Fortieth Shot
Fortieth Shot
JILLIAN.
"Papatayin kita."
"W-West, no!!"
Tumakbo ako palayo kay West habang sunod sunod ang pagpatak ng luha sa mga matako.
No. This isn't happening. Please tell me, hindi totoo 'to. Nananaginip lang ako. Please. Hindi si West ang humahabol sa akin kundi ibang tao.
Lumiko ako sa kanang bahagi ng maze at mukhang na-iwala ko siya dahil nakita ko ang pagliko niya sa kaliwa.
Napa-upo ako. Nanginginig ang tuhod ko. Ramdam ko ang hapdi ng kanang braso ko gawa ng dumaplis na patalim dito.
Itinakip ko ang kamay ko sa bibig ko dahil rinig na rinig ang pag-hinga ko.
Bakit si West? Bakit siya pa?
"Jillian.. nasaan ka?" tawag niya sa akin sabay tawa ng malakas. "Kailangan mo ang susi, 'di ba? Ibibigay ko naman sa'yo 'to pag napatay na kita kaya lumabas ka na diyan."
Napapikit ako habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.
Bakit ginagawa nila sa amin 'to? Paano ko malulusutan 'to?
Handa akong isakripisyo ang buhay ko.
Handa na nga akong pumatay ng kahit na sinong iharap sa akin ni Zyron kung kapalit naman nun ay titigilan na nila kami ni West.
Pero bakit sa lahat ng taong ihaharap niya sa akin eh yung taong alam niyang hinding hindi ko magagawang saktan?
Narinig ko ang mga yapak ni West na papalapit sa kinalulugaran ko kaya napatayo ako at dali-dali akong umalis sa kinalulugaran ko.
Kaya lang pagliko ko ay dalawang mga kamay ang sumalubong sa akin at humawak balikat ko.
I screamed.
Nakita ko ang nakangiting mukha ni West at pagtaas ng patalim sa kamay niya.
"Hi Jillian..."
"West!"
Tinulak ko siya ng malakas at sinipa ko siya sa hita na naging dahilan para ma-outbalance siya at matumba. Tumakbo ako palayo sa kanya pero nahawakan niya ang kaliwang paa ko at hinila ako papalapait sa kanya kaya ako naman ang bumagsak sa sahig.
There's a shot of pain on my knees as it hits the grounds. Ramdam ko ang hapdi ng hita at mga balikat ko ng kaladkarin niya ako papalapit sa akin.
Puma-ibabaw sa akin si West at itinaas ang mga kamay ko sa may ulunan ko habang mahigpit niyang hawak hawak ang mga ito sa kanang kamay niya. Ang kaliwang kamay naman niya ay hawak hawak ang patalim na itinutok niya sa leeg ko.
"Bakit ka umiiwas sa akin? Akala ko ba mahal mo 'ko?" nakangiti niyang sabi. "Mahal din naman kita kaya wag kang mag-alala, mabilis lang 'to."
"W-West.. please.. please.." iyak ko sa kanya.
He is smiling at me na para bang ang saya saya niya sa nakikita niya. Ang saya niyang nakikita akong ganito.
Naramdaman ko ang dulo ng patalim sa may leeg ko na bahagyang dumaplis sa balat ko. Mahapdi. Naramdaman ko ang dugong tumutulo sa leeg ko.
Inilayo ni West ang patalim sa leeg ko at medyo nakahinga ako ng maluwag.
But I was taken a back on the next thing he did.
I felt a sharp pain on my right leg and I screamed as he buried the knife on my thigh.
"West!! Please! Wag mong gawin 'to!!" iyak ko.
I thrash and I screamed and I tried to get him off me but he pinned me hard on the ground. I tried to reach for my arrow pero itinulak niya ito palayo sa akin.
"Manahimik ka!" he slapped me at parang biglang umikot ang paningin ko. Nanghihina na ako.
"Wag kang matakot. Mabilis lang 'to..." West whispered with a manic smile.
Napapikit ako at hinayaan ko na lang tumulo ang mga luha sa mata ko.
"I love you, West," I whispered. "I love you. I love you so much and I'm so sorry for being weak. I'm so sorry if I cannot save you. I love you. I love you. I love you."
"J-J-Jillian..."
My eyes shot open and I saw that the knife is inches away from my chest. Nanginginig ang kamay ni West na nakahawak sa patalim. It's as if he's struggling.
Pinipigilan niya ang sarili niya na wag akong saktan.
"W-West! Please, bumalik ka na! West!"
"Jillian.."
Muli niyang itinaas ang patalim at nakita kong sasaksakin na niya ako pero bago pa ito tuluyang bumaon sa dibdib ko, iniharang niya ang kaliwang braso niya kaya ayun ang nasaksak niya.
He shouted in pain at napaalis siya sa ibabaw ko.
"WEST!"
I was about to go near him but he growled at me.
"LUMAYO KA! TUMAKBO KA PALAYO SA AKIN!"
"W-West!"
"TAKBO!" sigaw niya.
Nakita kong kinuha ni West ang isa sa mga arrow ko and he pointed it at me.
Napatayo ako at iika-ika akong tumakbo palayo sa kanya habang hawak hawak ko ang hita kong may naka-baon na patalim.
But I am not fast enough dahil naabutan na naman ako ni West at hinila niya ako papalapit sa kanya. He pinned me on the wall while he's pointing the arrow at my chest.
"West! West please, labanan mo. Please."
Ngumiti si West.
"Malapit nang mamatay ang West na kilala mo."
Umiling ako.
"Hindi! Alam kong nandyan ka pa, West! Alam ko! Hindi ako mawawalan ng pag-asa, pangako. Ilalabas kita diyan basta tulungan mo 'ko. West! Please!"
"Paalam Jillian," mahinahon niyang sabi at ibinaon niya ang pana sa braso ko.
Napatili ako sa sakit at umikot ang paningin ko. Alam kong babagsak na ako but West pinned me hard on the wall to prevent me from falling.
Binunot niya ang pana na isinaksak niya braso ko at this time, itinapat niya ito sa dibdib ko.
Tinignan ko si West ng diretso sa mata. Yung mga matang sobrang pamilyar sa akin. Pilit kong inaalala kung paano niya ako tignan dati.
Full of love.
Unlike now...
"I love you," I whispered to him.
Nakita kong bumagsak ang luha sa mata ni West.
"I love you too, Jillian."
Itinaas niya ang pana and I saw it with my two eyes...
I saw how he pierced the arrow through his heart.
Napatingin ako sa dibdib niya, ang daming dugong umaagos dito.
"I love you," he said weakly.
Then he coughed blood.
At tuluyan na siyang bumagsak sa harapan ko.
To be continued...
Twitter username - iamalyloony
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top