Eleventh Shot
Eleventh Shot
JILLIAN.
"I'm in love with you."
His eyes is full of sincerity. So is his voice.
Napailing ako.
Shit what's this?!
"Jillian, I—"
Hindi ko siya pinatapos mag salita. Hinampas ko siya ng mahina sa braso at tumawa ako.
"Okay! Okay! Muntikan mo na akong mapapaniwala doon ah! Nice one West. Hindi ko alam na joker ka pala!"
Hindi siya umimik. Kumunot ang noo niya at halos mag salubong ang mga kilay niya.
Hindi ko pinansin na ang seryoso niya. Tinalikuran ko siya.
Siya? In love sa akin? Imposible!
"Puntahan ko sina Psyche. Feeling ko gusto nilang makita ang snow."
Maglalakad na sana ako papasok kaya lang biglang hinawakan ni West ang braso ko at hinatak ako palapit sa kanya.
"West---"
Napatingin ako sa mata niya. He's looking at me seriously. As in seryosong seryoso. Mas seryoso pa sa tingin niya sa akin dati pag pinapagalitan niya ako sa office.
Mas hinila niya ako papalapit sa kanya to the point na halos nakadikit na ako sa dibdib niya. Kitang kita ko ang usok na lumalabas sa bawat pag hinga niya dahil sa lamig ng panahon.
"Jillian, mataas ang respeto ko sa'yo. Pero kung kailangang halikan kita ngayon para maniwala ka sa sinabi ko, gagawin ko."
His eyes is full of determination. Bumilis ang tibok ng puso ko. Yung tingin pa lang niya sa akin, ramdam ko nang hindi siya nagbibiro. Alam kong gagawin niya ang ang sinabi niya.
He leaned forward. Halos magkalapit na ang mukha namin. Ramdam ko ang paghinga niya.
I value my personal space at ayokong ayoko na ini-invade 'to ng kung sinu-sino lang. Ang initial reaction ko sa mga ganitong eksena ay itulak ang tao palayo.
Pero shit na 'yan. Bakit hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko?!
"I love you," he breathed.
Para akong unti-unting nauubusan ng hininga. While he is closing the gap between us, ang tanging nagawa ko na lamang ay mag hintay.
"Uy nag i-snow!!"
Bigla kaming nag hiwalay ni West.
Napakamot siya sa likod ng tenga niya at ako naman ay nag kunwaring inaayos ang yukata na suot ko.
"Oh nandyan ka pala baby West!" dinig kong sabi ni Beth at tumakbo ito palapit kay West sabay pulupot.
Sumunod naman na nagsilapitan ang mga kaibigan niyang mahaharot.
"Uy ikaw West, pinopormahan mo na naman si Beth!" sabi nung isa na maikli ang buhok at mas lalong gusto ko pang paikliin.
Si West pa ngayon ang pumoporma?! Hindi ba nila alam kung anong moment ang nasira nila ngayon?!
Shit. Ano ba 'tong iniisip ko?
"Balik na 'ko sa loob," sabi ni West sabay hatak ng braso niya sa pagkakapulupot ni Beth-log.
Naglakad na palayo si West sa amin pero huminto rin siya at nilingon ako.
"Jillian, what I've said is true." Nginitian niya ako. "Good night."
At tuluyan na siyang umalis.
Siniko ako ng mahina nung Beth.
"Close kayo ni West? Reto mo naman ako!" sabi niya.
Nginitian ko siya. Yung sobrang sweet na ngiti. Yung nakaka-diabetic na ngiti.
"Hindi ka niya type."
I flipped my hair at pumasok na rin ako sa loob.
~*~
HINDI AKO MAKATULOG.
Kanina pa ako nagpapagulong-gulong sa kama. Hindi ako makatulog. Nag e-echo sa tenga ko ang sinabi ni West.
I'm in love with you.
Pakshet! Ano yun? Saan nanggaling yun? In love? Sa akin? Paano nangyari yon?!
Sa huling pagkakaalam ko, hate namin ang isa't-isa bago kami magkita ulit dito sa Japan. Paanong nangyari na nainlove siya sa akin?
Ano? Sa apat na araw na pagsasama namin dito, in love na siya agad? What the fuck? Insta-love? Hindi ako naniniwala doon!
Ano yun? Bored si Kupido kaya bigla na lang niyang na-tripan na panain si West sa akin kaya all of a sudden, in love na ang ex-boss kong masungit sa pasaway niyang ex-proofreader?
That's impossible!
Pero yung tingin niya sa akin. Yung bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Yung kung paano niya unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya lang naudlot ang gagawin niya dahil sa mga istorbo...
Napailing ako.
Shit! Shit naman! Ano ba 'to? Bakit ba ganito?! I'm confused!
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko hanggang sa nagmistulang lumpia na ako sa comforter ko.
Nakakabaliw. Sobrang nakakabaliw.
Una sa lahat, wala pang lalaki ang umamin sa akin na mahal niya ako kaya naman I'm completely clueless kung anong dapat i-respond doon? Mag t-thank you ba dapat ako?
Kanina nakaka-gaga ang resond ko. Hindi na ako naniwala, hinampas ko pa siya sa braso. TINAWANAN KO PA.
Kasi naman. Paano ba ako maniniwala? Paano? Hindi ko makita ang logic sa nangyari. Sa paanong paraan siya na-in love sa akin? Bakit? Anong meron? We both hate each other! Ngayon lang kami medyo naging okay dito sa Japan. Kaso langya naman oh! Four days pa lang kaming magkasama ni West!
Ganoon ba talaga ako kaganda na in just four days, nahulog siya sa alindog ko?
Nagtalukbong ako ng kumot.
Kapal ng mukha mo Jillian.
Kinuha ko ang phone ko at ewan kung bakit napunta na naman ako sa Instagram account ni West. Wala, hindi pa rin ina-accept ang follow request ko. Ang daya. Siya nakafollow sa akin at nakikita niya mga posts ko samantalang ako di niya hayaang i-follow ko siya.
Tapos aamin na love niya ako?!
Ang hot niya kasi sa profile picture niya eh.
Ano ba 'to Jillian? Ano bang nangyayari sa'yo?!
Kung sakali mang totoo na mahal ako ni West kahit na 'di ko maisip kung paano nangyari yun....ano naman ang nararamdaman ko sa kanya?
Gusto ko ba siya? O hindi?
I admit I'm attracted to him kasi ang gwapo niya talaga ngayon. Ngayon ko lang napansin ang height niya. Ang ganda niya tumindig. Paano sa office kasi madalas nasa opisina lang siya kaya madalang ko siyang nakikitang nakatayo.
Ngayon ko lang din napansin ang mata niya. Yung kada titingin siya sa'yo, alam mong ibinibigay niya ang full attention niya. Yung pag tumingin siya, diretso talaga sa mata. Tapos pag ngumiti siya lumalabas ang emotions sa mata niya.
Yung side way glances niya and half smile ang favorite ko. Yung pag may sinabi ka sa kanya tapos titingin siya sa gamit ang gilid ng mata niya at mapapangiti.
Yes I am attracted to him.
Pero love na ba agad 'to? Paano ako makakasigurong hindi 'to infatuation lang? Na hindi lang 'to simpleng crush?
Eh ang hilig ko sa mga pogi! Mabilis ako magka-crush sa mga pogi.
At inaamin ko even kay Ryan attracted din ako kasi ang pogi rin naman ng isang yun. Chinky eyes na pag ngumiti nawawala na lang ang mata. Yung tawa niyang nakakahawa. Yung dimples niya sa kaliwang pisngi.
Anak ng tokwa.
Siguro ang poging 'di ko lang maging crush ay si Cupid sa kadahilanang galit ako sa balahura.
Halos mga 4am na rin ako nakatulog dahil ang dami daming tumatakbo sa isip ko kung paano ako nagustuhan ni West. Yung iba puro kalokohan pa.
Dahil ang call time naming is 8am at on time talaga dumarating si Chiharu at ang mga Japanese ay galit sa late, dalawang oras lang ang naging tulog ko. Nag dalawang tasang kape na lang ako para magising ang diwa ko.
Habang nag-aayos ako ng gamit, naisipan kong sumilip sa labas ng bintana ng room ko at tuwang-tuwa akong makita na covered with snow ang view mula rito.
Uulan kaya ulit mamaya ng snow?
Para makasigurado, nag extra patong ako ng sweater sa ilalim ng coat ko.
"Jillian!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin habang papasok ako sa bus. It's Ryan at ngiting ngiti ito sa akin.
"Good morning!" bati nito.
"Good morning! Ganda ng ngiti mo ah?"
"Sarap ng tulog ko kagabi eh."
Buti pa siya. Samantalang ako puyat.
"Good morning, Jillian."
Napalingon ako bigla at parang lumundag ang puso ko sa hindi ko malamang kadahilanan.
"M-morning," bati ko kay West.
Hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako. Naiilang ako. Ewan. Ewan ko!!
"Good morning Ryan! Good morning panget!"
Automatic na napa-angat ang tingin ko at nakita kong papalapit si Cupid at Psyche sa amin.
"Tinawag mong panget si West?" tanong ko sa kanya.
He grinned, "wag natin ipasa sa iba ang kapangitan mo."
Nilingon ko si Psyche, "pwede ko ba murahin ang asawa mo?"
She laughed, "go ahead!"
Tinignan ko ulit si Cupid.
"Gago ka ah! Tinatawag mo akong panget ah?! Halika rito bibigwasan kita!"
"Panget mo naman talaga ngayon eh. Laki ng eyebags mo! Di nakatulog? Bakit? Dahi iniisip mo yung...?"
Tumingin siya ng nakakaloko kay West. Then ibinalik niya sa akin ang tingin niya at nakangiti na parang sinasabi niyang may alam siya sa nangyari kagabi.
Bumungisngis ang gago.
Hinampas siya ng mahina ni Psyche na ngiting ngiti rin.
"Halika na nga mahal! Umakyat na tayo sa bus!" sabi ni Psyche.
At umakyat na ang dalawa sa taas.
"Anong meron?" tanong ni Ryan.
Nag kibit balikat si West at umakyat na rin. Pero kitang kita ang pamumula ng tenga niya.
Pakiramdam ko nag iinit din nang mukha ko.
Lecheng Cupid 'yan.
~*~
Habang nasa byahe kami papunta sa Oshino Hakkai Village, nadaanan ulit namin ang Mt. Fuji. At laking tuwa ko dahil this time, hindi na siya nababalutan ng fog. Ang linaw linaw na niya sa harapan ko. Gusto kong bumaba sa bus para kumuha ng picture pero sabi sa amin ni Chiharu, kitang kita rin si Mt. Fuji sa village na pupuntahan namin.
And she's right. Ang ganda ng view ni Mt. Fuji dito sa Oshino Hakkai Village.
Halos hindi na ako nakikinig sa sinasabi ni Chiharu dahil nakatitig na lang ako sa Mt. Fuji. Ilang beses ko pa 'tong kinuhanan ng picture dahil sa ganda nito.
Maliit na village lang ang Oshino Hakkai peroang ganda. Sa gitna nito ay malaking pond na sa sobrang lalim, pero dahil anglinaw linaw ng tubig, kita mo pa rin ang ilalim nito.
Pumwesto ako sa bridge kung saan may tatlong Japanese na mga bata na enjoy na enjoy na nagpapakain doon sa mga koi fish.
Ang lamig lamig pa rin ngayon. Siguro dahil lumakas yung snow kagabi. I rubbed my palm tapos iniliagay ko sa tenga ko dahil ramdam ko na naman ang panlalamig nito. Dahil sa pagmamadali, hindi ko na naman nailabas sa maleta ko ang beanie hat ko. Ayoko namang hiramin ulit yung kay Ryan kasi...nakahiya. (At nag seselos si West.)
"Here."
Napalingon ako sa katabi ko at nagulat akong nandoon na si West. May isinusuot siyang beanie sa ulo ko.
"W-West..."
Inayos niya ito at nginitian ako.
"Maganda ka kahapon pero mas maganda ka ngayon dahil suot mo ang bigay ko."
Napatawa ako ng mahina.
"So pag bigay mo mas gumaganda ako?"
He grinned.
"Maganda ka naman talaga eh. Pero oo. Pag kay Ryan, hindi bagay sa'yo. Pero pag galing sa akin, mas bagay sa'yo."
"And why is that?"
"Because I love you."
At ewan. Ang landi ko na siguro. Ang harot ko. Baka mas maharot pa ako kay Beth-log at sa grupo ng kaibigan niyang makakati...
Pero napangiti ako nang malawak nang sabihin ni West sa akin yan.
Takte ba't ako kinikilig?!
To be continued...
Aly's Note
Hi guys. Sa mga nagtatanong po kung anong cam ang ginamit ko sa pag-kuha ng photos. Yung ibang photos po, kuha sa dslr ko. Yung iba naman, sa cam lang ng phone ko. Medyo tini-tweak ko lang para mas lalong maging malinaw.
Yung ibang photos po diyan ay hindi ko picture kundi kuha lang sa internet. Pag website ang nakalagay doon sa ilalim ng photo, ayun ang site na pinagkuhanan ko. Pag may "Photo by Aly Almario" naman, ako po mimso ang nag take ng picture na yun. May iba kasing lugar na wala akong magandang kuha kaya naghahanap na lang ako sa net.
And yes, lahat ng lugar na nilalagay ko rito ay napuntahan ko po.
Ayun lang. Kung interested kayo, nag post po ako ng blog about Japan sa site ko XD alythestoryteller.wordpress.com (Sabay promote xD)
Until next update!!!
~ Aly A.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top