Chapter 23

Chapter 23


XANA

SUGOD doon, patay dito. Sugod diyan, lahat ng kumakalaban sa akin ay sandalian lamanng. Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng ganitong lakas na alam ko sa dugo ko nananalaytay ang isang ito. Hindi ko na rin nararamdaman ang pagkahilo ko, makokontrol ko na rin ang mga bawat galaw ng sarili kong katawan. Hindi ko pa rin alam na sa sandaling oras at sa libo libong nilalang na nakapaligid sa amin ay sandaling nawala at naglaho na lang.

Naligtas ko ang sarili ko. Hindi nila ako pinatay. Ang Life Taker na lamang ang problema.

Mabilis na nawala ang lakas sa katawan ko. Nakontrol ko na ito at hindi na masakit ang ulo ko gaya noon na mawawalan pa ako ng malay pero ngayon hindi na.

"Magaling." Ngising sabi ni Metria sa akin.

Napangiti na lang din naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Hindi ko pa gamay ang lakas na ito, nagsisimula pa lang ako. At alam ko sa sarili ko, kapag ginamit ko halos ang lakas ko pwede ko itong ikamatay. Delikado pa rin kung ibubuhos ko ang lahat ng lakas ko.

Napalingon kami sa aming likod sa malaking pinto na unti unti na rin itong nagbubukas.

"Tara na!" Mabilis akong hinawakan ni Metria sa mga kamay ko at hinigit ako papasok sa loob ng malaking pintuan.

Pagkapasok namin sa loob ng pintuan. Hindi ba kami nagkamali ng pinasukan o sadyang may kakaibang nangyayari lang dito?

Nasa loob kami ng paaralan.

Nagkatitigan kami ni Metria. Hindi namin alam kung bakit kami napunta rito. Wala kaming ideya kung bakit pagkapasok namin sa pintuan ay dito kami pumasok. Nakikita namin ang mga estudyante na naglalakad at masasaya. Hindi ba nila inaalala ang paaralan na kanilang pinapasukan ay lungga ng mga demonyo. Tila sa bawat silid ay masasaya ang mga ito, maiingay.

Kapag may dumadaan sa aming mga estudyante at tatagos na lamang sila sa amin. Kaluluwa ba kami dito o sadyang hindi kami nila nakikita ngayon?

"Alam mo ba kung bakit dito tayo dinala ng pintuan na 'yon?" Pagtatanong ko kay Metria.

"Wala akong alam," Umiling ito. "Siguro nagbigay lamang ito ng ilusyon sa 'tin."

"M-Metria." Hinawakan ko siya sa kamay niya at natigil ako sa paglalakad at diretsyo ang tingin sa nilalang na malayo pa lang ay kilala ko na kung sino.

Napalingon si Metria sa kung saan ako nakatingin. Nagulat din ito sa nakita niya. Biglang naglaho ang Life Taker na tumagos sa silid na 'yon. Ang sama ng mga titig ni Metria. Kahit ako hindi ko mapapatawad ang nilalang na kusang pumapatay ng mga inosenteng tao.

"Bwaaah!"

Nakarinig kami ng mga estudyanteng nagsisigawan. Tila mga natatakot ang mga ito. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Maglalakad na sana ako at lalapit sa silid na 'yon pero pinigilan ako ni Metria at sinabing huwag muna ako gumawa ng kahit anong ilalaban sa Life Taker.

Lumabas ang Life Taker mula sa silid at lumipat sa kabilang silid. Pumigilas na ako sa pagkakahawak sa akin ni Metria at dali daling tumakbo sa silid na pang galingan ng Life Taker.

Halos hindi ako makapaniwala nang makita ko ang silid. Kinakabahan ako. Natatakot ako.

"Hindi maaari." Napatakip ng bibig si Metria sa nakita niya.

Ang mga estudyante sa silid na ito ay mga wala nang malay at patay na. Hindi naman ito mangyayari kung walang kagagawan ng nilalang iyon. Walang kasing sama. Nakarinig kami ng mga nakakasulasok na mga tawa at lumabas ito sa silid.

Ilang estudyante na naman ang mga pinatay niya.

Hindi patatawarin ni Metria kahit mga guro pa. Tila uubusin nito ang mga estudyante sa silid. Kaya kailangan na namin gumawa ng paraan ni Metria para matalo na at mabalik ang mga kaluluwa ng mga inosenteng estudyante. Dahil kung hindi, mawawala ang pisikal nitong katawan at maglalaho na parang abo at hindi na muli sila makakabalik sa mundo na ito.

Wala kaming magawa ni Metria sa ginagawa ng Life Taker. Mabilis ito kumilos at halos ng madadaanan ding mga estudyante ay inaagawan niya ng buhay.

Nakaramdaman na naman ako ng pagbabagong lakas ng katawan ko.

Nakakarinig na kami ng mga kaluluwa na humihingi nang tulong at nakakatakot. Sobrang dami na nila. Paano namin matatalo ang Life Taker kung sa patuloy itong pumapatay.

"Kailangan na nating kumilos." Ani ko kay Metria.

Takbo kami nang takbo at hinahanap kung nasaang silid na ito. Hindi ko matanggap na ang bawat silid na pinapasukan namin ay mga patay na estudyante na. At sa bawat na pinapasukan namin ay may mga nasusunog na kaluluwa na. Hindi namin kayang tanggapin na dahil sa kagagawan ng Life Taker na ito ay mamamatay ang mga estudyanteng ito.

Nakarating kami sa isang silid.

Ang mga estudyante ay nasa sulok at mga humihingi ng mga tulong. Hindi naman namin sila matutulungan sa ngayon pero pwede naming wakasan ang pamamalagi dito ng Life Taker.

Kaharap namin ang Life Taker naka hood na itim at hindi makita ang mukha. Iniangat nito ang mga kamay nito at itinutok sa mga estudyante sa sulok.

"Anong gagawin mo?!" Sigaw ko dito.

"Buhay nila." Pagkasabi na pagkasabi niya ay biglang nawalan nang mga malay ang estudyanteng takot na takot. Pinatay niya ang mga ito. "Lumapit ka sa akin, sumama ka na sa akin."

"Ayoko! Kailangan mo ng manahimik!"

Nanggigigil ako! Ito na ang pinaka ayaw ko sa lahat!

Sinugod ko ang Life Taker pero agad din itong nawala. Tumingala ako at nakita ko ang Life Taker na tumagos patungo sa taas. Hanggang ngayon Life Taker, hanggang ngayon ka na lang.

Agad kaming lumabas ni Metria at tumungo sa rooftop nang paaralan.

Pagkadating namin sa rooftop ay madilim na ang paligid. Gabi na pala.

"Handa ka na bang mamatay!" Napatalikod kami sa kakakilabot na boses ng Life Taker. Sinamaan ko ito nang tingin.

"Ano bang gusto mo?!" Sigaw ko rito.

"Ikaw!" Nagkatitigan kami ni Metria sa sinabi ng Life Taker.

"Ano bang gusto mo sa akin! Hindi mo ako kailangan! At kahit kailanman hinding-hindi ako sasama sayo! Demonyo ka!" sigaw ko sa kanya at hindi na ako makapagtimpi dahil sa kanya. Kung hindi ko lang nako-kontrol ang lakas ko ngayon sigurado akong kanina ko pa ito nalusob.

Susugod na sana pero agad akong pinigilan ni Metria.

"Hindi mo ko mapipigilan! Babawiin na kita!" Susugod na ito sa amin pero hindi pa rin kami kumikilos. May kinuha si Metria at inihagis sa Life Taker ang pulang punyal. Agad nagbago ang anyo nang Life Taker at hindi na siya malahangin na lumulutang sa ere kundi naka-apak na ang mga paa nito sa lupa.

Inabot ni Metria sa akin ang sagradong kutsilyo. Sumugod agad ako habang hindi pa ito mapakali. Tumalikod ang Life Taker at dahan dahang lumayo para tumakas ang Life Taker sa amin pero naabutan ko siya at itinanggal ang nakasagabal sa mukha nito at tumatakip sa kanyang ulo. Tumalon ako at sa buong lakas na nananalaytay sa akin ay sinaksak ko sa matigas nitong bungo.

"Xana!" sigaw sa akin ni Xana at lumapit naman sa akin si Metria.

Napaluhod ang Life Taker sa nangyari. Dahan dahan kong binitawan ang sagradong kutsilyo na binaon ko sa bungo nito at parang may parte sa akin na masakit at hindi ko alam kung ano 'yon. Nang makalapit sa akin si Metria ay hinarap naman namin ang Life Taker at rumaragasa ang mga dugo nito sa kanyang bungo.

"A-anak." Tumingin ang duguan mukha ng Life Taker sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino siya dahil nagkakaroon ito ng mukha at hindi ako makapaniwala na ang nilalang na winasakan ko ay ang aking...

"Ikaw ang ama ko?!" bulong ko sa sarili ko. Laking gulat ko rin. Hindi maaari ang mga ito.

"Matagal na kitang hinahanap... pero ito ang ginawa mo sa akin... prinsesa ko... paalam..."

Naguguluhan ako! Agad din namang naging abo ang katawan ng Life Taker at napaluhod na lang din ako sa nasaksihan ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayaring ito. Anong hindi ko pa alam?

"Xana! Ligtas na tayo!" Niyakap ako ni Metria. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Umalis sa pagkakayakap sa akin si Metria. "Xana may problema ba?"

"Ang Life Taker..." ani ko...

Hindi ako makapaniwala. Ang matagal ko ng inaasam na makita ko ang taong siya palang wawakasan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top