Twentieth Shot
Twentieth Shot
JILLIAN.
Can I just die? I badly want to die.
Sumilip ako nang bahagya mula sa ilalim ng comforter ko. Nakita ko sa tapat ko ang mahabang sofa. May puting unan at comforter doon. Ebidensya na sa sofa natulog si West.
Aninag ko ang bukas na ilaw sa banyo at dinig ko ang pagbagsak ng tubig mula sa shower.
Gusto ko na talagang mamatay.
Bakit yung ibang mga lasing, pagkagising nila limot na nila ang mga pinag gagagawa nila? Bakit ako nakatatak pa rin sa utak ko yung mga kagagahang ginawa ko kagabi?
Walanghiya talaga!
Bago ako makipaglaro kina Cupid, nasa isip ko magpapakipot muna ako, magpapaka dalagang pilipina, magpapaligaw. Ang anak ng espasol! Kagabi halos ihagis ko na ang buong pagkatao at kaluluwa ko kay West!
Napatalukbong ulit ako ng kumot. Naalala ko na naman yung muntikan kong paghuhubad ng yukata sa harap nya. Hayop na yan! Tapos akala ko go na siya at nag pilit pa akong mag take ng shower!
Parang biglang naginit ang mukha ko.
Kakainin na ba ako ng lupa? Shet!
Gusto kong tumakbo palabas ng kwarto ni West kaya lang hindi ko alam kung saan ko nailagay ang keycard ko. Isa pa natatakot ako na baka habang palabas ako tsaka siya biglang lumabas ng banyo.
Ano ba 'tong pinasok ko?! Nakakahiya ako!
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo. Napa-shit ako nang mahina.
Oh my gosh.
Narinig ko ang mga yapak ng paa ni West. I didn't dare na sumilip pa ulit mula sa ilalim ng comforter. Forever na lang akong magpapanggap na tulog kesa ang harapin ko siya!
"She's still asleep?" dinig kong sabi niya.
Narinig kong naglakad siya palayo sa akin kaya naman ibinaba ko ng bahagya ang comforter. Nakita kong nakatalikod siya sa akin at...
Napalunok ako.
Well, naka-topless siya at kitang kita ko lang naman ang sexy back niya.
Pinigilan ko ang temptation na tumitig ng matagal sa likod niya at hinayaan ko na lang maglaro ang imagination ko sa kung gaano siya ka-sexy pag humarap na siya. I'm 100% sure na may abs siya.
Tsk. Ang old school kasi nito, eh. Sukat hindi pumayag kagabi! Nasa harap na niya ang biyaya tinanggihan pa!
Napapalo ako sa ulo ko.
Jillian ang landi mo! Ang harot mo! Tumigil ka dyan! Nasaan na ang pakipot moves mo kung kahit hindi ka lasing eh ganyan ka pa rin mag isip?!
I heard a chuckled.
Napakagat ako sa labi ko.
"Hanggang kelan ka magpapanggap na tulog?"
At biglang may nagtanggal ng comforter ko.
Sumalubong sa akin ang mukha ni West na ngiting ngiti. Naka-suot na rin siya ng color black na turtle neck na longsleeves.
Sayang!
"Good morning," bati niya sa akin.
Iniwas ko agad ang tingin ko.
"Morning."
At dali-dali akong bumangon at tumakbo palabas ng kwarto niya. Muntik-muntikanan pa akong mapatid sa suot kong yukata. Bwiset na yan. Makapagsuot na nga ng pajama sa susunod!
I was about to open the door of my room nang maalala kong hindi ko pala hawak ang keycard ko.
Shit. Ayoko na bumalik sa room ni West! Shit na yan! Ano ba! Hanggang kelan ko ba dapat harapin ang kahihiyan na 'to?!
Bumukas ang pinto sa room ni West at agad akong napatalikod na kunyari eh binubuksan ko ang room ko.
Please wag mo akong pansinin. Umalis ka na lang. Kakainin na ako ng lupa sa sobrang kahihiyan.
"What are you doing?" tanong niya.
Eto pinapatay ang sarili ko sa imagination ko.
"Binubuksan ang kwarto ko."
"Oh.. I see.."
Lumapit siya sa akin at sumandal sa pader sa gilid ko habang nakangiti. Inaantay kung ano ang gagawin ko.
Shit alam niya! Ano ba! Jillian mamatay ka na lang kaya?!
"Let me help you with that."
Ipinakita sa akin ni West ang isang keycard na nakaipit sa dalawang daliri niya then he swiped it sa pinto ko. Nag open yung kwarto ko.
"Thanks!" I told him sabay hablot ng keycard sa kanya at pasok sa loob ng kwarto ko without looking at him.
Pagkasarang pagka-sara ko ng pinto, napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang panlalambot.
Hindi na talaga ako iinom. Kahit anong mangyari, hindi na ako iinom.
~*~
"Drink this," sabi ni West sa akin habang inilalapag ang tasa ng kape sa harapan ko.
Hindi pa rin ako makatingin sa kanya ng diretso kahit na wala siyang binabanggit sa akin about sa nangyari kagabi. Paano mga ngiti pa lang niya halata nang nangaasar siya, eh. Nahawahan na ata ni Cupid 'to sa pagiging mapangasar! Mapapatay ko talaga yun! Siya ang may kasalanan nito, eh.
Ba't ba kasi nagkanda-malas malas ako sa card game kagabi? Madalas naman akong manalo doon noon.
"How's your sleep?" tanong niya habang kumakain kami ng breakfast.
Tinignan ko siya at nagpanggap na inosente, "okay lang. Ang lalim ng tulog ko. Hindi ko rin maalala ang mga nangyari kagabi. Masyado ata akong nalasing?" I faked a laugh.
He grinned.
"Oo nga. Wala kang maalala. That's good."
"Ah, hehe. Kung ano man ang nagawa ko kagabi kalimutan mo na yun. Lasing. Wala sa sarili." At tumawa ulit ako nang malakas.
Bwiset. Maki-ride on ka na lang sa sinasabi ko please.
"Sus. Ayos lang yun. Tulog ka agad kagabi kaya hinayaan na lang kitang mahiga sa kama ko."
Napangiti ako.
"Thank you West, ah?"
"No problem."
Ngiting ngiti akong uminom ng kape. Ang bait talaga ng lalaking 'to. Alam naman naming hindi lang yun ang nangyari pero hindi niya na ako inaasar about doon. Kaya mahal ko 'to, eh. Kilig tuloy ako!
"Pero grabe talaga, do you know that last night, I almost got molested?"
Halos maibuga ko sa kanya yung kapeng iniinom ko.
Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya nang nakakaloko.
Bwiset!!!
Akala ko hinayaan na niya ang nangyari!
Tinignan ko siya nang masama.
"Talaga?" inis kong sabi.
Pero mukhang hindi tumatalab ang inis ko sa kanya kasi ngiting ngiti pa rin siya.
"Oo talaga. Grabe yung molester ko. Ang daming alam na iba't-ibang paraan ng pang se-seduce. Muntikan na akong bumigay."
Nagpangalumbaba siya at nginitian ako.
Kung hindi lang siya gwapo, ibinuhos ko na sa mukha niya ang kapeng iniinom ko!
Talagang inaasar niya ako! Pinag t-tripan niya ako!
"Pero sinabihan din ako ng molester ko na ang hot ko at ang gwapo ako. Naniniwala ka ba sa sinasabi nilang ang lasing, hindi nagsisinungaling?"
Napayuko ako.
"Kilig ka naman. Hmp," irita kong sabi.
"Oo. Sobra," ngiting-ngiti niyang sabi.
Huminga ako nang malalim. Tinignan ko si West at nginitian ko rin siya nang pagka-tamis tamis.
He blinked.
"Kung kinilig ka, dapat hindi mo na rin pinigilan ang pagkakataon. Sayang naman yung chance. Eh mukhang gustong gusto rin ng molester mo."
Nawala ang ngiti sa labi niya at nakita kong nagumpisang mamula ang tenga niya.
Ha! Kala niya, ah!
He is still West.
"S-she's drunk. H-hindi niya alam ang ginagawa niya."
"Really?" it's my turn para magpangalumbaba at ngitian siya nang mapang-asar. "Pero sabi mo 'di ba ang lasing, hindi nagsisinungaling. Ibig sabihin, totoo rin yung gusto niyang mangyari."
Nakita kong napalunok si West. He opened his mouth then he closed it again na para bang hindi niya mahanap ang right words sa gusto niyang sabihin.
Ang sarap niyang kuhanan ng picture ngayon.
"May message pala yung molester mo sa'yo."
Tumayo ako then I lean forward. Yung tipong halos anlapit na nang mukha ko sa kanya.
"Next time there's a chance," inilapit ko ang labi ko sa may tenga niya then I whisper, "grab it."
Nang lumayo ako sa kanya, halos hindi na makapagsalita si West at umabot na hanggang leeg ang pamumula.
"Akyat muna ako. Kailangan ko pang mag retouch."
I winked at iniwan ko siya doon.
Nakaganti rin sa wakas!
~*~
(Underworld)
"Alam kong ang pangit ng lasa nitong tinapay na paulit-ulit na pinapakain sa atin. Pero kailangan mo pa rin itong kainin para may lakas ka. Alam kong gutom ka na," sabi ni Zyron kay Ayesha.
Gutom.
Nung unang beses na dalhin sila dito, akala niya hindi na niya mararamdaman ang gutom. Akala niya hindi na siya makakaramdam ng kahit ano.
Ganoon naman hindi ba kapag wala ka nang buhay? Nawawalan ka na rin ng pakiramdam.
Pero nang ipasok sila sa kulungan na ito, ramdam na ramdam pa rin ni Ayesha ang lahat.
Ramdam niya ang malamig na sahig na kanyang kinauupuan. Ang init ng hangin na nagmumula sa labas ng kulungan. Ang kaba kada naririnig niya ang mababangis na ungol ng asong si Cerberus. At ang takot na ano mang oras, maaring pumunta si Hades sa kulungan na ito at saktan siya.
At saktan si Zyron.
Ang mga pakiramdam na yun ang patunay na hindi pa sila patay. Ngunit hindi sigurado si Ayesha kung hanggang kelan pa sila mananatiling buhay at kung ano ang pinaplano sa kanila ni Hades bakit sila nandito ngayon.
"Kapag nakalabas tayo dito, kakain ako ng ice cream!" masiglang sabi ni Zyron.
Napatingin siya sa binatang nasa harapan niya. Hindi niya pa rin maintindihan kung saan ito humuhugot ng lakas ng loob samantalang siya, damang dama niya na ang kawalan ng pagasa.
Nakangiti sa kanya si Zyron kaya naman agad siyang napaiwas ng tingin dito.
Alam niyang kaya siya tinuturing ng maganda ng binata ay dahil wala naman na silang sasandalan at pagkakapitan ngayon kundi ang isa't-isa. Alam niyang kung may mangyari mang himala at makaligtas sila sa lugar na ito ay maaring bumalik ang galit sa kanya ng binata.
Kasalanan naman niya ang lahat. She tricked him. Pinapaniwala niya ito na tinutulungan niya si Zyron para makuha si Jillian ngunit ang totoo ay gumagawa siya ng paraan para maibalik sa kanya ang tadhana ng binata.
Dahil makalipas ang mahigit isang daang taon, si Zyron pa rin ang mahal niya.
Napatingin si Ayesha sa paanan niya.
"Pag nakalabas ka rito, ano na ang gagawin mo?" tanong niya sa binata. "Babawiin mo ba ulit si Jillian sa kapatid mo?"
Hindi agad nakasagot si Zyron kaya napaangat ang tingin ni Ayesha. Napansin niyang malalim ang iniisip nito.
"Babawiin ko nga ba?" napabuntong hininga si Zyron. "Ayoko nang pagdaanan ulit ang sakit na naramdaman ko kaya siguro hahayaan ko na lang sila. Nakaduktong na ang kapalaran ni Jillian kay West at hindi ko na rin naman mababago yun. Siguro pupunta ako sa ibang lugar? Baka sa ibang bansa."
Napatango si Ayesha. Nais niyang tanungin sa binata kung maari ba siyang sumama rito kung sakali mang may milagrong mangyari at makalabas sila.
Pero alam niyang hindi ito papayag. At alam niyang kung sakali mang pumayag si Zyron, magkakaroon na nang pag-asa ang puso niya na makakalabas sila rito.
Ayaw na niyang umasa. Alam niyang imposible. Pero kung may paraan pa, gagawin niya ang lahat para lang mailigtas si Zyron. Kahit ano. Kahit maging alipin pa siya rito ni Hades. Kahit habang buhay niyang kaharapin ang paghihirap sa mundong ito.
Kahit ano.
Basta maging ligtas at masaya lang si Zyron.
To be continued...
Aly's Note:
A quick recap since nakalimutan na ata ng karamihan ---- simula nang ibigay ni West kay Jill ang compass, hindi na nababasa ni Cupid ang isip ni Jillian :)
Nagulat kasi ako ang daming comments last chapter na binabasa ni Cupid ang isip ni Jill XD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top