Thirty First Shot
Thirty First Shot
JILLIAN.
"Mainit na naman ulo ni boss," sabi sa'kin ng secretary ni West pag akyat ko sa opisina niya.
Napahinga ako nang malalim. Ano na naman ang ikina-iinit ng ulo niya? Second day ko pa lang sa trabaho, mainit na agad ang ulo niya sa akin.
Dati naman umabot ako ng isang buwan bago niya ako sinisigaw-sigawan. Pero ngayon aba, dalawang araw lang, lagi na agad akong na p-principal's office.
Ganun na ba talaga siya ka-atat na makita ako kada umaga kaya naman gumagawa siya palagi ng dahilan para pagalitan ako?
Hay naku West, style mo bulok. Nagawa mo na 'yan dati. Wala na bang bago?
Kumatok ako sa opisina niya.
"Come in," dinig kong sabi niya.
I opened the door at bumungad sa akin gwapo pero naka-simangot na mukha ni Sir West. Nakatayo siya habang nakasandal sa table niya at naka-pamewang. Seryoso siyang nakatingin sa akin at halos mag-salubong na ang dalawang kilay niya.
Ganyan! Ganyang ganyan ang madalas niyang expression dati kada pinapatawag ako sa opisina! Pero yun pala inlababo sa akin!
Nginitian ko siya.
"Good morning, sir!"
Mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay niya.
"Old habits die hard," he told me coldly. "Ano Ms. Jillian Evangelista, lagi ka na lang bang late sa trabaho?"
Napatingin ako sa orasan ko.
"Sir, I'm thirty minutes early."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Pero sa dami ng dapat mong gawin, nakuha mo pang pumasok ng ganyang oras?"
Napatingin ako sa sahig at huminga nang malalim.
Alam kong kaya nagiging jerk 'to sa akin ngayon ay dahil sa kagagawan ni Hades at Zyron. Pero syempre naman, may dugong dyosa man ako, may pusong mortal pa rin ako. Marunong akong masaktan.
Nakakainis, ah? Late na ako umuwi kagabi dahil sa trabaho. To think na first day ko yun. Tapos ngayon nag e-expect siya na maaga ako papasok?
"Sir late naman po ulit ako uuwi mamaya, eh," pagdadahilan ko.
"Good," sabi niya at punta siya sa likod ng lamesa niya at binuksan niya ang drawer niya. May inilapag siya na isang folder na may makapal na papael.
Napalunok ako.
Pakshet parang alam ko na 'to.
"I-proofread mo," utos niya.
"K-kelan po ang deadline?"
"Sa Friday rin kasabay nung apat pang manuscript."
"H-ha? Uhmm, hahatiin ko po ba kay Hedone yung manuscript?"
"Hedone?"
"I-I mean Ara. Y-yung ininterview mo po rito? Yung bagong hire?"
He smiles.
"Ah si Ara? She's a graphic artist not a proofreader."
"P-pero sir, hindi ko naman po kaya ang limang manuscript na deadline sa Friday na."
"Why? Kaya nung dati kong na pinalitan mo. Bakit ikaw hindi mo kaya?"
Sinungaling! Wala akong pinalitan kasi ayaw mong mag hire!
"Ano? Kaya mo ba? Just tell me, pwede naman akong kumuha ng ibang proofreader."
Nginitian ko siya.
"Oo naman po sir! Kayang kaya!" kinuha ko sa lamesa yung manuscript.
Nginitian niya rin ako.
"Good. Sige na bumaba ka na at umpisahan mo na 'yan."
Tumango ako kahit bad trip na bad trip ako.
"Ah, sir?"
"Hmm?" tugon niya without looking at me. Nakapako na ang tingin niya sa kanyang laptop.
"N-nag breakfast ka na po ba?"
Inangat niya ang tingin niya at nagulat ako dahil nginitian niya ako.
A genuine smile.
Napangiti rin tuloy ako.
"Coffee for you!"
Napalingon ako bigla sa nagsalita sa likuran ko at nakita ko si Sasha na may dala-dalang kape at brown bag.
Napayuko ako bigla.
Akala ko naman sa akin nakangiti.
"Wow, breakfast natin?" masiglang sabi ni West.
"Yep! Bagel and cream cheese for me, and pancakes for you."
Inilapag ni Sasha ang dala niyang paper bag and she gave West a quick kiss.
Tumalikod na ako at dire-diretsong lumabas without saying a word.
Ang bigat sa dibdib.
Kung paano ako tignan ngayon ni West at kung paano niya tignan si Sasha.
He's looking at her with love and joy samantalang sa akin, kapag nakikita niya ako, laging nakakunot ang noo niya, iritable, inis, galit.
Nakaka depress din pala?
Alam mo yung kahit alam ko naman yung totoo. Kahit alam kong hindi kagustuhan ni West ang nangyayari. That he is being controlled. But still, tagus-tagusan naman ang sakit.
Dahil sobrang sakit talaga makita ang lalaking mahal mo na nagmamahal ng ibang tao.
Dire-diretso akong pumasok sa elevator at napatingin ako sa reflection ko doon.
Nangingilid ang luha sa mga mata ko. Mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa.
Ano ba, Jillian. Tumino ka. Bawal mukhang stress at haggard. Kailangan lagi kang maganda.
You need to make him fall in love with you.
Dyan nakasalalay ang lovelife mo---at ang kaligtasan niyong dalawa ni West.
Kaya smile. Magtrabaho ka. Tapusin mo ang deadline at ipakita mo sa kanya na hindi mo aatrasan lahat ng ipagawa niya sa'yo.
Oo. Hindi talaga.
Mamamatay muna ako bago may gawing masama si Hades at Zyron kay West.
Napalunok ako at pinunasan ko ang nangingilid na luha sa mata ko.
Bumaba ako sa elevator at dumiretso sa table ko para magsimulang mag trabaho.
Pasalamat ka talaga West, mahal na mahal kita.
~*~
WEST.
"Sir West, ito na po yung printed copy ng manuscript ng Serenity Club," sabi ni Ian, isa sa mga editors ko. Inilapag niya ang folder sa lamesa ko. "Pinadaanan ko po ulit ng isang basa 'yan kaya po if may typographical or grammatical errors man, sobrang minimal na lang."
Tumango ako, "okay good. Kindly give Jillian a copy. Sabihin mo na need na rin niyang i-proofread ito."
Inangat ko ang tingin ko kay Ian and he seemed hesitant.
"Yes Ian?" tanong ko sa kanya.
"Uhmm, sir, kay Faye ko na lang po kaya ibigay? Since mas senior naman po siya kay Jillian and marami na po kasing pino-proofread si Jillian na manuscripts."
"Bakit? Nag rereklamo na ba siya sa inyo?"
"H-hindi po. Hindi. Wala nga po siyang sinasabi. Tahimik lang siya na nagt-trabaho. Nakita ko lang po na lima-lima na yung manuscript na nasa desk niya. Tapos hindi pa po siya bumaba para mag lunch. Hindi pa nga po siya kumakain, eh."
Napaiwas ako nang tingin.
"May deadline siya na hinahabol."
"Baka naman po ma-deds na siya niyan."
Kinunutan ko ng noo si Ian.
"Sige na, kay Faye mo na ibigay 'yan."
"Sige po, sir."
Tumalikod na si Ian at akmang lalabas na pero muli siyang lumingon sa akin.
"S-sir?"
"Yes?"
"Uhmm.. n-nagtataka lang po ako. Uhmm, b-bakit po parang pinapahirapan niyo si Jillian?"
I was taken a back dahil sa tanong niya.
"I'm not," mariin kong sabi.
Kita ko ang kaba sa mukha niya. Malamang. Mag-tanong ba naman siya nang ganyan sa boss niya, eh.
"O-okay po sir. Pero uhmm, sir? W-wag niyo po sana siya masyadong pag initan. Pagka sumuko siya at nawala siya sa inyo, baka po magsisi kayo sa huli."
"What the hell are you saying, Ian? Gutom ka ba? Atsaka bakit ako magsisisi? Masyado bang remarkable ang abilities ni Jillian at irreplaceable siya sa kompanya ko?"
Umiling si Ian.
"S-sa company po maaring makahanap kayo ng kapalit niya. Pero po sa---" napaiwas siya ng tingin.
"Sa?"
Umiling siya bigla and he laugh awkwardly.
"W-wala po. G-gutom na nga po siguro ako."
I checked the time. It's already past 8.
"Sige na mag out ka na para makapag dinner ka na rin."
"Yes sir!"
Tuluyan nang lumabas si Ian sa opisina ko. Napasandal naman ako sa upuan ko at tinanggal ko ang reading glass ko.
I heave a sigh.
What the hell am I doing?
Tama naman si Ian. I am really making Jillian's life miserable. Sinasadya kong dagdagan nang dagdagan ang mga trabaho niya dahil ayoko siyang nandito. Ayoko siyang nasa kompanya ko. Ayokong nakikita siya. Ayokong nalalaman na isang floor lang ang pagitan namin.
Dahil ewan..hindi ako mapakali.
I know for some reason, I loathed that girl. Ewan kung bakit. Sadyang nakakaramdam lang ako nang matinding galit kada nakikita ko siya.
But at the same time...para akong natataranta na ewan. Kada nakikita ko siya, parang may pumipilipit sa dibdib ko.
Para akong nasasaktan na hindi ko maintindihan kung bakit.
Ano bang nangyayari sa akin?!
Baka kulang lang ako sa tulog. Baka kailangan kong mag relax.
Kinuha ko ang phone ko and I'm about to text Sasha na magkita kami nang maalala ko na may business meeting pala sila bukas kaya maaga siya aalis. She need to rest.
Mukhang mag-isa akong lalabas ngayong gabi, ah.
Ayokong umuwi. Lately parang nasasakal ako pag nasa loob ako ng condo ko.
Siguro kakain muna ako sa labas at magpapalipas ng oras.
Tinapos ko muna yung ginagawa kong report. Mga bandang past 9pm, nagligpit na ako nang gamit.
Nandito pa kaya siya?
Bumaba ako sa sixth floor kung saan nandoon ang opisina ng mga staffs. Sumilip ako. Patay na ang ilaw dito. Wala nang tao.
Maliban na lang doon sa dulong cubicle kung saan tanaw ko ang sinag ng liwanag mula sa computer screen. Sa harap nun ay nandoon si Jillian at nakasubsob ang mukha sa manuscript na binabasa niya.
Lumapit ako sa kanya.
She's sleeping.
Napakunot ang noo ko.
May pinapagawa ako tapos tutulugan niya ang trabaho niya?!
I was about to wake her up nang mapatigil ako at napatitig sa mukha niya.
She's.... she's so beautiful.
Napailing ako.
Ano ba, West. Ano bang nangyayari sa'yo? One moment galit na galit ka sa kanya. Tapos ngayon bigla kang magagandahan...
Damn.
Gumalaw nang onti si Jillian kaya naman nahulog ang ilang strands ng buhok niya patakip sa mukha niya.
Lumapit ako at hinawi ko 'to. My fingertips brushed across her cheek.
Napa-atras ako bigla.
What the hell? Why am I touching her?!
Napatalikod ako at naglakad palayo sa kanya.
Ano ba 'to? Bakit ganito?
Bakit parang gulong gulo ang emosyon ko kapag malapit siya sa akin?
"Sir!" tawag sa akin nung security guard na makakasalubong ko. "Pauwi na po kayo?"
Tumango ako, "Ah y-yes. Pauwi na."
"Ingat po sir!"
"Ah, Mang Ronald?"
"Yes sir?"
Kinuha ko yung wallet sa bulsa ko at dumukot ako ng isang libo.
"Ah pabigay naman po doon sa natutulog na empleyado sa loob. Sabihin mo mag dinner siya tapos umuwi na."
Takang taka na kinuha ni Mang Ronald yung isang libo.
"S-sige po."
"Pasabi bigay ni...uhmm.. ni Pedring yung pera."
"Pedring?"
"Oo. Basta yun! Pasabi na lang po. Sige una na ho ako."
At bago pa makapag react si Mang Ronald, nilayasan ko na siya.
Shit.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun.
To be continued
~*~
ALY'S NOTE:
Description kay Hedone sa chapter 29
"Mahaba buhok, naka spaghetti strap na top at short shorts."
Description kay Hedone sa chapter 30
Mahaba ang buhok na may kulot sa dulo, mamula mula ang pisngi at labi. Mapungay ang mata."
Then may mga nag comment (take note, hindi lang isa ang nag comment nito)
"LALAKI BA O BABAE SI HEDONE?"
"AKALA KO TATAY NI CUPID SI HEDONE."
"AKALA KO LALAKI SI HEDONE."
Huhuhu kaiyak. Reading comprehension 101 mga beh </3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top