Forty First Shot
Forty First Shot
JILLIAN.
At first, I was crying and shouting until my lungs burn. Paulit ulit kong isinisigaw ang pangalan ni West. Walang tigil ang paghagulgol ko. Ayokong paniwalaan ang nasa harapan ko. Ayokong tanggapin na wala nang buhay si West.
He chose to die dahil alam niyang hindi niya magagawang labanan ang mga utos ni Hades at Zyron sa utak niya.
He chose to die kesa ang saktan niya ako.
He died because I cannot save him.
Nakasandal ako ngayon sa mataas na brick wall ng maze na 'to. West is just a few inches away from me. I'm not shouting anymore pero hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng mga luha sa mata ko habang nakatitig ako sa katawan ni West.
Nakakatawa naman, 'no?
Nagumpisa ang lahat nang 'to dahil sa kagustuhan nilang iligtas ako. Para wag akong mamatay.
Pero ngayon, ayun na lang ang gusto kong mangyari.
I want to die. Baka pag pareho kaming namatay ni West, hindi na nila kami magugulo? Hahayaan na nila kami? Patatahamikin na nila kami?
Yes, I want to die. Just let me die.
Nakita ko ang isang patalim sa tabi ni West. Nanginginig akong tumayo at dinampot ko 'to.
I raised the dagger at itinapat ko sa puso ko. Pero bago ko pa ito maisaksak sa sarili ko, bigla na lang tumalsik ang patalim mula sa kamay ko.
Napa-angat ang tingin ko at sa harapan ko, nakita ko si Zyron na palapit sa amin.
Seryoso siyang nakatingin sa akin at kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
"What do you think you're doing--!"
Natigilan si Zyron nang mapababa ang tingin niya at nakita niya ang katawan ni West.
Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya. Nabitiwan niya ang panang hawak hawak niya at dahan dahang naglakad palapit sa kanyang kapatid.
"W-West...? West..." napa-luhod siya sa harapan nito. Nanginginig nginig ang mga kamay niya na hinawakan ang leeg ni West para tignan ang pulso niya.
Nakita ko ang pagbagsak ng luha sa mga mata ni Zyron nang mapagtanto niyang wala nang buhay ang kapatid niya.
"Hindi.. hindi... hindi pwede... may mali. Hindi pwede. Nangako siya. Nangako siya..."
Parang biglang nagdilim ang paningin ko at itinulak ko si Zyron palayo kay West.
"Wala kang karapatan!" sigaw ko habang naka-hawak sa kwelyo ni Zyron. "Wala kang karapatan na lapitan o hawakan si West! Ikaw ang may kagagawan nito. Ikaw! Ikaw! Namatay siya dahil sa'yo! Dahil wala kang kwentang tao! Dahil napaka-makasarili mo!"
Umiling iling si Zyron at tila wala siyang nariring sa ni-isa sa mga sinasabi ko.
"Paano? Paanong nangyari.. hindi pwede... nangako siya. Nangako siya na walang mapapahamak... paano..."
"Paano?! He stabbed his heart with my arrow para lang iligtas ako. Because you are controlling him! You don't have the right to weep because you are the reason why he's dead!"
Patuloy ang pagiyak ni Zyron. Halos mamilipit siya dahil sa sakit.
Pero ako, parang namanhid ang buong katawan ko. Pati ang pakiramdam ko na ni katiting na awa, hindi ko magawang maibigay kay Zyron.
Nagdidilim ang paningin ko. Nanginginig ako sa galit.
Siya ang may kasalanan nito.
Kinuha ko ang patalim na kaninang tumalisk mula sa kamay ko at itinapat ko ito kay Zyron.
"Kasalanan mo, Zyron. Kasalanan mo. Wala na si West dahil sa'yo."
"Hindi.. hindi.." umiling si Zyron. "Nangako siya sa akin na walang mapapahamak. Nangako siya.. bakit?" inangat ni Zyron ang tingin niya sa akin. "Bakit hindi mo siya nagawang iligtas. Ikaw ang nakatadhana sa kanya, hindi ba? Bakit hindi mo siya nagawang iligtas?"
Mas napahigpit ang pagkakahawak ko sa kwelyo ni Zyron at idiniin ko ang patalim sa leeg niya. Nakita kong may dugo nang tumutulo dito.
"Don't you dare put the blame on me," nanginginig kong sabi. "Dahil hindi mangyayari 'to kung hindi mo siya inilagay sa ganitong pusisyon!"
Iniwas ni Zyron ang tingin niya sa akin at ibinalik niya ito kay West.
"That's cupid's arrow."
Bigla akong napalayo kay Zyron at nabitiwan ko ang patalim na hawak-hawak ko. Napatingin ako kay West at sa panang nakasaksak sa kanyang dibdib.
"Zyron... anong ibig mong sabihin na pana ni Cupid yan?" nanginginig kong tanong sa kanya.
"Everything is a test, Jillian. Nanghingi ng tulong si Aphrodite kay Hades upang tignan kung hanggang saan ang kakayahan mo. Ang pana na 'yan, kahit hindi ikaw ang gumamit, maililigtas at maililigtas pa rin niyan si West. Dahil kahit si West man ang sumaksak sa sarili niya ay gagana yan dahil siya ang nakaduktong sa'yo, Jillian."
Napailing ako at muli na namang namuo ang luha sa mga mata ko.
"Kung totoo mang si West ang nakaduktong sa'yo, Jillian, mabubuhay siya."
Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko at napaupo ako sa harapan ni West. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko habang nakatingin sa walang buhay niyang katawan.
Hindi gumana ang pana.
Hindi si West ang para sa akin?
Pero paano? Sabi ni Cupid siya ang nakatadhana sa akin. Pero bakit hindi pa rin gumana ang pana? Bakit hindi ko siya nagawang iligtas? Bakit?
Napapikit na lang ako at pakiramdam ko parang unti-unti na rin akong pinapatay.
Sana umpisa pa lang pinakawalan ko na si West. Sana dati pa lang hindi na nagtagpo ang tadhana namin.
Sana hindi ko na lang ninakaw noon ang pana ni Cupid para hindi na mangyayari ang mga bagay na 'to.
Para sana, buhay pa ngayon si West. Malayo sa akin. Ligtas.
Kahit iba ang mahal niya. Kahit ibang babae ang para sa kanya. Basta ligtas siya.
Hinawakan ko ang kamay ni West at napahagulgol na lang ako dahil ang lamig na ng mga kamay niya.
"West.. sorry... sorry.. sorry.." paulit ulit ulit kong sabi at wala akong ibang nagawa kundi umiyak at humingi ng tawad sa harapan niya.
Kahit alam kong hindi na maibabalik pa ng mga luha ko ang buhay niya.
"Jillian...?"
Naramdaman kong may mga kamay na umakbay sa akin at nakita ko si Cupid sa tabi ko. Nakatingin siya kay West at kita ko sa mga mata niya na hindi rin siya makapaniwala sa mga nangyayari.
"Imposible..." halos pabulong na sabi ni Cupid.
Umiling ako at pinunasan ko ang luha sa mga mata ko pero wala pa rin silbi dahil tuloy tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko.
"Mali ka Cupid, hindi ako ang para sa kanya. Hindi ko siya magawang iligtas..."
Umiling ulit si Cupid, "hindi.. imposible. Ikaw ang nakaduktong sa kanya. Imposible 'to. Hindi 'to totoo..."
Cupid stretched his hand para hawakan ang panang nakasaksak sa dibdib ni West ngunit parang may isang kuryente na nag-repel sa kanya kaya napa-atras bigla ang kamay ni Cupid.
"Bakit hindi ko mahawakan?!" natatarantang tanong ni Cupid.
"Dahil ang makakahawak lang niyan ay apprentice mo, Cupid," sagot ni Zyron sabay tingin sa akin, "na alam nating lahat na wala ring magagawa upang iligtas ang lalaking mahal niya."
Tumayo si Zyron at tumingala.
"Hades!" sigaw niya. "Nangako ka! Nangako ka sa akin na walang mapapahamak sa kanila! Sabi mo ang kapalit ng pagtulong ko sa'yo ang kaligtasan nilang lahat! Sabi mo matatapos ito nang masaya si West at Jillian. At si Ayesha..." Napapikit si Zyron. "Nangako ka, Hades! Tuparin mo!!"
Napaluhod si Zyron at tuloy tuloy rin ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang mata.
"Hades! Tuparin mo! Tuparin mo!!" paulit ulit na sigaw ni Zyron habang paulit ulit niya ring sinusuntok ang semento.
Napapikit na lang ako habang patuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Naramdaman ko ang mga braso ni Cupid na niyayakap ako dahil alam kong ayun na lamang ang tanging magagawa niya para sa akin.
Dahil wala nang pag-asa. Wala na.
Wala na si West.
At kahit ilang beses sumigaw si Zyron, hindi siya pinapakinggan ni Hades.
Narinig ko ang boses ni Hedone. Narinig ko ang pagiyak niya nang makita niya si West. Hinila niya ako papalapit sa kanya at siya naman ang yumakap sa akin ng mahigpit.
Narinig ko rin ang boses ni Ayesha na paulit ulit na tinatawag ang pangalan ni Zyron.
Pero nakapako lang ang tingin ko sa mukha ni West.
Hindi ko na makikita ang mga mata niya, hindi ko na siya makikitang ngumiti, hindi ko na maririnig ang boses niya.
Wala na.
'I love you.'
Ang mga huling katagang binitiwan niya. Ni hindi ko man lang nasabi kung gaano ko rin siya kamahal,
'I love you.'
Hanggang sa huli, ako ang inintindi niya.
West naman, eh. Ang daya mo naman, eh. Ako dapat ang magliligtas sa'yo, not the other way around.
Ang sakit sakit naman, eh.
"Jillian..."
Naramdaman kong may humawak sa pisngi ko at napa-angat ako ng tingin. Nakita ko si Ian na nasa harapan ko at seryosong nakatingin sa akin.
Kinuha niya ang kamay ko at dahan dahan niyang inilapit ito sa pana na nasa dibdib ni West.
He wrap my fingers around the arrow and he let me grip it tight.
"Jillian, ikaw ang para kay West," sabi ni Ian. "Nakikita ko ang kapalaran niyo na nakaduktong sa isa't-isa."
Umiling ako, "pero hindi gumana ang pana. Hindi gumana..."
"Kasi baka hindi ikaw ang living arrow, Jillian."
Napatigil ako sa pag-iyak at napa-angat ang tingin ko kay Ian. Gulat na gulat ako sa sinabi niya.
Kung hindi ako, edi sino---?
Tinitigan ko siya ng diretso sa mata at halos hindi ako makapaniwala sa narerealize ko.
Ian gave me a reassuring smile and then itinapat niya ang kamay niya sa pana at sa kamay kong nakahawak dito. Nagulat ako nang may liwanag na lumabas mula sa kamay ni Ian.
Dahan-dahan ay inilapat niya ang palad niya sa pana and he also wrap his fingers around it.
After awhile, binitawan niya ang pana at nagulat ako nang may makita akong mga markings dito na wala naman kanina.
No—hindi ito mga markings.
It's my name and West's name embedded on the arrow.
Katulad ng mga pangalan na nasa pana ni Cupid kung kanino niya gagamit ang panang yun.
Sa dalawang taong magkaduktong ang tadhana.
The arrow turned into ash at kasabay nito ang pagkawala ng sugat sa dibdib ni West.
Napa-atras si Ian at nakita ko ang pamumutla ng mukha niya. Bigla ring nawalan ng kulay ang labi niya.
It is as if that simple act drained his energy.
Yes, that simple act na hindi ko manlang kayang gawin.
"You're the living arrow.." halos pabulong kong sabi.
Tumango si Ian and he gave me a genuine smile.
Naramdaman kong gumalaw ang mga daliri ni West at parang bigla akong nabuhayan.
Napatingin ako kay Zyron at kita kong nagbalik din ang buhay sa kanyang mga mata nang makita niyang gumalaw si West.
"West?" I touched his face...
At napahagulgol na lang ako ng iyak when he opened his eyes.
Then next thing I knew, I'm already at his arms and he is hugging me tight. I hugged him back. I also hug him tight.
"I'm back, I'm safe..." he whispered. "I love you, Jillian." paulit ulit niyang sabi sa'kin.
"I love you too, I love you, I love you...." paulit ulit ko rin bulong sa kanya.
Hindi ko alam kung gaano ko katagal na niyakap si West doon. Alam kong ilang beses na akong tinawag nina Cupid at Hedone. Ilang beses na nila kaming pilit pinaghiwalay pero hindi ako bumibitiw kay West dahil sa takot ko na baka pag humiwalay ako sa kanya, mawala ulit siya sa akin.
"Jillian..." this time, si West na ang bumitiw sa pagkakayakap pero pilit pa rin akong yumakap sa kanya pabalik.
"Jill," hinawakan niya ang magkabilang side ng mukha ko at tinitigan ako ng diretso sa mata. He is smiling at me. Akala ko hindi ko na makikita ang ngiti niya. "Jill, you don't have to worry anymore. I'm safe now. I'm not going to leave you."
"W-West."
"I love you, Jillian. Tapos na lahat. You broke the curse, nanalo tayo sa deal natin kay Hades, hindi na niya tayo guguluhin. We are perfectly safe now."
Tumango ako habang tuloy tuloy pa rin ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.
West wiped my tears away at naramdaman ko ang labi niya sa labi ko.
Mas lalo akong napaiyak.
Tapos na. Tapos na lahat.
He's with me now.
At sana, totoo na talaga. Sana, wala nang mangugulo sa amin.
~*~
ZYRON.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin ako kay West at Jillian. Tila ba nabunutan ako ng isang malaking tinik sa dibdib nang makita kong buhay ang kapatid ko.
Napapikit ako.
Tapos na, Hades. Hindi si Jillian ang living arrow kaya pwede mo nang sabihin kay Aphrodite na tigilan na sila.
Narinig ko ang isang mahinang tawa sa isipan ko.
Boses ni Hades.
"Salamat," dinig kong sabi niya. "Makakarating, Zyron. At katulad ng ipinangako ko sa'yo, hindi ko na babawiin ang buhay ni Ayesha."
Napatango ako.
"Sapat na yun.."
"Ano na ang plano mo?" tanong ni Hades.
Napatingin ako kina West. Nagkukumpulan na sila doon. Maging si Ayesha ay hinatak ni Hedone papalapit sa kanila. Kita ko ang pagkailang sa kanyang mga mata pero tinanggap niya ang pakikipag-kamay kay West.
Masaya na sila. Nagawa ko na ang dapat kong gawin. Alam ko namang hindi ko na magagawang humarap sa kanila sa kabila ng mga ginawa kong kasalanan.
Pero masaya akong makita na maayos na sila at malayo sa kapahamakan.
"Handa na akong magpahinga," bulong ko kay Hades mula sa aking isipan.
"Sigurado ka ba diyan?"
"Sigurado na ako."
"Hindi mo man lang ba hahayaang makasama ang babaeng nakatadhana para sa'yo?"
Natigilan ako sa sinabi ni Hades.
"Ang para...sa akin?"
"Umpisa pa lang pinaghiwalay na kayo. Ngayon, binibigyan ko kayo ng pagkakataon ulit. Zyron, gugustuhin mo na bang mamahinga?"
Hindi ko magawang sumagot. Nagtatalo ang isip at puso ko.
Alam kong matagal nang lumipas ang panahon namin ni Ayesha. Masyado nang maraming nangyari. Ni hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya.
"Pag-isipan mong maigi," bulong ni Hades. "Tawagin mo akong muli kapag nakapagdesisyon ka na."
"Z-Zyron.. s-saan ka pupunta?"
Napalingon ako sa likuran ko at nagulat ako na naka-sunod na sa akin si Ayesha.
Kita ko ang pagaalala sa kanyang mga mukha.
Lumapit siya sa akin at nakita ko ang pangingilid ng luha mo.
"Hindi ka babalik kay Hades, hindi ba? Hindi ka na babalik doon? Zyron?"
Napaiwas ako nang tingin kay Ayesha.
"Hindi na," halos pabulong kong sabi.
"B-bakit hindi mo lapitan si West?"
Umiling ako, "hindi na kailangan, Ayesha."
"P-pero... Zyron, saan ka pupunta?"
Nagkibit balikat ako, "sa malayong lugar. Malayo rito. Hanggang sa makapag desisyon ako..."
"Mag desisyon saan?"
"Kung mananatili pa ba ako o magpapahinga na ako."
Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Ayesha nang dahil sa sinabi ko. Napayuko siya at napa-iwas ng tingin.
I took a step forward at lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya at inangat ko ito para mag-tama ang tingin naming dalawa.
"Ayesha... habang hindi pa ako nakakagawa ng desisyon... gusto mo bang...sumama sa'kin?"
Mula sa pagkalungkot ay napalitan ng saya ang mga mata ni Ayesha. Nginitian niya ako at nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.
Tumango siya, "oo naman. Sasama ako sa'yo."
Nginitian ko rin siya at hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming umalis dalawa.
Papunta sa malayong lugar.
Sa lugar kung saan pwede kaming makapagsimula ulit.
~*~
CUPID.
"Ina, nangako ka sa akin na hinding hindi mo na guguluhin si Jillian, tapos malalaman ko na ikaw ang may pasimuno nito?" sabi ko sa aking inang si Aphrodite na ngingiti-ngiti lamang sa harapan ko. "Sabihin mo sa akin, ano ang hininging kapalit ni Hades para mapapayag mo siya na tulungan ka?"
Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ng aking ina.
"Isang bagay na magagamit nila ni Persephone," nakangisi niyang sagot.
Napabuntong-hininga na lang ako at ayoko nang alaming kung ano pa ang bagay na ibinigay niya kay Hades at sa asawa nito.
"Hay, nakakalungkot naman at akala ko'y si Jillian na talaga ang apprentice mo," sabi niya. "Ngayon, wala ka bang planong dalhin dito at ipakilala sa akin ang mortal na lalaking iyon?"
"Mangako ka muna na hindi mo na guguluhin si Jillian."
Napailing siya at kita ko ang bakas ng pagkainis sa mukha niya.
"Wala na akong kailangan sa kanya lalo na't mas pinili niya na talaga ang pagiging mortal. Isa pa, nakita na ng dalawang mata ko na hindi siya ang nararapat na maging apprentice mo kaya hindi ko na siya guguluhin. Ngayon, nasaan ang mortal? Nakuha mo na ba siya? Hindi mo siya pwedeng pakawalan, Cupid, alam mo yan."
Napabuntong hininga ulit ako.
"Huwag kang mag-alala ina, kusa siyang sumama sa akin."
Nakita ko ang pag ningning ng kanyang mga mata sa sinabi ko.
Napatingin ako sa likod at nakita kong naglalakad na sila palapit sa amin.
"Ina, nais kong ipakilala sa inyo ang aking bagong apprentice... Si Ian."
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top