Fifteenth Shot

Fifteenth Shot

JILLIAN.


Hindi ako nakatulog buong gabi. Ayaw mawala sa isip ko yung nakita ko. Yung nakapatong na kamay ni Beth sa mga balikat ni West, yung magkadikit na katawan nila, yung pagsara ng pinto sa hotel room niya.

Ilang beses kong pilit ipinapasok sa kukote ko na bigyan si West ng benefit of the doubt.

Paano kung pinalabas niya rin si Beth?

Pero bakit hindi niya itinulak agad 'to bago pa siya pumasok sa room?

Paano kung wala naman nangyari? Nag kwentuhan lang sila sa loob ng kwarto ni West?

Pero bakit kailangan magkadikit ang mga katawan nila? At talagang mag kukwentuhan ng hating gabi sa loob ng kwarto ni West?

Eh ano naman kung may nangyari sa kanila? Kayo ba? Hindi naman 'di ba? Anong ikinakaselos mo?

Eh leche siya, sasabihin niyang mahal niya ako tapos biglang ibang babae ang ikakama niya?!

So gusto mo ikaw?

Uhmm..

Tinigilan ko na ang pag iisip. Kung anu-ano na ang pumapasok sa kukote ko, eh.

Oo. Benefit of the doubt. Tama.

Mamaya wala naman talaga nangyari. Mamaya madumi lang ang isip ko. Tama. Wala talaga.

Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni West. Naghahalikan sila ni Beth. Nahulog sa sahig ang yukatang suot suot niya.

LECHE.

Kahit 6am pa lang, bumaba na ako sa buffet area para mag breakfast. Bihis na bihis na rin ako.

At dahil nga ang aga-aga ko, halos wala pang tao sa buffet area. Yung mga kasama ko sa tour hindi pa rin mga bumababa. Malamang mga tulog pa ang mga 'yon.

Kumuha ako ng maraming pagkain. Walang pake kung kaing lalaki ako. Stressed ang pagiisip ko at kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Katiting na asukal lang din ang inilagay ko sa kape ko para matapang at gising na gising ako kahit na wala akong tulog.

Pag balik ko sa table ko, napansin kong nasa kabilang table na ang grupo nina Bethlog. Napatingin din tuloy ako sa paligid ko kasi baka kasama niya si West pero hindi.

Medyo nakahinga ako nang maluwag.

Ibig sabihin hindi siya natulog sa kwarto ni West. Baka pinalayas nga talaga siya.

Hindi ko napigilang ngumiti. Kainis kasi kung anu-ano pa iniisip ko, eh. Hindi naman si West yun.

"Anong oras ka ba bumalik sa room? Hindi ka na namin napansin."

"Mga bandang 3am na ata."

"Wow, nag enjoy ka sa kwarto ni West, ah."

Halos maibuga ko ang kapeng iniinom ko dahil sa narinig ko.

Yumuko ako at nag kunwaring hindi nakikinig sa kanila, pero shit na 'yan, parang biglang nawala ang appetite ko.

"Halata naman girl na enjoy na enjoy ka. So magaling ba siya?"

Medyo sumulyap ako kay Beth at ang lawak ng ngiti niya.

Feel ko siyang sabunutan! Gusto ko siyang saksakin ng tinidor sa mata!

"Sobrang galing."

Napahinga ako nang malalim. Feeling ko may nakabara sa lalamunan ko. Pilit kong inilunoko ang pagkaing nasa harapan ko para mapigilan ko ang pag-iyak.

Pag-iyak? Leche ba't para akong maiiyak?

"I didn't know na adventurous pala ang lalaking yun," sabi ni Beth. "Kung alam niyo lang ang mga ginawa namin, naku maloloka kayo."

"Eh detailed mo naman! Binibitin mo kami eh!"

"Later girls," mahinang sabi ni Beth. "Pag tayo-tayo na lang."

Nilagok ko yung kapeng nasa harapan ko. Ang init. Napaso ang dila at lalamunan ko pero hindi ko masyadong ininda.

Halos mabilaukan ako nang sunod sunod akong sumubo ng salmon at garlic rice. Pero wala akong paki.

Okay nang maramdaman kong ang sikip ng dibdib ko dahil mabibilaukan ako sa kinakain ko kesa naman yung pakiramdam na naninikip ang dibdib ko dahil sa mga naririnig ko.

Benefit of the doubt? Lecheng 'yan.

"Good morning West!"

Bigla akong napaayos nang upo nang marinig ko ang pangalan ni West. Napatingin ako at nakita ko si West, nginitian niya si Beth then lumapit siya sa table ko.

"Gutom?" nakangiting bati ni West habang tinitignan yung mga plato sa harapan ko then naupo siya sa tabi ko.

I tried my best na ngitian siya, na ipakitang hindi ko alam ang ginawa niya.

"Medyo," sagot ko.

"Uy! Ang aga naman ni Jillian! Nagutom?" naka-ngising sabi ni Cupid. May dala-dala na siyang mga pagkain at nakasunod naman si Psyche sa kanya.

Nginitian ko rin siya.

"Oo eh."

Kumunot ano noo ni Cupid.

"Anyare sa'yo? Ba't parang hindi ka mataray ngayon?"

Umiling ako.

"Sige una na ako sa taas. Mag aayos pa ako nang gamit, eh."

"O-okay," sabi ni West. "See you later."

"See you."

Nanginginig akong tumayo at naglakad palabas nang buffet hall.

Nangingilid ang luha sa mata ko.

Hindi naman ako iyaking tao, eh. Pero bakit parang gusto kong umiyak ngayon? Bakit ang bigat sa dibdib?

Kahit pala sinabi sa'yo nang isang tao na mahal ka niya, hindi pa rin assurance 'yon. Kung yung mga taong magka-relasyon nga minsan nagkakalokohan pa eh, paano pa kami? Hindi ko naman siya boyfriend. Hindi niya ako girlfriend.

May karapatan ba akong magalit sa nangyari sa kanila ni Beth.

Isang gabi lang yun. Isang gabi lang. One night stand kung baga. Isang gabing nag enjoy lang pero dapat kinakalimutan na. Parte nang bakasyon. Yun lang.

Leche masakit pa rin.

"Jillian?"

Napa-angat ang tingin ko at nagulat ako nang makita ko si Ryan sa harapan ko.

"Hey, what's wrong?"

Nginitian ko siya, "h-ha? Wala! Bakit naman?"

Kumunot ang noo ni Ryan.

"Wala? Eh ba't ka umiiyak?"

Napahawak ako sa pisngi ko.

Shit.

"Jillian, bakit? May nang away ba sa'yo? Inasar ka ba ni Cupid?"

Napatawa ako nang mahina.

"Parang iiyak naman ako sa pangaasar ng kupal na 'yon."

"Then why?"

Bigla akong napahikbi.

"Na fall na ako sa kanya, eh."

Nanlaki ang mata ni Ryan then tumango siya na parang sinasabi niyang naiintindihan niya kung sino ang tinutukoy ko.

"And I saw him with someone else."

"Oh no."

Lumapit siya sa akin then he pulled me into a hug.

"I'm so sorry," bulong niya.

Umiling ako.

"Ang sakit."

"I know. I know how you feel. I'm so sorry."

At hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagbagsak ng luha sa mata ko. Laking pasasalamat ko na lang na nakayakap sa akin si Ryan at natatakpan ang mukha ko at walang nakakakita sa mga luha ko.

~*~

WEST.

Habang tinitignan ko ang likod ni Jillian palabas ng buffet hall, halos hindi ako mapakali. Ang lungkot nang mata niya. Ang tamlay ng itsura niya.

Ano kaya ang problema.

"Cupid, basahin mo naman ang isip ni Jillian please. Gusto ko lang malaman kung ano ang problema."

Bumuntong hininga si Cupid.

"Hindi ko na mababasa ang isip ni Jillian. Yung compass, alam mo naman na galing iyon sa dating compass niya 'di ba? Nang ibigay mo sa kanya iyon, nawalan na rin ang kakayahan kong basahin ang isipan niya. Natatakpan na 'to ng kapangyarihan niya."

Napatingin ulit ako sa labas ng pinto.

"West."

Napalingon ako kay Psyche. Nakangiti siya sa akin.

"Habulin mo na siya. Hindi ko rin alam kung ano ang problema but maybe she needs you right now?"

Napangiti ako.

"Thank you. Buti ka pa may magandang advice kesa sa asawa mo na kain lang nang kain."

Napa-angat ang tingin sa akin ni Cupid habang may subo subong sausage.

"May problema ka sa akin?!"

"Wala."

Napatawa si Psyche at ako naman ay tumayo na para sundan si Jillian.

Pero paglabas ko ng buffet hall, agad akong napahinto.

Because I saw her with Ryan.

And they are hugging each other.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top