Eighth Shot

AUTHOR'S NOTE

Pag putol-putol ang mga words sa update, kindly update your app sa pinaka latest version. May mga nag cocomment pa rin kasi last update kung bakit ganoon at kung paano gagawin.

But then again, malamang yung mga nag comment ng ganun ay mga di nagbabasa ng author's note ko so bahala na kayo pag nag comment pa kayo. Sakit sa bangs XD

Eighth Shot

WEST.

Siguro stalker na stalker na ang dating ko.

            Mula nang makarating kami dito sa hotel namin sa Shinjuku, wala na akong ibang ginawa kundi ang i-browse ang mga photos ni Jillian.

            Buti na lang at naka-public ang account niya. Gusto ko siyang i-follow kaso tinamaan na naman ako ng hiya. Bwiset na hiyang 'yan.

            Karamihan ng pinopost niya, puro mga pictures nung lugar na pinuntahan namin.

            Kinuhanan niya ng picture yung mga ema doon sa Meiji Shrine. May solo picture din siya sa may forest at sa tapat ng mga sake barrel. Kinuhanan niya ng picture yung malaking building sa Akihabara. Meron pa na may kasama siyang Japanese girl na naka-maid uniform. May pinost din siyang picture ng strawberry short cake na kinain namin kaninang dinner sa Ginza.

            Meron siyang pinost na picture nila ni Psyche na kuha sa tapat ng Tokyo Tower. Ang ganda dito ni Jillian. Ang tingkad ng ngiti niya at halatang masayang-masaya siya.

            Napahinga ako ng malalim at tinignan ko yung picture naming dalawa at napatawa ako. Magagalit nga talaga si Jillian sa akin kapag pinost ko 'to. Gulat na gulat siya dito sa picture samantalang ang itsura ko rito, para akong gumawa ng kalokohan.

            Pero ayoko pa rin burahin. Ito yung first picture namin matapos ang nangyaring gulo. Ganito man ang itsura namin, ramdam ko pa rin ang saya kahit papaano.

            Bumalik ako sa Instagram account ni Jillian at nakita kong nag post siya ng panibagong picture. Halos maibato ko naman ang phone ko nang makita ko ang picture na yun.

            Selfie nilang dalawa nung Ryan nung nasa Ginza kami. Nakaakbay pa si Ryan sa kanya!

            Anong kataksilan 'to?! Bakit hinahayaan niyang may umaakbay sa kanya ha? Nasaan na ang pagka-dalangang Pilipina niya?! Hindi gawain ng isang matinong babae ang makipag selfie sa isang lalaking halos kakakilala pa lang niya! Tapos nagpa-akbay pa siya? Ano 'to!

            Napakamot ako sa ulo ko.
            Gusto kong katukin si Jillian sa kwarto niya at pagsabihan! Kung hindi lang talaga—naku!!

            "Ang OA mo pre!"

            "Ay daga!"

            Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Cupid sa harapan ko.

            "Ba't hindi ka na lang kumatok?! Kailangan ka talagang mag teleport?!" inis kong sabi.

            "Edi nagaksaya ako ng energy? Eh mas madaling mag teleport."

            "Alam mo ba ang ibig sabihin ng privacy?"

            "Slight. Pero pre hindi ko na kasi kinakaya yang nasa-isip mo."

            Mas lalong napakunot ang noo ko.

            "You're reading my thoughts again?!"

            "I can't help it! Eh halos sumigaw ka na diyan sa pagiisip mo! Naiistorbo mo kami ni Psyche alam mo ba yun?! Hindi tuloy kami makapag concentrate sa ginagawa namin."

            "Ano bang ginagawa niyo?"

            Ngumisi siya, "yung bagay na gagawin mo rin pag kasal na kayo ni Jillian."

            Napaiwas ako ng tingin at pakiramdam ko nag iinit ang mukha ko.

            Mataas ang respeto ko kay Jillian, pero shit na 'yan, hindi ko maiwasang i-imagine ang bagay na 'yon. Ayaw mawala sa isip ko. Bwiset na kupidong ito. Ayaw talaga mabura sa isip ko. Ano ba 'yan! Ba't tuloy tuloy ang imagination ko!

            "At naging erotica na ang isipan ni West."

            "E-ewan ko sa'yo!"

            "Patingin nga ng picture ni Ryan at Jillian. Yang ikina-puputok ng butsi mo."

            Kinuha ni Cupid ang phone ko at tinignan.

            "Jusko West! Nakapatok lang ang kamay ni Ryan kay Jillian! Kung maka-react ka kala mo minolestya niya si Jillian!"

            "E-eh! Look! Ang lapit nila sa isa't-isa!"

            "Anong malapit? Eh pwede ko pa nga isingit ang mukha ko sa gitna nila eh. OA mo talaga."

            Sumimangot ako.

            "Eh ba't kasi siya may selfie kasama si Jillian. Pinost pa niya sa Instagram."

            "Ayuuun. Lumabas ang tunay na dahilan. Selos ka kaya ka ganyan."

            Hindi ko siya sinagot at hinablot ko na lang ang phone ko.

            Oo na. Selos na ako. I can't help it. Ryan is a complete stranger and yet parang ang lapit niya kay Jillian. Samantalang ako..

            Yes, given na yung ang naalala niya sa akin ay yung terror niyang boss. Pero sabi nila kahit nakalimot na ang isip, hindi pa rin nakakalimot ang puso.

            Kaso bakit ganun? Bakit pakiramdam ko nakalimutan na rin ako ng puso ni Jillian.

            "Pareng West, iwasan mo ang pagka-praning okay?" sabi ni Cupid. "Sa totoo lang, gusto ko nga yung style mo ngayon eh. Sungit sungitan pero dumadamoves. Anong tawag nila doon?" napakamot siya sa ulo niya. "Ah! Ayun! Galawang breezy! Isa kang tunay na hokage!"

            Napatawa ako ng mahina.

            "Ewan ko sa'yo Cupid."

            "Pero pagpatuloy mo lang 'yan. Wag lang masyadong matagal ha? Make sure lilinawin mo pa rink ay Jillian ang intensyon mo. Medyo iwas na ang pagiging torpe. Mamaya maubos na ang oras na binigay ni Hades sa atin, puro ka pa rin galawang breezy nakulangan naman sa salita."

            Napahinga ako ng malalim. Isipin ko pa lang na magtapat kay Jillian, pakiramdam ko aatakihin na ako sa puso.

            "Sige ka pag di naging kayo, single ka na forever. Matutuyuan ka."

            Napakunot ang noo ko.

            "Huh?"

            Ngumisi ulit siya. "Matutuyuan ka. Hindi mo na magagamit ang bataan mo."

            Parang nag init ulit ang mukha ko dahil sa sinabi nitong lokong 'to.

            "That's it! Umalis ka na sa kwarto ko!"

            Hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya at kinaladkad siya palabas.

            "Oy! Oy oy oy! Grabe kang mortal ka! Wala kang pag galang sa isang tulad ko! Oy! Galangin mo ako! Dahil sa akin kaya ka may lovelife! Hoy!"

            "Galangin mo mukha mo! Labas!"

            Binuksan ko ang pinto at tinulak ko palabas si Cupid.

            Bigla naman ako natigilan nang makita ko si Jillian na papasok sa kwarto niya pero nagtataka itong nakatingin sa amin ni Cupid.

            Nilingon ni Cupid si Jillian.

            "Ang sungit talaga ni West!" sabi niya rito sabay walk-out. Nagdabog pa nung pumasok sa kwarto nila ni Psyche.

            Napayuko ako. Hindi ako makatingin kay Jillian. Nahihiya ako at na-witness pa niya 'yon.

            Bwiset na Cupid na 'to. Imbes na tulungan ako mas pinapahiya pa ako sa harap ni Jillian!

            "Good night, West."

            Napa-angat ang tingin ko kay Jillian.

            She's smiling at me.

            Napaiwas ulit ako ng tingin at tumango.

            "Night," sabi ko at pumasok ako sa kwarto ko.

            At pagkasara ko ng pinto, hindi ko na napigilan pa ang pag ngiti ng malawak.

            YES! NAG GOOD NIGHT SA SA AKIN.

            SHE EVEN SMILED AT ME!

            "Masaya ka na niyan?! Kababawan!"

            "Shit!"

            Bigla na naman sumulpot sa likuran ko si Cupid.

            "Babaw mo!"

            At bago ko pa siya masapak, nawala na siya sa harapan ko.

            Bwiset talaga. Panira!

~*~

JILLIAN.

            "Hindi talaga ako marunong mag drawing!" natatawa-tawa kong sabi kay Psyche habang pinapakita ko yung lagayan ng cup noodles ko. Sinilip ko naman yung kanya. Ang perfect ng pagkaka-drawing niya ng chicken at cow samantalang sa akin minurder ko.

            Nandito kami sa Cup Noodles museum. Museum ng Nissin noodles. Dito, binigyan kami ng mga lagayan ng cup noodles tapos dino-drawingan namin. After that, pipila kami doon sa harap para palagyan ng noodles at yung flavor of choice namin. As in kami ang bahala kung ano ang mga ilalagay doon sa mismong noodles.

            Nakakaaliw. Para akong bumalik sa pagka-bata habang nag d-drawing. Yun lang talaga hindi maintindihan ang drawing ko.

            Napalingon ako sa cup ni West at nag taka ako sa mga dina-drawing niya. Halos lahat kami ang drawing puro chicken, pig and cow para mag mukha talagang cupnoodles yung cup namin. Samantalang si West, nag drawing siya ng compass. Meron pang bow and arrow. Paulit ulit na ganun. Compass at bow and arrow.

            "Bakit ganyan yung drawing mo?" tanong ko sa kanya.

            "Wala lang," sabi niya nang hindi ako nililingon. Nag co-concentrate siya doon.

            Ano kayang problema nito?

            Hindi na niya ako ginugulo. Nung unang araw ngiti siya nang ngiti. Yaya siya nang yaya sa akin. Tapos nung papunta na kami kahapon sa Meiji Shrine, medyo iwas na siya sa akin.

            Well, not totally iwas. Pero parang nawalan siya ng paki?

            I don't know.

            Hindi niya ako halos pinapansin. Hindi rin niya ako masyadong kinakausap. Pero may time na susulpot na lang siya bigla sa tabi ko.

            Kahapon nung nasa shopping street kami sa may Asakusa Temple, ang dami kong binili. Without another word, kinuha niya yung mga bitbit kong pinamili at siya ang nagdala nito hanggang sa bus.

            Nag thank you ako pero tumango lang siya.

            Ang weird! Sobrang weird! Gagawa siya ng napaka gentleman na bagay tas i-snob-in niya ako after? What the hell!

            Tapos kagabi! Nag good night ako sa kanya, tumango lang siya.

            Bwiset talaga. Naguguluhan ako kay West.

            At ba't ba ako naapektuhan?!

            After namin pumunta sa Cupnoodles museum, dumiretso naman kami sa China Town para kumain ng lunch.

            Ang linis ng China Town dito sa Yokohama. Hindi nakaka-haggard puntahan. Mismong mga signage nila parang hindi dinadapuan ng alikabok.

            Kumain kami sa isang chinese restaurant dito. Ang weird nga. Nasa Japan kami tas bigla kaming dinala sa isang Chinese restaurant. Pero okay na rin kasi masarap naman ang food.

            "Sulit ang kain 'no, West?" tanung ni Ms. Perm kay West na napagalaman kong Beth ang pangalan. Ipinulupot na naman niya ang braso niya kay West.

Sarap niyang ika-beth sa kable ng kuryente bwiset.

Ayokong makita ang paghaharutan nila kaya umalis na lang ako at sinabi kong magiikot-ikot muna ako.

            Hindi ko pa makita si Ryan. Nasaan na ba yun. Wala tuloy akong kasama.

            Wala naman akong makitang interesting sa China Town kaya naisipan ko na lang lumabas dito. Sa street sa labas ng China Town, may nakita akong Starbucks na store. Plano ko sanang pumasok at bumili ng kape dahil ang lamig talaga ng climate kaya lang may nakita akong arcade sa kabilang street. Tumawid ako dito at pumasok sa loob ng arcade.

            Napangiti ako.

            May times na nanunuod ako ng anime at mga Japanese drama at doon ko pa lang nakikita ang mga arcade nila. Halos kapareho lang din ng arcade sa Pinas since itong napasukan ko ay medyo maliit-liit. Pero ang agaw atensyon talaga ay yung claw machine nila na may napakalaking claw.


Siguro ang hirap makakuha sa claw machine na 'yan. Doon pa nga lang sa maliit hirap na hirap na akong kumuha ng stuff-toy.

            Nag-ikot ako sa arcade. Nakita ko naman sa may basketball area na may mga naglalaro na grupo ng mga estudyante at mukhang enjoy na enjoy sila. Ngayon lang ako nakakita ng mga naka-uniform na students ng Japan sa malapitan. Pakiramdam ko nasa loob ako ng isang anime.


  "Jillian."

            Napalingon ako sa tumawag sa akin and I saw West walking towards me.

            Tumingin ako sa likuran niya.

Buti na lang di niya kasama yung Beth.

            "Balik na raw sa bus."

            "Ah sige. Bibili lang ako ng kape, ang lamig eh," sabi ko sabay turo sa Starbucks.

            "Oh.. sorry Starbucks ang gusto mo?"

            "Ha? Bakit?"

            "Ah.. wala. Tara bili tayo."

            Naunang mag lakad si West. Napansin ko naman na may hinahawakan siya sa loob ng bulsa ng coat niya. Nang ma-realize ko kung ano yun, hinawakan ko ang braso niya to stop him.

            "Jillian?"

            Nginitian ko siya at kinuha ko yung canned coffee na nasa bulsa niya. Mainit pa 'to. Ang sarap hawakan dahil nanlalamig ang kamay ko.

            "I think this one is much better."

            Nagulat ako nang bigla akong ngitian ni West.

            "Much better..." halos pabulong niyang sabi.

            I blinked.

            Ngayon na lang ulit niya ako nginitian.

            "Let's go?"

            Tumango ako at sumunod sa kanya papunta sa bus.

~*~

"Oh my god. Oh my god!!" paulit-ulit kong sabi habang dahan dahan akong naglalakad papalapit doon sa mga punong natatanaw ko.

            Ilang beses na akong kumurap-kurap pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala na sa harap ko ay magkabilaang hilera ng mga cherry blossom trees.


From Yokohama, bumyahe na kami papuntang Kawazu kung saan may early bloom ng mga cherry blossom trees.

            Ilang beses na akong nakakita nito sa mga pictures pero hindi ko akalaing ganitong kaganda ito sa personal.

            Dahan dahan akong naglakad sa gitna ng mga cherry blossom trees. Feeling ko nasa panaginip ako.

            Posible pala yung ma-luha luha ka dahil sa ganda ng nakikita mo? Posible pala yung ganun.

            God. Ang ganda ng bansa na 'to.

            Napalingon ako sa likuran ko. I saw West staring at me.

            Agad kong pinunasan ang luha sa gilid ng mata ko kasi mukha akong shunga rito na nag eemote. Mamaya kung ano ang iniisip niya sa akin. Nakakahiya.

            Nilingon ko ulit siya. Nakatingin pa rin siya sa akin. At kahit nahuli ko siyang nakatingin sa akin, he's not looking away.

            Na-concious ako kaya napatingala na lang ako. Kunyari busy pa rin sa pag admire ng mga cherry blossoms.

            "Jillian."

            Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nagulat ako nang makita siyang ang lapit na sa akin.

            "W-West..?"

            He pinned me with his stare. Napalunok ako.

            Okay.. bakit ganyan siya tumingin? Bakit pakiramdam ko matutunaw ako and any minute mag eevaporate ako.

            Why the hell is my heart fluttering?! Shut up heart! Stop fluttering!

            "I have a favor," halos pabulong niyang sabi.

            "A-ano?"

            Inilabas niya ang phone niya at nginitian ako.

            "Pwedeng mag selfie tayo?"

            "E-eh?"

            "Please?"

            "O-kay..."

            Kahit gulong-gulo ako sa request niya, ngumiti ako ng itapat niya ang camera ng phone niya sa aming dalawa.

            "Isa pa," sabi ni West and this time, umakbay naman siya sa akin.

            "Thanks," sabi niya habang ngiting-ngiti na nakatingin sa picture naming dalawa. Sinilip ko 'to. Infairness ang ganda ko sa kuha niya. Ang ganda rin nung background namin. Puro cherry blossoms.

            "Uy! Gusto ko 'yan. Ipasa mo sa akin ah?"

            Nilingon ako ni West.

            "I-u-upload mo sa Instagram?"

            Nagtaka naman ako sa tanong niya.

            "Uhmm.. o-oo u-upload ko."

            Mas lalong lumawak ang ngiti niya.

            "Good. Di-hamak na mas maganda yung picture nating dalawa. Ang background natin cherry blossom. Mas maganda yun kesa kalsada ng Ginza."

            After he said that, nilayasan niya na ako.

            Okay, anong ibig niyang sabihin doon? Bakit ang weirdo ngayon ni West? Anong nangyari doon?

            May kumalabit sa akin. Si Cupid. May hawak-hawak na stick ng squid at busy kumain.

            "What?!" iritang tanong ko sa kanya.

            "Manhid mo!" irita rin niyang sagot sa akin at nilayasan niya rin ako.

            What the hell?

To be continued...

Aly's Note:

At dahil nabitin kayo sa update at salbahe ang author at makapal ang mukha na mag post ng selfie at gusto talagang mang inggit at pagisipin kayo kung totoo ba talaga ang sinabi niyang edad sa inyo....o ayan selfie ko XD


(PS. magdasal bago matulog XD)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top