Twenty Fifth Shot
Twenty-fifth Shot
AYESHA.
Malamig ang hangin at madilim ang kapaligiran. Walang makita si Ayesha sa kanyang kapaligiran.
Kinapa-kapa niya ang pader ng kanyang kulungan. Nanginginig ang buo niyang katawan.
Kanina pa palakad-lakad si Ayesha. Ilang beses na niyang sinubukang gumamit ng mahika ngunit wala. Pakiramdam niya, kahit nabuhay siya ay namatay naman ang kapangyarihan sa kanyang katawan.
Napaupo si Ayesha sa semento at ipinatong niya ang kanyang ulo sa gitna ng kanyang mga tuhod.
Grabeng takot at kaba ang nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam niya ay pinipilipit ang loob nya dahil sa sobrang pagkabahala kay Zyron.
Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Hades dito at kung nasaan si Zyron ngayon. Hindi maganda ang pakiramdam ni Ayesha.
Alam niyang may balak si Hades na masama. Alam niyang sasaktan nito si Zyron. Alam niyang mahihirapan ang lalaking mahal niya.
Hindi pwede.
Napahagulgol ulit ng iyak si Ayesha.
Napakarami na niyang pinagdaanan. Marami na siyang hirap at sakit na kinaharap. Naalala niya pa ang iba't ibang mapanganib na pagsubok na ipinaharap sa kanya ng kanyang master na si Hecate. Hindi biro ang pinagdaanan ni Ayesha noon upang makakuha ng malalakas na mahika.
Pero ni-isang beses ay hindi siya umiyak. Ni-isang beses ay hindi siya pinanghinaan ng loob.
Ngunit pagdating kay Zyron...
Ilang dekada na ba ang nakalipas? Ilang buhay na ba ang kanyang nadaanan? Pero kahit sa napakahabang panahon ay hinding hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa binata.
Alam niyang malaki ang galit nito sa kanya. Alam niyang hindi siya nito magagwang patawarin.
Alam niya iyon.
Pero mas kakayanin pa niya na habang buhay siyang kamuhian ni Zyron kesa ang malaman niyang pinapahirapan at sinasaktan ito ni Hades.
"Ano ba ang dapat ko gawin?" bulong ni Ayesha sa sarili. "Ano ang dapat kong gawin para makalabas dito? Ano ang dapat kong ibigay upang matulungan ko siya? Ano ang dapat kong i-sakripisyo para maging ligtas si Zyron?"
"Handa ka bang ibigay ang lahat?" tanong ng isang boses na nagmumula sa kanyang isipan.
Napadilat si Ayesha at agad siyang napatayo.
"Kahit ano. Handa ako."
Biglang nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag sa paligid. Napatakip ng mata si Ayesha. Mas lalo niyang naramdaman ang kaba sa kanyang dibdib.
"Ayesha..."
Muli niyang iminulat ang kanyang mata. Wala na ang nakakasilaw na liwanag.
At bukas na rin ang pintuan ng kanyang kulungan.
~*~
JILLIAN.
Napabangon ako sa kama. Pawis na pawis at hingal na hingal.
I checked the time. It's 5:30 am.
Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig.
Feeling ko binangungot ako. Ang sama ng panaginip ko.
Nasa isang kweba raw ako. Maraming lumulutang na ball of lights. Yung isang ball of lights at mabilis na lumilipad papalapit sa akin. Tatamaan na dapat ako kaya lang biglang hinarang ito ni West at siya ang tinamaan.
Nakita ko kung paano bumagsak si West sa harapan ko at nawalan ng buhay.
Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang sakit dahil doon sa panaginip ko. Pakiramdam ko parang totoong totoo ang nangyari.
Kahit panaginip lang yun, ang hirap pa rin makita ni West na mamatay sa harapan ko.
Dire-diretso kong ininom yung tubig sa baso.
Ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko.
Para naman akong shunga. Siguro miss na miss ko ang talaga si West. Mabuti na lang at magkikita na kami mamaya.
Kinuha ko ang phone ko at tinext ko siya.
"I miss you, West. Excited na talaga akong makita ka mamaya. Sobrang miss na miss na kita. :( "
I hit the send button.
Nagulat ako na wala pang isang minute eh biglang tumunog ang phone ko. He's calling me!
Agad kong sinagot ang tawag niya.
"West?"
"Hi," bati niya mula sa kabilang linya at halata sa boses niya na kakagising pa lang niya. "Good morning, Jillian."
"West!!"
"Oh? What happened?"
"Wala lang. Bakit ang aga mo magising?"
"Hmm... excited na ako mamaya eh," sagot niya.
Napangiti ako habang naglalakad pabalik sa kwarto ko.
"Me too. Excited na ulit akong makita ka."
"Di bale, ilang oras na lang magkikita na tayo."
Pagkapasok ko sa room, agad kong ini-lock ang pinto ng kwarto ko at nahiga sa kama.
"Pwede bang ngayon na tayo magkita?"
Natawa nang mahina si West.
"Mamaya na. Para pag nakita mo ako, sobrang miss na miss mo ako."
I bit my lower lip. Ang husky ng tawa at ng boses niya. Naiimagine ko tuloy siya ngayon, nakahiga sa kama with his messy hair and lazy smile and...
..siguro naka topless din.
Leche Jillian, ang imagination ang layo na nang nararating!
Nagpaalam na ako kay West at baka mamaya eh kung saan saan pa makarating ang imagination ko. To think na boses pa lang niya ang naririnig ko, nagkakaganito na ako.
Iba talaga pag may lovelife kang masaya. Feeling mo lumulutang ka sa alapaap. Pakiramdam mo araw araw nasa heaven ka. Kaya pala grabe ma brokenhearted ang mga sawi at grabe silang mag bitter pag iniwan.
Ganitong kagandang bagay kasi ang nawala sa kanila.
Nakatulog ulit ako matapos kaming magusap ni West. Nagising ako ng mga bandang 9am at dali-dali naman akong kumilos dahil 10:30 ang usapan namin na magkikita.
"Naks. Ayos na ayos," asar sa akin ni Andrei nang nagmamadali akong lumabas ng bahay. "Kelan ka pa natutong mag dress, ate?"
"Ewan ko sa'yo!" sigaw ko.
Bago pa ako makita nang bunso namin na si Andrew, lumabas na ako ng bahay. For sure pag nag combine forces ng pangaasar sa akin ang mag kuya na yan, ma ha-highblood lang ako.
Nag taxi na lang ako papunta sa mall kung saan kami magkikita ni West. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko.
Well, sa Japan kasi lagi kaming nagkikitang dalawa. Hindi ko maituturing na date namin ang mga pinuntahan namin dahil lagi kaming may kasama.
Pero eto. Ito ata yung first date namin pag nagkataon. Yung tipong pinaghandaan, ni-look forward, pinagusapan, isinet.
Nakakatawa siguro na tanghaling tapat kami magkikita pero bakit ba! I want to be with him the whole day.
Isa pang factor ay sobrang miss na miss ko na talaga si West. Feeling ko nga mare-rape ko siya the moment na makita ko siya. Bwiset!
Nauna akong dumating sa mall. Sabi ni West na-traffic siya. Medyo malayo kasi ang bahay niya dito sa mall na 'to.
Pumunta muna ako sa bookstore at nagikot-ikot. Nakita ko pa yung mga libro na ipinublish doon sa publishing company nina West. Naalala ko pa na ako ang nag proofread niyan.
Naalala ko dati galit na galit siya sa nagiisang typo sa libro na nahanap niya. Yung like naging Luke. Ayun yung panahong si Luke lang ang laman ng isip ko.
Pumunta ako doon sa section ng mga libro na pang architecture. Nagtingin-tingin ako ng itsura ng mga bahay.
May nakita akong isang bahay doon na may magandang garden at ang sosyal! May fountain pa sa gitna!
Bigla akong natigilan.
May biglang pumasok sa isip ko.
Isang garden na malaki. May fountain sa gitna. Tumapak ako sa gitna ng fountain at nahulog ako.
Nahulog? Saan?
Napahawak ako bigla sa shelf kasi may pumasok na naman na isang memory sa isipan ko.
Isang silid. Sa gitna ay may glass table. Sa glass table ay may pana.
Napailing ako. Ano ba 'to. Memory? Paanong naging memory 'to?
Hindi kaya tinatamaan lang ako ng inspirasyon na magsulat ng kwento? Hindi kaya imagination ko lang ang gumagana?
Bakit parang ang linaw-linaw ng mga imaheng biglang pumasok sa isipan ko?
"Miss o-okay ka lang?"
Napalingon ako sa nagsalita. Isang lalaking matangkad na medyo payat na nakasalamin ng makapal at may ipit-ipit na tatlong libro sa braso niya.
"Ah, yes I'm fine," sabi ko and then I smiled at him.
Biglang nanlaki ang mata niya. Napataas naman ang kilay ko.
Problema neto?
Napaiwas siya nang tingin.
"Uhmm..." tumingin-tingin siya sa akin but I think he's afraid to meet my gaze.
"May mali ba sa itsura ko?" tanong ko sa kanya.
Napayuko siya at umiling.
"Eh ba't ganyan ka kumilos sa harapan ko?"
Medyo inangat niya ang tingin niya.
"K-kaya mo yan!"
Mas lalong napataas ang kilay ko.
"Huh?"
"B-basta kung ano mang pagsubok yun, tandaan mo mahal ka nun!"
"Okay, kuya anong pinagsasasabi mo?"
"W-weird man pakinggan pero basta wag kang susuko ah? Kaya mo yan! Siya ang forever mo! May forever! Sige bye!" at nagmamadali siyang umalis sa harapan ko.
Anong problema ng isang yun? Naka drugs ba yun?
Biglang tumunog ang phone ko. West is calling.
Agad kong sinagot.
"Hello West? Nandito ka na?"
"Yes I'm already here! Nandito ako sa may garden part sa tapat ng mall. Pwede ka bang pumunta rito?"
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Secret," he told me playfully.
Napatawa ako nang mahina.
"West ah!"
"Punta ka na rito! I miss you!" sabi niya.
"Ito na, naglalakad na."
"I can't hardly wait to see you."
"Me too, West. Me too."
Lumiko ako at halos mabitawan ko ang phone ko nang makita ko na naman yung lalaki kanina doon sa bookstore.
"Shit!"
"S-s-sorry! Sorry!" sabi niya.
Tinignan ko lang siya ng masama at gumilid ako kaya lang hinarangan niya ako.
"Yes?"
Umiling siya.
"Excuse me," sabi ko.
Hindi siya tumabi.
"Anong problema mo?" medyo mataas na ang boses ko kasi naiirita na ako. Gusto ko nang puntahan si West.
Napayuko siya.
"Uhmm.."
"Kuya, nasa kabilang linya lang ang boyfriend ko. Baka gusto mong tawagan ko siya at patay ka?"
Umiling siya.
"B-basta wag kang bibitiw."
"Ano ba yang sinasabi mo?!"
Umiling ulit siya at tumakbo palayo sa akin.
Napakamot ako ng ulo.
Ano kaya ang nahithit ng isang yun? Mukhang malakas ang tama, eh.
Halos patakbo na ako nang makarating ako sa tapat ng fountain.
Nasaan si West?
Nilingon-lingon ko ang paningin ko.
"Jillian."
Napalingon agad ako nang marinig ko ang boses niya at nakita ko siya sa harapan ko na nakangiti sa akin.
"West!"
Nagmamadaling lumapit si West sa akin.
He pulled me near him and started kissing me.
I kissed him back.
Wala akong paki kung may makakita man. Miss na miss na miss ko siya.
Medyo humiwalay siya sa akin at pinagdikit niya ang mga noo namin.
"I miss you," bulong ko sa kanya.
Napangiti siya.
"I love you, Jillian."
"I love you too. Sobra! At miss na miss na kita."
Dumistansya si West sa akin at biglang napalitan ang ngiti niya.
He look—mischievous.
Lumingon siya sa gilid niya.
"You heard that? She said she loves me."
May lumabas na isang lalaki sa gilid ng fountain at lumapit sa amin.
Familiar ang itsura nung lalaki. Pakiramdam ko nakita ko na siya before pero hindi ko malaman kung saan.
Napakunot ang noo ko.
"Oo na pre, you win!" sabi nung lalaki sabay abot ng bundle ng pera sa kamay ni West.
"Ako pa ba?" ngiting ngiti na sabi ni West.
"W-West...?"
Napalingon sa akin yung lalaking kasama ni West at naglakad ito paikot sa akin na para bang sinusuri ako.
"Not bad," sabi niya habang may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
Napatingin ako kay West. Ang bilis ng pintig ng puso ko at parang pinipilipit ang puso ko.
Ano 'to?
"West.."
"So, na-i-kama mo ba?" tanong sa kanya nung lalaki.
Napatawa nang mahina si West.
"Almost. Pero hindi talaga kinaya ng sikmura ko. Alam mo naman ako, mapili sa mga babaeng kinakama."
Bumagsak ang luha sa mata ko.
Shit. SHIT.
"Ohhh, she's crying. May sinaktan ka na naman kapatid."
Napangiti si West at nilapitan ako. Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at tinignan ako diretso sa mata.
"Sorry Jill. Joke time lang yung sa Japan natin. May pustahan kasi kami nitong kapatid ko na pag uwi ko dapat may girlfriend ako. Eh ikaw yung pinaka uto-uto nun. Ayos lang yan. Mahahanap mo rin ang para sa'yo."
Nanginig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko nabuhusan ako nang pagkalamig lamig na tubig. Pakiramdam ko pinana ako ng paulit ulit sa puso.
Pakiramdam ko sinaksak ako sa likod.
Tangina. Dalawang linggo. Sa loob ng dalawang linggo nagawa akong utuin.
Leche.
I raised my hand to slap him pero agad niyang napigilan ang kamay ko.
"Alam ko na ang ganyang moves," he told me coldly. "Makaka move-on ka rin agad sa akin. Dalawang linggo lang naman tayong nagkasama eh. Imposible namang in love ka na. Pasalamat ka na lang at hindi ko pinatulan ang pangaakit mo kundi mas iyak ka ngayon."
"You're a jerk!" sigaw ko at pinaghahampas ko siya. "Leche ka! Gago mo! Nagpapanggap ka na mabait? Na gusto mo ako?! Lahat nang sinabi mo kasinungalingan?! Ha West?! Baket mo ginawa 'to ha! Bwiset ka!"
Itinulak niya ako palayo sa kanya.
"I told you, I'm bored at napagtripan lang kita."
"Bawiin mo yan! Hindi totoo yan!"
Naramdaman kong may umakbay sa akin---yung kapatid niya.
"Miss nagaaksaya ka lang ng energy. He's telling the truth? Ba't hindi ka na lang umuwi at kalimutan itong mokong na 'to?"
Siniko ko yung kapatid ni West at dire-diretso akong lumapit sa kanya at sinipa ko siya where it hurts the most."
"FUCK!" sigaw ni West habang nagtatatalon doon. "Fuck! What is wrong with you!!"
"Go to hell!" I spat at mabilis akong naglakad palayo sa kanila.
Habang tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.
To be continued...
Aly's note:
Hi guys! May Wattpad Meet-up po sa Davao this coming May 28. Sa Gap Farm po. Yung mga pupunta, kita-kits! Sa mga hindi aware, pwede po kayong pumunta. I think nag a-accept na sila ng walk-in. Though need niyo mag avail ng ticket sa mismong venue. Php 150 daw yung ticket.
Sa mga pupunta, lapit kayo sa akin ah? Tell me sino ang favorite character niyo rito sa SWSCA and TLA then bibigyan ko kayo ng compass ni Jillian XD
Tatlong compass lang ang meron ako kaya paunahan na lang XD
See you!
~ Aly A.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top