Chapter 2

Chapter 2


NAGKAKAROON na naman ng isang tanong ang nabuo sa mga estudyante at mga school staffs sa mga nangyayari dahil sa pangyayaring ikinabigla na naman nila. Hindi nila inaasahan na magsasabay-sabay ang pangyayaring 'yon sa paaralan. Maging sa iabng silid din ay nagkaroon din ng mga sinaniban na mga estudyante. Tila bakas na bakas na sa mukha ng mga estudyante ang kaba at takot pero ang iba ay parang walang pakialam sa mga nangyayari. Hindi mo makikitaan ng kaba at taranta sa sarili. Akala hindi sila tatablan ng takot kapag nagkataon.

Dahil sa kumpulan ng mga estudyante sa hallway palabas ng pinto ng building ay may mga sabik na sabik na estudyante na ang gustong lumabas ngunit kahit anong gawin ng mga guard na pagbuksan ito at gamitan man ng susi ay walang effect. Parang ikinulong sila sa isang kulungan na wala nang paraan pa para makatakas dahil lahat sila ay kailangan mamatay.

Sa isip isip nila, bakit ba sila inaatake nito? At ano ba ang kailangan nito sa kanila? Ang mga estudyante sa paaralan ay hindi maalis sa mukha nila ang takot na nadarama. Sunod sunod na naman ang mga pangyayari, Una ang babaeng kaklase ni Xana at ang sumunod ay si Jester.

"Nagpatawag ba ang Principal ng pari?" tanong ng isang estudyante.

"Bakit naman kailangan ng pari?" takang tanong pa ng isang estudyante.

"Kahit hindi kailangan, wala ng balak pumunta ng mga pari dito sa school natin! Ano ba kayo! Kilabutan naman kayo!" aniya pa ng isang estudyante.

Nangamba ang ibang estudyante sa sagot nito. Ilang beses na rin nangyari na may pumuntang pari sa paaralan at hindi pa nagtatagal at hindi pa nakakapasok sa mismong pintuan ng paaralan ay umaatras agad ito. Hindi kinakaya ng mga pari ang kalakasan ng masamang nilalang na iyon. Patunay na lamang 'yun na hindi kaya labanan ang ganung klaseng nilalang.

Sa kabilang banda kung nasaan ang magkaibigan na inatake ng isang nilalang na hindi nila maiwari. Si Jester na nawalan ng malay ay nakahiga sa isang kama sa clinic katabi naman nito ang kaibigang si Xana. Ubod ng katahimikan ang clinic na ito kung saan silang dalawa lang din naman ang nasa loob. Walang tumulong kay Xana na dalhin si Jester doon dahil ang ibang tao ay sabik na sabik nang makauwi at makalabas mula sa paaralang ito.

Biglang bumukas ng malakas ang pintuan sa clinic na ikinabigla ni Xana na gayong tulala sa bintana ng clinic. Napatayo bigla si Xana sa kinauupuan niya at bakas ang kaba sa mukha dahil ang alam niya walang tao sa paligid ng clinic ng kaninang pumunta sila. Napatingin agad ito sa pintuan ng clinic. Sa pagkatingin niya dito walang nakatayo o mismong taong makikita ni anino man lang, hindi naman pu-pwede na isang malakas na hangin ang magpapabukas ng isang kahoy na pinto? Imposible. Napaatras si Xana hangga't mabangga niya ang isang lamesa at hinawakan ito. May nakapa siyang isang kutsilyo at nang makita niya ito, kinuha niya agad ito at inihanda kung sino man ang susugod sa kanya.

Muling lumapit si Xana ng dahan dahan palapit si Xana sa pintuan na hawak hawak sa kamay ang naturang kutsilyo. Mahahalata mo kay Xana ang kabog ng kaba sa kanyang dibdib nito pero kailangan niyang maging matapang at 'wag magpadala sa takot dahil 'yon ang magpapahamak sa kanya. Maririnig mo rin mistula ang mga yabag ng taong papalapit dito. Inihanda niya ang kutsilyo. Palapit siya ng palapit hanggat sa makita niya kung sino 'yon.

"Teka lang!!!" mabilis na napailag ang guro nina Xana at Jester. Nalaglag mula sa kamay ni Xana ang kutsilyo na hawak niya at kumawala sa dibdib niya ang kabang dinadala pero hindi pa rin pala doon natapos ang kakaibang nararamdaman ni Xana dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa kanyang guro. "Ano bang ginagawa niyo dito?" tanong ng guro.

"Nawalan po ng malay si Jester." Sagot na lamang ni Xana. "Pasensya na rin po, hindi ko po sinasadya 'yon. Akala ko pa kasi... akala ko..."

"Hindi ako masamang tao okay, Xana? Sige na, gisingin mo na 'yang kaibigan mo." Utos naman ng kanyang guro at hindi na ginawang big deal ang muntik na pagsaksak sa kanya ni Xana. Malay ba ni Xana na kanyang guro pala ang darating. Naging handa lang siya sa panganib na kung ano mang dumating sa kanya.

"Ah-aray!" Napansin ng dalawa si Jester na bumabangon na sa pagkakahiga. Minulat ni Jester ang kanyang mga mata at tumingin sa panig ng dalawa. Nanlaki ang mga mata nito na parang may nakita hinding hindi niya magugustuhan. "Xana, Wag kang gagalaw." Mahinahong sabi nito sa babae. Edi walang nagawa si Xana kundi kumunot ang kanyang mga noo.

Hindi malaman ni Xana ang nasa isip ng lalaki kung bakit inuutusan siyang h'wag gumalaw. Dahil sa paningin ni Jester. Hindi lang silang tatlo ang nasa loob ng kwarto kundi.

Labing lima silang nasa silid na 'yon.

Isa na doon ang itim na dwende sa likod ng propesor. Isama mo pa ang ibang nilalang na nakatitig kay Xana at may gustong kunin kay Xana.

Wala namang kakayahan na makakita ng mga ganitong nilalang si Jester pero dahil sa isang pangyayari. Pwedeng may bumago sa kanya at maging isang kampon ng demonyo. Hindi natin alam dahil hindi naman normal kay Jester ang makakita ng mga nilalang na gano'n.

Napatigil na lamang si Xana sa sinabi ni Jester. Tumayo si Jester at dahan dahan itong Lumapit kay Xana. Kitang kita ni Jester ang Itim na dwende sa likod ng propesor na piliy na inaabot ang buhok ni Xana. Masasama ang mga itim na dwende. H'wag na huwag mo silang gagalitan tiyak na ikay papatayin nila.

"Propesor, kung hindi niyo po mamasamain. Lumabas na po kayo." Sabi nito sa kanyang guro. Takot na takot na din ang guro sa nangyayari dahil din sa mga namumulang mata at nakakatig ang mga ito maging sa kanya. Hindi naiintindihan ng mga nilalang na iyon ang mga sinasabi ng mortal pero sa isip ng mga masasamang nilalang ay gusto na nitong patayin ang mortal at isunod gaya ng ibang estudyante.

"B-bakit? Ano bang meron?" Takot at nanginginig na sabi ng guro. Dahil ang guro na ito, muntik na ring mamatay.

"Umalis na po kayo." Mahinahong tugon ni Jester dahil kung hindi may posibilidad na muli siyang atakihin ng mga nilalang na 'yon pati na rin si Xana.

Sa sinabi ng lalaki umalis din naman agad ang guro. Nawala ang kaba sa pagitan ng lalaki at babae. Nakahinga na nang maluwag ang lalaki pero hindi pa rin siya mapakali habang nasa loob sila ng clinic. Dahil sa clinic marami ring kababalaghan ang nangyayari, isa na doon ang nangyari kamakailan na meron daw nag suicide na estudyanteng babae, dahilan ay sa sobrang takot. Isa lang ang suspetsya ng iba. Sa takot na nadarama nang bawat estudyante ay doon may lakas at pagkakataon silang patayin ang mga mortal.

Niyaya ni Jester na lumabas na muna sila ng clinic dahil sa ibang kabang nadarama niya. Habang naglalakad sila sa hallway ng paaralan. Panandalian gumaan ang pakiramadam ni Jester.

"May nakita ka ba kanina sa teacher natin?" Takang tanong ni Xana.

"Itim na dwende." Diretsyo nitong sagot. Hindi makapaniwala si Xana na nakakita si Jester ng dwende at itim pa ito.

"Sigurado ka ba? Baka namamalikmata ka na?" Pagtatanong ni Xana na agad naman umiling si Jester. "Wala ka namang third eye, diba?" taka pang tanong ni Xana habang hinahawakan ang noo ng kaibigan.

"Hindi ako nagbibiro Xana. Totoo ang nakita ko, kaya hindi kita pinagalaw sa kinatatayuan mo dahil baka sa oras na gumalaw ka aatakihin ka nito. Isa lang ang pwedeng mangyari sa iyo, Xana. Ikamatay mo pa ito." Pag papaliwanag ni Jester sa babae. Doon na lamang natakot at nangamba si Xana.

"Kung ganun, inatake ka rin ba kanina?" Hindi mo makikita kay Xana ang gaan ng pakiramdam dahil sa loob loob nito ay takot na takot pero iniisip na lamang niya na imposible ang lahat.

"Oo isang matandang babae. Bigla niya akong inatake pero hindi niya nagawang agawin ang buhay ko. Hinding hindi nila magagawa iyon." Nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Jester at bigla itong tumitig nang masama kay Xana. Pinangalibutan si Xana sa titig na ito kaya hindi niya na lang ito pinansin at naglakad na lang.

'May hindi ako gusto sa kinikilos ni Jester.' Muni ni Xana sa isip nito. Hindi siya makapampante sa kinikilos nito. Pero wala namang nagbago, ang tingin nito parang hindi siya.

Bumalik ang dalawa sa mga etsudyanteng nagkukumpulan kasama na ang mga school staffs. Wala na rin naman ang tensyon na nangyari kanina.. Nagtataka ang karamihan dahil sunod sunod na naman ang mga pangyayari sa paaralan nila at sa huli ng mabuksan ang pinto dahil sinira ang seradura ay tuluyang bumukas ang pinto.

"Ayoko na dito!" Isang estudyante ang umagaw nang atensyon ng lahat. Kinuha na niya ang mga gamit niya at bag at nagmamadaling umalis. "Ayoko na dito sa paaralang ito!"

Tumakbo ang estudyante palabas ng pintuan. Isa lang ang magiging ibigsabin nito. Sinundan ng ibang estudyante ang babae para pigilan ito sa gagawin niya. Sumunod din sina Jester at Xana sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya.

"H'wag muna kayong lalabas ng pinto!" Sigaw ni Jester. Hindi sila nilingon ng babae kundi nagpatuloy lang siya sa paglabas ng pinto.

"MALAYA NA AKO!" Sigaw ng estudyante na makalabas siya ng pinto. May gusto rin sanang sumunod at lumabas din pero pinigilan at hinarangan ito ni Jester at Xana.

"Wag kayong lalabas, hintayin nating kung anong susunod na mangyayari." Babala ni Jester.

Tumakbo ang babae habang tumatawa ng malakas. Bago pa man siya makatawid. Isang humaharurot na sasakyan ang bumundol sa kanya.

Isang estudyante na naman ang binawian ng buhay. Natakot ang mga estudyante at nagtakbuhan nanatili pa ng ilang oras bago lumabas ng pinto. Hindi umalis si Xana at Jester. Nanlaki ang mga mata nila ng makita ang matandang babae sa tabi ng babaeng duguan ang buong katawan.

Tinignan ni Xana ang katabi at nagulat na lamang ito na nakahiga na sa sahig at walang malay ang kaibigan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top