XVII - You

Janna's Pov

Agad naman kaming tumingin sa isang monitor sa loob ng kwarto at nakita namin ang isang sasakyan na nasa labas at kinakausap nito ang isa sa mga tagapagbantay ng pintuan, marahil ay mga survivors din sila na gustong makapasok sa loob ng Sanctuary.

"Kung mga survivors sila ay bakit hindi ninyo pa sila papasukin?" tanong ko sa kanila ngunit walang naging tugon dito si Athena.

"Wala kang karapatang magbigay ng suhestiyon sa loob ng kwarto na ito, tandaan mo na kayo ng lalaki mo ang may kagagawan kaya nabawasan ako ng tao." sigaw ni Vincent at sa isang iglap ay biglang tumayo si Marvin at tumalon sa lamesa papunta kay Vincent at nagpalipad ng isang malakas na kanang suntok na direktang tumama dito dahilan para mapahiga ito at agad naman siyang pinatungan ni Marvin at hinawakan ng mahigpit sa kuwelyo.

"Tandaan mo na babae siya, pero hindi basta babae lang!" sigaw nito at akmang iisa pa ngunit bigla naman itong naawat ni Athena.

"Tumigil na kayo! Vincent, paguusapan pa natin ito mamaya." maikling sabi nito at tumayo na Marvin at inayos ang sarili nito.

"Kailangan nating harapin ang mga bisita natin, sa ngayon ay tumigil na muna kayo." dagdag pa niya at naglakad patungo sa pintuan kasunod sina General at Doc Torsia. Pagkakataon ko na para makaganti.

At saktong pagkadaan ni Vincent sa tapat namin at saktong dalawang sampal naman ang inabot ng makapal niyang muka sa kamay namin ni Reign at agad na nabuhay ang hiyawan at tawanan ng mga tao. Agad naman nagreact si Vincent at akmang gaganti ng bigla namang nagsalita si Marvin.

"Isa pang hawak sa mahal at sa impyerno ka na pupulutin." sabi nito na ikinatakot ni Vincent.

"H..hoy hindi niyo ba narinig yung pagsampal sakin? D..dalawa yun oh!" tanong nito kila Marcus at Nurse Chona at agad naman itong tumawa.

"Wala naman kaming nakitang pagsampal ah, gusto mo bigyan kita?" sabi naman ni Nurse Chona na ikinatawa namin at tinalikuran na kami ni Vincent na tila ba batang nagtatampo.

"Bakat pre, mamula mula pa ah." pahabol ni Marcus at galit na umalis si Vincent upang habulin si Athena.

--

"Salamat nga pala sa pagtatanggol mo sakin kanina, malaki ang utang na loob ko sayo. Hindi ko alam kung pano kita masusuklian sa lahat ng ginawa mo para sakin." sabi ko dito habang natingin ito sa malayo.

"Wala kang dapat ipagpasalamat dahil ginagawa ko lang yun dahil nakakaawa ka." malamig nitong tugon.

Agad akong napabuntong hininga bago ito tuluyang nagsalita.

"Alam mo namang ginawa ko yun para sayo, dahil gusto kita. Hindi maipaliwanag pero yun ang nararamdaman ko." sabi nito na ikinabigla ko. Napaatras ako at lumapit siya sa akin hanggang sa wala na akong pupuntahan. Nacorner na ako.

"Hayaan mong mahalin kita at ipinapangako ko sayo na hindi kita sasaktan at poprotektahan kita sa lahat ng makakapanakit sayo." sabi niya at hinawakan ako sa pisngi gamit ang kanang kamay nito.

Dahan dahan nitong inilalapit ang kaniyang muka ngunit agad ko itong pinigilan. Hindi dahil sa hindi ko siya nagugustuhan ngunit may iniibig pa ako. Hay nako, ano ba naman itong sinasabi ko? Naguguluhan ako ng sobra.

"Hindi kita pipilitin na mahalin ako pero pakiusap sana na pagbigyan mo ako ng pagkakataon para matutunan mong mahalin mo din ako." sabi niya at binitawanan nito ang pagkakahawak niya sa akin. Ano ba?! Janna magisip ka!

"Pano kung sabihin kong gusto na din kita? Hal-" tanging naisagot ko na ikinagulat namin pareho at agad akong tumalikod sa pagkahiya.

"A..anong sinabi mo? G..gusto mo din ako?" sabi nito na may ngiti sa mga labi at hinawakan ang kamay ko.

Tumango nalang ako bilang sagot at agad naman ako nitong niyakap.

"Pangako, kapag napasa akin ka ay hinding hindi ka na luluha pa." bulong nito at kahit naguguluhan may niyakap ko din ito ng pabalik hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na muka sa malayo na agad na nagpakaba sa akin.

Hindi ito maaari.

--

Blake's Pov

"Eto na ba 'yun? Ang laki pala talaga." bulong ni Nics sa tabi ko habang tinitingnana ang pader ng labas ng Sanctuary.

"Sino kayo, anong ginagawa ninyo dito!" sabi ng isang mama habang hawak ang isang baril na sa tingin ko au siyang nagbabantay ng pintuan papasok.

"Napanood namin sa tv ang lugar na ito at umaasa kaming makapasok agad dahil may sakit yung kasama namin." pagpapaliwanag ni Ronnie at nagkunwaring may itinuro sa likod.

Tila hindi naman naniwala ang mamang iyon at nagusisa mula sa labas.

"Maganda itong sasakyan niyo, madami akong chix na madadala gamit ito." sabi niya habang kinakatok ang paligid nito na nagpaalarma kay Roberto.

"Blake si Roberto, mapapahamak tayo." bulong sakin ni Marian na tinanguan ko at agad ako lumapit kay Roberto at sinalpakan ng medyas sa bibig nito upang hindi ako makagat at pagkatapos ay tinakpan ko ito ng kumot.

"Anong problema ng kasama ninyo? Bakit parang nanginginig yan?" tanong ng mama at nagkatinginan kami ng mga kasamahan ko.

"Nilalagnat po kasi siya, Manong. Saka mahiyain talaga yung kaibigan namin kaya ayaw niyang magpakita." sabi naman ni Ambbie at ngumiti ito na parang ewan sa mama na tila pinaniwalaan nito. Wow.

"Bravo anong meron dito? Sino sila?" tanong ng isang babaeng mukang masungit ang itsura ng pagkadating nito sa kinaroroonan namin.

"Ahh kayo po pala, Ma'am Athena. Mga estranghero po sila, mga gustong pumasok sa loob para mapatingnan ang kaibigan nilang may sakit." sabi nung mama na tinawag na Bravo at tumango naman ang kausap nito.

"Kung ganoon ay papasukin mo na sila upang matingnan at mabigyan na din ng makakain nila." sabi nung Athena na pinaka boss yata nila dito at sinenyasan naman ni Bravo ang iba pang mga kasamahan nito upang buksan ang pintuan.

"Teka lang, Manong. Pwede magtanong?" sigaw ni Ammbie sa mama na Bravo yung pangalan na ikinagulat namin. Agad naman itong lumingon at lunapit ulit sa amin. T..teka anong binabalak niya? Bakit mo pa tinawag makakaalis na nga tayo eh.

"Bravo po ba talaga ang pangalan ninyo? Narinig ko po kasi na tinawag kayo nung masungit na babaeng pumunta kanina." tanong nito na ikinapagtaka namin.

"Ahh natanong mo na din naman, sa totoo nyan ang totoong pangalan ko talaga ay Janni. Ako si Janni Bravo, halata naman sa muscles ko diba?" sagot nito at ipinakita nito ang muscles nito. Wow ha.

--

"Iwan niyo nalang dito ang sasakyan niyo at ang mga kasamahan ko na ang bahalang magparada niyan para sa inyo." sabi ni Mang Janni at sinunod naman namin ito kaya nagbabaan na kami at inalalayan si Roberto sa pagbaba upang hindi mahalata na kakaiba ito.

Lumingon lingon ako sa paligid at laking gulat ko nalang ng may maramdaman na mga kamay na nakakapit sa dalawang braso ko. Paglingon ko ay nakita ko sa kanang braso ko si Nics, ang babaeng mahal na mahal ko at pagtingin ko naman si kabila ay si Ambbie. Nyekk! Bitawan mo ko!

"Ihahatid ko kayo sa inyong pagpapahingahan at ituturo nalang sa inyo ng mga katabing kwarto ninyo ang daan papunta kay Doc Torsia. Magtanong tanong nalang kayo." pagpapaliwanag ni Mang Janni at sinundan namin ito patungo sa isang kwarto.

Agad naming pinasok ang hinintuan naming kwarto bago tuluyang nagsalita ulit Mang Janni.

"Mula dito sa kinaroroonan natin ay makikita niyong maliit lamang ang kwarto ito na hindi sasapat para sa dami ninyo, may isang malaki itong kama na sakto para sa dalawang tao. May mga kasangkapan din tulad ng telebisyon bilang libangan, pero alam ko na hindi niyo rin mapapakinabangan dahil sa walang stasyon ang naglalahad ng nga palabas para panoorin ninyo." sabi nito at naglakas kami sa loob ng kwarto.

"May paliguan din ito at may sapat na tubig para sa isang paliguan kaya kayo na ang bahalang magtipid nito. At huli sa lahat, mayroon din kayong maliit na lalagyanan ng mga pagkain na inyong makukuha mamaya pagbalik ko upang ihatid sa inyo." dagdag pa nito na tinanguan namin at agad na may kinuha sa bulsa nito.

6 na susi.

"Iiiwan ko na sa inyo ang anim na susi na ito para sa kwarto ito hanggang sa pangatlong kwartong katabi ninyo, bale dalawang susi ang sukat para sa isang kwarto at kayo na din ang bahalang magdesisyon kung sino sa inyo ang magkakasama. Malalaki na kayo at ayoko ng matitigas ang ulo, sige na at aalis na ako." huling sinabi nito bago nito kami tinalikuran at naglakad papalayo.

Kami namang mga naiwan ay tila mga nakatulala dahil sa bilis ng mga pangyayari. Whoa, that was easy.

--

"Masasabi kong kahit papaano ay maganda na din ito kesa sa wala." sabi ni Marian at hinawakan ang mga gamit sa kwarto.

"So bale sino sino ang mga magkakasama?" tanong naman ni Ronnie na ikinapagisip namin. Bale dalawang tao sa isang kwarto. Tig dalawang tao sa tig isang kwarto at isang taong magsosolo sa isang kwarto kasama si Roberto.

"Pwede bang yung dating gawi nalang?" suhestiyon ni Nics na tinanggihan ni Ambbie.

"No. Hindi ako papayag na kayo kayong apat na mga couple ang magkakasama at ako ang maiiwan sa kwarto kasama ang isang zombie, baka mamaya lapain niya ako at sirain niya ang beauty ko." sabi nito.

Tumango naman si Marian bago ito nagsalita.

"Sabagay ay may punto naman si Ambbie dahil mas magiging kataka taka sa iba kung bakit magkakasama ang isang babae at isang lalaki sa isang kwarto. Naisip ko naman ay kung pagsamahin natin ang dalawang babae sa isang kwarto at tig dalawang lalaki sa mga natitirang kwarto." sabi naman nito.

"Hoy hindi ako lalaki noh! Bunganga mo pasmado." inis na sabi ni Ambbie at nagisip kami ng magiging mangyayari. Kung ganoon ay sina Marian at Nics ang magkakasama. At alinman samin ni Ronnie ang makakasama sa kwarto si..

"Okay sa kabilang kwarto na ako kasama si Roberto." mabilis kong sabi bago pa nagsalita si Ronnie.

"T..teka, hindi ito maaari?! Parang lugi naman ako." sabi nito na parang nagtatampong bata.

"Mas kakilala ko si Roberto sayo at kaya ko siyang bantayan ng higit sayo dahil kaibigan ko siya." sabi ko at hinawakan ni Roberto sa likod nito.

"Hindi ba pwedeng kami nalang ulit ni Marian ang magkasama? Lugi talaga ako!" sabi pa ni Ronnie at nagsimula na kami magtawanan.

"Hayaan mo na, magkikita pa naman tayo bukas. Hindi pa katapusan ng mundo, si Ambbie naman ang bahala sayo diba?" sabi ni Marian na tinanguan naman ni Ambbie.

"Sige na Fafi Ronnie, pinagbibigyan na nga tayo ni Marian oh." sabi nito na lalong ikinatawa namin.

"Ikaw na ang mag alaga sa kaniya pansamantala, wag mo siyang pahihirapan ah." sabi ni Marian at tinanguan ulit ito ni Ambbie.

"Bakit parang pinamimigay mo na ako? Hindi mo na ba ako mahal?" pagdadrama ni Ronnie at hinalikan naman siya ni Marian sa pisngi bago ito nagsalita.

"Magpahinga ka na muna, mamaya nalang tayo magusap." sabi niya na ikinalungkot naman ni Ronnie at inalalayan na siya ni Ambbie papalayo sa kwarto.

"Oo na, sige na nga! Papanget niyo kabonding." sabi niya at padabog na naglakad papalabas.

--

"So ano na ang plano?" tanong ni Marian.

"Kailangan nating mahanap ni Marvin at pagbayarin siya sa lahat ng mga nagawa niya sa atin." sagot ko na sinangayunan naman nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top