Fourth Shot

Fourth Shot

JILLIAN.


"Ate Jill ah? Mag-iingat ka doon. Susulat ka. Magpapadala ako sa'yo ng size ng paa ko," pagbibiro ng half-brother kong si Andrei.

Hinampas ko nga ng mahina sa braso.

"Two weeks lang akong mawawala! At hindi kita bibilhan ng sapatos!"

"Mamimiss kita! Wala nang taga-prito ng hotdog at bacon pag almusal! Matakaw pa naman si Andrew!"

Natatawa na lang ako habang iiling-iling sa kapatid kong 'to.

Si Andrei – second year college – ay panganay na anak ni daddy kay Tita Sally, yung second wife niya. Si Andrew naman yung bunso, na ngayon eh third year highschool na.

Parehong maloko ang magkapatid na 'yan. Pero kahit ganyan ang mga 'yan, madali ko silang nakasundo nang mag decide akong tumira na kasama si daddy. Pinaramdam agad nila sa akin na welcome ako sa pamilya nila kaya naman sobrang nagpapasalamat ako. Ang saya pala ng pakiramdam ng may kapatid---kahit minsan ang sakit nila sa ulo.

Pinag-drive ako ngayon ni Andrei sa NAIA dahil flight ko papuntang Japan. I booked a 12 days trip to Japan and yes, mag-isa lang ako na lilipad. Busy si daddy at mommy (Tita Sally). Sina Andrew at Andrei naman, parehong may pupuntahang summer camp.

At ako? Kailangan ko ng inspiration. Dahil wala nga akong trabaho ngayon, plano kong sumulat ng nobela since isa yun sa pangarap ko noon. Dapat sa Baguio lang ako pupunta. Pero itong si daddy gustong bumawi sa akin kaya sinagot niya ang trip to Japan ko.

Kahit mag-isa lang ako, excited pa rin ako. Ilang beses na rin naman akong nakapag-travel mag-isa at naenjoy ko yun.

"Ate, uwian mo ako ah?" sabi ni Andrei habang tinutulungan niya ako sa maleta ko.

"Ano ba gusto mong uwi?"

"Paki uwi ang Mt. Fuji."

"Hay naku Andrew, ang tino mo talagang kausap."

"Ganun talaga pag pogi!"

He kissed the top of my head at nag paalam na sa akin.

Since maaga akong nakarating sa airport, maaga rin akong natapos sa pag ch-check-in. I decided to stay sa coffee shop muna bago pumunta sa waiting area.

Doon sa katapat kong table, may isang lalaking nakaupo at naka-headset doon habang nag h-headbang. Mukhang aliw na aliw sa pinapakinggan niyang kanta. With feelings pa ang pag headbang eh.

Ang gwapo niya. As in sobrang gwapo. Kaya lang mukhang sira-ulo.

"Mr. Kupidoooo ako naman'y tulungan mo..."

Yes, kumakanta na yung gwapong baliw sa tapat ko. Nakapikit pa siya. With feelings talaga.

"Ba't hindi panain ang kanyang damdamin at nang ako ay mapansiiiiinnnn~"

Oh, pumiyok pa.

Idinilat nung gwapong baliw ang mata niya at nagtama ang tingin namin. He grinned at me sabay kindat.

The fuck?

"Mahal! Ito na ang kape natin!" dinig kong sabi ng isang babae at lumapit siya doon sa lalaking gwapong baliw.

Napatingin ako sa babae at halos malaglag ang panga ko dahil sobrang ganda niya.

Pareho sila nung lalaki. Gwapo't maganda. Kala mo mga artista.

Scratch that.

Para silang Olympian gods.

"Thanks mahal!" sabi ni poging baliw sabay kuha ng kape doon sa magandang babae.

Lumingon sa akin yung babae at nagulat ako nang ngitian niya ako. I gave her an awkward smile in return.

"Tara na mahal," sabi ni pogi sabay akbay. "Ang sama ng tingin sa akin nung babaeng nasa harap ko. Parang may malaking galit sa akin."

Kinurot naman siya sa tagiliran nung babae.

"Ikaw kasi!"

At nag lakad na sila palayo.

Sana wag ko na siyang makita. Obvious na obvious akong tinititigan ko sila eh! Bakit ba! Ang hirap alisin ng tingin ko sa kanila kasi....kasi... gwapo sila at maganda?

No. Hindi lang yun. May dahilan pa at hindi ko maintindihan kung ano.

Hindi ko na lang sila pinansin at ininom ko na lang ang kape ko habang nagbabasa ng libro. Maya maya lang din ay dumiretso na ako sa holding area at nagantay sa flight ko.

Sabi three hours ang byahe papuntang Japan. For sure gabi na ang dating ko nito sa Tokyo. Malamig pa rin kaya doon? Last day of February na eh. Nung sinearch ko sa net ang weather sa Japan, sobrang lamig pa raw kaya naman nag dala ako ng mga winter clothes.

Maya maya lang din, pina-board na kami sa plane. Sakto dahil window seat ang nakuha kong upuan. Mukhang hindi naman full ang flight dito. I hope na wala akong katabi.

Biglang may bumatok sa akin ng malakas kaya napatingin ako sa likuran ko.

"Ay sorry, sorry miss!"

Napakunot ang noo ko. Siya yung lalaki kanina sa coffee shop. Yung feel na feel kumanta ng Mr. Kupido. Sa may window seat, doon nakaupo yung babaeng maganda.

Tinignan ko siya ng masama yung lalaki at nag peace sign naman siya sa akin. Kainis! Tinamaan kasi ako ng backpack niyang malaki habang inilalagay niya sa taas. Ang sakit nun ah! Feeling ko na-alog ang utak ko. Tapos ngiting ngiti pa siya na parang hindi siya nagsisisi na nabatukan ako ng bag niya!

Hinimas-himas ko ang likod ng ulo ko.

"Mag-iingat kasi," bulong ko.

"Sorry na nga miss! Ikaw naman, ang highblood!" naka-ngisi pa rin niyang sabi.

Feeling close naman ang isang 'to!

"Jillian..."

Napalingon bigla ako sa tumawag sa akin at nagulat ako nang makita ko ang dati kong boss na naglalakad papalapit sa amin. Naupo siya sa tabi nung lalaki, sa may aisle seat.

"Sir West.."

He gave me an awkward smile, "y-you're here?"

I tried my best not to roll my eyes at him. Malamang nandito ako kasi wala ako doon.

"Yeah," sagot ko.

"K-kamusta na?"

Napakunot ang noo ko. Ba't nauutal 'to? Samantalang dati kung sigaw-sigawan ako nito talo pa ang babaeng nag me-menopause.

"Ayos lang po. Masaya."

Hindi ko siya tinanong kung kamusta na siya. I don't want to engage myself sa pakikipag small talk sa kanya. Aba inis pa rin ako sa taong 'to hanggang ngayon. Mortal enemy ko 'to eh. At ayokong makipag plastikan.

"Magkakilala pala kayo ni miss mataray!" sabi nung lalaking pogi na baliw at feeling close. "I'm Cupid nga pala. Gwapong pinsan ni West!" pakilala niya sa sarili niya. "At ito naman si Psyche, asawa ko."

"Cupid ang name mo?"

"Yep!"

"At Pscyhe ang pangalan ng asawa mo?"

"Right!"

Napatawa ako ng mahina.

"Wow. Cupid and Psyche. Totoong pangalan niyo yun?"

"Oo naman! Bakit may problema ka ba doon?"

Umiling ako. "Wala. Lakas maka Greek mythology ng name niyo. Cupid and Psyche."

Inilagay ni Psyche ang kamay niya sa braso ni Cupid at nginitian ako, "kaya nga meant to be kami eh."

"Tsaka kami talaga yun," sabi ni Cupid.

I snorted.

Ang korny ng sense of humor ng isang 'to.

Hindi ko na sila pinansin at naglagay na pasak ako ng headset sa tenga ko hanggang sa mag take-off ang plane.

Sana hindi ko makasabay sa tour ang grupo nila. Okay lang si Psyche pero 'di ko feel yung Cupid. Parang ang kulit kulit eh.

Isa pa si Sir West. Jusko. Ang napakasungit kong ex-amo. Ang mortal enemy ko.

Please lang, hindi ko pa nakakalimutan lahat ng mga panahong pinapagalitan niya ako na parang wala na akong nagawang tama. 'Di niya alam kung gaano kasarap sa pakiramdam ang mag resign kasi sa wakas hindi ko na makikita ang mukha niya at hindi ko na maririnig ang cold niyang boses.

Kaya ayoko siyang kasama. Baka masira lang ang trip ko.

~*~

WEST.

"Ba't mo naman sinadyang batukan ng bag mo si Jillian?!" inis na bulong ko kay Cupid.

"Eh wala eh! Kailangan ko siyang batukan. Nakakainis kasi siya! Sukat nag pasagasa doon sa future!"

Napahawak na lang ako sa noo ko habang iiling-iling.

"West, ganito pala feeling ng nasa eroplano 'no? Wala akong ma-feel. Kala ko pa naman thrilling. Walang kwenta pala."

Tinignan ko siya ng masama.

Gumastos ako ng plane ticket niya for the sake na maranasan lang niyang sumakay sa eroplano. Gusto ko talagang gulpihin ang isang 'to. Kung hindi lang siya pinsan ni Jillian eh!

Napatingin ako sa harap kung saan nakaupo si Jillian. Mukhang tulog na siya. Nakapatong ang ulo niya sa window ng eroplano. Bakante ang mga upuan sa tabi niya at kanina pa ako nangangating lumipat at tabihan siya.

"Tabihan na kasi!" sabi ni Cupid na parang nandedemonyo pa.

"Wag kang magulo!"

"Wag kang torpe!" he hissed.

"Kita mo nga kanina halos ayaw makipag-usap sa akin. Tas tatabihan ko pa?"

"Weak mo pre."

Kinunutan ko siya ng noo.

"Wag mo nang guluhin ang diskarte ko pwede?"

"Ano ba ang diskarte mo? Umupo dito at titigan si Jillian hanggang matunaw siya?"

Isa pa sasapakin ko na 'to.

"Torpe, weaaakk, boooo!"

Tinignan ko siya ng masama. Nakakainis talagang kasama ang isang 'to. Hindi ko alam kung paano ko natitiis.

Madalas siyang nasa condo ko. In-occupy nila ni Psyche ang guest room ko. Thank god wala pa akong naririnig na mga unnecessary noise mula sa kwartong yun kundi palalayasin ko silang dalawa.

Pero yun nga. Madalas silang nandoon. Tapos madalas kinakain ang mga pagkain ko. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng palamunin.

Kung di lang talaga para kay Jillian, pinalayas ko na sila doon.

"Ayaw mo talagang tabihan siya?" sabi ni Cupid.

"Wag kang magulo!"

"Eh bahala ka. Mainggit ka sa amin ni Psyche."

Hinila niya si Psyche palapit sa kanya at hinalikan sa labi.

Shit naman. Ang PDA naman.

After that, inakbayan niya si Psyche at ipinatong ang ulo nito sa dibdib niya.

"West, sige na. Tabihan mo na siya," mahinahong sabi ni Psyche habang nakangiti sa akin.

Kung si Psyche ang unang nagsabi, baka ginawa ko pa agad. Mas mahinahon kasi siyang kausap at mabait kesa dito kay Cupid. Mas may sense rin siya.

Tinulak-tulak ako ni Cupid.

"Sige na! Tabihan na! Alis ka na dito! Dali!"

"Oo na!"

Inis akong tumayo. Mamaya masapak ko pa ang isang 'to.

Lumapit ako kay Jillian. Tulog nga siya at naka-headset. Parang nagkakarera na naman sa bilis ang puso ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya kinalabit.

Napadilat siya at inalis ang headset sa tenga niya.

"Hmm?" kunot-noo niyang sabi.

"Ah.. p-pwedeng dito m-muna ako umupo?"

Mas kumunot ang noo niya.

"Bakit?"

Napalunok ako. Parang naiirita siya. Gusto ko nang bumalik sa upuan ko.

"Ah.. k-kasi kailangan ng privacy ng pinsan ko at ng asawa niya. Alam mo na... honeymoon. Pero okay lang sige balik na ako."

"Sige dyan ka na."

Napangiti ako.

"T-thanks!"

I-o-occupy ko sana ang seat na katabi niya kaya lang bigla niyang inangat ang bag niya at pinatong dito. Doon tuloy ako naupo sa tabi ng aisle. Tatluhan kasi ang upuan at ngayon, may isang seat sa pagitan naming dalawa.

Kahit medyo disappointed ako, naupo pa rin ako. Okay lang. Mas malapit na naman ako sa kanya.

Ibinalik ni Jillian ang headset niya sa tenga niya at natulog.

Tama nga si Cupid, yung alaala ni Jillian sa akin ay hindi maganda. Mahirap nga ito. Hindi pwedeng gumamit ng pana si Cupid kaya mangangapa kami kung paano mawawala ang galit ni Jillian sa akin at kung paanong magugustuhan niya ako.

Hindi madali. Ngayon pa lang nalulungkot na ako kasi yung way na tignan niya ako, parang gusto niya akong suntukin.

I can't blame her though. Kung paano ko siya tinrato noon ay hindi maganda. I'm a jerk. Masyadong duwag sa nararamdaman. Ang alam lang na pagpapapansin ay pagsusungit. Ayan, ayan ang napala ko.

Pero bahala na. Gagawin ko ang lahat.

Nilingon ko siya. Nakapikit ang mata niya. Ang lakas din siguro ng music sa headset niya kasi medyo naririnig ko ang tunog.

"I love you," I whispered.

Kahit alam kong hindi niya ako maririnig.

To be continued...


Author's Note:


Sa mga naguguluhan pa rin po sa setting ng story, itong TIMELINE na 'to ay AFTER mamatay ni Zyron ar Ayesa. After nang lahat nang nangyari doon sa chapter 65 ng SWSCA at after BURAHIN ni Cupid ang alaala ni Jillian, West, at lahat ng nakapaligid sa kanila.

Ito po yung time na si Jillian ay nakabalik na doon sa daddy niya.

Sa First chapter po, yung first part doon, YEAR 2017 yun kung saan nasagasaan si Jillian at na-tegi. Ayun yung katuloy ng epilogue ng SWSCA. Meaning, year 2017 ang epilogue ng SWSCA.

Then bumalik si  Cupid sa year 2016 para ma-prevent na mamatay si Jillian. Kaya ang timeline na nating ngayon ay year 2016--again, after ma-tegi ni Ayesha at Zyron.

Kaya po si Edgar ay ikakasal pa lang at wala pa silang anak ni Diana rito. Yung epilogue sa SWSCA ay year 2017 na po iyon. Kaya po lahat ng nangyayari sa mga characters ay "past" kasi malamang bumalik si Cupid sa past.

Ayun, nilinaw ko lang. Gets naman ng lahat eh. Pero nakakagulat na may dalawa o tatlong hindi naka-gets. Malinaw naman.

Medyo nakakaloka na po mag explain. Pag maraming hindi naka-gets, sige i-explain ko. Pero pag mag-isa ka lang, ay naku. Read the comments na lang o maybe basahin mo ulit at subukang i-analyze kasi lagi ko naman mina-make sure na understandable ang mga plot twists ko.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top