Thirty Second Shot
Thirty Second Shot
JILLIAN.
"Mukha kang zombie," sabi ni Cupid pagka-uwi ko sa bahay.
Tinignan ko ng masama ang hinayupak na nilalang na 'to.
"Ikaw kaya ang may apat na manuscript na i-proofread! Sangkatutak pa na typo ang nandoon. Sinadya niya talaga yun, eh! Enjoy na enjoy siyang pahirapan ako! Tapos habang nagpapakahirap ako sa pag p-proofread, siya naman pa-kape kape na lang kasama si Sasha landi! Bwiset!"
Ibinato ko ang bag ko sa sofa, at sumalampak ako doon. Ang sakit ng batok at likod ko. Pagod na pagod ang mga mata ko kakabasa. At pati feelings ko nasasaktan din. Makita ko ba naman kaninang umaga si West na halikan ni Sasha at ang sweet pa nila. Gusto kong manabunot. Gusto kong pagbuhulin ang bituka niya kasama na sina Hades at Zyron!
May manliligaw pa ata akong guard na ang pangalan ay Pedring. Sukat abutan ako ng isang libo pambili ng hapunan. Malamang di ko tinanggap. Mamaya mag assume si Mang Pedring.
"So ano na? May narating na ba ang pang se-seduce mo kay West?"
Sumimangot ako, "wala! Dedma ang lolo niyo. Ganda ganda ko kanina pag-pasok ko, eh. Sukat tambakan ako nang tambakan ng trabaho. Gusto ko na nga lang mag hubad sa harapan niya. Malay mo biglang bumalik ang alaala pag nakita ang katawan ko."
"Gawin mo na kasi. Para hindi na tayo nahihirapan dito."
"Wow ha. Ako lang kaya nahihirapan dito. Habang ikaw nandito lang sa bahay at pakain-kain lang."
"Binabantayan ko si Ayesha na ngayon eh wala pa ring malay."
Napaayos ako bigla ng upo.
For a moment, nawala sa isip ko na nandito pala sa pamamahay ko si Ayesha.
Bigla na namang bumalik ang kaba sa dibdib ko.
Pare-pareho kaming walang idea kung bakit nandito si Ayesha. Kung bakit bumalik siya at bakit buhay pa siya kung kitang kita nang dalawang mata ko kung paano siya namatay.
Nakakatakot dahil hindi ko alam kung ano na naman ang plano niya.
Yung fact na si Hades na ang humahadlang sa amin, ang hopeless na ng pakiramdam ko. Tapos dadagdag pa si Ayesha.
At isa pa yun.
Nakakatakot kasi parang ang tahimik ni Hades.
Imposibleng hindi niya alam ang mga moves namin ni Cupid. Imposibleng hindi niya kami nakikita.
He is, after all, one of the most powerful gods.
At kung gugustuhin niyang kunin ako o si West, hindi na niya kailangan pang dumaan sa mga ganitong bagay.
Feeling ko nga isang kumpas niya lang ng kamay niya, nasa underworld na kami.
Pero bakit? Ano ba talaga ang plano niya?
"Jillian," tumayo si Cupid at napansin kong naging seryoso ang expression sa mukha niya. "Kailangan kong umalis."
"H-ha? Pero bakit?"
"Nararamdaman ko ang presenya ni Ayesha na unti-unti nang nawawala. Kung hahayaan natin 'to, baka tuluyan na siyang pumanaw. Kailagan kong manghingi ng tulong."
"T-teka... Cupid alam kong masyadong masama itong itatanong ko pero, d-dapat ba natin siyang iligtas? Hindi ba tayo mapapahamak? I mean, hindi natin alam kung ano ang intensyon ni Ayesha."
"Yun nga. Hindi natin alam kung ano ang intensyon niya at hindi natin ito malalaman kung hindi natin siya gigisingin. Jillian, iba ang pakiramdam ko rito. Parang may mali. Hindi ko maisip kung paano niya magagawang makabalik dito. At kung bumalik man siya para kay Zyron, hindi tayo ang sasaktan niya dahil wala nang nakadugtong na tao sa kapalaran ni Zyron."
Napatahimik ako at napabuntong hininga.
"Sige. Kung ayun ang sa tingin mong tamang gawin."
"Ama."
Napalingon ako kay Hedone na kalalabas pa lang sa kwarto niya. Nilapitan niya kami ni Cupid.
"Ikaw muna ang bahala," sabi ni Cupid sa kanya.
Tumango si Hedone.
"May nahanap ako na pwedeng makatulong sa atin, ama."
"Sino?"
Napangiti nang malawak si Hedone.
"Basta, kailangan ko munang imbestigahan si pogi."
Nanliit bigla ang mata ni Cupid.
"Hedone, sino na naman 'to?"
"Si Ian ba 'to?" tanong ko sa kanya.
"Sinong Ian 'to?!" galit na tanong ni Cupid.
"Basta! Kung tama man ang hinala ko, malaki ang maitutulong sa atin nitong pogi na 'to."
"Siguraduhin mo lang na kaya mo siya iniimbistigahan ay dahil sa may maitutulong siya hindi dahil type mo siya. Pareho pa naman kayo ng ugali nitong si Jillian."
"Oy grabe ka ah!" sabi ko. "Maka judge 'to!"
"Basta ama, ako na ang bahala sa kanya. At ako na rin ang bahala kay sleeping witch. Kaya gumora ka na sa pupuntahan mo," nilingon ako n Hedone sabay kindat.
Napangiti na lang ako.
May pakiramdam kasi ako na may gagawin siyang kalokohan habang wala ang kanyang ama.
~*~
Kinaumagahan, sabay kaming pumasok ni Hedone. At jusko, kaparehong kapareho niya ang tatay niya. Ayaw gamitin ang hocus pocus niya para mabilis kaming makapunta sa opisina. Commute kung commute ang peg
Tinigilan ko na rin ang pagdadala ng kotse kasi bukod sa lugi na ako sa gas gawa ng traffic, ang mahal pa ng parking fee doon sa building ng opisina namin. Nakakapulubi.
Kaya naman pagpasok ko sa opisina, mukha akong bruha. Dahil bukod sa stress na stress ako at wala nang tulog, ang ganda ganda pa nitong katabi ko kaya nagmumukha akong basahan sa tabi niya.
Minsan napapaisip ako kung may lahi ba talaga akong dyosa. Bakit sila ang gaganda at ang kikinis? Samantalang ako may malaking pimple sa noo?
"Girl mag make-up ka," sabi ni Hedone habang papasok kami sa office.
"Ayaw! Wala ako sa mood mag ayos. Tsaka na ako magpapaganda kapag natapos ko 'tong mga manuscripts na pinapa-proofread sa akin ni West."
"Jillian, you're here!" salubong sa akin ni Elise. "Hinahanap ka ni sir West."
Juskolord. Kung nung una may excitement pa tuwing hinahanap ako, ngayon nabu-bwisit na ako. May idadagdag pa ba siya sa mga ipapagawa niya sa akin? Pagod na pagod na ako.
Two days na lang ang natitira sa deadline ko at sa apat na manuscript, dalawa pa lang ang nagagawa ko. Hindi ko alam kung paano pagkakasyahin ang oras ko. Kung bibilisan ko naman ang basa ko, malamang sa dami ng typographical and grammatical errors dito, meron akong ma-mi-missed out. At pag may mali ako, malamang ipapatawag niya ulit ako at papagalitan. Imbes na mahulog si West sa akin, mas lalo pa siyang magkakaroon ng dahilan para kainisan ako.
Grabe. Three days pa lang ako dito sa trabaho ko pero parang drained na drained na ako.
"Sige Elise akyat muna ako kay Sir West," sabi ko sa kanya.
Tinapik niya ako sa balikat.
"Ayos ka lang? You look pale."
I tried to give her a smile.
"Ito pala si Ara, first day niya," sabi ko sabay turo kay Hedone.
"Hi Ara! Halika, ipapakilala kita sa kanila."
Nginitian siya ni Hedone at pumasok sila sa loob ng opisina. Ako naman, umakyat sa seventh floor para puntahan si West.
Kumatok ako at nang marinig ko ang boses niya na pinapapasok na ako, pumasok ako sa loob.
"Good morning, sir!" bati ko at pilit akong ngumiti kahit walang wala ako sa mood.
"Morning," bati niya without looking at me. Nakapako ang tingin niya sa screen ng laptop niya
"Tawag niyo raw po ako?"
Inangat niya ang tingin niya sa akin.
"I have a meeting on Friday afternoon."
"Okay po?"
"I need the manuscripts by Friday morning para ma-check ko na before the meeting."
Pakshet.
Napapikit ako. Huminga ako nang malalim.
Drained na ako. Nakakapagod. Feeling ko sa pinapagawa niya gusto na niya akong mamatay.
O gusto na niya akong sumuko.
Pero hindi pwede.
Shit, Jillian. Wag kang bibigay. Habaan mo ang pasensya mo. Hindi lang buhay mo ang nakasalalay dito kundi pati buhay ni West.
Pero nakakainis naman na pagsubok 'to, oh. Why do he have to hate me so much?
"Ano? Kaya pa, Jillian?" tanong niya na para bang nanghahamon pa.
Nginitian ko siya.
"Yes sir. Okay lang po. Sige po, umpisahan ko na po."
Tinalikuran ko na siya at tuloy tuloy akong lumabas mula sa opisina niya. Nanginginig ang buong katawan ko hindi sa galit kundi sa pagod.
"Jillian, are you okay?" tanong ni Lissa, yung secretary ni West.
Tumango ako at pilit na ngumiti.
"Oo naman."
"Sure ka? You look sick. May gamot ako rito."
"It's okay. I'm fine," nginitian ko siya at nagpaalam na ako.
Pagbaba ko sa office namin, nakita ko naman na pinagkakaguluhan na ng mga boys si Hedone at iniinterview na siya nang mga 'to. Well maliban kay Luke na ever loyal kay Elise. Si Edgar naman pasulyap sulyap lang pero hindi niya rin nilalapitan. Himala at matino na ang unggoy. Iba talaga nagagawa nang may asawa na. At si Ian na busy mag-trabaho.
Tinignan ko si Hedone na enjoy na enjoy sa atensyong nakukuha niya. Manang mana talaga kay Cupid ang isang 'to.
Bago kami umalis kanina, humingi ako sa kanya nang tulong kung pwede ba niyang gamitan ng hocus pocus ang mga manuscripts na 'to. Kaso sabi niya kabilin-bilinan ni Cupid, wag siyang gagamit nang kahit anong mahika dito sa loob ng opisina dahil nga nandito si Zyron at maaring ma-trace niya kami.
Kaya no choice talaga ako kundi gawin ang mga trabahong naka-tamabak sa akin.
Naupo ako sa pwesto ko at sumilip sa kabilang table kung saan naka-pwesto si Ian.
"Oh Ian, bakit hindi ka nakiki-join sa mga boys sa pag i-interview kay Ara?" tanong ko rito.
Nakita ko ang biglaang pamumula ng tenga ni Ian at mas lalo niyang itinago ang mukha niya sa likod ng monitor ng desktop niya.
"Hi Ian!" bati ni Hedone na ngayon ay nakapwesto na sa likuran ko.
Kumaway lang nang bahagya si Ian sa kanya.
"I know na introduce ka na ni Jillian sa akin yesterday, but anyway baka nakalimutan mo, I'm Ara nga pala," inilahad ni Hedone ang kamay niya rito.
Tinignan siya ni Ian. Pulang pula ang mukha nito. Hindi siya nakipag shake hands instead, tumayo siya at nag excuse. Dire-diretso palabas ng opisina.
Nagkatinginan kami ni Hedone.
"Girl, maganda naman ako," sabi niya.
"Baka natakot sa kagandahan mo," sagot ko.
Nung lunch break namin, dating gawi, sa desk ko ako kumain dahil hindi ko pwedeng bitiwan ang ginagawa ko. Si Hedone naman, nahatak si Ian para sabayan siyang kumain.
Ang sakit sakit na nang ulo ko. Hindi ko na na-a-absorb ang mga binabasa ko. Hindi ko rin naman matayuan.
Pagka talagang bumalik na ang alaala ni West, kailangan niyang bumawi nang bonggang bongga sa akin.
"Ma'am kape."
Napalingon ako at nakita ko si Mang Rolan, yung guard na naka-duty ngayon.
"Pinabibigay po ni Pedring," nakangiting sabi niya.
Napakunot ang noo ko.
"Naku Mang Rolan, pasabi kay Mang Pedring, hindi niya ako madadaan sa mga pa-kape kape niya. May jowa na 'ko, sabihin mo. Wag na siyang manligaw sa akin."
Lumungkot ang mukha ni Mang Rolan, "pero ma'am---"
"Eh naku manong, marami pa ho akong ginagawa. Ibalik niyo na sa kanya yang kape na yan."
Malungkot na lumabas si Mang Rolan dala dala ang kape.
Tsaka na ako mag s-sorry para kay Pedring.
Focus muna Jillian. Focus.
Lumipas ang ilang oras. Hindi ko namalayan na uwian na pala. Umuna sa akin si Hedone at binulungan niya ako na susundan niya si Ian. Ako na naman ang naiwan na lang mag-isa sa office.
Dalawa pang manuscript. Friday ng umaga ang deadline. Ang kakapal pa naman nito. Ang sama na rin ng pakiramdam ko.
Ang sarap sumuko.
Pumikit ako at inalala ko si West noon. Nung mga panahong akala ko ibang tao ang nakatadhana sa kanya.
Ilang beses ko siyang pinagtulakan palayo. Ilang beses kong sinabi na wala siyang pag-asa. But still, hindi siya sumuko agad.
Inalala ko yung panahong nasa Japan kami. Nung ako ang hindi makaalala. Yung mga panahong sinusungitan ko siya pero pilit niya pa rin akong nilalapitan. Yung ilang beses niya pinadama kung gaano niya ako ka-mahal.
Napahinga ako nang malalim at naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.
Damn West, I miss you so much. Bumalik ka na sa dati, please.
Huminga ako nang malalim at itinuloy ko na ang ginagawa ko.
Natapos ko ang isang manuscript kaso mga 4am na ako nakauwi. Natulog lang ako ng isang oras at after nun, pumasok na ulit ako.
Ang bigat bigat na nang pakiramdam ko pero pilit kong itinatatak sa utak ko na maliit na sakripisyo lang 'to para sa amin ni West.
Kaya ko 'to.
Buong araw, ilang tao ang lumapit sa akin para tanungin kung okay lang ba ako. Halos hindi ko na rin sila masagot dahil nagmamadali ako. Kinakabahan na baka hindi ko mai-submit on time itong manuscripts.
Nakikisali pa si Mang Pedring, kung sino man siya, na may pinapaabot ng sandwich at gamot para sa'kin. Syempre 'di ko tinatanggap. Mamaya tauhan na pala ni Hades yan at may kung ano sa mga pagkaing pinapaabot niya.
Mga 3am, natapos ko ang manuscript. Agad kong dinala ito sa desk ng secretary ni West para siya na lang ang mag-abot sa kanya. Mukhang sa sobrang antok ko, ma-late ako bukas.
Bahala na kung mapagalitan. Basta natapos ko ang pinapagawa niya.
Jusko, natapos na rin. Akala ko mamamatay na ako, eh.
~*~
Nagising ako sa tunog ng phone ko. Nakita ko na 9:30am na. Late na late na ako.
I checked my phone. Tumatawag si Elise.
Agad kong sinagot.
"Hello Elise? Sorry late ako. 3am na ako nakauwi, eh. Kakagising ko lang."
"Jill, bilisan mo. Pumunta ka na rito. Galit na galit si Sir West."
Napapikit ako.
Ano na naman?!
Nagawa ko naman ang pinapagawa niya ah?
What do you expect, Jillian? He's brainwashed to hate you.
Napalunok ako.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Wala nang kain kain at ayos ayos. Kumuha na lang din ako ng taxi para mabilis akong makarating sa opisina.
Pag dating ko doon, dumiretso na ako sa office ni West.
Yung tingin pa lang sa akin ni Lissa, yung secretary niya, I know I'm in big trouble.
"Sir West?" sabi ko nang makapasok ako sa office niya.
Agad na umangat ang tingin niya at nakakunot ang noo niya.
Tumayo siya at kinuha ang mga manuscripts na sinubmit ko.
Lumapit siya sa akin at ibinagsak ito sa harap ko.
"Unang manuscript pa lang ang binabasa ko, ang dami nang mali. Are you really doing your job?"
Napayuko na lang ako.
"Ano ba Jillian. Eversince, never umayos ang mga trabaho mo. Kung hindi lang dahil kay dad, hindi kita kukunin. Pero hindi ka man lang nahiya. Sana nagsipag ka man lang ngayon, di ba? Pinatunayan mo sana na mali ang impression ko sa'yo. But no."
Napakuyom ako.
Gustong gusto ko siyang sagutin. Sumbatan. Sigawan.
Pero para saan pa?
Kahit anong sabihin ko sa kanya, lalabas lang sa tenga niya dahil ayun ang ginagawa nina Zyron sa kanya ngayon. They made him hate me at ang sakit sakit sakit tignan ni West na puno ang galit sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Yung the way he looks at me, para ako na ang pinaka tanga at pinaka nakakainis na tao na na-encounter niya.
Ang sakit naman nito.
Si West, sinisigawan niya ako. Dinuduro niya ako. Galit na galit siya sa akin.
Bakit ganito? Bakit parang hindi na pagsubok 'to? Pakiramdam ko parang pinaparusahan ako, eh.
Napahinga ako nang malalim at bumagsak na ang luha sa mata ko.
Agad akong napayuko at mabilis na pinunasan yung luha ko.
"Sorry sir, aayusin ko na po," sabi ko sabay kuha ng mga manuscripts na ibinagsak niya sa paanan ko.
"Jillian.. why?"
Napaangat ang tingin ko. West look frustrated.
He took a step forward at hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko at pwersahan akong itinayo.
"Aray, West..."
"Why Jillian?!"
"W-West..?"
"Jillian, alam mong sinasadya ko 'to! Alam mong pinapahirapan kita dahil ayokong nandito ka. Ayokong nakikita ka dahil ginugulo mo ang utak ko. But why?! Why are you enduring this?! Why are you enduring me?! Ba't hindi ka lumalaban?! Hindi ka umiimik?! Hinahayaan mo lang lahat nang 'to! Why?!"
Napalunok ako dahil pakiramdam ko any minute tutulo na ang luha sa mga mata ko.
West kung alam mo lang kung bakit. West please bumalik ka na. Alalahanin mo na please.
West, I miss you.
"Jillian.."
Bigla akong nakaramdam ng hilo. Parang umiikot ang paningin ko. Naramdaman ko ang panlalambot nang tuhod ko and I tried to use his arm to steady myself. Pero bago ko pa siya mahawakan, tuluyan na akong bumagsak at nawalan nang malay.
To be continued..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top