I - Changes
Ronnie's Pov
February 21, 2021
"Its been a week pagkatapos na magkaroon ng pandemiya sa buong mundo, masasabing napakaraming nagbago sa kaniya kaniyang buhay ng bawat tao sa mundo." saad ng boses mula sa radyo habang nakahigang nakikinig ako dito.
Napabuntong hininga ako at agad na bumangon upang sumilip sa labas mula sa bintana ng kwarto ko. Madami pa rin ang mga nagkalat na zombie sa labas dahilan para maglungsad ang gobyerno ng totally lockdown para sa ikaliligtas ng lahat.
"Everything is gonna be alright." sabi ng boses ng isang babae sa likuran ko at niyakap ako.
Si Marian.
"Sana nga." Maikli kong sagot kasabay ng biglang pagdating ng kasama namin at tila may mahalaga itong sasabihin.
"Gising na siya." mahinahon nitong sabi patukoy sa nakita naming lalaki last week, kaya agad namin itong pinuntahan sa Clinic at totoo nga na gising na ito at kasalukuyang nagwawala.
"Nasaan ako?! Anong ginagawa ko dito?! Sino kayo?!" sabi nito habang hawak ang kutsilyo at iwinawasiwas sa kung sino man ang magtangkang lumapit dito. Habang ang mga Nurse at ang iba pa ay pinipilit itong pakalmahin.
"Sir please, calm down. Pagusapan natin ito, hindi kami masamang tao gusto lang naming makatulong." sabi ni Lea, isa sa mga nurse namin at sinensyasan nito ako para gumawa ng pagkilos habang kinukuha niya ang atensiyon ng lalaki.
Kaya wala na akong pinalagpas na pagkakataon at agad kong sinunggaban ang lalaki. Agad kong hinawakan ang kamay niya kung saan nito hawak hawak ang kutsilyo ng bigla niya itong bitawan at sinalo ng isang kamay niya. Whoa.
--
Sinubukan ko ulit kuhanin ang isa pa nitong kamay ngunit nabigo ako ng bigla nito akong siniko at niyakap ako ng patalikod sabay tutok ng kutsilyo sa leeg ko.
"T..teka lang, b..baka pwede pa naman natin tong pagusapan. Hindi kami masasamang tao, gusto ka lang naming tulungan." sabi ko na bakas sa boses ko ang paguutal dala ng kaba.
"Nasaan ako? Sino kayo? Anong ginagawa ko dito?" tanong nito habang nakatutok parin ang kutsilyo nito na anumang oras ay pwede na akong magilitan ng leeg.
"A..andito ka sa isang abandonadong hotel, hindi gaanong kalayuan sa campus kung saan ka namin nakita. Nanghihina ka noon at tinulungan na naming dalhin dito upang gamutin, muntik ka ng mamatay kung hindi kami dumating. Kaya wala kang dahilan para magalit sa amin." sagot ko na sinundan pa nito ng isang tanong.
"Nasaan ang mga kasama ko? Sila Roberto? Si Rosie? Si J..Janna?" tanong nito habang nauutal.
"W..wala kaming nakitang ibang taong buhay pa sa loob ng campus bukod sayo, maaaring nailigtas na sila ng Helicopter na dumating noong araw din yun para sa rescue o di kaya ay naging zombie na din kagaya ng mga nasa labas." sagot ko dahilan para bitawan ako nito at agad na sumilip sa labas upang tingnan ang nangyayari sa labas, pagkatapos nito at agad siyang napasalampak sa sahig at napahilamos ng muka gamit ang kamay nito.
"Nangyari na din sa amin yan, madami na din sa amin ang nawalan ng mga mahahalagang tao sa buhay. Pero kailangan parin nating magpatuloy para mabuhay, dahil hindi nalang hihinto ang mundo kahit tayo nalang ang natitirang tao sa mundo." sabi ko habang lumalapit sa kaniya at tinulungan itong tumayo.
"Kasama ka na sa grupo namin, tayo ang mga survivors na naghahunt para may makuhang pagkain at papatay ng mga gustong pumatay sa atin kung gusto din nating mabuhay. A..ako nga pala si Ronnie, ang pinuno ng ikalawang pangkat dito sa loob ng tinatawag naming kampo." sabi ko at inabutan siya ng makakakain.
"Ang pangalan ko ay Blake, at gusto kong sumama sa inyo upang ipaghiganti ang mga nawalang kasama ko." sabi nito at kinuha nito ang pagkain at kinain ito.
--
"Kamusta na ang lagay mo? Nung huli ka naming nakita may ilang buto ang nabali sayo sa hindi namin maipaliwanag na kadahilanan, pero buti nalang at magaling itong nakuha naming mga magpapagaling sayo dahilan para makalakad ka ulit." sabi ko at ipinakita ang binti nitong sinimento dahil sa tingin naming pagkakahulog mula sa mataas na lugar.
Tila wala padin itong kibo kaya napaisip ako hayaan nalang muna itong mapagisa upang makapagisip isip ng bigla nitong tawagin ang pangalan ko.
"Naniniwala ka ba sa dejavu?" tanong nito na nagpakunot ng noo ko, napailing nalang ako at dumiretso na sa labas ng makasalubong ko sa pintuan si Marian.
"Balak ko sana siyang kausapin may mga bagay lang sana akong gustong itanong gaya ng mga bagay na nakita ko sa suot nitong jacket." sabi nito at napatango nalang ako, iniwan ko ito at pinuntahan ko si Micka upang sabihin ang mga bagay bagay tungkol kay, Blake.
--
Blake's Pov
"Hi, ako nga pala si Marian." sabi ng babaeng pumasok mula sa pintuan ng kwarto at dala nito ang jacket na isinuot ko dati na nakuha ko sa station.
"Gaano na ako katagal walang malay?" tanong ko na ikinapagisip nito.
"Mahigit 4 araw na din, akala nga ng iba zombie ka na at balak ka na sanang tapusin pero pinasabi kong wag kang gagalawin hangga't hindi ka pa naman nagbabago." sagot nito na ikinangiti ko at ikinakamot ng batok.
"Maiba naman ako, itatanong ko lang kung saan mo nakuha ang jacket na to?" tanong nito at sinabi ko ang lahat kung saan at papaano ko ito nakuha.
"Bakit mo naman ito naitanong kung saan ko yan nakuha yan?" tanong ko sa kaniya pero wala akong nakuhang sagot.
--
Ronnie's Pov
"Micka." sabi ko sabay katok sa pintuan ng opisina nito ngunit wala akong narinig na tugon dito maski ang anino nito, dahan dahan kong binuksan ang salaming pintuan nito at bigla akong may narinig na parang isang ungol. Eh?
"Ahmmp Aray! Dahan dahan lang masakit." bulong nito mula sa isa pang kwarto patungong pinaka opisina nito. Lumapit ako sa pintuan ng kwarto upang buksan ito at malaman ang nangyayari sa loob ngunit bigo ako dahil nakalock ito, bagay na lalong nagpadagdag sa iniisip ko. Hala, akala ko ba horror tong story na to. Bakit parang naging..
Kaya dala ng kyuryosidad, nilakasan ko ang loob ko at dali daling sinipa ng malakas ang pintuan at tumambad sakin ang isang bagay na hindi ko inaasahang makikita ko.
O.O - reaksiyon ko.
"R..Ronnie?! anong ginagawa mo dito?!" sabi ni Micka at napabalikwas ito sa pagkakaupo habang nililinisan ito ng kuko sa paa at aksidenteng masipa sa muka ang manikyurista sa gulat.
"T..teka lang, naglilinis lang pala kayo ng kuko?! Ahh ehh nevermind, napapunta nga pala ako dito para sabihin na gising na yung nakuha nating lalaki dun sa isang eskwelahan na malapit lang dito." sabi ko habang nagaayos ito ng sarili bago niya tuluyang pinaalis yung kasama nito kanina.
"Mabuti naman kung ganoon, muka naman na malakas siya at mapapakinabangan natin sa pagkuha ng mga gamit sa labas nitong kampo." sabi niya at tumingin sa bintana ng kwarto.
"Nasabi mo na din naman, kailangan na nating lumabas ngayong araw upang kumuha ng mga makakain. Sa tingin ko ay tatagal nalang yun para sa ngayon gabi." sabi ko at tumango siya.
"Kung ganoon ay mabuti pa ngang maghunt na tayo at huwag mong kalimutan na isama ang lalaking yun upang makapamasyal din siya at makapag inat inat matapos ang ilang araw na pamamahinga." sabi nito bago ako tumalikod at akmang palabas na sa pintuan ng bigla itong nagsalita ulit.
"Makikita natin kung ano ang magiging silbi ng bisita nating yan, inaasahan ko na hindi siya magiging perwisyo para satin dito sa loob ng kampo." dagdag pa nito bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
--
Makalipas ang ilang minuto ay nagpatawag ng pagtitipon si Micka sa gitnang bahagi ng hotel at pinagusapan ang mangyayari paglabas nito.
"Kami ng mga grupo ko ang bahala sa Timog kung saan maaaring makakuha ng mga gamot para sa may mga sakit dahil may malapit na hospital doon." sabi nito bago naglagay ng marka sa mapa na nakalagay sa isang lamesa doon.
"Kami naman ng grupo ang pupunta sa Kanluran upang mahanap ng mga armas na magagamit natin, mukang kukulangin na din tayo sa bala at mga gamit para sa pagpapatibay ng depensa nitong kampo." sabi ko na sinangayunan nila.
"Kung ganoon naman ay sa amin na ng grupo ko ang natitirang panig ng Silangan para makapaghanap ng iba pang mapapakinabangan natin, ang iba naman na natira ay mananatili dito upang bantayan ang kampo sa mga nagbabakasakaling makapasok." sabi naman ni Joseph at binalingan ng tingin si Blake.
"Wala tayong magiging problema diyan Joseph, si Ronnie na ang bahala kay Blake kung may mangyari na hindi inaasahan." pagaawat naman ni Micka bago tuluyang magkaroon ng alitan sa bawat grupo.
--
Nagkanya kanya na kami at pumunta sa kinalalagyan ng mga armas ng makuha ng atensiyon si Blake at tila nakatulala ito sa malayo kaya nilapitan ko ito.
"Tibayan mo lang ang loob mo, maaaring hindi pa sila tuluyang nawala lahat at handa naman akong tulungan ka kung may pagkakataon." sabi ko at tinapik siya sa balikat.
"Oh eto, kunin mo para may magamit ka. Baka mapalaban tayo mamaya mahirap na." dagdag sa kanya at inabot ang crowbar na nakuha namin sa eskwelahan dati.
--
Blake's Pov
Ilang saglit pa ay tuluyan na nga kaming lumabas sa kampong tinatawag nila at may mangilan ilan din ang nagpaiwan upang magbantay. May 3 sasakyan lang ang maaaring gamitin ngunit mas pinili ni Ronnie na maglakad nalang kaya dinala ng iba ang sasakyan upang gamitin sa pupuntahan nito.
"Mas mabuti na din ang maglakad upang hindi na din natin makuha ang atensyon ng ibang mga zombie sa paligid." sabi nito na sinangayunan namin.
"Pupuntahan natin ang isang Military Camp na may kalayuan dito kaya mapipilitan tayong maglakad ng isang oras kaya magipon kayo ng lakas niyo. Sisimulan na natin ang paghahunt." sabi niya bago kami nagsimulang maglakad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top