Tenth Shot


Tenth Shot

JILLIAN.


Bwiset na West 'to. Bwiset talaga napaka daya.

Nandito kami sa bus ngayon papunta sa—hindi ko na alam kung saan dahil hindi ako nakikinig sa tour guide. Basta nasa byahe kami at nakatitig ako sa Instagram account ni West. Hindi pa rin niya ina-accept yung follow request ko.

Ang daya talaga.

Tinignan ko ang profile niya. Lima lang ang finafollow niya tapos dalawa lang ang posts niya. Gaano na kaya katagal ang instagram na 'to?



Kung sabagay yung akin halos kagagawa ko lang. Pinilit lang ako ni Elise gumawa para makita niya ang mga photos ko dito sa Japan.

Pero itong kay West mukhang kagagawa lang din niya eh. Pero napakasipag naman mag post nito. Dalawang picture lang talaga?

Ano kaya yung picture na yun? At ba't pinutol niya ang mukha niya sa profile picture niya? Ang hot kaya niya sa suit na yan. Well, I saw his picture na suot niya yung suit na yan kaso group photo yun at likod pa siya nakapwesto. Pero yung solo niya gusto kong makita!!! Ba't ayaw niya akong i-accept?!

Marunong ba siyang mag accept ng follow request? Turuan ko kaya?

Pero ano ba! Baka malaman niya na atat na atat ako sa follow back. Hindi naman ako ganid sa followers. Kamusta naman ang apat na followers ko sa IG pero wapakels ako.

Gusto ko lang talaga malaman ano yung dalawang pictures na pinost niya! Yun lang! Ano masama doon?!

Curious lang. Yun lang. Curious lang.

Online kaya siya?

May wifi dito sa bus eh. At sa likuran ko lang siya nakaupo. Gusto ko siyang silipin pero nahihiya naman ako.

Ah alam ko na!

Kinuhanan ko ng picture yung kinakain kong parang pocky na strawberry flavor, but instead pocky, si Hello Kitty yung nasa box. Nabili ko ito sa convenience store kanina sa hotel bago kami umalis.

Pinost ko sa Instagram yung picture.


At refresh ako nang refresh sa notifications. Hanggang sa ayun nga, nag pop-out.

Ni-like ni West.

ONLINE SIYA! NI-LIKE NIYA! PERO HINDI NIYA AKO INA-ACCEPT.

Umangat ako sa seat ko at nilingon ko siya. Nakayuko siya at busy sa phone.

"Uy, busy sa IG ah?" nakangiti kong sabi.

Inangat niya ang tingin niya sa akin at ngumiti lang din sabay balik agad ng tingin sa phone.

Umayos ako ng upo.

Bakit kahit nginitian niya ako, pakiramdam ko nadedma ako?

Matapos siyang mag good night kagabi?!

Eh ano naman kung nag good night siya sa'yo kagabi? May meaning ba yun?

Bigla akong nawala sa mood at hindi ko alam kung bakit. Ano ba ikinahihimutok ko? Bwiset.

Huminto na ang bus at pinababa na kami ni Chiharu.

Nandito kami sa Atami Plum Garden. Habang kinukuha ni Chiharu ang tickets namin para makapasok, nandoon kami sa may entrance nagaantay.

Sobrang lamig ngayon. Mas malamig kumpara sa last few days na nandito kami. Ramdam ko ang lamig sa tenga ko dahil naiwan ko ang hat ko doon sa maleta ko.

"Ang pula na ng tenga mo," sabi ni Ryan sa akin na katabi ko.

Oo, kay Ryan ako tumambi kasi badtrip ako kay West. Ewan ko kung bakit ako badtrip. Basta naiinis ako sa kanya.

I cupped my ears, "sobrang lamig ngayon. Feeling ko magkakasakit ako sa lamig."

"Feeling ko uulan ng snow."

Napangiti ako ng malawak.

"Talaga? Mag dilang anghel ka sana!"

"Ay naku Jillian. Kung naranasan mo lang manirahan sa lugar na nag-i-snow, hindi ka matutuwa sa snow."

"Kaya masaya ako na hindi ko naranasan. At least ma-a-appreciate ko ang snow pag nakita ko."

Napangiti si Ryan sa akin at napailing na lang. Hinubad niya ang beanie hat na suot niya at finold ang dulo nito hanggang sa lumiit.

"Wear this para hindi ka magkasakit."

"Paano ka?"

"Don't worry, sanay ako. I'm a travel blogger, remember? I lived in Canada for a month. Mas malamig doon."

"Thanks Ryan."

Kinuha ko yung beanie hat at isinuot ko sa akin. Nag pogi sign ako sa harap mo.

"Bagay?"

Tumango siya habang naka-ngiti.

"Naks! Ganda!"

"Naman!"

"Excuse me!"

Biglang may sumagi kay Ryan at muntik na siya ngumud-ngod. Pagtingin ko, it's West.

"Ay, sorry pre!" sabi ni West at dire-diretso siyang lumapit kay Chiharu.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Ryan.

Nginitian niya ako, "yep!"

"Excuse!"

Ako naman ang muntikang ngumudngod kasi may tumabing sa akin. Buti na lang at nahawakan ako ni Ryan sa balikat.

Tinignan ko kung sino ang nakatabing.

Yung balahurang Cupid.

At hindi man lang nag sorry aba!

"Nakaharang ba tayo sa daan? Nasa gilid naman tayo ah? Yung totoo?!" inis kong sabi.

Napatawa na lang ng mahina si Ryan.

Tinignan ko ng masama si Cupid. Nilapitan niya si West at binatukan siya ni West. Napatawa na lang din ako.

Maya maya lang, pinapasok na kami sa loob ng park.

Ang ganda ng lugar. Ang relaxing. Ang daming plum trees. White and pink. Sad to say, hindi pa sila in full bloom ngayon dahil winter pa lang. But still, napaka relaxing ng lugar.

May mahabang bridge dito na pwede mong lakaran then sa ilalim, may sapa.

Hindi ko napansin na napahiwalay na ako kay Ryan. Siguro naaliw na naman yun sa pagkuha ng photos. Ang ganda rin kasi ng mga shots niya eh. Sayang, gagawin ko sana siyang photographer ko. Ang sarap pa naman magpa-picture dito sa bridge.

"Dito tayo Psyche!"

Napatingin ako kay Cupid at Psyche na nakapwesto na rin sa bridge.

"Jillian, alis. Nakaharang ka," sabi ni Cupid.

Bastos na bata talaga.

Medyo gumilid ako at pinanuod sila mag picture dalawa.

Kahit baliw si Cupid, nakakainggit pa rin. Kasi ang sweet sweet niya kay Psyche. Kita sa kanilang dalawa kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Parang ang saya saya nila.

Ang swerte nila sa isa't-isa.

"Jillian, picture tayo!" yaya sa akin ni Psyche at hinatak niya ako.

Kinuhanan kami ni Cupid ng picture dalawa. At nag mabuting loob na rin si Cupid na kuhanan ako ng solo. After non, humiwalay ulit ako sa dalawa.

Nag ikot-ikot ako.

Kahit yung ibang puno wala pang dahon, ang ganda pa rin nilang tignan.

Nung mapagod ako, pumunta ako doon sa maliit na cottage na natanaw ko at doon naupo para magpahinga.

Sa di kalayuan, nakita kong busy si Ryan na nagsasalita sa harap ng camera niya. I think he's doing a video blog.

Sa kabilang banda naman, nakasandal si Psyche at Cupid doon sa bridge habang nakatingin sa sapa.

Yung apat na mag bffs na kasama namin, nasa ilalim ng pink na plum tree at busy magkuhanan ng selfie.

Himala at hindi nila ginugulo si West ngayon.

Nakita kong napadaan si Ryan sa harapan nila. Busy pa rin magsalita sa harap ng camera niya pero nahinto nang hatakin ni Sandra, isa doon sa grupo ng mag bffs.

Bagong victim.

Napailing na lang ako.

Nasaan kaya si West?

"Tired?"

Nagulat ako nang may tumabi sa akin. It's West.

"Medyo," matipid kong sagot.

Ano ba Jillian. Ba't k aba nagpapaka-cold sa kanya? Porket di niya ina-accept ang follow request mo? Kababawan!

Pero bwiset na yan. Hindi ko alam ba't naiirita ako.

"Di bagay sa'yo yung hat na suot mo."

Napatingin ako sa kanya at sinimangutan ko siya.

"Paki mo."

Tumayo ako at iniwan ko siya doon.

Bwiset na yan. Nakakainis. Hindi raw bagay sa akin?! Sabi ni Ryan maganda ako ah!

Pumunta ako sa restroom at tinignan ang sarili sa salamin.

Okay naman ah? Cute naman ako dito. Hindi naman masagwa tignan. Anong problema ng Kanluran na 'yon?! I-flying kick ko siya papuntang north eh. Kainis.

Bumalik na kami sa bus at dumiretso sa isang restaurant para kumain. Humihiwalay talaga ako sa grupo nila. Good thing there's Ryan to keep me company kahit na dikit naman ng dikit sa kanya si Sandra.

Una si Beth ang nakadikit kay West. Ngayon si Sandra kay Ryan.

Bffs ng makakati. Bwiset.

Medyo conscious din ako sa itsura ko. Sabi ni West hindi bagay sa akin yung hat. Nakakayamot. Hindi tuloy ako mapakali. Pero ayoko naman hubarin kasi ramdam ko ang lamig sa tenga ko. Wala pa namang hood itong coat na suot ko.

Nakakasira tuloy ng mood. Way to go West.

After namin kumain, dumiretso na kami sa Hakone. Nadaanan pa namin ang Mt. Fuji pero hindi namin nakita ng malinaw dahil natatakpan siya ng fog. Medyo nalungkot naman ako kasi gustong gusto ko talaga makita ang Mt. Fuji.

Pumunta kami sa Lake ashi. Sabi ni Chiharu mag c-cruise kami rito sakay ng isang pirate ship. Nang makita ko yung pirate ship, bumalik na ulit ang mood ko.

"Ang ganda Ryan look!"

"Sobra!" sabi niya.

Kinuhanan ni Ryan ng picture ang pirate ship. After non, pinapwesto niya ako sa harap nito at ako naman ang kinuhanan niya ng picture.

Umakyat kami sa pinaka-taas ng pirate ship. Yung walang bubong. At habang nag c-cruise, sobrang lamig na lamig ako dahil sa lakas ng hangin. Feeling ko sisipunin ako.

"Ang lamig talaga!" sabi ko habang ngiting-ngiti.

"Nanginginig ka na sa lamig pero nakangiti ka pa rin," sabi ni Ryan.

"Ang ganda kasi ng view!"

"Do you wanna go down? May heater sa baba. Kita naman sa bintana yung view."

"Hindi. Mas okay rito."

"Nanginginig ka na."

"A-ayos lang."

Lumapit si Ryan sa akin at inakbayan niya ako. Napa angat ang tingin ko sa kanya.

He smiled.

"I'm not making a move on you, don't worry. Naawa lang ako kasi nanginginig ka na."

Napangiti rin ako at ibinalik ko na lang ang tingin ko sa view. Nadaanan ulit namin ang Mt. Fuji kaso natatakpan pa rin ito ng fog.

Nang makababa kami sa pirate ship, pinasakay naman kami sa cable car. Owakudani ropeway. Kitang kita namin usok mula sa volcano.

Nang makababa kami sa cable car, tinry namin umakyat sa Owakudani Hell Valley. Medyo nakakapagod kasi ang taas. Nakakatakot din dahil ang dulas ng daan. Idagdag pa ng sobrang lamig na panahon.

Nang marating ko ang taas, meron binebenta doon na black eggs. Binilhan ako ni Ryan. Ang sarap hawakan dahil ang init ng itlog.

Kumain muna kami doon at nag take ng pictures bago bumaba ulit.

At nakakatawa dahil kahit ang lamig ng panahon, naisipan pa namin bumili ni Ryan ng ice cream. Color black din ang kulay ng ice cream but surprisingly, it tastes like vanilla. At ang sarap. Kahit sumasakit ang ulo ko sa lamig, masarap.

Habang nasa byahe kami papunta sa hotel, tulog na tulog ako. Ibang hotel na naman kami ngayon. This time, hindi na tatami room pero nakakatuwa dahil pinagsusuot pa rin kami ng yukata.

Nang pinababa kami sa buffet area para mag dinner, naka yukata kaming lahat. Kahit yung ibang mga guests ganoon din ang suot.

Kahit sa dinner, humiwalay ako kina West. Mukhang hindi na rin niya ako tinry i-approach. Kanina kasi sa Owakudani, halata kong pasimple akong ina-approach ni West. Tinatanong niya kung gusto ko pa ng egg o kung kulang yung asin ko. Nung pababa, nilingon niya ako at sinabihang 'ang lamig 'no?' pero tinanguan ko lang siya.

Tinanong pa niya ako kung masarap yung ice cream. Tumango lang din ako.

At ewan anong inaarte ko. Hindi ko alam ba't ang bilis kong napikon sa kanya. Mamaya nagpaka honest lang naman siya nung sinabi niyang hindi bagay sa akin yung hat na suot ko.

O BAKA TALAGANG HINDI SIYA MARUNONG MAG ACCEPT NG FOLLOW REQUEST SA INSTAGRAM.

Ngayon pakiramdam ko nahihiya ako dahil dinededma ko siya. Ang babaw ko para dedmahin si West. He's trying to approach me but I'm pushing him away.

Ano ba naman yan Jillian. Ang childish.

Naunang umalis si West sa buffet table. Nagmadali ako sa pagkain para sundan siya. Nang lumabas ako, nagulat ako nang makita ko siyang nakatingin sa malaking glass window ng hotel habang nakangiti.

Ang ganda ng ngiti niya.

Nilapitan ko siya.

"W-West..."

Nilingon niya ako at ngiting-ngiti siya.

"Jillian, look!"

Itinuro niya sa akin yung bintana at doon ko lang na-gets kung bakit nakangiti siya.

Umuulan ng snow.

"W-west! West! Nag i-snow sa labas!!"

"I know! Ngayon lang ako nakakita ng snow!"

"Ako rin!! Labas tayo!! Tara!"

"Wait! Kunin natin mga coats natin. Naka yukata at tsinelas lang tayo."

"E-eh baka huminto na yung snow! Tara na!"

At hinila ko si West palabas ng hotel.

Wala akong paki kahit naka yukata lang ako at tsinelas at sobrang lamig dahil nag i-snow.

Basta ang saya saya ko.

Nag paikot ikot ako habang bumabagsak sa akin yung snow.

"West! Nag i-snooow!" sabi ko habang ngiting ngiti.

Nag dilang anghel nga talaga si Ryan dahil umulan ng snow.

Ang saya saya kong nagtatakbo doon na parang batang paslit. Alam kong para akong sira pero dedma na. First time ko lang ma-experience 'to eh.

Napatingin ako kay West. He's looking at me habang ngiting ngiti siya.

"Tatayo ka na lang ba diyan? Hindi mo i-e-enjoy ang snow? Ay wait! Tawagin natin yung mga kasama natin!!"

Patakbo na sana ako sa loob ng harangin ako ni West at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Jillian.."

Tinitigan niya ako sa mata. Ang lapit ng mukha niya.

T-teka. Ano 'to?

"W-west. Bakit..?"

Huminga ng malalim si West.

"Listen to me carefully please kasi hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ng loob pag nasira ang moment na 'to."

"H-ha?"

"Jillian, I'm sorry kung sinabi ko kanina na hindi bagay sa'yo yung hat. Sa totoo lang bagay na bagay sa'yo. Ang ganda ganda mo kanina."

"T-teka West. Kung iniisip mo na galit ako, o-okay na yun. Di mo na ako kailangan bolahin."

"No, Jillian. Listen to me. Kaya ko nasabi kanina yun kasi nainis ako dahil galing kay Ryan yung hat. Hindi ko na-anticipate na wala kang gagamitin. Naunahan niya ako. At naiinis ako sa sarili ko."

"H-ha? Teka West---"

"Nagseselos ako kay Ryan."

Nanlaki mata ko. Nawala ang boses ko. Hindi ako makapagsalita. O, parang na-i-slow ako?

Ano ang sinasabi ni West?

"Jillian.."

Huminga si West ng malalim. Pumikit siya. At nang dumilat siya, nagtama ulit ang mga mata namin.

His eyes is full of emotions.

At sa gitna ng pagpatak ng mga snow, binitiwan niya ang mga katagang yun.

"I'm in love with you."

To be continued...


Aly's Note.

Natawa ako sa mga comments niyo sa part na nasa hotspring si West at tumayo siya kasi nga hubo't hubad nga naman. Hahaha kayo ah. Kung saan saan nararating ng imagination niyo XD

At sa mga nagtatanong kung no undies talaga sa hotspring... yes. Ganun po talaga. Iba sa Pinas at iba sa Japan XD (At yep, nakaka culture shock sa una. Nung sinabi sa amin ng tour guide namin yun, pare pareho rin kaming ayaw mag hotspring dahil doon. Pero nung tinry namin, ang saya pala. Sobrang relaxing :) At hindi naman tititigan ng mga tao doon ang katawan mo XD)

Doon po sa nagtatanong if what if iligtas na lang ni West si Jillian pag dumating na ang araw na masasagasaan siya.

Yes, pwede siyang iligtas ni West sa panahon na masasagasaan na siya. Ma-a-alter ni West ang kapalaran ni Jillian dahil alam niya nang mangyayari. Pwede niyang sabihin kay Jillian na wag pumunta sa opisina para hindi siya masagasaan.

Pero let's not forget na hindi basta bastang god ang ka-deal ni Cupid at West. Its' Hades for goodness sake. The God of Underworld. Pandaraya ang gagawin nila kung ganoon. At papayag ba si Hades na madaya siya?

Alam ni Cupid na cunning si Hades kaya sumusunod siya sa gusto nito. Nililigtas nila si Jillian sa "malinis" na paraan. :)

So ayun lang.

Pag may free time si author, mag uupdate ulit ako XD


Salamat sa pagbabasa!


P.S Sa mga nag send ng follow request kay West, wag na kayong umasa na i-a-accept niya kayo XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top