X - Marvin Gray

Time check 7: 20 pm, Day 4

Mula ng makita namin ang walang malay na katawan ni Joseph sa kalsada sa tapat ng bahay ay hindi pa ito gumigising mula sa pagkakapahinga, tila napagod ito ng sobra na kinailangan pa ng mahabang araw para makapagpahinga at makabawi ng lakas.

"Anong ng balak ninyo sa lalaking yan? Baka naman zombie na yan at yan pa ang papatay sa atin." sabi ni Migz habang nagbabalat ng mansanas at sabay turo sa nakahigang si Joseph sa sofa.

"Walang sinuman ang gagalaw sa kaniya kundi sa akin, maybe kailangan niya lang ng pahinga. Normal naman yung heartbeat niya at wala pa namang anumang sintomas ng pagbabago sa itsura niya kagaya lang ni Blake nung una natin siyang nakita." pagaawat ni Lea habang tinitingnan ang lagay ng pasyente nito.

"Siguro ay hayaan nalang muna natin siya diyan hanggang sa magkaroon na siya ng malay." dagdag pa nito.

--

Janna's Pov

"Gusto kong makatulong sa inyo, may mga dala kaming armas para sa dagdag depensa ng kampo ninyo at mga gamot at gamit para sa mga sugatang tao ninyo. Yun lang naman ay kapalit ng isang munting kundisyon." sabi nung Marvin na dumating kani kanina lang na ngayon nakikipagusap sa mga namumuno sa kampo.

"Wala kang karapatang magsalita ng ganyan, baka nakakalimutan mo kung sino ang mga kausap mo?" sabi ni General Cortez na namumuno sa mga taong panghimpapawid.

"Hindi tayo dapat magtiwala sa mga bagong yan, ni hindi nga tayo sigurado kung saan sila nanggaling tapos bigla nalang silang darating dito at magsasalita na parang wala tayong pinamumunuan." dagdag pa ni Vincent na kanang kamay ni Athena.

"Boys, manahimik muna kayo. Hayaan muna natin na magsalita siya, tama nga naman na kailangan natin ng armas kaya maaaring mapakinabangan din natin ang mga dala niya." sabi naman ni Athena na ikinatahimik ng lahat.

"Kung ganoon ay anong kapalit ng lahat ng ito?" pagsasalita naman ni Doc Torsia na siya namang may hawak ng lahat ng mga doctor at nurse sa kampo.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng kwarto at nakikinig sa pinaguusapan nila mula sa malaking monitor at mula doon ay nakikita namin lahat ng kinikilos nila at naririnig naman mula speakers na nasa paligid nitong kampo dahilan marinig ng lahat ang paguusap nila.

"Gusto ko ng kapangyarihan na kapantay ng pinakapinuno ninyo dito." sagot ni Marvin ikinagulat ng lahat.

"Lapastangan!" sigaw ni General.

"Slapsoil!" sabi naman ni Doc Torsia.

"Patay gutom!" dagdag pa ni Vincent na ikinapagtaka namin.

"Bakit patay gutom?" tanong ni Athena habang nakakunot ang noo.

"Ahh ehh sorry nadala lang, hehe." sabi ni Vincent habang nagkakamot ng batok nito.

Really?

--

"Kung ganoon ay wala naman akong magagawa, hindi ko kailangang magpumilit sa mga taong ayaw sa tulong ko." sabi ni Marvin at akmang tatalikod na ng bigla itong pinigilan ni  Athena.

"Maybe we can make it a second chance?" sabi nito at hinawakan niya sa balikat si Marvin at marahang iniharap sa kaniya.

"Sorry but you don't deserve that second chance." sagot nito at inalis ang kamay ni Athena sa balikat at naglakad papalapit sa pintuan.

"Fine, sige na nga. Daming drama neto ang oa mo naman umacting, tsk." sabi ni Athena dahilan para bumaling si Marvin at nakipagkamay dito.

"Well in that case, natutuwa ako ng sobra. Ang mahalaga ay tinanggap ninyo ang offer ko, di ko na kailangan ng popularity." sabi nito at nakangiti ng nakakatakot sa mga taong nasa loob.

Maya maya pa ay natapos na ang paguusap nila at nagsilabasan na ang mga tao ng biglang madako ang tingin ni Marvin sa kinaroroonan ko sa labas at nginitian ako nito bago nagsalita.

"Hey, nakita kita kahapon nung dumating kami dito ng mga kasama ko. I refer to make a party mamayang gabi and I hope I gonna see you tonight." mayabang na sabi nito na nagpatayo ng balahibo ko.

"S..sorry but I don't think that I have time sa mga bagay na aaksayahin lang ang oras ko sa mga walang kakwenta kwentang bagay." sagot ko sabay irap sa kanya.

"Oww that's too hard in that first place, I just asking for a request young lady. But I assure you na mageenjoy ka, with me. Let's give it a try then if you are not satisfied then you are free to go." pamimilit nito at ngumiti siya sa akin.

Habang iniisip ang isasagot sa kanya ay laking gulat ko nalang ng makita ang mga tao na nakatingin sa amin na tila ba nanonood lang ng pelikula.

"Pumayag ka na."

"Wala namang mawawala."

"Ang kj naman nito."

Tsk ayan nanaman yung mga crowd reaction ng mga extra!

"Sige na nga, oo na basta malubay ka lang sa pangungulit mo. But hanggang 10 lang ako, I was taking my beauty rest." sabi ko at inirapan ko siya.

"Sure, I promise. Hindi mo makakalimutan ang gabing iyon." sabi nito habang nakangisi at hinalikan ako sa kamay.

--

"And what do you will think I can say? Ikaw na din naman ang pumayag na pupunta ka." sabi ni Reign habang nakatingin sa malayo.

"But pinilit niya ako, pati ng mga tao na dumalo." sagot ko na tila ba nagpapaliwanag.

"Pero pwede mo din siyang tanggihan, bagay na hindi mo ginawa for unreasonable sake. Tutal pumayag ka na din wala ka naman na ding choice kundi pumunta, sigurado naman ako na pupunta din yung iba." sabi nito na ikinapagisip ko.

"Hmm, what if? What if isama kita? Ano sa tingin mo?" sabi ko habang nakangiting nakatingin sa kaniya.

"Ehh alam mo naman na wala naman akong kahilig hilig sa mga ganiyan, mas gusto ko nalang matulog dito at magpalakas para makaalis na dito sa lugar na ito." sagot nito na nagkakunot ng noo ko.

"Still? Wala ka pading tiwala sa lugar na ito? Nandito na ang lahat ng kailangan mo, supplies, gamot, tirahan at bagong pamilya. Alam mo hindi ko talaga maiintindihan kung bakit ka ganiyan, maayos naman ang lagay natin dito pero bakit, bakit mo pa pinahihirapan ang sarili mo?!" sabi ko at lumingon ito sa akin.

"Simple lang, dahil wala akong tiwala sa kanila. Sa lahat ng mga tao dito sa Sanctuary, dahil mga hindi sila mapagkakatiwala-"

"Pati ba ako?" maikling tanong ko na hindi na nagpatapos sa sinasabi niya.

"Ang tinatanong ko kung kasama din ba ako sa mga katulad nila na pinagdududahan mo?" paguulit ko.

"Mabuti pa siguro ay umalis ka na." sabi nito na lalong nagpabago sa nararamdaman ko.

"Ang gawin mo umalis ka, iwan mo akong mag isa sa kwarto ko. Gusto ko nalang magpahinga." mahinahong sabi nito na ikinagulat ko kasabay ng mahinang paghikbi nito habang nakatalikod na nakahiga sa akin.

"A..ayoko, please wag mo akong paalisin. Magusap tayo, ayusin natin to." sabi ko habang dahan dahan na din tumutulo ang luha ko.

--

Reign's Pov

"Umalis ka nalang please, mag enjoy ka nalang mamaya." maikling sabi ko at alam kong naiintindihan niya yun kasabay ng isang mahinang pagsara ng pintuan.

Kasabay ng pagpapatuloy ng pagluha ng mga mata ko.

Mag iingat ka palagi, Janna.

--

"Miss Reign, oras na po ng pag inom ninyo ng gamot." sabi ng Nurse na palaging dumadalaw sa akin at nagtitingin sa kalagayan ko.

"Nurse kamusta na po ba ang lagay ko?" tanong ko dito at tumingin ito sa checklist niya at nakangiting bumalik ng tingin sa akin.

"Base sa pinapakita ng results, maganda at stable padin as of now ang vitals mo at walang signs ng infection of the virus. Mukang ligtas ka na maaari ka ng makalabas, sakto at may kasiyahan mamayang gabi Ms. Reign." sabi nito na ikinahinga ko ng maluwag.

"Salamat naman po kung ganoon, pero wag mo na po akong tawaging miss mukang di naman tayo nagkakalayo ng edad." sabi ko na ikinatawa namin at parehong nagkamot ng batok.

"Sige R..Reign, kung sa ganoon ay tawagin mo nalang din ako sa pangalan ko. Ako nga pala si Chona, Chona Tony Adelaida." pagpapakilala nito at inabot sa akin ang kamay niya.

"Reign Sanchez Rico." sagot ko at nakipagshake hands ako sa kaniya.

"Sige na, mauuna na muna ako. Inaasahan ko ang pagdalo mo mamaya, Reign." sabi nito bago ito tumalikod at naglakad papalapit sa pintuan bago tuluyang lumabas sa loob ng kwarto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top