Chapter 15

Chapter 15


XANA

NAHIHILO ako pero ramdam ko na sobrang lakas ko at ang katawan ko na nagtataglay ng ibang kalakasan. Hindi ko makontrol ang bawat kilos, tila nadadala na lang ako ng bawat lakas na gumagawa nito dahilan para patuloy ang pagsugod ko sa Life Taker na 'yon. Mayamaya lang din naman ay may lumabas na itim na usok sa tabi niya at tuluyan silang dalawa na nawala.

Umalingawngaw sa paligid ang sigaw ng Life Taker sa akin, "Hindi pa tayo tapos! Babalikan kita at kukunin na kita!" sa bawat na alingawngaw na pumapasok sa isipan kong iyon ay nararamdam ko na halos ang katawan ko. Tula ang mga lakas na kaninang tinataglay ko ay unti-unti nang nawawala sa akin.

Umihip ng hangin kasabay noon ang pagbagsak ko sa lupa. Ramdam ko ang katawan ko na hinang-hina na, kanina hindi ko lubos na makontrol ang katawan pero ngayon nagagagawa ko na. Ano bang nangyayari sa akin? Medyo umiikot pa rin ang pakiramdam ko, hindi kinaya ng katawan ko ang lakas na lumabas sa akin. Anong enerhiya ba ang pumapasok sa katawan ko at pagkatapos no'n ay nanghihina naman ako.

Pilit kong ginagalaw ang mga kamay at paa ko upang makatayo ako dahil sa sobrang hina ko na nagamit na ang lakas ko kahit sa pisikal kong katawan, hindi ko lubos maigalaw. Sobrang pagod ang pakiramdam ko.

"Halika, tulungan na." napatingala naman ako sa babaeng nagsalita sa harapan ko. Una kong nakita ang mga mapuputing paa nito at nang mabaling naman ang mata ko sa mukha niya ay nagulat ako dahil iyon agad ang magiging reaksyon mo kung makita mo man siya. Wala siyang mukha pero paano niya ako nakikita? Paano niya nalaman na nandito ako?

Nakakapagtaka. Iba talaga ang dimensyong ito, alam kong malayo pa ito sa Dark World pero ibang-iba pa rin dahil nasa dimensyon ka nila.

Dahil hindi ko naman kayang tumayo ay gumapang ako palayo sa kanya, nakakatakot siya dahil mistulang parang sa pawis niya ay mga dugo na nagtutuluan naman sa lupa. "'Wag mo akong lalapitan." Babala ko sa kanya at patuloy lang din ako sa paglayo sa kanya.

Kung sa normal na mundo pa nga lang, kakainin na ako ng takot ko pero paano pa dito diba?

"Hindi ako nananakit, hindi ako masamang tao. Pinagmalupitan lang din ako, 'wag kang mag-alala, hinding-hindi ko kayang gumawa no'n sa katulad mong inosente." At dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin pero ako ito na patuloy pa rin ang paglayo sa kanya. "Kung gusto mo tulungan pa kita na makilala ang Life Taker na 'yon at gumanti?" Aniya. Mayamaya lamang ay may lumilitaw ng mata, ilong, kilay, bibig na siya ngayon ay meron ng mukha.

Napakunot-noo naman ako bigla dahil ang mukha na nagpakita sa akin ngayon ay ang namayapa kong guro na noo'y walang ebidensya sa kanyang pagkamatay. Bago pa man ang suspensyon noong nangyari iyon at wala ng naging balita tungkol sa kanya.

"Hindi mo kailangang matakot sakin Xana, gaya ko gusto ko rin maghiganti ngunit wala akong lakas para talunin ito. Yumuko naman ito at muling tumingala at muli ko na namang ikinabigla dahil sa pagbabago muli ng kanyang mukha. "Tulungan mo ko! Tulungan mo ko!" pagmamakaawa ng sabi ng babae sa kanyang anyo ng mukha ngunit ilang saglit lamang ay naglaho na ang mukha nito at bumalik sa pagkakablanko.

"'Yan ang mga taong pinatay ng Life Taker—mga naging biktima niya para lang hanapin ang nag-iisa niyang anak." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Ngayon humihingi sila ng tulong sayo, give them justice, Xana. All you had to do is to kill the Life Taker." Aniya. "At kung mapagtatagumpayan niyo man iyon, maaaring bumalik sa normal ang lahat pati ang buhay mo, Xana." May lumabas na labi sa kanyang mukha at gumawa iyon ng kurba at nginitian ako saka naman nawala muli. Hindi ko alama kung anong magiging desisyon ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at stress na nangyayari sa akin ngayon. Hindi rin ako makapaniwala na may kinakausap akong ganitong nilalang.

Pero dahil gusto kong tumulong, nilakasan ko na ang loob ko, "kung gano'n, anong mga maari kong gawin para matigil na ang Life Taker sa pagpatay niya sa mag inosenteng tao." Tanong ko sa kanya.

Tumayo naman siya at ako ay nanatiling nakaupo sa kanya. Nahirapan akong tingalain siya kaya pinilit ko namang tumayo kahit hindi pa gaanong bumabalik ang pisikal kong lakas ng katawan. Mahina pa ako. Masyadong mabilis din ang mga pangyayari kanina. Kung may anong kumukontrol sa katawan ko na mismo sa akin nanggagaling pero hindi ko alam kung bakit.

Nang makatayo naman ako ay magkaharap na kaming dalawa. Mahaba na maiitim ang kanyang buhok at ngayon ko lang din napagtanto na nasa iisang paaralan lang kami nag-aaral. Base sa kanyang uniporme ay katulad lamang ito ng akin dahil imposible naman na magkaroon ng copycat ang uniform namin.

"Kung matanong lang, sa impyernong paaralan ka rin ba nag-aaral kung saan doon ako nag-aaral?" tanong ko sa kanya. Tinalikuran niya ako at napayuko na lang din naman siya.

"Tama ka, isa rin ako sa mga naging biktima ng Life Taker na iyon." Malamig na tugon nito sa akin at bakas sa tono ng kanyang boses ay ang pangangarag nito. "Uwian noong mga panahon na 'yon at gabi na rin ng mga oras na 'yon. Kasama ko ang mga kaibigan kong babae palabas ng paaralan nang bigla na lang kaming harangin ng isang nialalang na hindi naman namin maiwari kung ano iyon. Lima kami noon, at isa-isa nitong pinagpapatay ang mga kaibigan ko at ako ang hinulo nito." Huminto siya sa pagsasalita. "tumakbo ako hanggat maaari para lamang takas an siya pero paano ako makakatakas kung nasa paaralan lang din ang tatakbuhan ko. Hindi ako ligtas kung magtatago pa rin ako." Aniya.

Nawala na naman 'yong kaba at takot sa dibdib ko dahil ngayon ang nararamdaman ko ay awa at kasuklam-suklam na hindi mo mapaliwanag dahil diyan sa Life Taker na 'yan. Walang awa. "Anong ginawa niya sayo?" tanong ko sa kanya.

"Bago pa man ako mahanap ng Life Taker ay nahanap ako ng mga dwende na sila namang ginamitan ako ng kanilang black magic. Dahil gabi 'yon at mas malakas ang kapangyarihan nila at wala akong laban hanggat sa sinira nila ang mukha ko at binura nila ito." At bigla namang humarap sa akin ang babaeng ito na duguan ang mukha at kung ano-anong tumubo sa kanyang mukha, napa-atras naman ako ng bahagya dahil nandiri ako sa kanya. Duguan siya at hindi ko akalain na malupit pala talaga gumawa ang Life Taker ng ganito. At ilang saglit lamang ay nawala muli ang mukha nitong duguan kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Ano bang ginawa mo sa Life Taker?" namumuo kasi ang pagigng kuryuso ko at ayokong tumayo na lang dito ng wala ring ginagawa.

"Wala... wala... wala..." iiling-iling nitong tugon sa akin. "Hindi niya ako nahanap noong mga oras na iyon pero nakita ko ito ng may binabawiang buhay mula sa estudyante rin at pinagtutusok-tusok nito ang katawan nito hangga't sa magbutas-butas ang mga ito." Nang sabihin naman niya iyon ay naalala ko ang babaeng nakita namin ni Jester sa hallway ng paaralan na noong hinawakan ko ay nahawa ako sa mga butas niya. "At pagkatapos niyon, nakita na niya ako, saka walang awing binawian ng buhay at dinala dito sa dimensyong ito." Buntong hininga pa nito.

"Ano bang gusto ng Life Taker?"

"Ang anak niya."

"Ano?" taka kong tanong sa kanya. May anak ang Life Taker na 'yon? "P-paano naman nangyari 'yon?"

"H-hindi ko alam pero iyon ang naging pakay niya sa paaralan na iyon para hanapin ang nawawala niyang anak na dugong tao rin." Aniya.

"Pero bakit kailangan niya pang pumatay ng mga tao, ng mga inosenteng estudyante?!"

"Kasi doon niya nasisigurado kung anak na niya ba ito at kapag pinatay niya naman ito madadala na niya ang kanyang anak sa mundo niya." Aniya.

Alam kong marami na akong impormasyon na nakukuha sa kanya pero hindi pa sapat ang lahat ng iyon.

"At may isa pa, ang Mother Taker ng Life Taker na nasa paaralan lang din natin na pakalat-kalat. Matandang babae na iyon at matagal na siyang naninirahan doon at kung mawawakasan niyo iyon ay may parte sa Life Taker ang mawawala."

Sino ba ang matandang babae na iyon? Parang nakita ko na rin iyon ngunit hindi ko lang masigurado kung siya na nga ba iyon.

"Paano naman namin siya mawawakasan?"

"Patayin mo ang Mother Taker sa dimensyong iyon gamit ang pulang punyal."

Pulang punyal?

Saan ko naman hahagilapin 'yon?

"May kilala ako na makakatulong sayo."

"Sino?" mabilis kong tugon sa kanya. Nagsimula naman siyang maglakad palayo sa akin pero dahan dahan ko pa rin siyang sinusundan.

"Si Metria."

Napahinto ako nang sabihin niya ang pangalang iyon. Hihingi na naman ba ako nang tulong mula kay Metria? Hindi ko kailangan ng tulong niya, kailangan gumawa ako nang paraan na ako lang ang makakalutas. Ayokong humingi ng tulong mula kay Metria. Hindi ko rin alam kung anong pakay niya sa akin kung bakit niya ako tinutulungan. Pero paano ang pulang punyal na sinasabi niya sa akin, natatandaan ko na si Metria lamang ang mayroon no'n.

Binalik ko ulit ang tingin ko sa babaeng kasama ko. Malayo na siya kaya hinabol ko. "Teka lang! Hindi naman natin kailangan ng tulong ni Metria, kaya ko ang sarili ko." sigaw ko pa sa kanya.

Humarap siya sa akin. At may tinuro siyang puting maliwanag na portal, napalingon ako doon. "Pumasok ka doon at ibabalik ka na sa normal mong mundo."

"Teka, hindi ka ba sasama?" tanong ko pa sa kanya.

Inilingan naman ako nito, "para saan pa? Matagal na akong patay, Xana. Sige na, mag-iingat ka. Pakikamusta na rin ako kay Metria."

At tinanguan ko naman ito. "Salamat."

Dali dali akong tumakbo sa portal na 'yon. Bumalik na rin naman kasi ang lakas ng katawan ko. Nang makalapit ako sa portal ay dahan dahan kong ipinasok ang katawan ko na mabilis namang hinigop.

'Kaya kong lumaban mag-isa ng hindi humihingi ng tulong kahit kanino.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top