Thirty Seventh Shot
Thirty Seventh Shot
AYESHA
Nasaan ka na ba? Bakit ayaw mong magpakita sa akin? Bakit ayaw mo akong makausap?
Napahinga ako nang malalim at pilit kong pinipigilan ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata.
Lahat ng lugar na maaring nandoon si Zyron ay pinuntahan ko na. Opisina, bahay, yung mga lugar na madalas niyang puntahan. Pero wala siya doon.
Wala o maaring nandoon pero nagtatago siya sa akin.
Nararamdaman ko ang bakas ng mahika sa bawat lugar na pinupuntahan ko. Patunay na nagpunta doon si Zyron. Patunay na gumagawa siya ng harang sa pagitan naming dalawa upang hindi ko siya makita.
Bakit?
Zyron, gusto kitang tulungan. Magpakita ka sa akin. Nakikiusap ako.
"Hi miss!"
Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin at napalingon ako sa isang lalaking mortal na may mala-demonyong ngiti na nakatingin sa akin.
"Busy ka ba? Gusto mo bang sumama sa amin gumimik?"
Itinuro niya ang mga kasamahan niya. Tatlong lalaki. Pare-pareho ring may mala-demonyong ngiti sa kanilang labi.
Basang basa ko sa kanilang mga isipan ang maduduming bagay na gusto nilang gawin sa akin ngayon. Kitang kita ko sa kanilang mga utak na mas masahol pa sa hayop ang mga mortal na ito.
Napakuyom ako.
Kung hindi lang ako mahina ngayon, kung hindi lang makakaubos ng husto ng aking enerhiya ang pag-gamit ng mahika, u-unti-untiin ko ang paghihirap ng mga mortal na 'to hanggang sa tuluyan silang malagutan ng hininga. Pasisigawin ko sila at paiiyakin at paulit ulit na pagbabayarin sa mga bagay na pinag-iisip nila sa akin.
Pero hindi ko pwedeng aksayahin ang lakas ko sa mga walang kwentang bagay. Marami pa akong dapat gawin. Kailangan ko pa siyang hanapin.
Nginitan ko sila. Isang matamis na ngiti na mas nagpatindi sa pagnanasa ng apat na lalaking nasa harapan ko.
"Saan naman tayo pupunta?"
Mas humigpit ang pagkaka-akbay sa akin ng isa nilang kasama at amoy na amoy ko alak sa hininga nito.
"Sa langit," bulong niya at nagtawanan silang lahat.
Walang sabi-sabi ay hinatak nila ako papunta sa isang parking lot. Hindi ako nagpumiglas at tahimik lang ako na sumama sa kanila. Nakangiti. Nakikipagtawanan.
Pero sa totoo lang ay naghihintay na lang ako ng pagkakataong madala nila ako sa liblib na lugar. Malayo sa mga mata ng tao.
Sisilaban ko ng buhay ang kaluluwa ng apat na mortal na ito. Sisilaban ko sila hanggang sa abo na lang ang matira sa kanila.
"Sakay na!" sabi nung lalaking naka-akbay sa akin at tinulak ako palapit doon sa isang pulang sasakyan na nasa harapan namin.
Hindi ako sumakay at hinarap ko sila. Naramdaman ko ang pag init ng palad ko. Naramdaman ko ang bola ng mahika na unti-unting namumuo rito.
Isa lang ang kaya kong itira. Sapat na yun para sunugin ang apat na 'to.
"Sabi nang sakay na!"
Hinatak ako nung isa sa braso.
"Wag mo sabihing nagbago isip mo? Hindi pwede yan."
Nginitian ko sila. Yung kaninang ngiti na ibinigay ko.
Dahan dahan kong inangat ang palad ko at kita ko ang pagtataka sa mukha nila.
Hindi nila nakikita ang bola ng mahika. Hindi nila nakikita ang pulang liwanag na lumulutang sa kamay ko.
Pero panigurado ako na pag tinamaan sila nito, mamamatay sila bago pa sila makasigaw.
Pasalamat sila at hindi nila mararamdaman ang sakit.
Tinignan ko ang liwanag na lumulutang sa kamay ko. Tama na ang laki nito para sa kanilang apat. Mas lalo akong napangiti.
Mga hayop na mortal. Mga walang kwenta nilalang.
"Paalam," nakangiti kong sabi.
Pero bago ko pa ma-ihagis sa kanila ang mahika ko, nagulat ako nang may biglang humawak sa kamay ko. At sa pagdikit ng palad niya sa pulso ko, parang isang apoy na naupos ang mahika ko.
Napalingon ako sa nilalang na nasa tabi ko at parang biglang nanlambot ang tuhod ko nang makita ko kung sino ito.
Nginitian niya ako. Isang magandang ngiti.
"I've been looking for you," sabi niya sa akin. "Buti na lang nahanap na kita."
Zyron.
Inakbayan niya ako at muling nginitian. Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko nawala ang boses ko.
"Let's go?" tanong niya, at tumango ako.
Naka-akbay pa rin siya sa akin nang talikuran namin ang apat na lalaking mortal.
"Teka, sandali lang!" sigaw nung isa.
Nilingon siya ni Zyron, "may problema ba?"
Nagtaka ako dahil biglang nanlaki ang mata nung apat na lalaki at bigla na lang silang nagkakaripas ng takbo.
Napatingin ulit ako sa harapan namin at nagulat ako ng makita kong may limang lalaking may hawak na baril ang nakatutok doon sa apat na mortal kanina, kaya sila nagkakaripas ng takbo.
Inalis ni Zyron at pagkaka-akbay sa akin at hinawakan ako sa braso.
"Halika," seryoso niyang sabi at hinatak niya ako.
Biglang nawala na parang bula ang limang lalaking may hawak na baril.
Ilusyon.
Isa lamang silang ilusyon na ginawa ni Zyron upang takuin yung mga mortal kanina.
Bigla akong isinandal ni Zyron sa pader at iniharang niya ang braso niya sa gilid ko upang hindi ako makaalis. Tinitigan niya ako sa mata at kita ko ang galit sa mga tingin niya.
"Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo? Paano ka nakatakas?!"
Hindi ko sinagot ang mga katanungan niya, "bakit mo nilalagyan ng harang ang mga lugar na pinupuntahan mo? Bakit ka nagtatago sa akin, Zyron?!"
"Sagutin mo 'ko! Paano ka nakatakas?! O pinadala ka rin ni Hades dito?"
"Ano ang pinapagawa sa'yo ni Hades?"
"Sagutin mo 'ko, Ayesha!"
Napapikit ako sa pagtataas ng boses ni Zyron. Damang dama ko ang galit niya. At hindi ko maintindihan kung bakit.
"M-may tumulong sa akin. Hindi ko alam kung sino. N-narinig ko ang tinig ng isang babae at sinunod ko ang lahat ng sinasabi niya kaya ako nakalabas."
Mas lalong naging seryoso ang mukha ni Zyron.
"Anong ipinapagawa sa'yo ni Hades, Zyron? Alam kong hindi mo ginugusto 'tong mga nangyayari. Pinagbantaan ba niya ang buhay mo?" hinawakan ko ang braso niya. "Sumama ka sa akin. Itatago tayo nina Cupid. Tutulungan nila tayo at alam ko hindi nila tayo pababayaan. Si Jillian, kaya niyang putulin ang sumpa. Sumama ka sa akin---"
Bigla niyang tinabing ang pagkakahawak ko sa braso niya at nginitian ako.
Isang malamig na ngiti na mas nagpalambot sa buong katawan ko.
Hinawakan niya ang baba ko at inangat niya ito para matigan ko siya ng diretso sa mata.
"Makinig ka sa akin, Ayesha. Nasa panig ako ni Hades at ginagawa ko ang mga inuutos niya para sa sarili ko. Pinangakuan niya ako ng isang bagay na gustong gusto kong makuha kaya ginagawa ko ito. Maswerte ka't nakatakas ka, kaya wag ka nang magpaka-tanga. Kesa makielam ka ay mas maiging tumakas ka na ngayon pa lang."
"Hindi ako naniniwala sa'yo," nangangatog kong sabi habang nangingilid ang luha sa mga mata ko. "A-anong bagay yun, ha? Anong bagay ang pinangako sa'yo ni Hades? Kapangyarihan? Kaya ba meron ka na nito? Ano pa? Ha? Pinangakuan ka ba niya ng lugar sa tahanan niya?! Ano, Zyron! Ano ang ipinangako niya sa iyo para saktan mo ulit ang kapatid mo?!"
Ibinaba niya ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko at tinign ako ng diretso sa mata.
"Si Jillian. Siya ang ipinangako niya."
Tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ko.
Si Jillian.
Si Jillian...
"Buhay ng babaeng mahal ko ang kapalit at ayun lang ang tanging hinihiling ko. Ang maligtas siya."
Tinitigan ko sa mata si Zyron habang sinasabi niya ang bagay nay un. Kita ko ang pagsasabi niya ng totoo. Kita ko ang emosyon sa kaninang malamig na mga tingin niya.
At kung paano niya ako tignan ngayon...
Napaayos ako ng tayo. Huminto ako sa pag iyak at pinunasan ko ang luha sa mga mata ko.
"Hindi ako lalayo," sabi ko kay Zyron. Bahagya siyang napahiwalay sa akin at ibinaba niya ang brasong nakaharang sa gilid ko.
"Hindi ako lalayo, Zyron," paguulit ko. "Tutulungan ko sina Jillian at Cupid na wakasan ang sumpa. Tutulungan ko silang maging masaya ni West. Tutulungan ko sila."
Hindi umimik si Zyron at tinalikuran niya ako.
Hindi ko na rin siya tinawag at naglakad ako sa kabilang direksyon.
Pabalik kina Jillian.
~*~
JILLIAN.
"Nakakaloka. Bakit ba ako nakababa-baba sa mundo ng mga mortal? Pinapasakit ko lang ang bangs ko sa dami ng problema. Gusto ko tuloy gumimik," sabi ni Hedone sa akin nang pasukin niya ako sa kwarto ko.
"Oh ano, tapos mo nang pagalitan si Ayesha?" tanong ko sa kanya.
Kanina nang bumalik si Ayesha rito, katakot-takot na pangaral ang inabot niya kay Hedone. Akala mo nanay na pinapagalitan ang anak dahil tumakas.
At si Ayesha, ayaw magsalita kung nakausap ba niya si Zyron o hindi. Pero isa lamang ang sinabi niya sa amin---handa siyang tulungan kami kahit anong mangyari basta masira lang namin ang sumpa. At yung pagkakasabi niya nun, parang buong buo na ang desisyon niya. Parang ready to fight na siya kung sakali mang bisitahin na kami ni Hades dito.
"Pinalayas ako sa kwarto niya at nagkandado! Ang sakit niya sa bangs! Gigimik talaga ako ngayon! Isasama ko si Ian."
"Si Ian?"
Nginisian niya ako, "gusto ko rin siyang makausap about sa ability niya na makita ang koneksyon ng mga taong nakatadhana sa isa't-isa. Malay mo makita na niya kung sino ang para sa akin."
Napailing na lamang ako at bago ko pa ma-kontra si Hedone, nawala na siya sa harapan ko.
May pinagmanahan talaga ang isang yun. At kawawang Ian, bukod sa alam kong hindi siya tatantanan ni Hedone dahil sa kakayahan niya, halata ko rin na type siya ni Hedone.
Kaya mukhang hindi na matatahimik ang buhay ni Ian. Kawawa naman ang isang yun. Mabait pa naman.
Napahiga ako sa kama ko at napapikit. Sa pagpikit ko, nag play na naman sa utak ko ang mga nangyari kanina.
Ang mga sinabi ni Zyron... ang paghalik niya sa akin.
I balled my hand into fist at ramdam na ramdam ko ang inis sa buong katawan ko.
Hayop na Zyron. Hayop na Hades. Kapag na-break ko ang curse, sisiguraduhin kong hinding hindi na nila kami magugulo ni West.
Gagawin ko ang lahat, kahit ang makipag bargain kay Aphrodite basta wag na wag na nila kaming guguluhin.
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Yayayain ko sana si Hedone pero wala siya sa condo ko nang magising ako.
Saan naman gumimik ang isang yun?
"Morning!"
Speaking of the devil.
Nakita ko si Hedone na naglakad papasok. Yung suot niya ngayon ay yung suot suot niya rin kagabi nang umalis siya. Pero kahit ganoon, ang bango pa rin niya at fresh na fresh ang itsura niya.
Nagulat ako nang makita kong nakasunod sa kanya si Ian. Kung ano ang ikina-fresh ni Hedone, halata namang puyat na puyat at walang tulog si Ian.
"A-ara, nawian mo sa kotse ko!" sabi ni Ian at inabot niya ang purse na pula kay Hedone.
"Ay! Oo nga. Kaninang umaga ko pa hinahanap. Na-iwan ko ata sa kotse mo kagabi bago tayo umakyat sa apartment mo."
Pare-pareho kaming napalingon sa kanila dahil sa sinabi ni Hedone and Ian's face went deep shade of red.
"Aba aba aba!" sabi ni Edgar at tumayo siya sabay akbay kay Ian. "Umaariba ka pre ah."
Tinabing ni Ian ang pagkaka-akbay ni Edgar sa kanya at yukong yuko na pumunta doon sa pwesto niya.
I catch Hedone's eyes at nang magtama ang tingin naming, she winked at me.
Napailing na lang ako.
Ano naman kayang pang to-torture ang ginawa ng babaeng 'to sa kawawang si Ian?
"Jillian, pinapatawag ka ni sir West sa taas," sabi ni Elise.
Napangiti ako.
Hinahanap na ako ng bebe ko.
"Okay! Paakyat na!"
Dali dali akong umakyat sa floor ng mge executives at dumiretso sa opisina ni West.
"Pasok ka lang," nakangiting sabi nung secretary niya.
Aba, naka-ngiti. Baka good mood.
Kumatok ako bago pumasok at nadatnan ko si West na may binabasang libro. Yung sample book na irerelease namin.
Mukhang alam ko na kung bakit ako pinapunta dito ah.
Ano na namang typo ang nakita niya sa librong yun?
"Sir West, good morning po," nakangiti kong bati. Mabait muna ako ngayon tutal siya ang nag alaga sa akin nung nalasing ako.
Inangat niya ang tingin niya sa akin at nagulat ako kasi hindi galit ang nasa mga mata niya.
Pagod.
"Ms. Evangelista, please take a sit."
Bakit ang formal niya?
Naupo ako sa silya na nasa tapat ng lamesa niya. Ibinaba niya ang librong binabasa niya at tinignan niya ako.
"I'm firing you."
Napaayos ako bigla ng upo, "W-what? B-bakit po?! May nagawa ba ako?!"
Umiling siya, "basta. This is my company at pwede kong patalsikin ang kahit na sino."
"Pero sir, a-ang unfair naman po nun."
Napaiwas siya ng tingin.
"Gusto kang paalisin ni Sasha. Don't worry, I know another publishing company and I will write you a recommendation letter."
Napapikit ako.
Pinili niya si Sasha. He chose her over me.
Iminulat ko ang mga mata ko at tinignan ko si West.
"Dahil ba nag seselos siya sa atin? Ha? Dahil nakikita ni Sasha sa mga mata mo na mahal mo ako kaya gusto mo akong paalisin?!"
"I don't love you," malamig na sabi niya sa akin. "Saan mo naman nakuha yun ha? Wag kang mag-ilusyon, Jillian."
Napatayo ako at ipinatong ko ang dalawang palad ko sa lamesa ni West at tinitigan ko siya.
"Hindi ako nag iilusyon. Alam mo kung ano ang ilusyon, ha, West? Yung iniisip mong galit ka sa akin. Yung iniisip mong si Sasha ang mahal mo. Yun ang ilusyon!"
Napatayo rin si West at ipinatong niya rin ang dalawang kamay niya sa lamesa at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Ngumisi siya.
"Ang lakas mong mangarap. Damang dama ko ang galit ko sa'yo, Jillian. Kaya napakadaling desisyon para sa akin na paalisin ka sa kumpanyang 'to!"
Ngumisi rin ako.
"Damang dama? Kaya pala nung nalasing ako, ipinagluto mo pa ako. Binilhan mo ako ng damit. Nagaalala ka na baka magkasakit ako at binilhan mo pa ako ng gamot. At wow, ang dami mo pang nilutong almusal non, ha. Galit ka nga talaga sa akin. Damang dama ko rin, West."
"I—I'm concerned about our deadlines! Kapag nagkasakit ka magiging cause of delay pa!"
"Wushu! Utut mo! Wag ka! Mahal mo ako West! Mahal na mahal mo ako at kahit naguguluhan ka, ayun ang totoo. Mahal na mahal mo ako to the point na handa kang mamatay para sa akin at ganun din ako sa'yo. I love you, West. At para matapos na ang kaguluhan na 'to, just admit that you love me too!"
"I hate you," he breathed.
And before I could even react, he grabbed the back of my head and pulled me near him. Hinalikan niya ako ng madiin and I immediately responded to his kiss.
"I hate you so much," he told me in between our kisses.
Ang laking harang ng lamesa sa pagitan naming kaya sumpa ako rito patawid sa kabilang side kung saan naroroon si West.
Inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko habang nasa batok naman niya ang dalawang kamay ko.
At sa bawat pag halik niya sa akin, patuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.
"I hate you," he whispered.
Napahikbi ako and he silenced my cry with a kiss.
"I love you, West," sagot ko sa kanya.
Humiwalay siya ng bahagya sa akin at pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"I hate you because you are making me insane. I hate you for making me feel like this. I hate you Jillian, I hate you because you are right. I am in love with you."
Napahagulgol na lamang ako ng iyak nang marinig ko ang sinabi ni West.
"I am so in love with you, Jillian at lahat ng mga sinabi mo ay tama."
And with that, he again silenced my cries with a kiss.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top