Eighteenth Shot


Eighteenth Shot

JILLIAN.

Jerk.

Pinunasan ko agad ang luha na nangingilid na lumabas sa mata ko bago pa ako mag mukhang tangang umiiyak dito sa gitna ng Shinsaibashi.

Just when you thought you found a perfect gentleman, but it turns out he's also a jerk.

Bakit kailangan niyang sabihing mahal niya ako kung may ikinakama naman siyang ibang babae at harap harapan pa niya talagang ipaparinig sa akin?

Ano ba ako? Ano, napaglaruan ba ako kaya ganon? Joke time lang lahat nang sinabi niya?

Oo nga naman. Dapat umpisa pa lang nahalata ko na yun. Paano nga naman ba siya magkakagusto sa akin? Compare to other girls, I'm plain, I'm not that pretty, I'm gullible. Kaya nga ang dali niya akong nauto, eh.

Yung sweet gestures niya. Yung ngiti niya. Yung way na kung paano niya ako itrato.

Lecheng yan.

Sasabihan niya akong gusto niya ako. Pakikiligin niya ako. Tapos isang araw bigla na lang siyang lalayo at harap-harapang sasama sa ibang babae.

Nakaka-leche talaga.

Naupo ako sa isang bench na nakita ko. Nawala na ako sa mood magikot ikot. Wala na rin akong gana sa tour na 'to.

I just want to go home.

Napayuko ako at tinakpan ko ng palad ko ang mga mata ko.

Nakakainis naman, eh.

Ang ikling panahon pero nagkagusto ako sa kanya at ngayon umiiyak ako nang dahil sa kanya. Bwiset kang West ka. Ang landi landi mo. Ba't mo ako nilandi kung papaiyakin mo rin lang ako. Pagdating talaga sa Pinas hahanap ako ng mangkukulam at ipatatanggal ko ang itlog mo. Bwiset ka!

Naramdaman kong may maliit na kamay na pumatong sa tuhod ko kaya naman napadilat ako ng mata.

May isang Japanese na batang babae na may hawak na lollipop ang nakatingin sa akin.

"Onee-san, daijoubu desu ka?"

Nginitian ko siya.

"Sorry, I can't understand you. Are you lost?"

Umiling siya at inabot niya sa akin yung lollipop na hawak niya.

Itinuro ko ang sarili ko.

"For me?"

Tumango siya at nginitian ako. Nginitian ko rin siya. I think she's trying to comfort me.

"Thank you."

"Yui-chan!!"

Pareho kaming napatingin doon sa tumatakbong babae na palapit sa amin.

Hinawakan niya sa kamay yung bata and then nag bow siya sa akin as a sign of greeting.

Nilingon niya yung bata.

"Kaerou?"

"Hai!"

Nag wave sa akin yung bata at umalis na sila nung babae.

Tinignan ko yung lollipop na korteng bunny at napabuntong hininga ako.

Kung pwede lang tanggalin nito agad yung bigat ng dibdib na nararamdaman ko.

"Jill!"

Shit.

Tumayo ako agad at umalis.

Ayokong makipagusap sa kanya. At bakit ba niya ako hinabol? Nakakainis.

"Jillian!"

Tuloy tuloy lang akong maglakad.

"Jillian!"

May humawak sa braso ko at iniharap ako sa kanya.

"Talk to me, please."

"Ayoko."

"Please Jillian."

"Ayoko nga. Get lost."

Hinatak ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at tinalikuran siya.

Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Please talk to me, Jillian."

"I don't want to see you."

Napapikit ako. I'm surprised how cold I sounded. Pero ayoko talaga siyang makita o makausap.

Ayokong mag mukhang tanga na naman.

Tuloy tuloy akong naglakad palayo sa kanya.

"Jillian! Daisuki!"

Bigla akong napahinto sa paglalakad nang biglang sumigaw ng ganun si West. Kahit yung mga tao sa paligid namin ay napahinto rin at napatingin sa aming dalawa.

A-ano raw? Ano yun? Dai—ski? Pagkain ba yun? Ba't nagbubulungan ang mga taong nakarinig. Minumura ba ako ng isang 'to?

"Hountoni, hountoni daisuki," sabi niya habang diretsong nakatingin sa akin.

Mas lalong lumakas ang bulungan sa paligid. Kaso pansin ko yung iba ngiting ngiti na nakatingin sa amin.

"Oh kawaii!!"

"Kakoii ne?"

Ano raw? Ano?

"Anong sinabi mo? Wala akong naiintindihan?"

Ngumiti nang malawak si West.

At dire-diretso siyang lumapit sa akin sabay yakap.

"Arigato gozaimasu!" sabi niya.

At nagpalakpakan ang mga nasa paligid namin.

WHAT THE HELL IS HAPPENING?!

"Huy! Anong nangyayari?! Bakit ganito?! Ano ang sinabi mo ha? Ano!"

"You want to know?" bulong niya habang nakayakap pa r

"Kaya nga nagtatanong ako 'di ba?!"

"Then talk to me."

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Nginitan ako. Hinawakan ang kamay ko. At hinila ako palayo sa mga tao habang nakangiti siyang nag w-wave sa mga ito na akala mo kung sinong politician na nangangampanya.

Gusto kong sapakin si West ngayon.

Sasapakin ko talaga siya.

~*~

"Now explain!" sigaw ko sa kanya nang makahanap kami ng isang alley na walang masyadong nagdadaang tao.

"About Beth—"

"No! Yung sinabi mo sa kanila!"

"Ah... yun?"

Tumango ako.

"I'll tell you later but first, Jillian, yung kay Beth---"

Tinalikuran ko siya.

"Wala na tayong paguusapan."

"No. You need to listen to me."

"Eh ayoko nga, eh? You don't need to explain, West. Ipinarinig mo na sa akin ang katotohanan."

Napatingin ako sa langit.

Shit na yan. Shit na mga luha yan. Wag na wag na wag na babagsak yan. Please lang. Ayokong umiyak sa harap ng jerk na 'to.

"Jill---!"

Naglakad ako palayo kaya lang hinatak niya ulit ako at isinandal niya ako sa pader atsaka niya hinarang ang braso niya sa daraanan ko.

"Titili ako," pagbabanta ko sa kanya.

Huminga siya nang malalim and then he took a step backward.

"Jillian, I'm so sorry."

Napailing ako.

"Na alin? Dahil niloko mo ako? Pinagmukha mo akong tanga? Na pinaglalaruan mo lang pala ako?"

"I'm sorry because I made you cry. Pero hindi kita pinaglalaruan. I'm so stupid to do that to you. I'm really sorry. I-I'm just trying to make you jealous. I'm sorry kasi ang impatient ko. Hindi ako sigurado kung ano ang nararamdaman mo sa akin kaya ginawa ko 'to para makita ko ang reaction mo. And I admit, sumobra ang nagawa ko. Kasi," pumikit siya at huminga nang malami. "Kasi nagseselos din ako kay Ryan, eh. At dahil sa pagseselos ko na yun, nasaktan kita. I'm really sorry, Jillian."

I laugh sarcastically.

"Tingin mo papaniwalan kita kung ipinarinig mo na sa akin ang plano niyo mamayang gabi ni Beth?"

"Wala akong planong puntahan siya sa kwarto niya. At nagpapapalit na rin ako ng room para hindi ako mapuntahan ni Beth sa kwarto ko."

"Liar. I saw you West. Nakita ko kayo nung gabing yun. Nakita ko siyang pumasok sa kwarto mo."

Umiwas ako nang tingin.

Bakit ba ang hirap pigilan ng luha sa mata ko?

"I threw her out of my room. Walang nangyari, Jillian."

"Pero narinig ko siyang ikinukwento sa mga kaibigan niya!"

Kumunot ang noo niya.

"She's lying. Walang nangyari sa aming dalawa. Ni hindi nga siya nag-stay ng more than 1 minute sa kwarto ko dahil nilinaw ko sa kanya na ikaw ang gusto ko."

"But then ginamit mo siya para pagselosin ako, ganun? You used her. You're still a jerk."

Biglang sumeryoso ang itsura ni West.

"So? Wala akong paki kung magiging jerk ako sa iba lalo na doon sa mga taong gustong saktan ang babaeng mahal ko. Nilinaw ko sa kanya na ikaw ang mahal ko and then narinig ko silang magkakaibigan na they are planning to pull a prank on you. If they are trying to hurt the girl I love then I'll hurt them first."

Natahimik ako.

I want to stay mad at this guy pero bakit ganun? Bakit ang dali niya akong napapakalma?

Napapikit ako.

"Nakakainis ka. Ang jerk mo talaga. Nakakainis ka, West. At sa dinami-rami pa nang pagseselosan mo, si Ryan talaga?"

Napayuko si West.

"He's a nice guy. He's cool. He's a tough competitor at ang dami niyang alam sa Kobe beef."

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatawa ako nang mahina.

Ang lungkot lungkot ng itsura ni West habang sinasabi niya yun na kulang na lang eh mag pout siya.

"Anong kinalaman ng kobe beef dito?"

"Eh kasi, manghang mangha ka sa kanya. Tapos magkatabi pa kayo sa bus. Nakita ko pa kayong magkayakap. Pinangunahan ako ng inis at selos ko."

Hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"He's hugging me kasi umiiyak ako nang dahil sa'yo."

Nanlaki ang mata ni West."

"Shit. Jillian, I'm really sorry."

"Papatawarin kita pero may mga conditions ako."

"Yes! Kahit ano pa yan gagawin ko."

"Don't you ever try to make me jealous again."

Tumango siya.

"Promise. Hindi ko na gagawin. Lahat ng atensyon ko sa'yo lang. Yung mata ko sa'yo lang din. Yung puso ko... nasayo na, eh kaya hindi ko na maooffer kasi iisa lang yun."

Hinampas ko siya nang mahina.

"Ang korny mo!"

Ngumiti siya.

"Eh ba't ka naka-smile?"

"Heh! Hindi ako nakangiti! Naka-ngiwi ako!"

He shrugged at hindi pa rin nawawala ang nakakabadtrip na ngiti sa labi niya.

"Okay if you say so!"

"Another condition! Please lang, wag kang magseselos kay Ryan. He's my friend at masaya akong kausap siya pero yun lang yun." Napailing ako. "Hindi ko talaga maintindihan paano mo nakuhang pagselosan si Ryan. Hay naku."

Ngumiti siya.

"Mas lalong hindi ko maintindihan paano mo nakuhang pagselosan si Beth. Ang layo layo kaya ng level mo sa kanya."

Pakiramdam ko naginit ang buong mukha ko sa sinabi niya.

"Sapak you want?!"

Umiling siya habang ngiting ngiti.

"So Jill," he cleared his throat at hindi pa rin nawawala ang lawak nang ngiti sa labi niya. "I got jealous of Ryan because I really love you very much."

"Oh, tapos?"

"Ikaw, nag selos ka kay Beth dahil...?"

Mas lumawak ang ngiti sa labi niya.

At talagang nag akyatan na ata lahat ng dugo sa mukha ko.

Shit talaga.

"May s-sinabi ba akong nag selos ako kay Beth?!"

Umiling siya.

"Pero wala ka rin sinabi na hindi ka nagselos kaya ina-assume ko talaga na nagselos ka. Kasi masasaktan ka ba kung hindi ka nagselos?"

Pinanlakihan ko siya nang mata.

"Hindi ako nasaktan! Nainis ako! Ang gulo mo kasi!"

Tumango si West, nakangiti pa rin.

"Okay. I-a-assume ko na lang na nagselos ka."

"Bahala ka mag assume dyan!"

"Okay. Kapag ako ang nag-a-assume madalas tama."

Nakakabadtrip siya. Seriously. Nakakabadtrip siya!

Pero walanghiya, kanina ko pa pinipigilan na wag ngumiti!

Isinukbit ni West ang braso niya sa braso ko.

"Gusto mo ng ice cream?"

"Libre mo?"

He chuckled, "let's go."

~*~

CUPID.

"She got her perfect man afterall," sabi ng mahal kong si Psyche habang nakatingin kami kay Jillian at West mula sa malayo.

Nginitian ko siya, "mahal, sa mundong 'to walang perpektong lalaki o babae. Meron lang perfect match. Si West, ganun din siya. He's imperfect. Makakagawa at makakagawa siya nang pagkakamali. Pero parte naman yan ng isang relasyon. Magkakaroon talaga ng pagkakataong magkakasakitan sila, magkakaroon ng misunderstanding, pero yung mga bagay na yun ang mas magpapatatag sa kanila. Kalokohan lang yung nababasa sa Facebook na maghanap ng babae/lalaking di ka sasaktan, paiiyakin, blah blah blah. Normal lang sa isang relasyon ang magkasakitan at mapaiyak ng taong mahal mo."

Napatawa nang mahina si Psyche.

"Katulad na lang tayo 'no?"

Napangiti ako. "Oo, parang tayo."

Isinukbit ni Psyche ang kamay niya sa braso ko at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Mahal, mukhang malapit na agad matapos ang misyon natin. Mukhang maaga nating maililigtas si Jillian."

Napatingin ako kay Jillian at West.

Alam ko naman na madali ito dahil wala man ang alaala ni Jillian, hindi naman nakakalimot ang puso.

Pero bakit parang kinukutuban pa rin ako ng masama?

"Mukhang malapit na rin tayong umuwi," sabi ni Psyche.

"Sana nga, mahal. Sana nga."

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top