XIII - The Impostor

1 week later...

Blake's Pov

"I-ikaw?" pautal na sabi ko matapos ko marinig ang lahat ng mga sinabi ng taong nasa harap ko ngayon.

"Ako nga, hangal. Mga inutil kayo upang isipin na ligtas kayo sa kamay ko, tama nga si Marvin na madali lang kayong paikutin. Patawad sa panloloko pero paalam na din sa inyo, may kapatid pa akong nagaantay sa akin sa loob ng Sanctuary." sabi nito bago dahan dahang naglakad papalayo sa akin habang ako ay nakikipaglaban sa usok ng apoy na kumakalat sa buong bahay.

--

1 week earlier..

"Putot! Mingming!" sigaw ni Nics habang nililibot ang bawat bahay na madaanan namin, kanina pa kasi nawawala ang mga pusa na iyon at hindi mapakali si Nics na baka ano na ang nangyari dito.

"Siopao! Siopao!" sigaw din ni Migz habang tumutulong na din na maghanap kasama naman nito si Joseph at naglakad naman ito sa kabilang banda ng nilalakaran namin.

"Tabachoy." mahinang sabi ni Nics dahilan para tingnan ko siya kung anong meron at nang lapitan ko siya ay nakita ko ang dismayado nitong ekspresyon at halos paluha na kaya dali dali ko itong niyakap at hinawakan sa ulo.

"Mahahanap din natin sila, I promise." bulong ko dito at nagpatuloy kami sa paghahanap hanggang sa medyo napalayo na kami sa bahay at inabot na ng gabi.

"Tabachoy, madilim na dito tara bumalik na tayo." sabi niya habang nakakapit sa balikat ko habang dahan dahan namin nilalakad ang daan papunta sa huling bahay na titingnan namin. Bakas naman sa itsura niya ang kaba at takot kaya kinumbinsi ko itong dito nalang magpalipas ng gabi at pumayag naman ito kaya pumasok na kami sa bahay.

"Huwag kang matakot, kasama mo ako. Hindi kita iiwan." sabi ko at ngumiti ako sa kaniya at magkahawak kamay naming nilibot ang buong bahay. Napansin ko na tila bago palang ang mga tao dito dahil hindi pa gaanong naaayos ang mga gamit dito nung una kaming pumunta at nakatakip pa ng puting tela ang mga kagamitan patunay na mga bagong lipat lang ang mga ito.

"Tabachoy natatakot ako, baka may mga multo dito." sabi niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Kaya wag ka dapat maingay kundi maririnig nila tayo, Hahaha!" pangaasar ko dito kasabay ng isang malakas na palo ang tumama sa balikat ko na lalong kinalakas ng tawa ko.

"Grabe pala yung dilim dito sa likod oh, mukang masarap din maligo sa pool nila. Ang lamig ng tubig, Tabachoy." sabi nito mula sa likod ng bahay na ikinapagtaka ko. T..teka, b..bakit ang bilis naman ata niyang makarating sa likod? D..diba hawak niya lang yung kamay ko kanina? Pinalo niya pa nga ako eh.

Pwes, sino yung pumalo sakin?!

ಥ_

Fuck.

Hindi na nakakatuwa, author!

--

"Tara tabachoy, swimming tayo." sabi nito habang lumalangoy sa pool sa likod ng bahay.

"B-baka sipunin ka naman niyan, gabing gabi na yang trip mo." pautal kong sabi ngunit tila wala itong naririnig.

"Tara na tabachoy, mag swimming na tayo." sabi nito habang hinihila ako papunta sa pool at nakangiti ng nakakaloko.

"Hmm, sige na nga. Ang kulit kulit talaga ng payatot ko, basta maya maya aahon na tayo." sabi ko na tinanguan niya at pagkatapos ay naghubad na ako at tumalon na din sa pool at totoo nga na napakalamig dito.

"Nagustuhan mo ba ang tubig, asawa ko?" tanong nito at hinawakan ang muka ko at ngumiti ako dito, ramdam ko ang lamig ng kamay nito ngunit ni wala akong nararamdaman na panginginig dito.

"Ayos ka lang ba payatot? Mukang namumula ka." balik na tanong ko dito ng mapansin ko ang pamumutla nito pero hindi niya ito pinansin at lumubog ito sa ilalim ng tubig ng bigla akong may narinig na boses mula sa loob ng bahay.

"Tabachoy?! Anong ginagawa mo?!" sigaw ni Nics mula sa loob na nagpabalik sa katinuan ko at tila ba nabuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ang sarili ko na nakaupo sa putikan na lupa na nabasa ng ulan at naipon noong mga nakaraang araw.

"A-ahh ehh, balita ko kasi maganda sa katawan ang putik kaya ako naglagay saglit. Gusto mo?" pagpapalusot at inalok din ito ngunit tiningnan lang ako nito ng seryoso.

"Well bilisan mo lang yang ginagawa mong paglalaro sa putik at pumasok ka na dito para makaligo ka na. Sinabi ko naman sayo na kinikilabutan ako sa bahay na 'to pero bigla mo naman akong binitiwan." sabi nito na ikinagulat ko. N-no! What the heck is going on? Shookt!

--

"Eto ang twalya, punasan mong mabuti yung katawan mo. Lalo na sa bandang tenga mo, puro ka dumi." sabi niya na tila ba nanay na nagsesermon sa anak nito.

"Opo. Nga pala anong nangyari kanina, mula ng pumasok tayo dito?" tanong ko dito na nagpakunot sa noo nito.

"Ahh nanakot ka lang naman kanina tapos bigla ka nalang nag-iba ng mood at parang ewan na naglakad papunta sa likod ng bahay."

"Ilang beses pa kitang tinawag pero parang bingi ka na walang marinig kaya hinayaan nalang kita at umakyat ako saglit upang tingnan ang kwarto hanggang sa nakita kita sa bintana na naglalaro sa putikan na parang bata. Ang weird mo nga eh." saad nito sa mga nangyayari na lalong ikinabigla ko.

"Sigurado ka ba talaga na iyon nga ang nangyari?" paglilinaw ko at tinanguan niya ito bilang sagot.

--

Migz's Pov

"Anong oras na wala parin sila, medyo kinakabahan na ako." sabi ni Marian habang nakatingin sa labas at inaantay ang pagbalik nila Blake at Nics mula sa pinuntahan nito.

"Wag kang mag alala sa kanila, naniniwala akong kaya na nila Blake ang sarili nila at mapoprotektahan na nila ang bawat isa kung sakaling may kung ano man ang biglang sumulpot sa kanila." sabi naman ni Ronnie at nilapitan niya ito upang yakapin. Sana all.

"Oo nga, alam naman natin na matibay na tao si Blake at hindi siya basta basta malulupig ng kung sino sino lang. Baka mas matibay pa nga kay Cardo yun eh." pabirong sabi ko na ikinangiti ng babaeng nasa harap ko na kanina ko pa napapansin na tila ba nakatitig sa akin kanina pa.

"Anong tinitingin tingin mo diyan? Gusto mo ba?" sabi ko kay Lea at inalok ito ng iniinom kong mainit na sabaw kasabay ng panimulang pag ambon ng ulan sa bubong ng bahay. Ngunit tila wala itong naging sagot at pinagpatuloy lang nito ang pagtitig sa akin hanggang sa nakaisip ako ng kalokohan.

--

"Ayy gago ka!" sigaw nito ng bigla kong itong hinalikan at agad akong tumakbo paakyat sa kwarto at narinig ko ang yabag ng mga paa nito na hinabol kaya lalo akong nagmadali papasok sa bukas na pintuan na kwarto ng hindi ko inaasahan sa pagdaan ko at may  makapal na parang tape na tumakip sa muka ko dahilan para hindi ako makakita ng maayos kasunod ng matalisod ako sa isang lubid dahilan para bumagsak ako at bumagsak ako sa isang matigas  na bagay.

"A-aray t-tulong." mahina kong sabi at agad namang may lumapit sa akin na tila ba figure ng isang tao na di ko gaano maaninag dahil sa nakasagabal sa muka ko, agad naman ako nito inalalayang bumangon sa pamamagitan ng paghila sa kamay ko.

Agad naman nitong inalis ang packaging tape na tumakip sa muka ko at agad ko nasilayan ang maganda muka nito, ang babaeng pinakagusto kong makapiling.

"A-ayos  ka lang ba? T..teka, kukuha ako ng alcohol at benda sa first aid kit at gagamutin ko 'yang sugat sa noo mo." sabi ni Lea at agad akong iniwan sa loob ng kwarto at makailang sandali pa ay bumalik din ito dala ang first aid kit.

Hinawakan ko ang noo ko at tama nga ito ng may maramdaman ako parang basa na malapot at ng tingnan ko ito ay may dugo ito na ikinapangaba ko, agad namang hinawakan nito ang kamay ko upang ilayo doon at pagkatapos ay dinampian ito ng hawak nitong bulak na may alcohol.

"M-masakit ba? Ano ba kasing nangyayari sayo?" nauutal na sabi nito na tinanguan ko kaya nilapit nito ang muka nito sakin at hinipan ang noo ko. Tila naman naging bato ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw at tanging sa mga mata lamang nito nakatingin, nakita kong tinitigan niya din ako sa mata nang matagal bago nito dahan dahang mas lalong inilapit ang muka nito at inabot ang labi ko.

"G-gusto kita, Lea. Matagal na, sana magtiwala ka sakin at pinapangako ko naman sayo na hindi kita sasaktan." seryosong sabi ko matapos maghiwalay ang mga labi namin.

"Gusto din kita, Migz. Nahihiya lang ako na aminin sayo dahil baka pinagtitripan mo lang ako." sabi nito habang nakatingin sa mata na ikinailing ko.

"Seryoso ako sayo, Lea. At gusto kitang makasama hanggang sa huling hininga ng buhay ko." sabi ko at hinawakan ko ito sa muka nito bago tuluyang magdampi ang aming mga labi at pinasaluhan ang nakaw na sandali.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top