Second Shot
Important note. PLEASE READ.
Hi guys, if ever maka-encounter kayo ng putol putol na words dito sa update ko na 'to and/or hindi niyo mabasa ng maayos, please update your wattpad app. O kaya try reading this chapter sa browser or sa laptop/computer. Thanks! Enjoy reading!
Second Shot
WEST.
Napahawak ako sa desk ko bilang suporta dahil pakiramdam ko, tutumba ako. Umiikot ang paligid ko. Wala akong halos makita.
Shit, what's happening to me?!
Napapikit ako at parang tumigil ang pag-ikot nang paligid ko. Sunod nun ay hindi ko na alam ang nangyayari. Parang may pintong nagbubukas sa isipan ko. Parang yung makapal na ulap na nakaharang sa memorya ko ay unti-unting nawawala.
Napaluhod ako.
No.
"Kuya....Zyron..."
"Naalala mo na."
Napa-angat ang tingin ko kay Eros. Nanlalaki ang mata ko sa gulat. Ayaw paniwalaan ng isip ko ang mga naalala ko pero wala eh, malinaw na malinaw lahat. Alam kong nangyari ang mga 'to. Alam kong totoo.
Pero ang hirap pa rin paniwalaan.
"He died...because of me.."
Napatayo ako pero ramdam ko ang panlalambot ng mga tuhod ko. Nanginginig ang buong katawan ko.
Si Kuya Zyron. He did not die in a car accident.
He died because of me.
"West.."
Hinawakan ni Eros ang balikat ko pero agad koi tong tinabing.
"Umalis ka. Gusto ko munang mapag-isa."
"Pero West--!"
Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. Nilapitan ko siya at kinwelyuhan.
"Bakit hinayaan niyong mamatay si Zyron?!" sigaw ko sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ko. "Bakit ha?! Bakit hinayaan niyong ipalit niya ang buhay niya sa akin! Dapat ako yun eh! Dapat ako yung namatay! Bakit hinayaan niyo siya ha?!"
"Pre ano ba!" tinabing ni Eros ang braso ko. "Alam kong mahirap intindihin at masakit. Pero West, hiram lang ang buhay ni Zyron. At ngayon, ibinigay niya ang hiram na buhay na yun sa'yo para maging masaya ka. Gusto kitang hayaang mag luksa pero kailangan na nating kumilos bago pa mahuli ang lahat!"
Napailing ako.
"S-si Jillian, kamusta siya? Anong nangyari sa kanya? May naalala ba siya?"
"Wala West. Kahit alaala ni Jillian ay binura ko. Kinailangan kong gawin iyon dahil hindi magiging normal ang buhay niya kung maalala pa niya ang nakaraan. Ikaw rin. Hindi ko ginusto na tanggalin ang alaala niyong lahat, kaya lang kinailangan kong ibalik sa'yo ngayon ito dahil kailangan ko ang tulong mo."
May inilabas na hourglass si Eros at ipinatong niya ito sa desk ko.
"Sa loob ng isang taon, pag naubos na ang buhangin sa hourglass na 'to, mamatay si Jillian."
"H-ha? Bakit?!"
"Tanga siya eh. Nasagasaan. Hindi marunong tumawid. Dadalhin ko na sana siya sa road to forever niyo. Kaso mukhang allergic siya sa forever kaya nagpa-tigok sa road."
Napakunot ang noo ko. Ngumiti naman si Eros at nag peace sign.
"Joke! I mean, eksaktong isang taon mula ngayon, sa January 2017, mamatay si Jillian dahil sa isang aksidente. Kinailangan kong bumalik sa past, which is ngayon, para mailigtas siya."
Mas napakunot ang noo ko lalo.
"Ibig sabihin, galing ka na sa future?"
Tumango siya, "that's right. I'm Cupid year 2017!"
Nakapag time travel ka?
Tumango ulit siya at nakangiti na parang proud na proud sa sarili.
"Kung nag time travel ka, ba't di ka na lang bumalik sa isang oras bago ang aksidente, o ilang minuto, para mailigtas mo si Jillian! Ba't kailangan isang taon pa?!"
Nawala ang ngiti sa labi ni Cupid, "that, my friend, is a very good question."
Lumapit siya sa upuan ko at naupo roon na parang hari at siya ang boss sa opisinang ito.
"Pero bago ang lahat, may kape ka ba? Para masarap ang kwentuhan natin."
Sinimangutan ko siya. Akala ko ba nagmamadali kami? Ni hindi niya ako hinayaang ipagluksa ang kapatid ko eh. Tas bigla siyang manghihingi ng kape?!
I think I better call the security.
Napaayos ng upo si Eros.
"Wag naman! Grabe ka! Wag mo naman akong ipakaladkad sa sikyo!"
"Are you reading my mind."
"Hmm.. slight.."
"Ano ba kasi ang gagawin! Pwede bang sabihin mo na? Buhay ni Jillian ang pinaguusapan natin!" pagtataas ko ng boses.
Kasi sa inaakto niya parang wala wala lang 'to sa kanya eh.
"Okay okay, ipapaliwanag ko na. Kaya bumalik ako isang taon bago ang aksidente ay dahil sa magaling na si Hades. Mukhang pinag t-tripan niya tayo. Bored na siya sa buhay eh."
"Pwedeng ayusin mo ang paliwanag mo? You're not making any sense! Sino si Hades?"
"Hindi mo kilala si Hades?! Wow! Hindi ka nakikinig sa greek mythology nung lesson niyo sa English literature 'no?! Grabe ka West! Paano ka pumasa?!"
Napapikit ako at pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil baka bigla na lang akong makasapak ng tao----o immortal.
"Joke lang," nag peace sign ulit siya then he cleared his throat. "Okay seryoso na talaga. Si Hades ang God of underworld at anak siya ni Kronos, ang God of time. Hawak ni Hades ang hourglass ni Kronos kung saan pwede mo itong gamitin para makapag-time travel. Yung sinabi mo kanina sa akin, na sana bumalik na lang ako ilang minuto bago ang aksidente, yun talaga ang plano ko kasi hindi naman ako ganoong ka-shunga para mag antay ng isang taon. Kaya lang itong si Hades binigyan ako ng pagsubok. Ipapagamit niya sa akin itong hourglass pero babalik ako isang taon bago ang aksidente. Ibig sabihin ay ito yung panahon kung saan hindi ko pa kayo pinapana ni Jillian. At ang deal niya? Kailangang mahulog sa'yo si Jillian without my arrow. At bawal ko rin ibalik ang alaala ni Jillian. Kaya ngayon West, ikaw ang magiging living arrow ko."
"P-pero paano kung hindi ko magawa?"
"Kukunin ni Hades si Jillian at dadalhin sa underworld."
Napaupo ako sa silya sa harapan ko.
Ang gulo ng utak ko. Kung anu-ano ang tumatakbo rito. Malinaw pa sa memorya ko ang mga nangyari sa cave.
Naalala ko nun, kinuha ako ng isang babae. Ayesha raw ang pangalan niya. May isinaboy siya sa akin at nakatulog ako. Nang magising ako, nasa kweba na ako. Nakita ko si Ayesha na may ball of light sa kamay. Sa harap niya ay si Jillian. Naalala kong tumakbo ako papalapit kay Jillian nun. Sinalo ko ang ball of lights at tumama sa akin. Naalala kong nakaramdam ako ng grabeng sakit. Yung parang sinusunog ang lamangloob ko. Unti-unti akong kinakapusan ng hininga hanggang sa mawalan ako ulit ng malay. Pagkagising ko, nakita ko nang umiiyak si Jillian habang yakap yakap si Kuya Zyron. Doon ko nalaman na ibinigay ni Zyron ang buhay niya sa akin. Naalala ko nag wala ako nun. Pinipilit ko sina Eros na ayusin yun. Na ibalik ulit kay Zyron ang buhay na ibinigay niya sa akin. Hindi nila ako tinitignan o pinapakinggan. Kahit si Jillian. Iyak lang siya nang iyak nang panahon na yun. Nang hawakan ako ni Eros, nawala na ang alaala ko.
At ngayon malinaw na ulit lahat. Tapos ito ang malalaman ko?
Una si Kuya Zyron, and now, si Jillian naman.
"West, ikaw lang ang susi para mailigtas si Jillian. Please, help her. Para sa inyo 'to. Jillian is destined to be with you. At para matupad yun, kailangan mong gumawa ng paraan."
Napayuko ako.
I should be happy right? Jillian is destined with me.
Pero ang bigat sa pakiramdam dahil alam kong dapat ay para siya kay Kuya Zyron. Na hindi naman talaga kami ni Jillian eh. Naiba lang ang guhit ng kapalaran dahil sa mga nangyari.
Am I worthy enough? Kaya ko bang tapatan ang pagmamahal ni kuya sa kanya?
He chose to die para maging masaya si Jillian. That's how much he loves her.
Ganun din ba ako?
Hindi ko alam na darating sap unto na ku-kwestyunin ko ang sukat nang pagmamahal ko kay Jillian.
Tumayo ako at lumabas sa opisina ko. Naramdaman kong naka-sunod sa akin si Eros pero masaya ako na hindi siya nagsasalita. Gulong-gulo ang utak ko sa mga nangyayari.
Tuloy-tuloy akong bumaba sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Wala na si Eros. Hindi na siya nakasunod sa akin. Pero alam kong babalikan ulit ako nun.
Dumiretso ako sa café kung saan kami nagpupunta noon ni Jillian. Nakakatawang isipin na kahit nung mga panahong burado na ang alaala ko, madalas pa rin ako rito.
Ewan kung anong meron sa café na 'to at mas nakakapag-isip ako.
I occupy the couch seat near the window then I order a caramel latte. Inilabas ko ang cellphone ko at tinignan ko ang nag-iisang stolen shot ni Jillian sa phone ko.
Ito yung outing namin sa Subic noon. Kasama niya si Eros at nagtatawanan sila. Her smile is so beautiful that's why I want to capture it. Oo ang creepy ng dating. Ang stalker ng dating. Malamang pag nalaman niya 'to, mag f-freak out yun. Pero gustong gusto ko lang kasing tinititigan ang ngiti niya.
Am I worthy enough?
Napahinga ako ng malalim.
I need to make her fall in love with me. Pero paano ko gagawin yun? Magagawa ko ba yun? Kaya ba niya akong mahalin? Kamahal-mahal ba ang isang tulad ko? Bagay ba kami? Magiging masaya ba siya pagka kasama niya ako? Mapapasaya ko ba siya? Matatapatan ko ba ang pagmamahal ni Kuya Zyron sa kanya?
Tama ba talaga ang tadhana na ako ang iduktong kay Jillian?
Hindi ko alam.
Ang alam ko lang ay mahal na mahal ko siya.
"Eh ayun naman pala!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa gilid ko si Eros. He occupied the couch in front of me.
"Ang sakit sa ulo pakinggan ang thoughts mo pre! Dami mong doubt sa sarili mo. Nakakabanas na ha? Mahal mo 'di ba? Mahal na mahal mo?"
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko kaya napayuko na lang ako.
"O-oo."
"At iniisip mo na si Zyron nagawang ialay ang buhay niya para kay Jillian. Kaya ngayon nag d-doubt ka kung kaya mo bang tumbasan ang ganoong klaseng pagmamahal?"
Tumango ulit ako.
"Eh ulyinanin ka pala bro. Baka nakakalimutan mo na sinalo mo ang ball of light na dapat tatama kay Jillian. Kaya nga ikaw unang na-tigok 'di ba at kinailangan kang iligtas ni Zyron?"
Napa-angat bigla ang tingin ko kay West.
"Nagawa mo na rin i-alay ang buhay mo kay Jillian. At kung iniisip mo kung kaya mo siyang pasayahin? Nagawa mo na rin noon 'yan West."
"H-ha?"
Napa-palo si Eros sa noo niya habang iiling-iling.
"Alam mo pre, gwapo ka eh. Maporma, madating. Pwede ko na sabihing magkahawig tayo kaso mas lamang lang ako ng sampung paligo. Wala eh. Greek God eh. Anak pa ng goddess of beauty. Pero yun nga, gwapo ka nga, ang slow mo naman."
"A-ano bang sinasabi mo?"
"Ay slow nga. Mahal ka ni Jillian! Manhid ka ba tsong? Kaya nga depress depressan siya nung nalaman niyang sa iba siya nakatadhana. Kaya nga pilit ka niya nun tinutulak dati kasi akala niya hindi ka para sa kanya. Pero nasasaktan siya nun West kasi mahal na mahal ka ni Jillian. At ngayong burado ang alaala ni Jillian, kailangan mo lang ipaalala sa kanya kung ano ang feelings niya sa'yo."
"M-mahal ako ni Jillian?"
"Ang haba ng speech ko tas itatanong mo ulit sa akin yan? Bagay nga kayo ni Jillian. Pareho kayong sakit ng ulo."
Hindi ko napigilian na unti-unti akong napangiti.
"Mahal ako ni Jillian!"
"Oo nga sabi!"
Tumayo ako.
"O, saan ka na naman pupunta?"
"Sa bahay niya. I'll talk to her. Aamin na ako!"
"Wow ang confidence tumaas porket nalaman na mahal siya. Pre, sasapakin ka nun pag nagtapat ka. Pustahan tayo basted ka doon ngayon."
Napakunot ang noo ko.
"T-teka akala ko ba mahal niya ako?"
"Oo nga. Pero limot na niya. Tandaan mo, burado ang alaala niya. Ang memory niya sa'yo ngayon ay isa kang boss na ubod ng sungit at sinusumpa niya. Kaya ang feelings niya para sa'yo ngayon ay hatred."
Napahawak ako sa noo ko.
"Shit."
"Shit talaga. Pero wag kang mag-alala, I'll help you."
Inangat ko ang tingin ko kay Eros.
"T-tingin mo ba deserving talaga ako para sa kanya?"
Napahinga ng malalim si Eros at nginitian ako.
"West, ikaw lang ang makakapag sabi niyan. Kung tingin mo sa ngayon eh hindi, edi gumawa ka ng paraan para maging deserving ka sa kanya. Save her and be with her for the rest of your lives. Para na rin hindi masayang ang sakripisyo ni Zyron para sa inyo."
Tumango ako.
"I will. I'll do anything para mahalin niya 'ko. This time, wala na talagang atrasan."
"Good. Edi pwede ko nang ibigay sa'yo 'to."
May inilabas si Eros sa bulsa niya na isang kwintas at inilapag sa table.
Nakita kong may palawit na compass ito.
"May ganyan si Jillian dati yun lang malaki ito at umiikot. Itong sa'yo maliit at hindi gumagalaw ang mga kamay. Pero lagi mong dadalhin 'yan West. Ayan ang po-protekta sa'yo."
"S-sino naman magtatangka sa akin?"
"Malay mo may sumulpot ulit na kagaya ni Ayesha? Better safe than sorry."
Kinuha ko ang kwintas at tinignan ito.
"Maliligtas din ba ako nito sa mga magnanakaw, o snatcher, o holdaper, o kidnapper?"
"Pre, hindi anting-anting yan. Wag kang mangarap!" sigaw niya.
Napasimangot ako.
"Nagtatanong lang eh..."
"Tsaka na nga yan. Ngayon kailangan na nating kumilos. Kailangan mong magpa-book ng flight!"
"Flight?"
Tumango si Eros at ngumiti ng malawak.
"Oo. Uumpisahan na natin ang Oplan: Pa-ibigin si Jillian. At ngayon, mag se-set up tayo ng kunyaring coincidence na magkakasabay kayo ng bakasyon sa iisang lugar."
"At saan naman yun?"
Mas lalong lumawak ang ngiti niya.... at ewan ba't ako kinakabahan?
"Sa Japan."
To be continued...
Kronos' Hourglass
~*~
West's Compass
Author's Note
Sa mga nalito sa timeline sa first chapter. Yung first part, yung may nakalagay na January 2017, ayun ay yung time na naaksidente si Jillian. NO. HINDI TYPO ANG 2017 DOON. :)
Sa second part, yung nakalagay na January 2016, bumalik sa past yung timeline. Yung bago pa maaksidente si Jillian at halos kakamatay pa lang ni Zyron. Ayun yung time na nakabalik na si Cupid sa past kaya una niyang tinanong kay West ay kung anong date na.
Sana po ay malinaw na.
At sa mga nangapi again kay bebe Cupid dahil bakit daw kailangang one year pa bumalik kesa 10 minutes, one day, o one hour bago ang aksidente... ayan po malinaw na sana ang dahilan. Wahaha, wawa naman si Cupid, ang hilig niyo siyang inaapi kahit ilang beses na niyang napatunayan ang sarili niya. Enebee. It's about time para magtiwala tayo sa kanya. (Sige kayo aalisan niya kayo ng lovelife!) XD
~ Aly A.
P. S. sa totoong greek myth, wala talagang hourglass si Kronos. Echos ko lang yun para sa ikagaganda ng kwento xD (Inunahan ko na yung mga greek myth fans na pupuna nito. Fiction to guys. Fiction xD)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top