Twelfth Shot


Twelfth Shot

JILLIAN.

"Kung anu-ano ang binibili mo. Dapat pag nag t-travel ka, tina-try mo rin ang mga pagkain nila," sabi ni Ryan sa akin habang binibilhan ako ng crepe dito sa Gotemba Premium Outlet.

Parang isang malaking shopping center na pang high class ang lugar na 'to. Paano lahat ng stores dito puro branded lahat at makalulang presyo ang nakikita ko.

Humiwalay ako sa group kahit kina West. Sabi ko gusto kong mag libot mag-isa. Alam kong gusto niya akong samahan pero hindi naman siya kumontra. Hinayaan niya na lang akong mag libot.

Ewan ko ba. Pag nasa mga shopping center ako, mas gusto ko mag-isang namimili. Ayokong may nakabuntot sa akin o may sinasamahan ako. Isa pa, gusto ko talaga ng time alone para makapag isip-isip nang maraming bagay.

Pero habang nasa kalagitnaan ako ng pagiisa ko eh bigla naman sumulpot itong si Ryan at tinanong kung ano ang mga pinamili ko.

May nahanap akong mga t-shirt para sa mga step brothers ko. Pero bukod doon, wala na akong binili. Kaya naman hinatak niya ako doon sa isang crepe stand.

"Here," inabot ni Ryan yung crepe na binili niya sa akin. Strawberry flavor.

Kumagat ako doon sa crepe.

"Shit ang sarap!" sabi ko sa kanya.

He grinned.

"Di ba?"

Tumango ako. "Tama lang ang tamis. Pero god! Ang sarap nung strawberry. Kahit yung whipped cream na ginamit nila sobrang sarap!"

"Right! Kaya pag pumupunta ako sa ibang bansa, kahit yung pinaka common na dessert tinatry ko. You should read my blog. I have a lot of food trip posts."

"Wow. Send mo sa akin yung link, at babasahin ko. Nakalagay rin ba yung ibang mga travels mo doon?"

"Yep!"

I grinned, "so, may picture doon si "almost girlfriend" mo na hindi mo na nakwento kwento ba't almost lang?"

Napangiti siya ng malawak at napakamot sa likod ng ulo niya na para bang nahihiya-hiya.

"Uhmm, yeah, nandoon siya. Pero hulaan mo na lang kung sino siya doon. Pag nahulaan mo, ikukwento ko sa'yo ang aming almost love story."

"Ang daya neto oh!"

Itinuloy ko ang pagkain ng crepe at naramdaman kong dumikit ang tip ng ilong ko doon sa whipped cream. Nang makita naman ito ni Ryan, pinagtawanan niya ako.

"Para kang bata!" sabi niya habang tawa nang tawa.

"Bwiset na 'to!"

Kinapa ko yung bulsa ko at napa-shit na lang ako nang maalala kong di ako nakapag dala ng panyo.

Ang dami kong naiiwan bwiset.

"Ito na," sabi ni Ryan.

Akala ko iaabot niya sa akin ang panyo niya kaya lang nagitla ako nang bigla niyang punasan ang tip ng ilong ko.

"Ayan okay na. Maganda ka na ulit," nakangiti niyang sabi.

Napangiti rin ako, "thanks!"

"Jillian!"

Napalingon ako doon sa tumawag sa akin. Nakita ko si Psyche na kumakaway sa akin. Sa tabi niya ay si Cupid na pinanlilisikan ako ng mata.

At sa isang side ay si West na hindi tumitingin sa akin.

Nawala ang ngiti sa labi ko.

Shit, nakita kaya niya...?

Okay. So ano naman kung nakita niya! Wala naman akong ginagawang masama?

Oo. Wala naman akong ginagawang masama.

Ba't na-g-guilty ako?

"Tinatawag na nila tayo. Baka babalik na sa bus?" sabi ni Ryan.

"Ah, oo nga. T-tara?"

Lumapit kami ni Ryan sa kinalulugaran nung tatlo.

"Sabi ni Chiharu balik na raw tayo sa bus," sabi ni Psyche habang nakangiti.

Nginitian ko rin siya then napatingin ako kay Cupid. Nakabusangot ang mukha sa akin.

Problema neto?

I glared back at him.

Kinunutan niya ako ng noo.

Kinunutan ko rin siya ng noo.

Sabay naming insimiran ang isa't-isa.

"Let's go Psyche."

Hinawakan niya ang kamay ng asawa niya at nauna na silang maglakad.

Bwiset. Laki talaga ng sira sa ulo ng lalaking 'yon. Swerte swerte niya kay Psyche pero ang malas ni Psyche sa kanya.

"Ryaaaan!"

Biglang naglapitan kay Ryan si Sandra at ang grupo ni Beth-log kaya napahinto siya.

Nilingon ko siya at sinenyasan na una na ako. Alam naman niyang inis ako sa apat na babaeng yun kaya hinayaan na niya akong mauna.

Binilisan ko ang paglalakad para makasabay ko si West na nauuna sa akin.

"Ang dami mo pinamili ah?" sabi ko kay West habang nakangiting nakatingin sa mga paperbags na dala-dala niya.

"Ah, para kay Sasha 'yan," he told me coldly. Hindi man lang ako nililingon.

Napasimangot ako.

Kay Sasha...

Si Sasha yung kaibigan niya na pareho niyang boss doon sa publishing company. Maganda si Sasha, may accent pag nagsasalita ng english palibhasa tumira sa states. Sexy, makinis, hot. Mabait si Sasha sa lahat ng employee pero ewan ko ba't ang tindi ng galit ko sa kanya? Hindi ko alam. Feeling ko may nagawa siya sa aking masama. Basta hindi ko siya gusto noon pa man.

At ngayon binilhan siya ng maraming pasalubong ni West? Branded pa lahat. Eh ang mamahal non?

Ano yun? Dapat ba akong mag hinala?

May karapatan ba akong mag hinala?

"Sana sinabi mo na lang sa akin na gusto mo makasama si Ryan kesa yung dahilan mo na gusto mong mag libot mag-isa," halos pabulong na sabi ni West.

Napahinto ako sa paglalakad at napaharap sa kanya.

"Sinusumbatan mo ba 'ko?"

Inangat niya ang tingin niya sa akin at tinignan ako diretso sa mata. Seryosong seryoso siya.

"Oo," matipid niyang sagot.

My heart skipped a beat.

Shit, ba't parang ninenerbyos ako.

"W-well, wala kang karapatan na sumbatan ako dahil hindi naman kita boyfriend."

West was taken a back. Nakita ko ang gulat sa mata niya at madali itong napalitan ng ibang emosyon.

Pain.

Tumango siya then he dropped his gaze.

"Sorry. Minsan nakakalimutan ko na wala na pala akong karapatan."

"W-West..."

Hindi niya ako pinatapos mag salita at tinalikuran niya na ako. Dire-diretso siya pumasok sa bus.

Pag pasok ko doon, pumwesto siya sa pinaka dulo ng bus. Hindi niya ako nilingon.

Napaupo ako sa pwesto ko. Buong byahe papunta sa hotel na tutuluyan namin, hindi ako mapakali. Gusto ko nang bumaba agad at kausapin si West.

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Totoo naman ang sinabi ko. Wala siyang karapatan na sumbatan ako dahil hindi ko siya boyfriend. Wala naman din akong dapat ika-guilty kasi wala naman kaming ginagawa ni Ryan.

Kung meron man, oh en ano naman ngayon?

Pero shet na 'yan. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang tindi ng guilt sa puso ko and I can't understand why.

Kagabi lang sinabihan niya ako na mahal niya ako. Inulit niya yun kanina nung sinuotan niya ako ng beanie.

Tapos ngayon magkagalit na kami?

Ano ba naman 'to.

Nang makarating kami sa hotel, dumiretso agad kami sa buffet hall para mag dinner. Nasa iisang table lang kami nakaupo nina West. May bakanteng upuan pa sa tabi ko but he chose to seat beside Cupid.

Habang kumakain, kung anu-ano ang kinukwento nitong si Cupid kaya naman tawa kami nang tawa.

Si West, tahimik lang at nakatuon lang ang atensyon sa pagkain.

Siya pa naunang umalis para umakyat.

"Sinaktan mo kasi!" sabi ni Cupid sa akin nang makaalis si West.

"Wala naman akong ginagawa!"

"Hindeee! Kasalanan mo Jillian! Amuhin mo. Mag sorry ka. Grabe ka. Napakasama mo talagang nilalang. Grabe ka talaga Jillian! Dapat sa'yo inaalay kay Hades eh."

I raised my middle finger.

"Psyche oh si Jillian!" sumbong ni Cupid sa asawa.

"Tumigil ka nga, mahal!" sabi naman ni Psyche kay Cupid sabay tingin ng masama sa asawa. "Kinukulit mo nang kinukulit si Jillian, eh."

"Sama sama kasing tao," pabulong niyang sabi.

I rolled my eyes at him.

Balahura.

I excused myself at umakyat na rin ako sa room ko.

Para mawala ang bad vibes ko, naisipan kong mag shower muna. Nang makapag shower ako, isinuot ko ulit ang coat ko at bumaba ako. Sa may likuran ng tinutuluyan naming hotel, may garden. Naupo ako sa bench doon at tumingala ako. Sobrang lamig pero gusto kong magstay muna rito. Ang ganda kasi ng langit, eh. Isa pa, alam ko namang hindi ako makakatulog.

Nilabas ko na lang ang phone ko.

Sa bus kanina nag post ako ng dalawang photos sa instagram. Hindi ni-like ni West.

Galit nga talaga siya sa akin.

Kasi naman Jillian walang preno ang bibig mo.

Oo na, ang insensitive na ng sinabi ko kahit gaano pa yun katotoo. Nakokonsensya na nga ako.

Mag so-sorry na talaga ako kay West.

"Kape?"

Napa-angat ang tingin ko at bigla akong napatayo.

"W-West..."

Inabutan niya ako ng canned coffee. Agad ko naman itong kinuha. Mainit pa. Ang sarap hawakan.

"T-thanks..."

Naupo si West sa tabi ko kaya naman napaupo rin ulit ako.

"Galit ka pa sa akin?" tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ako.

"Sorry ah? Sorry kung nasumbatan kita."

"S-sorry rin sa sinabi ko..."

"No you're right. I'm not your boyfriend at wala talaga akong karapatan. Sorry. Nagseselos lang kasi talaga ako."

I bit my lower lip.

He's jealous at inamin niya yun sa akin ng harap harapan. Langya, bakit gusto kong ngumiti?!

"Wala ka naman dapat ipagselos kay Ryan eh. Magisa talaga ako naglilibot. Nakita lang niya ako at pinilit niya ako na ilibre ng crepe. Yun lang."

Teka nga, ba't ba ako nagpapaliwanag sa kanya ha?!

Nanliligaw ba siya?

Well, umamin siya na he likes me. Pero ibig sabihin ba nun nanliligaw na siya?!

"West... yung.. ano.. yun about sa sinabi mo kagabi..."

"Seryoso ako doon nung sinabi kong mahal kita."

Tumango ako, "p-pero kelan pa? Paano nangyari? You used to hate me."

Napalingon bigla si West sa akin, "hate you? No Jillian. Kahit kelan hindi ako nagalit sa'yo."

"Weh? Eh halos araw araw kang highblood sa akin nung nagtatrabaho pa ako doon."

"Well..." napakamot siya sa likod ng ulo niya. "Uhmm.. I did that kasi...para hindi mo ako mahalata."

"Ha? Mahalata? Na ano?"

"You see, matagal na kitang gusto pero hindi ko alam kung paano ka i-a-approach. Ewan. Nasa iisang kompanya pa tayo. Boss mo pa ako. Natakot ako na baka mahalata mo na gusto kita kaya palagi kitang sinusungitan. Lahat pinupuna ko. Madalas kitang pinapatawag sa opisina kasi.." his face turned scarlet red. "K-kasi gusto kitang makita. I-I'm sorry..."

Ang pula ng mukha ni West. Hanggang leeg namumula. Lalo na yung tenga niya.

Hindi ko alam ang ire-react ko.

All this time akala ko....

Mixed emotions ako. Na-touched? Naiinis kasi feeling ko noon wala akong nagawang tama? Gusto ko siyang sapakin at the same time I badly want to hug him.

At dahil hindi ako makapag-react ng maayos, napatitig na lang ako sa kanya.

"G-galit ka ba?"

Napabuntong hininga ako.

"Seriously hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman."

"Pwede bang wag mo na lang isipin kung ano ang dapat mong maramdaman at hayaan mo na lang ako na mahalin ka ng tama?"

I bit my lower lip again to prevent myself from smiling.

"Stop doing that."

"Eh?"

"That."

Tinuro niya ang labi ko.

"H-ha?"

"You're seducing me."

"Huh?! I'm not!"

"Pero na se-seduce ako. Baka mahalikan kita bigla kaya please stop."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napangiti na lang ako ng malawak.

"Now you are smiling like that," sabi niya at pulang pula pa rin siya.

"Ang cute mo West."

"Cute lang?"

Napailing ako habang nakangiti.

"Sige na, pogi ka na."

Si West naman ang napangiti ng malawak.

"Ah wait. May ibibigay ako sa'yo."

"Ano yun?"

May kinuha siya sa bulsa niya at ipinakita niya sa akin.

Isang kwintas na color gold at may maliit na compass na pendant.

"To keep you safe."

Isinuot sa akin ni West yung kwintas.

"Wag mong tatanggalin 'yan ha?"

"Thank you West."

Nginitian niya ako.

Shit ang gwapo niya.

Napaiwas ako ng tingin dahil feeling ko matutunaw ako.

"So uhmm... ano... s-since you told me you like me---"

"---love," pagtatama niya.

"Okay, love. You told me you love, so, n-ngayon, uhmm nanliligaw ka na?"

He grinned.

"Kung pwede lang pakasalan na kita eh, ginawa ko na."

Nag init ang mukha ko. Pakiramdam ko ako naman ang nangamatis dito.

Minsan tong lalaking 'to ang mahiyain. Pero kadalasan ang straightforward.

"But yes Jillian, I am courting you."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Hindi mo talaga tatanungin kung payag ako?"

Mas lalong napangiti si West.

"Wala ka naman magagawa eh kasi kahit anong mangyari liligawan pa rin kita."

Napangiti rin ako.

Ang possessive. Ang lakas ng confidence. Ang cocky.

Pero bakit ganun?

Natutuwa ako.

To be continued....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top