Sixteenth Shot


Sixteenth Shot

JILLIAN.

"Holy shit!" sabi ko kay Ryan habang nandito kami sa bus ngayon papunta sa next destination namin.

Tinabihan ako ni Ryan at nilibang sa pamamagitan ng pagpapakita nya ng mga photos nya sa iba't-ibang lugar na pinuntahan niya. May pagka adventurous pala itong taong 'to. Ang daming nakakatakot na bagay ang sinubukan nya. Nakapag sky diving pa siya.

Pero napamura talaga ako nang ipakita niya sa akin yung photo niya na kuha sa Ecuador trip nila.

Doon sa pinuntahan nila, may isang swing na nakasabit sa treehouse at located lang naman ang swing na yun sa gilid ng isang cliff. Walang harness. Walang kahit anong safety gears na ikakabit sa'yo pag sumakay ka. Lakasan lang nang loob.

Tignan ko pa lang, parang nanlalambot na ako.

"That's called The Swing at the End of the World. Grabe napaka-ganda ng view pag sumakay ka dyan."

"You tried this?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Of course. Ayan ang pinaka highlight ng Ecuador trip ko. Kaya nga ako nagpunta sa Ecuador ay dahil dyan."

"Hindi ka man lang natakot?"

"Natakot syempre. Pero nung makasakay na ako, nung pag swing nito at nakita ko na ang napaka-gandang view sa harapan ko, nawala na ang takot ko at sobra kong na-enjoy. Isa sa pinaka the best na experience sa buhay ko."

"But still! Delikado 'to. Paano kung nahulog ka? Edi namatay ka!"

He chuckled.

"Alam mo Jillian, hindi mo ma-e-enjoy ang buhay mo kung palagi kang pinangungunahan nang takot."

Napabuntong hininga ako at tumingin sa bandang unahan. Kita ko ang likod ng ulo ni West at nakalingon siya kay Beth. Naguusap silang dalawa.

Oo. Magkatabi rin ngayon si West at si Beth.

Kanina pag sampa niya sa bus, nagkatinginan kami. Hinila siya ni Beth sa tabi niya at wala naman siyang palag na umupo sa tabi nito.

Napayuko ako nun at ramdam ko na naman ang pangingilid ng luha sa mata ko. Isinuot sa akin ni Ryan ang shades nya at pinakitaan niya na ako ng mga pictures niya noon.

I'm thankful na hindi niya binabanggit ang kahit anong tungkol kay West.

"Kasama mo ba rito yung almost girlfriend mo na sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.

Nginitian niya ako, "nope. Pero siya ang dahilan kung bakit pumunta ako dyan."

"Hmm? Bakit?"

"We promised each other na pareho naming ita-try ang swing na yan. I ended up going alone."

Napatingin ako kay Ryan at lumungkot ang ngiti niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa almost girl friend niya o kung saan sila nagkakilala ni Ryan. Pero sa expression niya, halatang hindi pa rin niya nakakalimutan ang girl na yun.

~*~

"West! Look! Ang cute ng deer!" matinis na sabi ni Beth habang tinuturo niya yung mga deers sa harapan namin.

Nandito kami ngayon sa Nara Deer Park kung saan maraming deers na naglalakad freely. Sabi ni Chiharu, mababait yung mga deers. Pwede naming hawakan at pakainin yun nga lang, we need to be extra careful kasi may times na nangangagat at naninipa sila.

Hinila ni Beth si West palapit doon sa isang deer at nagpa-picture siya.

Sana sipain siya nung deer. Sa mukha para masaya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, eh. Hindi ako pinapansin ni West at sumasama siya kay Beth.

Matapos niyang sabihin na mahal niya ako, biglang ganito.

Alam mo yung parang naiwan sa ere? Alam mo yung parang pinaasa ka sa isang bagay?

Paulit ulit kong minumura sa isipan ko si West.

Bwiset ka, sasabihan mo akong mahal mo ako pero makikipag one night stand ka sa Beth na 'yan. Tapos ngayon siya ang sasamahan mo at iiwan mo ako. Leche ka talaga. Leche ka. Bwiset ka. Kagatin ka sana ng deer!

Hinanap ko si Ryan at nakita kong kumukuha siya ng video sa di kalayuan. Gusto ko siyang lapitan kaso alam kong para sa trabaho niya ang pagkuha niya ng video kaya hinayaan ko muna siya. Lumapit ako doon sa maliit na stall sa gilid para bumili ng deer crackers na pwede kong ipakain sa mga deers.

"Nagiging close lalo si West at Beth, ah?"

Napalingon ako sa gilid ko at nakita kong nakangisi ang balahurang asungot.

Hindi ako nagsalita.

"Akala ko talaga ikaw ang type ni West. Biruin mo si Beth pala."

Leche. Akala ko rin ako. Malay ko bang paasa lang siya. Nakakabwiset.

"Oh, ba't ka nakasimangot?" patuloy na pangaasar ni Cupid. "Selos?"

"Hindi," I told him in gritted teeth.

"Sungit neto. Nagtatanong lang! Pero bagay si West at Beth 'no?"

Napalingon ako sa kanila. Patuloy pa ring kinukuhanan ng photo ni West si Beth habang naka peace sign ang bruha.

Pa Japan-Japan pose pa, mukha naman pabebe. Kala mo kung sinong cute at mahinhin, ang landi naman.

"Parang papatayin mo na si Beth," bulong ni Cupid na akala mo kung sinong demonyo.

Nilingon ko siya.

"Bakit Cupid ang pinangalan sa'yo ng nanay mo?!" irita kong sabi.

He shrugged, "kasi pogi ako?"

Sinimangutan ko siya, "mas bagay sa'yo ang name na Hades."

"Woah! Saan nanggaling yun?!"

Ngumisi ako, "pwede ring Hephaestus kasi pangit ka!"

Kumunot ang noo ni Cupid. "Did you just insult Hephaestus?! Sinabihan mo siyang pangit?!"

"Bakit hindi ba? Kamukha mo siya! Pangit ka!"

"Excuse me, hindi tatay ni Cupid si Hephaestus 'no pero si Hephaestus ang mahal na asawa ni Aphrodite at isa siyang magaling na black smith kaya wag mo siyang lalaitin sa harapan ko!"

Halos matawa ako sa itsura ni Cupid kasi halata mong inis na inis siya sa sinabi ko. Avid fan ata 'to ni Hephaestus.

"Dyan ka na!" iritang sabi ni Cupid. "Lalapitan ko lang si West at sasabihin ko sa kanya kung gaano sila kabagay ni Beth."

"Go!" irita ko ring sabi. "Paki sabi na rin sa kanya, leche siya!"

At tinalikuran ko siya.

Nakakabwiset. Mag sama sila.

"Jillian!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Ryan na tumatakbo palapit.

"Bibili kang deer crackers?"

"Oo. Magpapakain ako."

"Tara!" masigla niyang sabi.

Sabay kaming bumili ng deer crackers at siguro ang daming naka-bantay na deer sa harapan namin, pag-abot pa lang sa amin nung plastic na pinaglagyan ng pagkain, ang dami nang lumapit agad sa amin.

"Hala hala hala ang dami nila!" sabi ko.

Naglakad kami ni Ryan palayo at sinundan kami ng mga anim na deer ata iyon. Sa paglalakad namin, dumadami silang sumusunod sa amin.

Yung iba hinihila na ang laylayan ng jacket namin, yung iba naman, inaabot na yung plastic ng deer crackers kaya napilitan na kaming ilabas iyon.

Tawa kami nang tawa ni Ryan. Ang aggressive nga ng mga deers pag may pagkain pero ang cute nila.

After namin silang pakainin, nagpakuha naman ako ng picture sa tabi nila. Nakipag selfie pa ako doon sa isa.

Nag lakad lakad pa kami hanggang sa narating na namin ang Todaji temple.

Sa loob ng temple, may hilera ng bilihan ng mga souviners. May nakita akong keychain na Mt. Fuji at binili ko dahil naalala ko ang kapatid kong nagpapauwi sa akin ng Mt. Fuji. Nakita ko naman si Ryan na bumili ng good luck charms. Nakikipag converse siya doon sa tindera in nihonggo. Marunong palang mag Hapon ang isang 'to.

May inilabas si Ryan sa backpack niya at iniabot doon sa tindera.

Isang paper crane na color lavender.

"Ba't mo siya binigyan ng paper crane?" tanong ko.

Nginitian lang ako ni Ryan at ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko.

"Balik na tayo sa bus."

Naglakad kami ni Ryan palabas ng temple pero agad akong napahinto dahil nakita ko si West. Nakatungtong si Beth sa isa sa mga bench habang nag lakad siya dito. Sa gilid naman niya ay si West.

Muntikan nang mahulog si Beth pero nasalo siya ni West. Nakahawak si West sa likod at bewang ni Beth. Inilagay naman ni Beth ang dalawang kamay niya sa mga leeg ni West.

Napa-angat ang tingin ni West. Nagtama ang mga paningin namin. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at yumuko ako.

I blinked.

May bumagsak na luha.

Shit.

Tumalikod ako at naglakad palayo.

"Jillian," hinawakan ni Ryan ang braso ko. "Okay lang ba kung susuntukin ko ang lalaking yan?!"

Umiling ako.

"A-ano ka ba! Hindi naman kami, eh. Wala naman akong karapatan."

"But--!!"

"Hayaan mo na siya, Ryan."

Hindi na nagsalita si Ryan at sabay kaming bumalik sa bus. Tinabihan niya ako at inabot ulit sa akin ang shades niya. Pati ang cap niya isinuot niya sa akin.

Para covered na covered ang mukha ko.

Para walang makakita na sa maikling panahon, West managed to break my heart.

To be continued...


Author's Note:

Readers!! Sorry talaga kung maiikli at matagal ang update lately. Medyo busy si author at bukod doon, isinusumpa ko ang writer's block >.< Ayoko naman bigyan kayo ng shitty and half-ass update. Pero promise, makabalik lang ako from vacation at matapos ko lang ang iniintindi ko, makakapag update na ulit ako ng mas mahaba at mas mabilis. Salamat sa pag intindi!


Ito bonus photo. My tita and cousins. Pinapakain nila yung deers, nangungulit yung mga deers XD Cute sila, sobrang kulit lang pag may pagkain. Merong isang deer, nakuha niya yung Nara Deer Park ticket mula sa bulsa ko at kinain. XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top