako at siguro tama din si Marvin na panahon na para magkaroon ng bagong mamumuno para sa amin, pamahalaan mo ng mabuti ang Sanctuary na ito ng mabuti at inaasaahan ko na magiging mas maayos ito kesa sa dati sa pagbabalik namin." sabi ni Doc Torsia na ikinapagisip ni Blake.
"Pagbalik? Aalis kayo? Saan kayo pupunta?" sunod sunod na tanong ni Blake na bahagyang ikinatawa namin.
"Pupunta kami sa sa isang malaking laboratory na may kalayuan dito, kailangan naming makagawa ng antidote at magdadala din kami ng ibang mga zombies mula sa labas para ibalik ito sa dati." sabi ni Janna at ngumiti ito sa akin. Hindi ko naman masisisi kung maging malamang man sila sa isa't isa, ngayong alam ko na ang nakaraan nila ipinapangako ko na mas lalo ko siyang pahahalagahan upang hindi siya magsisi na ako ang pinili niya.
"Sige na, isasama ko sina Marvin, Janna at Reign papunta sa Lab at kailangan ko ang partisipasyon ng mga tao dito na sumunod sa bagong lider ng Sanctuary." sabi ni Doc Torsia at agad naman nagsigawan ang mga tao sa labas ng kwarto.
"AWOOO! AWOOO!" sigawan nila na may kasama pang mga tili at palakpakan na nagpatawa sa amin.
Agad na kaming umalis sa kwarto at naghanda naman para sa pag alis at pagpunta sa sinasabing lugar ni Doc Torsia.
Alam kong ikatutuwa ni Blake ang napakagandang surpresa namin para sa kaniya sa pagbabalik namin.
Naniniwala ako.
--
Blake's Pov
3 months later..
"Malapit na sila! Maghanda na kayo!" sigaw ng isang tagapagbantay ng gate at agad naman kaming pumwesto para sa pagbabalik nila.
"3!"
"2!"
"1!"
"WELCOME HOME!" sigaw naming lahat ng bumungad samin ang muka nila Doc Torsia, Janna, Reign at Marvin.
Agad naman silang nagulat at kasabay non at natuwa, pagkatapos ay agad naman naming inilabas ang mga lamesa at mga nilutong pagkain para sa pagbabalik nila. Naisip ko na dapat lang siguro na magkaroon ng piging para sa ganitong napakalaking pagtitipon.
"Grabe, nabigla talaga ako sa malaking surpresa na ito. Hahaha, nakakatuwa. Pero mukang oras naman na para kami naman ang magbigay ng surpresa para sa inyo!" sabi ni Doc Torsia na ikinapagisip ko. Surpresa?
"Ilabas niyo na sila!" sigaw nito at agad namang nagpasukan sa gate ang mga taong napakapamilyar sa akin.
Sina Mama.
Roberto.
At..
Si Nics.
"Anak!"
"Bro!"
"Tabachoy!" sabay sabay nilang sabi at agad silang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.
"Ang matured na ng muka mo ah, bakit 'di mo sinabi sakin na kayo na pala ulit ni Nics?" sabi ni Mama at hinalikan ako sa pisngi.
"Haha sorry po, pero balak ko rin naman po talaga pag nagkita tayo." sabi ko at agad naman akong bumaling ng tingin kay Nics.
"Ang gwapo mo, Tabachoy." maikling sabi nito at agad na pinisil ako sa pisngi dahilan para mamula ito bago niya binitawanan at pagkatapos ay niyakap ko ito ng mahigpit.
"Huwag ka nang mawawala sakin ah, Payatot. Mahal na mahal kita ng sobra at pangako ko hindi na kita aalisin pa sa paningin ko." sabi ko at niyakap tinitigan ko ito ng mata sa mata.
"Hinding hindi na po ako mawawala sayo, Tabachoy. Patawad po umalis ako at hindi ko na po iyon uulitin, mahal na mahal din po kita ng sobra." sabi ko at walang pagdadalawang isip ay hinalikan ko ito sa labi. Namiss ko talaga yung pakiramdam na ito, yung makasama mo ulit yung taong mahal mo.
Hanggang sa..
May kumakalabit sa likuran ko.
Si Roberto.
"Ano hahalik ka din, Bro? Hahaha." sabi ko tumawa kaming apat at pagkatapos ay nakipagyakapan din ako rito. Ngunit may isang bagay lang na nakakuha ng atensiyon ko.
"Ang angas ng mga braso mo ah, para kang si Jax ng Tekken. Yung kamay mo, kasintigas na ng bakal." sabi ko habang pinipisil pisil ang bakal nitong braso.
"Hahaha, oo nga eh. Basta paggising ko nalang sa umaga kakaiba na yung braso ko at nakakapanibago, sobra." sabi nito na tila hindi alam ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang mga braso niya. Kailangan ko ding sabihin sa kaniya.
"Aaminin ko na dahil ayokong sa iba mo pa malaman, ako ang may kagagagawan kung bakit naging ganiyan ang mga braso mo. Pero kinailangan ko lang iyung gawin upang maging ligtas naman kami na madala ka dito." sabi ko at tumango ito.
"Siguro ay magpapasalamat na din ako, na kung di dahil sa iyo ay hindi ako magkakaroon ng magarang braso at kamay na katulad nito. At kung ano pa man ang dahilan mo, maiintindihan kita dahil parang kapatid na kita." sabi nito at nagyakapan ulit kami hanggang sa lumapit sa amin si Doc Torsia at hinawakan ako sa balikat.
"Dagdag ko na din sa mga surpresa na ito, nanganak na pala yung isang pusa niyo and it a healthy boy." sabi ni Doc Torsia at agad naman akong tinulak ni Nics at Roberto palapit sa sasakyan at doon ko nakita sina Mingming at Putot na magkatabing natutulog kasama ang isang cute na kulay gray na kuting. Ang cute nila tingnan nang sama sama.
Lumipas ang ilang araw at tuluyan na nga naging maayos ang mga kaguluhan at naging isang paraiso na ulit ang Sanctuary na minsan ding naging saksi sa pagdanak ng mga dugo at palitan ng mga bala mula sa mga taong nagbangad mamuno rito. Maraming nagbago at naging mas makabuluhan na ang aming pamumuhay ngayong may dahilan na kami para ipagpatuloy ang aming buhay mula sa aming nasimulan, ang gamutin at ibalik sa ayos ang lahat ng mga naging zombie hanggang sa kahuli hulihan nito.
--
"Blake, pwede ba tayong magusap?" maikling sabi ni Marvin mula sa likuran ko. Tumango ako at agad itong napabuntong hininga bago nagsimulang magsalita.
"Gusto ko lamang humingi ng tawad sa mga nagawa ko sa inyong perwisiyo simula nung una palang, hindi ko naman talaga nais na guluhin ang Kampo ninyo at tapusin ang mga kasamahan mo kung wala naman akong dahilan." sabi nito na ikinapagtaka ko.
"Matagal na panahon na ng sinugod ng mga grupo ni Micka ang aming kampo dahil sa aming malalakas na baril, gamot at maski mga pagkain na aming unang naimbak para sa aming mga kasamahan. Kinuha nila ang lahat ng mga pinaghirapan namin, kaya dapat lang siguro na bawiin namin iyon sa kanila. Masisisi mo ba ako 'don, Blake?"
"Ang makita mula sa mga mata mo mismo na kuhanin sayo ang isang bagay na mahalaga para sa iyo ngunit wala kang magawa para ipaglaban ito?" sabi nito nito na nakapagpatahimik sa akin.
"P..pero." utal na sabi ng isang babae mula sa likuran ko.
"Pero paano mo maipapaliwanag ang pagpaslang mo kay kuya Jin ko?! Alam mong una pa lamang ay naging tapat na siyang kaibigan sayo. Itinuring ka na din niyang kapatid, higit sa akin at ni minsan ay hindi ka niya binalakan o gawan ng masama. Kaya ikaw ang sumagot, Marvin."
"Anong dahilan mo kaya mo tinapos nang ganoon nalang ang kuya ko?! Ang taong nagtanggol sayo at handang ibuwis ang buhay para lamang mailigtas ka? Sagot!" galit na sabi ni Nics na halata ang panginginig ng boses nito na ikinabigla naming pareho ni Marvin. Nics.
Ilang minuto ang lumipas at tila natahimik ang buong paligid bago tuluyang nagsalita si Marvin, habang kami naman ay kasalukuyan nagaantay sa sagot nito.
"Hindi ko ginusto na mangyari iyon, Nics." malamig na sagot ni Marvin na puno ng sinseridad pero tila hindi ito pinansin ni Nics.
"Puta naman! Anong ibig mong sabihin na hindi mo ginusto?! Nakakagago lang kasi eh, nagpapatawa ka ba?!" sigaw ni Nics kasabay ng pagpatak ng mga namuong luha mula sa mga mata nito.
"Maniwala ka man o sa hindi, siya ang pumili ng kakampihan niya. Minahal ka niya Nics, hanggang sa huling hininga niya. Ginawa ko yon dahil natatakot ako na mawala siya, na mas piliin niya kesa sakin na kaibigan niya." saad ni Marvin.
"Kinailangan ko yon gawin para sa ikabubuti mo. May isinulat din siya na letter, may mga iniwan siyang mensahe dahil alam niya na darating sa punto na iiwan ka na din nya. Heto at basahin niyo." dagdag pa nito at iniabot ang sulat mula sa bulsa nito at iniabot sa akin.
Alam kong hindi man tama na magbasa ng sulat ng iba ngunit pinahintulutan ako ni Marvin na basahin ito ng sapat lang para marinig ni Nics ang lahat ng nilalaman nito.
--
Mahal kong kaibigan,
Inaasahan ko na kung darating man ang isang araw na sayo magtatapos ang aking buhay, isa ka sa naging mahalagang parte ng buhay ko kasama na rin ang aking pinakamamahal na kapatid na si Nics. Ngayon pa lamang ay humihingi na ako ng tawad para sa maaaring magawa ko upang pigilan ang plano mo sa pagtapos ng buhay niya, siya nalang ang natitira sa akin at ayokong pati siya ay mawala pa.
Nawa'y ang aking pamamaalam ang maging daan upang palayain mo na siya, hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa dahas at ano pa mang hindi magandang bagay. Matuto ka sanang paglaanan kahit kaunting pagpapahalaga para sa isang bagay na ayaw mong mawala sayo katulad ng mga dating kasamahan mo.
Dito ko na tatapusin ang liham ko at sana ay magbago ka na, walang magandang maidudulot sayo ang pagiging kontrabida. Ang oa mo pa naman umakting.
Ang iyong kaibigan,
Jin
--
Agad namang natahimik ang paligid at tila nagluluksa sa narinig na liham. Kung sa bagay ay naiintindihan ko din naman ang sitwasyon na kilalagyan ni Nics, pero nangyari na ang nangyari at maski si Jin ay malugod na tinanggap ang katapusan niya upang magkaroon ng panibagong simula para sa kapatid nito.
"Dadalhin ko hanggang hukay ang pagsisisi sa aking nagawa, gagawin ko ang kahit ano upang mapatawad mo lang ako sa lahat ng mga nagawa ko." sabi ni Marvin at dahan dahang lumuhod sa harap ni Nics. Oo nga, ang oa umakting.
Agad naman itong tiningnan sa mga mata ni Nics, kasabay ay napabuntong hininga bago inutusang tumayo na ito. Agad naman itong sinunod ni Marvin bago ito nagsimulang magsalita.
"Gagawin mo ang lahat?" tanong nito at tumango naman si Marvin bilang pagsangayon, at inabutan niya ito ng isang kutsilyo. Bagay na ikinapagtaka namin.
"Patayin mo ang sarili mo sa harap namin, gusto kong makitang dumanak ang dugo mo kapalit ng buhay ng kuya ko na tinapos mo." malamig na tugon nito na ikinabigla namin. Nakita kong napalunok ng laway si Marvin at akmang dahan dahan nang hahawakan ang kutsilyong nasa kamay ni Nics ng bigla naman itong tumawa ng malakas.
"Ano ba naman kayo, tatapusin pa ba natin ito ng malagim parin? Hayaan na natin yung mga readers na makabasa ng happy ending, langya puro tragic yung ending niyo eh." sabi ni Nics na halos ikahimatay ni Marvin.
"Naiintindihan ko, mahirap man at masakit man sa loob ko ay kailangan ko na rin tanggapin."
"Kahit naman siguro patayin kita hindi na 'non maibabalik ang kuya ko, Hindi ba? Kaya ang hiling ko nalang sana sayo ay ang pagbabagong hinihingi ng kuya ko, huwag ka ng gumawa ng masama at ang toxic sa buhay 'non." dagdag pa ni Nics at sinangayunan naman ito ni Marvin.
"Ang ibig sabihin ba nito, pinapatawad mo na ako?" maikling tanong ni Marvin at tumangon naman si Nics dito.
"Ayoko na din naman ng away, nakakapagod na din kasi. Basta tulungan mo nalang kami na isaayos muli ang nasirang mundo." sagot nito na sinangayunan naman namin.
--
9 months after..
Janna's Pov
"B-Blake!!! Ahhh!!!"
"Sige lang misis, 'eto na. Umiri ka pa, konti nalang!"
"Walangya ka, Blake! Binuntis buntis mo ako, tapos mauuna ka pa sakin na mahihimatay?! Ahhh!!" yan ang tagpo na maririnig mo mula sa loob ng Operating Room habang kasalukuyan na walang malay si Blake dahil hinimatay ito mula ng makita ang panganay nitong lalaki na ngayon ay sinusundan pa ng isa. Sana all may twins.
"UWAAAAA!"
"Congratulations Mrs. Faulkerson, isa pong babae ang iniluwal ninyo. Binabati ko po kayo!" sabi ng Midwife habang kalong ang batang lalaki at iniabot ito kay Nics at iniabot nito sa akin ang babae.
"Anong ipapangalan mo sa kanila?" tanong ko habang nakatingin sa babaeng anak nito. Ang cute, kuhang kuha yung ilong ni Byy.
"Tatawagin ko siyang Akie." sagot niya sa baby na hawak ko at ngumiti ako dito.
"Napagusapan na namin na si Blake yung magpapasiya sa lalaki, kaya pwede bang mahawakan ko ang mga anak ko?" sabi nito at tumango ako at pagkatapos ay dali dali akong lumapit at inilagay sa kanang braso nito ang anak na babae nito samatalang nasa kabila naman yung isa.
"N..Nice." utal na sabi ni Blake habang nakahiga ito.
"Nice?" tanong ni Marvin habang hawak ito sa braso.
"N..Nice, anak ko." pagpapatuloy nito hanggang sa unti unti na itong nagkakamalay.
Agad naman itong bumangon mula sa higaan nito at dahan dahang nilapitan ang mag-ina nito.
"Asawa ko." mahinang sabi nito at kapwa silang ngumiti sa isa't isa. Ang bilis ng panahon parang kailan lang ay munting torpeng binata palang ito, ngayon ay isa na siyang ama para kaniyang magiging pamliya.
"Tayo kaya kelan?" bulong ng isang gwapong lalaki mula sa tabi ko at agad ko siyang kinurot sa tagiliran.
--
"Ngayong patapos na ang araw pati na rin ang serye ng istorya na ito--"
"Ayy? Tapos na pala, wala ng part 2? Hindi man lang makakaroon ng jowa ang dyosang katulad ko? Hindi man lang ako nagkaroon ng Fafa."
"Gagi pang 3 na nga ito eh, 'di nga lang kasali 'yong karamihan sa inyo kasi kami nila Janna, Reign at ng Bro ko ang bida don."
"Hindi na ba talaga, ako kasali sa next story ni Author?"
"Baka hindi na rin, ang panget mo nga daw umakting, Phaa."
"Basta ang mahalaga na para sa akin, kasama ko na ngayon ang pinakamamahal kong asawa. Kasama namin ang aming kambal na anak, sila Mingming, Putot at si Patpat."
"Meowwwww! Meowww! Meow!"
"Ang gugulo ninyo, Hahaha. Hindi ko na nasabi 'yong sasabihin ko." sabi ko at nagtawanan kaming lahat.
"Gusto ko lang sabihin, na sobrang saya ko na nakasama ko kayo. Ang dami na rin nating pinagdaanan at salamat dahil hanggang huli ay magkakasama parin tayo, bilang isang malaking pamilya dito sa loob ng Sanctuary." dagdag ko pa at nagpalakpakan sila na may kasamang sigawan habang si ako naman si uto-uto, kumakaway pa sa harap nila na para na bang nanalo sa Beauty pageant. Happy na kayo sa ganitong ending, readers?
"Gusto ko ring magpasalamat ng buong puso kay Miss Shyttat💙, para sa paggawa ng book covers para sa mga story ni Author at sobra po naming naappreciate ito. Alay po namin ang istorya na ito para inyo, aming mga tagasubaybay at pangako naming mas lalo pang pagbubutihin ni Author ang mga susunod na istorya para lamang sa inyo. Yiee, abunjing abunjing."
Ako na nagsabi, nahihiya daw si Author.
"Yey! Shawrawt time!"
"Shawrawt nga rin po pala kay Aling Dada, yung inuutangan namin dati ng baboy sa palengke. Ang mahal ng tinda niyo 150 kalahating kilo, grabe ka magmahal kahit di naman kamahal mahal." -Ambbie
"Shawrawt kay Rosie, Mhiee. Hahanapin kita, wag kang mag-alala at magkakasama rin tayo sa tamang panahon." -Roberto
"Shawrawt kila Mingming, Putot, Patpat, Tambo at sa pinakamamahal kong asawa. Mahal na mahal ko po kayo, muah!" -Nics
"Shawrawt kay Marian, I miss you. I'll promise na pagagalingin po kita, uwi ka na po dito hindi na ako galit." -Ronnie
"Shawrawt na din syempre kay Danica, Dianalyn, Jane, Shenalyn, at sa lahat lahat po ng sumoporta at tumulong para matapos ang istorya na ito, at tama na shawrawt overwords na daw." sabi ko at pinatay na ang camera na hawak ko. Siguradong magugulat ang mga susunod na henerasyon kapag napanood ang video na ito na naglalaman ng mga istorya ng bawat miyembro ng Sanctuary.
Isang history.
"WAAAHHHHH!" sigaw ng isang babae mula sa kung saan at bumagsak ito kay Ambbie.
"Sino ka naman?" tanong ni Janna sa babaeng nakasuot ng leather jacket. Mukang hindi siya taga rito.
"K..kamusta. Ako ng pala si Nicaela mula sa Between our Dimensions, at tumakas lang ako mula sa mga aliens na humahabol sa akin sige diyan na kayo." sabi nito at agad din umalis. Inalalayan naman ni Reign na tumayo si Ambbie.
"Mukang bagay kayong dalawa." mahinang sabi ni Roberto at bahagyang ikinatawa naman ito ni Ambbie. Bakit naman biglang dumilim.
"Guys tingnan ninyo, sa langit!" sabi ni Janna at agad kaming nagtinginan sa langit. H..hindi.
Andaming UFO sa kalangitan na dahilan para matakpan kami ng sinag ng araw.
Paktay!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top